INIHAYAG ng grupong Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) na walang makapipigil sa malawakang protestang itatapat nila sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ngayong Lunes. Idiniin ni Bayan secretary general Renato Reyes: “Layon po nating ipabatid sa mundo ‘yung tunay na kalagayan ng bansa na ibang-iba sa sinasabing State of the Nation ng Pangulo.” …
Read More »Masonry Layout
Ka Eddie nanguna sa INC anniv
DUMALO ang punong ministrong si Eduardo Manalo sa aktibidad ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa Philippine Arena sa Bulacan kaugnay ng pagtatapos ng kanilang ika-101 anibersaryo. Ito’y sa harap na rin ng pag-ugong ng isyu ng krisis sa INC kasunod nang pagtitiwalag sa ina at kapatid ng punong ministro na sina Ka Tenny at Ka Angel Manalo na naglabas ng …
Read More »Isa pang ministro sa Amerika nagbitiw
BUNSOD na hindi kinaya ang epekto ng sigalot sa loob ng pamunuan ng simbahan, isa pang ministro ng Iglesia ni Cristo (INC) ang nagbitiw sa puwesto sa Estados Unidos. Sa video na na-upload sa YouTube kahapon ng umaga, si INC minister Louie Cayabyab ng Fremont, California, ay nagbitiw habang kaharap ang kanyang kongregasyon kasabay ng ika-101 anibersaryo ng INC, sa …
Read More »Galing sa reunion party, estudyante kritikal sa saksak
KRITIKAL ang kondisyon ng isang 21-anyos college student makaraan pagsasaksakin ng isang grupo ng kalalakihan habang pauwi mula sa dinaluhang reunion party kahapon ng ma-daling-araw sa Paco, Maynila. Nilalapatan ng lunas sa Philippine General Hospital ang biktimang si Michael Planada, ng 1181 Int. 30, Bo. Sta. Maria, Paco, Maynila, tinamaan ng saksak sa leeg at likurang bahagi ng katawan. Sa …
Read More »Vigil sa bahay ng pamilya Manalo patuloy na dinaragsa
PATULOY ang pagdating ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo at itiniwalag na mga miyembro sa labas ng bahay ng pamilya Manalo sa Tandang Sora Avenue sa Quezon City. Layon ng mga dumalo sa vigil na makisimpatya kina Tenny at Angel Manalo, ina at kapatid ng punong ministro ng INC na si Eduardo Manalo, natiwalag dahil sa isiwalat na sinasabing …
Read More »Crackdown sa jueteng maigting na kampanya ni Marquez
TINIYAK ni PNP chief, Director General Ricardo Marquez, kasama sa pinaigting na kampanya sa ilegal na mga pasugalan ang paglaban kontra jueteng. Sinabi ni Marquez sa kanyang unang command conference sa mga opisyal ng PNP, kanyang iniatas ang pagpapaibayo sa kampanya sa lahat ng mga ilegal na aktibidad kasama ang patuloy pa ring pamamayagpag ng operasyon ng jueteng. Kung maaalala, …
Read More »Binatilyo, 5 pa sugatan sa hit & run
NAGA CITY – Sugatang isinugod sa ospital ang isang binatilyong papunta sa simbahan makaraan ma-hit and run ng isang owner type jeep sa Brgy. Sta. Cruz, Naga City kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Alfred Pimentel, 17-anyos. Nabatid na naglalakad ang biktima sa nasabing lugar nang biglang humarurot ang owner type jeep at siya ay nahagip. Bunsod nito, nagpagulong-gulong ang biktima …
Read More »Binatilyo, 5 pa sugatan sa hit & run
NAGA CITY – Sugatang isinugod sa ospital ang isang binatilyong papunta sa simbahan makaraan ma-hit and run ng isang owner type jeep sa Brgy. Sta. Cruz, Naga City kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Alfred Pimentel, 17-anyos. Nabatid na naglalakad ang biktima sa nasabing lugar nang biglang humarurot ang owner type jeep at siya ay nahagip. Bunsod nito, nagpagulong-gulong ang biktima …
Read More »5-anyos nahulog sa sasakyan, patay
CAUAYAN CITY, Isabela – Patay ang isang 5 anyos batang babae makaraan mahulog mula sa isang izusu elf sa Brgy. Gucab, Echague, Isabela kamakalawa. Ang biktimang kinilalang si Estefani Bassig ay kasama ang kanyang tiyahin na si Remedious Fontanilla at ilang kasamahan pauwi mula sa paglalaba sa ilog, sakay ng isuzu elf nang tumayo ang bata na naging dahilan para …
Read More »3 batang mag-uutol minasaker sa Batangas
MINASAKER ang tatlong batang magkakapatid sa isang apartment sa Lipa City, Batangas at natagpuan ang kanilang bangkay dakong 8 a.m. kahapon. Ayon kay Lipa City police chief, Superintendent Carlos Barde, ang mga biktima na edad 10, 8, at 7 ay pinatay sa pamamagitan ng pagpalo ng matigas na bagay. Iniwan ang mga bata ng kanilang lola dakong 1:30 a.m. upang …
