Friday , November 15 2024

Masonry Layout

Prison guard ng PDEA-Bicol arestado sa droga

LEGAZPI CITY – Hinihintay na lamang ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bicol ang resulta ng imbestigasyon ng PNP makaraan maaresto ang isa sa kanilang prison guard na nahulihan ng baril at droga sa Albay. Ayon kay PDEA Deputy Regional Dir. Rayford Yap, nakakulong na ang kanilang kasama na si George Barizo kasama ang tatlong iba pa nang maaktohan sa bahay …

Read More »

Mister nag-suicide sa harap ni misis

NAGA CITY – Patay ang isang lalaki makaraan magbaril sa sarili sa harap ng kanyang misis sa Brgy. Sta. Justina, Buhi, Camarines Sur kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Yunel Añes, 31-anyos. Nabatid na pinuntahan ng biktima ang kanyang asawang si Sarah Jane Añes, 28, sa bahay ng magulang at kinompronta tungkol sa kanilang problema. Makaraan ang sandaling pag-uusap ng mag-asawa, …

Read More »

SSS pension hike aprub sa Palasyo

BUKAS ang Malacañang sa panukalang dagdagan ng P2,000 ang tinatanggap na pensyon ng Social Security System (SSS) members sa bansa. Ginawa ni Communications Sec. Sonny Coloma ang pahayag makaraan lumusot sa Kamara ang panukalang batas na isinulong ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares. Sinabi ni Coloma, isa sa mga mahalagang layunin na itinataguyod ng pamahalaan ay pangalagaan ang kapakanan ng …

Read More »

Anti-Bullying Act  dapat din ipatupad vs teachers — Solon

  HINDI lamang mga kapwa estudyante na bully ang dapat sakupin ng batas kontra bullying kundi maging mga guro na namamahiya o nananakit ng kanyang mga mag-aaral, pahayag kahapon ni Senador Sonny Angara.  Dahil dito, isang panukalang batas ang isinusulong ng senador sa Mataas na Kapulungan na aamyenda sa RA 10627 o Anti-Bullying Act of 2013. “Nagsisilbing pangalawang magulang ng …

Read More »

Inspeksyon sa mga negosyo sa Caloocan pinaigting

TATLUMPONG (30) composite inspectors ang binuo ng pamunuan ng lungsod ng Caloocan sa pakikipagtulungan sa mga national agencies upang mapabilis ang pagsasagawa ng inspeksyon ng mga negosyo/establisyemento sa nasabing lungsod. Nagsimula na kahapon June 9, 2015 ang masusing inspeksyon sa pakikipagtulungan ng Bureau of Fire Protection (BFP), Department of Labor and Employment (DOLE), Philippine National Police (PNP) at Caloocan City’s …

Read More »

AFAD sa gun owners: Mag-apply ng LTOPF

MULING umapela ang mga opisyal ng Association of Firearms and Ammunition Dealers of the Philippines, Inc. (AFAD) sa mga may-ari ng mga lisensiyadong baril na iseguro ang kanilang License to Own and Possess Firearms (LTOPF).  Inisyu ni Joy Gutierrez-Jose, ang pangulo ng AFAD, sa apela na ang firearms dealers sa bansa ay naki-kipag-ugnayan sa Philippine National Police (PNP) upang patuloy …

Read More »

Graft vs DepEd Mindanao off’l

INIREKOMENDA ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales ang kasong graft laban kay Mindanao Department of Education regional director Walter Albos dahil sa maanomalyang pagbili ng computers noong 2008. Lumabas sa record ng Commission on Audit (COA), walang public bidding na isinagawa sa pagbili ng information technology equipment at software na nagkakahalaga ng P2,998,100. Gayonman inalis na ng COA ang suspensiyon kay Albos …

Read More »

Kelot naglaslas bago tumalon sa Pasig River

NAGLASLAS muna sa kaliwang pulso bago tumalon sa Pasig river ang isang hindi nakikilalang lalaki kamakalawa ng gabi sa Del Pan bridge, Binondo, Maynila. Inilarawan ni PO3 William Toledo ng Manila Police District-Homicide section, ang biktima nasa edad 25-30, may taas 5’0 hangang 5’2, katamtaman ang pangangatawan, nakasuot ng pu-ting sando at maong pants. Ayon sa ulat, huling nakita ang biktimang nakatayo …

Read More »

