Sunday , December 5 2021

Naiwang bag ikinaalarma sa NAIA

WALANG BOMBA SA NAIA. Para tiyakin ang kaligtasan ng mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), agad iniutos ni Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Ed Monreal na paigtingin ang seguridad sa apat na terminal ng pambansang paliparan. ( JSY )

BINULABOG ng naiwang bag ang Gate 3 departure area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 na naging dahilan para maabala ang mga pasaherong nakapila roon kahapon.

Sa pahayag ng Manila International Airport Authority (MIAA), natagpuan ni security guard Ralph Basubas ang bag malapit sa Gate 3 na agad nitong ipinaalerto bilang precautionary measure.

Ilang pasahero na hindi naintindihan ang security procedure ang nakitaan ng pagkainis lalo nang pinagbawalan silang dumaan sa naturang gate at sinabihang tumungo sa ibang daanan habang nagsasagawa ng safety procedures ang mga pulis sa naturang area.

Walang nakita ang police personnel at canine dogs matapos maeksamin ang bag na ang mga laman ay 10 pirasong one peso coins, limang piraso na 5 peso coins, iba’t ibang damit, toiletries, ball pen at charger.

Ayon kay airport media affairs personnel Jenson Nellas, isang Analyn Ulapat ang nagpakilalang siya ang may-ari ng bag na kasalukuyang nasa kustodiya ng lost and found section sa terminal 3.

Nitong Sabado, inilagay sa maximum security measure o full alert status ang pangunahing paliparan ng bansa kasunod ng pambobomba sa Davao city nitong nakaraang Biyernes.

Kasama ang canine units, nagsagawa ang magkasanib na puwersa ng PNP-Aviation Security Group, Airport Police Department ng random inspection sa lahat ng sasakyang pumapasok sa NAIA terminal.

Lahat ng mga bag na hindi sinasadyang maiwan sa tabi ng terminal ay agad na isinasailalim sa rigid checks.

( GMG )

About G. M. Galuno

Check Also

Beatrice Luigi Gomez Rabiya Mateo Catriona Gray Janine Tugonon Miriam Quiambao

MUP winners may sumpa nga ba sa lovelife?

KITANG KITA KOni Danny Vibas HINDI naniniwala si Rabiya Mateo, 25, na may “sumpa” ang …

3 rapists, 18 pasaway nasakote sa Bulacan

NASUKOL ang kabuuang 21 katao kabilang ang tatlong hinihinalang rapist sa iba’t ibang operasyong ikinasa …

Huli sa aktong nagka-Cuajo
4 SUGAROL TIMBOG SA TARLAC

ARESTADO ang apat katao nang mahuli sa akto ng mga awtoridad habang nasa kainitan ng …

2 babaeng miyembro ng kulto minolestiya
‘FAKE HEALER’ KALABOSO SA ABUSO

ARESTADO ang lider ng isang pinaniniwalaang kulto sa bayan ng Asturias, lalawigan ng Cebu dahil …

Manny Asuncion

Sa pagpatay sa labor leader
MURDER VS 17 PARAK SA BLOODY SUNDAY

NAHAHARAP sa kasong murder ang 17 pulis na sangkot sa pagpatay kay labor leader Manny …

Leave a Reply