Wednesday , June 24 2026

Presyo ng shabu tumaas, supply tumumal — Palasyo

TUMAAS ang presyo ng shabu at naging matumal ang supply sa merkado dahil epektibo ang kampanya ng administrasyong Duterte laban sa illegal drugs.

Ito ang tugon ni  Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo sa pahayag ng Amnesty International (AI) na ang “shoot to kill order” at shame campaign ni Pangulong Duterte kaugnay sa illegal drugs ay hindi lang paglabag sa pundamental na karapatan at imbes maibalik ang peace and order ay lalong lumala ang paglabag sa batas.

“It’s succeeding, why the moment he mention these names, the drug operations stop suddenly, cost of shabu skyrocket. Hirap na hirap na sila, natakot na,” ani Panelo kaugnay sa kritisismo ng AI sa administrasyong Duterte.

Sa kalatas na inilabas kahapon, binigyang-diin ng US Embassy na ang inilaang $32 milyon ng Amerika sa Filipinas nang bumisita si Secretary of State John Kerry ay hindi bagong pondo bagkus ay dati na at ngayon lang naipatupad na security assistance.

Anila, lahat ng security assistance ng Amerika ay ayuda sa pagsusulong ng paggalang sa karapatang pantao, propesyonalismo, due process at rule of law.

“Our partnership with the Philippines is based on a shared respect for rule of law, and we will continue to emphasize the importance of this fundamental democratic principle. The United States strongly believes in the rule of law, due process, and respect for universal human rights, and that these principles promote long-term security,” ayon sa US Embassy statement.

Nababahala aniya ang Amerika sa mga ulat hinggil sa extrajudicial killings  ng mga  sangkot sa illegal drugs sa bansa kaya hinihikayat ang Filipinas na tiyakin na ang pagpapatupad ng batas ay alinsunod sa mga obligasyon sa karapatang pantao.

“Our bilateral relationship with the Philippines is broad-ranging from law enforcement to trade and development cooperation, and counts on vibrant and undeniably strong people-to-people and societal ties. The U.S.-Philippine relationship, one of our most important in the Asia Pacific, has withstood the test of time,” sabi ng Embahada.

( ROSE NOVENARIO )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Nartatez PNP

2 pulis timbog sa rape at pambubugbog ng misis

INARESTO ang dalawang aktibong pulis na may magkahiwalay na kaso ng rape at domestic violence …

Tacloban School Gun Shooting

Sa insidente ng pamamaril sa Tacloban
3 ESTUDYANTE NAPASLANG 20 PA NASAKTAN, SUGATAN
40 basyo ng bala nakuha sa crime scene

HATAW News Team TATLONG kabataang estudyante ang napaslang habang umakyat na sa 20 ang iniulat …

Amenah Pangandaman DBM Money

PH No.1 sa budget transparency – IBS

NAPANATILI ng Filipinas ang pagiging numero uno pagdating sa budget transparency  sa buong Southeast Asia, …

Janeena Chan David Licauco Fabio Ide, Ellen Frojd Teejay Marquez BlueWater Day Spa

Janeena Chan iwas na sa puyat at sobrang trabaho simula nang magka-Bell’s Palsy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAS pinahahalagahan na ngayon ni Janeena Chan ang sarili at kalusugan kaysa trabaho. …

san juan city

Wattah Wattah Festival ng San Juan kasado na

KASADO na ang San Juan City local government unit (LGU) sa lahat ng aktibidad para …