Thursday , June 4 2026
dead

Tulak na driver todas sa buybust

NAPATAY sa buy-bust operation ang isang jeepney driver na sinasabing nagbebenta ng illegal na droga sa apat na bayan sa Bulacan.

Batay sa ulat, lulan ng kanyang jeep, napatay ang suspek na si Jimmy Boy Gruta sa bayan ng Sta. Maria, nang mahalatang pulis ang katransaksiyon at lumaban sa mga awtoridad.

Ayon sa pulisya, naglalako ng droga ang suspek habang pumapasada sa mga bayan ng San Jose del Monte, Bocaue, Sta. Maria, at Meycauayan.

Nakuha anila ang impormasyong ito mula sa mismong suki ni Gruta, na sumuko sa mga pulis sa naunang operasyon ng “Oplan Tokhang.”

Ilang linggo nilang minatyagan ang suspek hanggang masakote sa Bypass Road, Sta. Maria kamakalawa ng gabi.

( MICKA BAUTISTA )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …