Friday , March 24 2023

Uzi, Granada hindi sa namatay na 10 inmates? (Sa Parañaque City Jail)

MAY duda ang isa sa mga opisyal ng Bureau of Jail Management Penology (BJMP), imposibleng pag-aari ng namatay na inmates ang Uzi at granadang natagpuan sa loob ng opisina ng warden ng Parañaque City Jail na sumabog nitong Huwebes ng gabi.

Tumangging magpabanggit ng pangalan ang opisyal at ayon sa kanya SOP na bago iharap sa warden ang preso kinakapkapan muna  at mahirap maitago ang Uzi maging ang granada .

Aniya sa tagal niya sa serbisyo sobrang higpit ang ginagawa nilang pagkapkap sa mga preso maging ang mga dumadalaw sa bilangguan.

Hindi aniya kapani-paniwala na galing sa mga preso ang mga armas.

Sinasabing umaga pa lamang ng Agosto 11 ay wala na sa tanggapan si Supt. Gerald Q.  Bantag dahil sa ika-25 anibersaryo ng BJMP sa Amoranto sa Quezon City.

Ngunit bandang 5:00 pm umalis si Bantag sa ginanap na anibersaryo at bumalik sa kanyang tanggapan.

Nang mabatid ng 10 presong namatay na nasa tanggapan na si Bantag, pinakiusapan nila si SJO1 Ricardo Zulueta, na kung maaari na nilang makausap para humingi ng audience kaugnay sa gagawing paglilipat sa kanila.

Agad na nagsadya si SJO1 Zulueta kay warden upang ipaalam dito kung maaari na siyang kausapin na pinahintulutan naman ng warden.

Sa ikaapat na palapag ng bilangguan nakakulong ang 10 inmates na ineskortan ni SJO1 Zulueta dakong 7:45 pm.

Napag-alaman na sina SJ01 Zulueta at isang nagngangalang JO2 Pascua ang close-in security  ng warden na naroon din sa loob ng  opisina.

Nang madala na ang 10 preso sa tanggapan ng warden nagtungo ang warden sa comfort room sa loob lamang ng opisina at dito na nakarinig ng  komosyon  mula sa loob.

Hanggang nakarinig nang sunod-sunod na putok ng baril at kasunod ang isang malakas na pagsabog.

Pagkaraan ay nakita ang namatay na walong preso habang ang dalawa ay naisugod pa sa Ospital ng Parañaque ngunit binawian din ng buhay.

Ayon sa source, bago naganap ang insidente, may mga tauhan ng PDEA ang nagtungo sa naturang piitan na para i-turn-over ang dalawang inmates, na pawang  Chinese nationals.

Inaalam kung ang dalawang Chinese national na dala ng mga tauhan ng PDEA ay kabilang sa mga namatay na inmates.

Sampung jailguard ang sumailalim sa paraffin test ng BJMP na nakatalaga sa Parañaque City Jail kabilang ang warden na si Bantag.

Ngunit ang dalawang jail guard  na naka-duty nang nangyari ang pagsabog ay tumangging magpa-paraffin test at hindi na binanggit ang mga pangalan nila.  Sumailalim na rin sa autopsy ang sampung namatay na inmates sa pagsabog.

Samantala, iniutos kahapon ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez ang paggiba sa informal settlers sa paligid ng city jail makaraan malaman na dito nanggagaling ang mga kontrabando tulad ng droga na naipapasok sa loob ng kulungan.

( JAJA GARCIA )

About Jaja Garcia

Check Also

iSCENE 2023 PAPI DOST

Are you ready for the biggest and the smartest 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 this year?

Join us on March 23-25, 2023, in the first ever 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗦𝗺𝗮𝗿𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 …

Mr Freeze Gerry Santos Ivy Ataya Joyce Selga

Mr Freeze BFF ng mga sikat sa showbiz

NAALIW kami kay Mr Gerry Santos aka Mr Freeze sa mediacon ng kanyang Negosyo Goals show sa AllTV na napapanood tuwing Linggo, 11:30 a.m.. Matatawag …

electricity meralco

Karapatan ng consumer mangingibabaw kontra prangkisa

IGINIIT ni Puwersa ng Bayaning Atleta partylist Rep. Margarita Nograles, ang kapakanan ng mga residente …

Bulacan Police PNP

Kampanya kontra krimen sa Bulacan
11 tulak, 2 wanted, 2 sugarol timbog

SUNOD-SUNOD na pinagdadampot ang 11 hinihinalang drug dealer, siyam na pinaghahanap ng batas, at dalawang …

Derek Ramsay Mr Freeze Gerry Santos

Mr Freeze pinatunayang ayaw na ni Derek sa showbiz: Enjoy siya sa pagiging family man

KINOMPIRMA ng kaibigan ni Derek Ramsay na si Mr Freeze Gerry Santos na ayaw na talaga ng aktor ang …

Leave a Reply