LEGAZPI CITY – Iniimbestigahan ng mga awtoridad kung may kinalaman ba sa trabaho ang motibo sa pagpatay sa isang human rights activist at radio broadcaster sa Sorsogon kamakalawa. Ang biktima ay kinilalang si Teodoro “Tio Todoy” Escanilla ng Brgy. Tagdon, Barcelona, at tagapagsalita ng grupong Karapatan Sorsogon Chapter. Ayon kay Senior Supt. Ronaldo Cabral, director ng Sorsogon Police Provincial Office, base …
Read More »Masonry Layout
Kris bad vibes kay Chiz
TILA nabasag na ang katahimikan ni presidential sister at “Queen of All Media” Kris Aquino sa isyu ng pulitika sa nalalapit na 2016. Mapapansing tahimik lang si Kris mula inendorso ng kanyang kapatid na si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III si Interior Secretary Mar Roxas para maging kandidato ng administrasyon. Marami ang nagsasabing pro-Grace Poe si Kris, na ikinampanya niya noong …
Read More »Death anniv ni Robredo special working holiday
IDINEKLARA ng Malacañang bilang special working holiday ang kamatayan ni DILG Secretary Jesse Robredo sa buong bansa. Nilagdaan kamakalawa ni Pangulong Aquino ang RA 10669 na nagdedeklara na special working holiday ang Agosto 18 bilang paggunita sa kamatayan ni Robredo. Dahil isang special working holiday ang Agosto 18 kada taon, nangangahulugan na may pasok sa lahat ng tanggapan at may …
Read More »Hindi Estrada at Arroyo ang apelyido ko — PNoy (Sa udyok na tumakbong bise)
“HINDI naman Estrada at Arroyo ang apelyido ko.” Ito ang sinabi ni Pangulong Benigno Aquino III hinggil sa pag-uudyok sa kanyang tumakbong bise-presidente ni administration presidential bet Mar Roxas sa 2016 elections. Sina dating pangulong Joseph Estrada at Gloria Macapagal- Arroyo ay parehong tumakbo sa mas mababang posisyon. Ayon sa Palace source, malabong magkatotoo ang Mar-Noy tandem dahil ayaw nang …
Read More »32nd anniv ni Ninoy gugunitain
GUGUNITAIN ngayon ng pamilya Aquino sa isang misa ang ika-32 death anniversary ni dating Sen. Benigno “Ninoy” Aquino Jr., sa Manila Memorial Parak sa Parañaque City. Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr., kasama ni Pangulong Aquino ang kanyang mga kapatid, kaanak at malalapit na kaibigan sa pagbisita sa puntod ng kanyang ama. “Noong mga nakaraang taon nasaksihan natin ang …
Read More »Dummy ni Binay hina-hunting pa
MAS pinalawak pa ng Senado ang pagtugis kay Gerry Limlingan, ang sinasabing bagman at dummy ni Vice President Jejomar Binay na contempt sa kapulungan dahil sa kabiguang dumalo sa imbestigasyon kaugnay ng mga isyu na kinasasangkutan ng bise presidente. Kasabay ng pagdinig kahapon, hiniling ni Senate Blue Ribbon Sub-Committee Chairman Sen. Koko Pimentel sa National Bureau of Investigation (NBI), Philippine …
Read More »Ex-call center agent nagtangkang pasagasa sa MRT, 3 sugatan
INARESTO ng mga pulis ang isang dating call center agent na nagtangkang magpasagasa sa Metro Rail Transit (MRT) makaraan tatlong pasahero ang masugatan sa insidente sa Makati City, kamakalawa. Si Mark Robert Connor, 31, ng 6945 Washington St., Brgy. Pio Del Pilar ng lungsod, ay nasa kustodiya na ng Makati City Police. Habang ang nasugatang mga pasahero ay sina Elisa …
Read More »JPE nakalaya na
PANSAMANTALANG nakalaya mula sa hospital arrest si Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile makaraan maglagak ng P1 milyong piyansa kaugnay sa kasong pork barrel scam. Magugunitang nagdesisyon ang Korte Suprema na payagan si Enrile na makapagpiyansa dahil hindi ‘flight risk,’ ang matanda at mahina na ang kalusugang mambabatas. Habang walang binayaran si Enrile sa Philippine National Police (PNP) General Hospital dahil …
Read More »Estudyante ‘wag pilitin sa field trip — DepEd (Babala sa titsers)
BINALAAN ng Department of Education (DepEd) ang mga guro na huwag pilitin ang mga estudyante na sumama sa taunang “lakbay aral” o field trip. Ayon kay DepEd Assistant Sec. Tonisito Umali, puwedeng tanggihan o hindi sumama ang isang estudyante at batay aniya sa kautusan ni Sec. Armin Luistro, maaaring hindi pasamahin ng mga magulang ang kanilang mga anak sa taunang …
Read More »4 rape suspects sa Lanao itinumba?
