2 patay sa anti-drug ops sa Navotas

PATAY ang dalawang pinaniniwalang tulak ng ipinagbabawal na droga makaraan makipagbarilan sa mga awtoridad sa anti-drug ope-rations sa Navotas City kamakalawa ng gabi.

Ayons sa ulat, dakong 7:30 pm nang magsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 4 sa Ilang-I-lang St., Brgy. North Bay Blvd. South (NBBS) ng nasabing lungsod laban sa suspek na si Luridan Raymundo alyas Buboy, 36, ng 17 Ilang-Ilang St., Brgy. NBBS.

Ngunit nakatunog ang suspek na ang kanyang katransaksiyon ay pulis kaya pumalag ngunit na-patay ng mga awtoridad.

Samantala, isa rin hinihinalang drug pusher ang namatay makaraan tangkaing barilin ang mga pulis sa anti-drug operation sa 220 Block 8, Market 3, Fish Port Complex, Brgy. North Bay Blvd. North (NBBN).

Kinilala ang suspek sa alyas na Joel sa nabanggit na lugar.

( ROMMEL SALES )