Ping pumalag sa paglaya ng kidnaper (Naudlot na hustisya para sa biktima)

MARIING pinalagan ni dating Senador Panfilo “Ping” Lacson ang panukalang pagpapalaya sa isang kidnaper na nahatulan ng habambuhay na pagkakakulong sa kasong kidnap-for-ransom ng dalawang Ateneo de Manila students noong 1994. “I’m concerned that granting him executive clemency for that crime may send a wrong signal to the victims who, I was told, remain traumatized by the incident,” ani Lacson. …

Read More »

Mison et al iimbestigahan sa Wang Bo bribe scandal

IIMBESTIGAHAN ang lahat ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) kabilang ang pinuno nilang si Siegfred Mison kaugnay sa alegasyong payola upang maipatigil ang deportasyon sa puganteng Chinese sa kanyang bansa bunsod ng $100 milyong kaso ng embezzlement, pahayag ni Justice Secretary Leila de Lima. “All of the officials of BI whether part of the Board of Commissioners or …

Read More »

Hirit sa Ombudsman suhulan isyu sa BBL busisiin

HINILING ni Bayan Muna party-list Rep. Neri Colmenares ang independent investigation ng Ombudsman sa sinasabing alegasyon na panunuhol sa mga kongresista kapalit ng botong pabor sa Bangsamoro Basic Law (BBL) o Basic Law for the Bangsamoro Autonomous Region (BLBAR) gamit ang salapi mula sa Chinese syndicate leader na si Wang Bo. Sinabi ni Colmenares, ang Office of the Ombudsman ang …

Read More »

Brgy. secretary nahulog sa trike nakaladkad ng van

TUGUEGARAO CITY, Cagayan – Patay ang isang barangay secretary makaraan mahulog sa sinasakyang tricycle at makaladkad ng pampasaherong van sa Brgy. Estefania sa bayan ng Amulung, Cagayan kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Rowin Baribad, 34, sekretarya ng Brgy. Abolo sa bayang nabanggit, habang ang driver ng van ay kinilalang Richard Villon, 35, may asawa, at residente ng Ugac Norte, Tuguegarao …

Read More »

 ‘Joker’ inutas sa b-day party (Bisita ‘di natawa)

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ang isang lalaki ng kainoman nang mainis sa pagpa-patawa ng biktima sa dinaluhang birthday party sa Bulakan, Bulacan kahapon ng madaling-araw. Kinilala ang biktimang si Augusto Remular, 57, residente ng Brgy. Panginay, Guiguinto, Bulacan, namatay habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan sanhi nang matinding tama ng saksak sa katawan.  Habang agad naaresto ng pulisya ang suspek na …

Read More »

TODA prexy utas sa tandem killers

PATAY ang presidente ng asosasyon ng mga tricycle driver nang barilin ng riding in tandem makaraan tumanggi ang biktima na ibigay ang kanyang motorsiklo sa mga suspek kamakalawa ng gabi sa Makati City. Nalagutan ng hininga habang ginagamot sa Saint Claire Hospital ang biktimang si Rudy Garino, 53, nakatira sa Dayap St., Brgy. Palanan ng naturang lungsod. Nagsasagawa ng follow-up operation ang pulisya …

Read More »

Ex-Koronadal mayor 8 taon kulong sa graft

  KORONADAL CITY – Anim na taon at isang buwan hanggang walong taon pagkabilanggo ang hatol laban kay dating Koronadal City Mayor Fernando Miguel makaraan mapatunayang guilty sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act. Ang naturang kaso ay kaugnay sa transaksyon na ipinasok ng city local government na kinabibilangan ng real property para sa lokasyon ng bagong city hall …

Read More »

Tomboy binugbog ng ex-GF (Paghihiwalay ‘di matanggap)

GENERAL SANTOS CITY – Bugbog-sarado ang isang tomboy makaraan hiwalayan ang kanyang girlfriend. Sa impormasyong nakalap, nagpa-blotter sa Pendatun PNP si Rosemae Dupalco, 22, isang security guard, ng Brgy. San Jose sa lungsod ng Heneral Santos, upang ireklamo ang ex-girlfriend na si Jennifer Galledo, 23. Nangyari ang insidente habang nasa kanyang duty ang biktima sa Osmeña St., Brgy. South, GenSan. Dumating …

Read More »

Roxas, Baldoz kinasuhan sa Kentex fire

NAGHAIN ng reklamong administratibo at kriminal ang ilan sa mga biktima at kaanak ng mga namatay sa sunog sa Kentex Manufacturing Corporation sa Office of the Ombudsman. Ayon kay Atty. Remigio Saladero, legal ng mga biktima, kabilang sa kinasuhan nila sina Interior and Local Government Mar Roxas at Labor and Employment Secretary Rosalinda Baldoz. Giit nila, may pananagutan si Baldoz …

Read More »

PH-JAPAN VFA bubuuin — PNoy

TOKYO, Japan – Kinompirma ng Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na pinag-usapan nila ni Prime Minister Shinzo Abe ang pagbubuo ng Philippines-Japan Visiting Forces Agreement (VFA). Sinabi ni Pangulong Aquino, dadaan muna ito sa mga kinauukulang ahensiya bago ipasa sa Senado at pag-usapan ang mga detalyeng nakapaloob dito. Ayon kay Pangulong Aquino, maituturing itong welcome development at sisimulan na ang …

Read More »

Boundary inutang pedicab driver binoga ng operator

BINARIL ang isang pedicab driver ng kanyang operator nang utangin ng biktima ang kanyang boundary sa Pasay City kamakalawa. Nilalapatan ng lunas sa Pasay City General Hospital ang biktimang si Mario Alejandrino, 48, residente ng 829 B. Mayor St., Brgy-177, Malibay ng naturang lungsod. Habang pinaghahanap ng mga pulis ang suspek na si Roy Bacabac, 47, may asawa, pedicab operator, nakatira sa 829 B. Mayor …

Read More »

Droga itinago sa ari ginang tiko (Tangkang ipuslit sa kulungan)

KALIBO, Aklan – Inaresto ng isang babaeng jail guard ang 38-anyos ginang makaraan mabuking ang tangkang pagpuslit ng ilegal na droga sa loob ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Brgy. Nalook, Kalibo, Aklan kamakalawa. Kinilala ang suspek na si Cecille Nervar, residente ng Brgy. Camanci Norte, Numancia, Aklan, ipupuslit sana ang tatlong sachet ng shabu ngunit nabisto …

Read More »

Ping for President larga na (Suporta ng LGUs naikasa na)

IKINASA na ng mga lider ng gobyerno-lokal ang kanilang suporta sa hangarin ni Panfilo “Ping” Lacson na tumakbo sa pagka-presidente makaraang isulong ng dating senador ang kanyang adbokasiya para gawing parehas ang alokasyon ng halos 3 trilyong-pisong badyet-nasyonal sa susunod na taon. “Kailangan dagdagan ang Internal Revenue Allotment share ng LGUs at bawasan ang alokasyon para sa mga ahensiya ng …

Read More »

Mar pinayuhang maging matatag si Sen. Grace

“WALANG KABULUHAN, walang saysay, walang katotohanan!” Ito ang naging komento ni DILG Secretary Mar Roxas sa mga patutsada ni UNA interim president Toby Tiangco laban kay Senadora Grace Poe.  Nasa Legazpi City si Roxas para sa patuloy na distribution ng mga bagong patrol jeeps sa mga munisipalidad sa buong bansa, nang magpaunlak ng maikling panayam sa mga reporter. Kahit trabaho …

Read More »

Ceasefire apela ng Binay camp kay Grace Poe

NAIS nang tapusin ng kampo ni Vice President Jejomar Binay ang umiigting na pakikipagbangayan kay Sen. Grace Poe.  Sa press briefing, humarap si Makati Rep. Abi Binay bilang kinatawan ng kanyang pamilya at nagpahayag nang kahandaang makipag-usap kay Poe upang makipagkasundo.  Aniya, mahirap para sa kanilang pamilya lalo na sa kanyang ama na makipagbangayan sa senador.  “Gusto ko nang tuldukan …

Read More »

Dalagita 5 taon sex slave ng stepfather

VIGAN CITY – Iniimbestigahan ng PNP-Sta. Cruz ang panggagahasa ng isang lalaki sa kanyang stepdaughter na umabot ng limang taon sa bayan ng Sta. Cruz, sa lalawigan ng Ilocos Sur. Ayon kay Insp. Simon Damolkis, hepe ng PNP-Sta. Cruz, limang taon nang ginagahasa ng suspek ang biktima simula noong 12-anyos pa lamang nang magsama ang lalaki at ang ina ng …

Read More »