Read More »Globe data analyst patay sa 2 holdaper (Ginawang panangga sa parak)
PATAY ang isang 24-anyos data analyst ng Globe Telecommunications, na ginawang panangga ng mga nanloob na akyat-bahay, nang mapalaban sa parak kahapon ng madaling-araw, sa Sampaloc, Maynila. Binawian ng buhay habang isinusugod sa Mary Chiles Hospital ang biktimang si Jake Ryan Marayag, residente ng 17 Arenas St., Sampaloc, Maynila, sanhi ng tama ng bala sa katawan. Nabatid na kabilang sa …
Read More »‘Arsenal’ ng INC iimbestigahan — Palasyo
INIHAYAG ng Malacañang na kasama sa iimbestigahan ng PNP at NBI ang napabalitang matataas na kalibre ng armas ng ilang miyembro ng Iglesia Ni Cristo (INC) na sinasabing pumigil o nang-hostage sa ilang ministro gaya ni Isaias Samson Jr. Unang lumabas sa balita na siyam na INC ministers ang dinukot at mismong nanay at kapatid ni Ka Eduardo Manalo, executive …
Read More »‘Anomalya’ sa INC inilantad ng utol ni Ka Eddie (Sa nalalapit na 101 anibersaryo)
MISMONG kapatid ng kasalukuyang punong ministro ng Iglesia ni Cristo (INC) na si Eduardo Manalo ang nagsiwalat ng katiwalian sa kapatiran. Giit ni Felix Nathaniel “Angel” Manalo, anak ng yumaong INC executive minister Eraño Manalo, umusbong ang mga anomalya simula nang maupo ang kanyang kapatid bilang punong ministro ng simbahan noong 2009. “Binabago nila ang aral e. Sa panahon po …
Read More »Villar: NP-NPC walang alyansa para kay Chiz
IKINAGULAT kahapon ni Senadora Cynthia Villar ang lumabas na balitang may nabuo nang alyansa sa kanyang partidong Nacionalista at Nationalist People’s Coalition para suportahan ang sinasabing pagtakbo nina Senadora Grace Poe at Senador Chiz Escudero sa 2016. Lumutang ang balita sa isang press conference ni Rep. Giorgidi Aggabao na sinabing buo na ang alyansa ng NP at NPC. “I do …
Read More »Rollback sa bigas napipinto (Trending sa presyo bumababa)
PATULOY na ginigiba ng kasalukuyang presyohan ng bigas ang mga naitalang paggalaw sa presyo at patuloy ang pagbaba nito sa gitna ng tagtuyot at mababang ani sa bansa. Ito ay ayon kay National Food Authority (NFA) Administrator Renan Dalisay sa isang panayam ngayong Miyerkoles kasabay ng pahayag na ang presyo ng bigas ay nasa pinakamababa ngayong taon, kahit pa nasa …
Read More »Ina, kapatid ni Ka Eddie itiniwalag (Sa nalalapit na 101 anibersaryo)
ITINIWALAG ng pamunuan ng Iglesia ni Cristo (INC) sina Tenny at Angel Manalo, ina at kapatid ng kasalukuyang punong ministro na si Eduardo Manalo. Ito ang inihayag ni INC General Evangelist Bienvenido Santiago sa isang press conference makaraan maglabas ng video ang dalawa sa YouTube na sinabi nilang nasa panganib ang kanilang buhay. Ani Ka Tenny sa naturang video, “Ako’y …
Read More »‘Isda’ nagwelga sa mesa (Sa fishing ban ng Malacañang)
LUMAHOK sa tinawag na “fish holiday” ang mga mangingisda at manggagawa sa Navotas Fish Port bilang protesta sa nalalapit na pagpapatupad ng fishing ban sa Manila Bay sa nalalapit na Setyembre, sa taong ito. Ayon sa mga mangingisda, manininda at maliliit na manggagawa sa Market 3, 4, & 5, “Ang balakin ng gobyernong ito ay hindi makatao sapagkat libo-libong mamamayan …
Read More »Oposisyon sa SONA no big deal — Palasyo
HINDI big deal sa Palasyo ang pagdalo sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno Aquino III ng mga kilalang oposisyon, partikular ni Vice President Jejomar binay na ngayon ay kritiko ng administrasyon. “Ayon din ‘yan sa karapatan at katungkulan ng mga pangunahing opisyal ng ating bansa na dumalo sa kaganapang ito,” ani Communications Secretary Herminio Coloma …
Read More »May-ari ng Kentex Gatchalian kasuhan — DoJ (Sa sunog sa pabrika)
INIREKOMENDA ng Department of Justice na sampahan na ng kasong administratibo at kriminal ang mga may-ari ng Kentex Manufacturing Corporation at ilang opisyal ng Valenzuela kaugnay sa sunog noong Mayo 13. Pinakakasuhan na rin ang mga empleyado ng Ace Shutter Corp., ang kompanyang responsable sa isinagawang welding sa nasunog na pabrika ng tsinelas na mahigit 70 ang namatay. Kabilang sa …
Read More »Pekeng bigas nasa Pasay City na?
PINANGANGAMBAHAN ng mga residente ng Pasay City na posibleng umabot na ang sinasabing kumakalat na pekeng bigas sa kanilang lungsod, makaraan 20 katao ang nakaranas ng pananakit ng tiyan at pagdumi makaraan kumain ng sinaing na bigas na binili sa isang tindahan kamakalawa ng tanghali. Nagtungo kahapon sa himpilan ng Pasay City Police ang dalawa sa 20 katao na kinilalang …
Read More »5 miyembro ng sindikato ng pekeng pera arestado
PINAG-IINGAT ng mga awtoridad ang publiko sa kumakalat na pekeng P1,000 bill makaraan maaresto ang lima katao sa entrapment operation ng mga tauhan ng Manila Criminal Investigation and Detection Team sa Recto, Maynila kamakalawa. Nakapiit na sa himpilan ng pulisya ang mga suspek na sina Richard Ansos, 31; Ramonsito Joseph, 43; Rodolfo Paerat, 48; Adelaida Castillo, 36; pawang mga residente ng …
Read More »Ginang nabaril ng pulis sa mall
NAHAHARAP sa reklamo ang isang pulis makaraan aksidenteng tamaan ng bala ang isang ginang habang sila ay nasa isang mall sa Malolos City, Bulacan kamakalawa. Kasalukuyang nagpapagaling sa pagamutan ang biktima na kinilalang si Noime Llyod, 42, residente ng Bambang, Bulakan, Bulacan, habang ang suspek ay kinilalang si Insp. Mark Henry Gonzales, 25, residente ng Iba, Hagonoy, at nakatalaga sa …
Read More »Erap: Si Mar kwalipikado Chiz ambisyoso
SERYOSO ang naging sagot ni dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada nang diretsahang tanungin sa isang interbyu tungkol sa halalan sa 2016. Isinantabi muna ni Erap ang politika sandali at umaming malaki ang paghanga niya kay DILG Secretary Mar Roxas, na naging miyembro ng kanyang Gabinete nang siya ay pangulo pa. “Sec. Mar Roxas is a very intelligent …
Read More »Chris Brown pinigil sa NAIA
HINDI pinahintulutan ng mga awtoridad na makaalis ng bansa ang Grammy nominated singer na si Chris Brown dahil sa reklamo ng isang religious sector. Ito’y alinsunod sa inilabas na lookout bulletin ng Department of Justice (DoJ) laban kay Brown kaugnay sa pag-isnab sa dapat sana’y New Year’s Eve concert niya sa Philippine Arena sa Bulacan noong nakaraang taon. Kung maaalala, …
Read More »Bus pwede nang bumiyahe sa NAIA 3
BINIGYAN ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) ng special permit ang 55 city buses para bumiyahe hanggang sa NAIA Terminal 3 simula ngayong araw. Ayon sa pangasiwaan ng Manila International Airport Authority (MIAA), mas kakaunti ang pampublikong sasakyang dumaraan sa Terminal 3 kung kaya’t nakipag-ugnayan sila sa LTFRB upang solusyonan ito. Sa bagong iskema, daraan sa NAIA Road …
Read More »