INIIMBESTIGAHAN ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang pagkamatay ng apat na mga suspek sa panggagahasa at pagpatay sa isang dalagita sa Marawi City, Lanao del Sur. Agosto 14 nang matagpuan ang bangkay ng 15-anyos Maranao sa loob ng kanilang nasunog na bahay sa Brgy. Maito Basak. Isang araw makaraan ang krimen, inabisohan ng ilang sibilyan ang pulisya …
Read More »Paslit patay, 5 naospital sa kamoteng kahoy (Sa North Cotabato)
KIDAPAWAN CITY – Binawian ng buhay ang 4-anyos batang lalaki habang limang iba pa ang naospital makaraan kumain ng kamoteng kahoy sa lalawigan ng Cotabato kamakalawa. Kinilala ang biktimang namatay na si Mama Payag habang naospital ang kanyang mga magulang na sina Edris Payag at Tingga Payag, gayondin ang iba pang mga anak ng mag-asawa na sina Alibai, 3; Asarapia, 6, …
Read More »13-anyos totoy utas sa kidlat (1 pa malubha)
PATAY ang isang 13-anyos na binatilyo habang malubha ang kalagayan sa pagamutan ang 9-anyos niyang kalaro makaraang tamaan ng kidlat habang naglalaro sa labas ng kanilang bahay sa Valenzuela City dakong 3 p.m. kamakalawa. Agad binawian ng buhay si Jews Dagdang habang ginagamot sa Valenzuela Medical Center si Miguel Viray, kapwa residente ng Brgy. Isla ng nasabing lungsod, sanhi ng …
Read More »Kasambahay tumalon sa 4/F patay
PATAY ang isang 53-anyos kasambahay nang tumalon mula sa ikaapat palapag ng bahay na kanyang pinagsisilbihan dahil sa matinding depresyon kamakalawa ng gabi sa Makati City. Agad binawian ng buhay ang biktimang si Nelly Rosaroso, stay-in sa 7845 Solchuaga St., Brgy. Tejeros ng naturang lungsod. Sa ulat ni SPO2 Jayson David, imbestigador ng Homicide Section ng Makati City Police, nangyari …
Read More »Ulo ng motorcycle rider pisak sa bus
PATAY ang isang motorcycle rider makaraan mahagip at magulungan sa ulo ng isang pampasaherong bus sa Ople Road, Brgy. Bulihan, Malolos, Bulacan kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Daniel Dionisio, 28, residente ng Brgy. San Pedro, Hagonoy, sa naturang lalawigan. Ayon sa ulat ng Malolos Police, lulan ang biktima ng kanyang motorsiklo nang mahagip ng bus ng Golden Bee Transport na …
Read More »LP ibasted, tumakbong independent (Hiling kay Grace Poe sa kaarawan ni FPJ)
SA KAARAWAN ni Fernando Poe Jr. (FPJ), bigyang dangal ang kanyang alaala sa pamamagitan ng pagtakbo bilang independent at isakatuparan ang hangarin para sa mahihirap. Ito ang payo kay Sen. Grace Poe ni Sen. Tito Sotto ngayong Martes kasabay ng panawagan na huwag paunlakan ang imbitasyon ng Liberal Party (LP) na maging katambal ni Interior and Local Government Secretary Manuel “Mar” Roxas …
Read More »Erice: Sino makikinabang kung matanggal si Poe?
NAGBIDA si Senador Francis ‘Chiz’ Escudero na aalamin niya kung sino ang nasa likod ng natalong senatoriable na si Rizalito David, na nagsampa ng kaso sa Senate Electoral Tribunal (SET) laban sa pagkapanalo ni Sen. Grace Poe nung 2013. Sinasabi ni David na hindi dapat nakaupo sa Senado si Poe dahil diskwalipikado sa isyu ng citizenship. “Sino ba ang nagtulak …
Read More »2 kilong heroin sa sapatos nabisto sa NAIA
DALAWANG pares ng sapatos na inabandona at nasa lost and found section ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang nadiskubreng may nakatagong dalawang kilo ng heroin. Ayon sa MIAA kahapon, ang mga sapatos na kinabibilangan ng itim na Clark Active Air, at Brown Clark Active ay mas mabigat kaysa normal na timbang nang pagbukod-bukurin ng lost and found personnel ang …
Read More »Isyu ng Torre de Manila haharapin ko — Lim
TINIYAK ni dating Manila Mayor Alfredo Lim na haharapin niya ang mga kaso kaugnay sa ibinigay na permit kaya naitayo ang kontrobersiyal na Torre de Manila condominium na tinaguriang ‘pambansang photobomber.’ Sa ginanap na ika-apat na oral argument sa petisyon ng Knights of Rizal laban sa konstruksiyon ng Torre de Manila, nagpahiwatig si Supreme Court Associate Justice Francis Jardeleza na …
Read More »P2 bilyon para maging presidente
Ito ang tinatayang gagastusin ng bawa’t kandidato sa pagka-pangulo sa darating na 2016 elections, na ayon kay dating Chief Justice Reynato Puno ay ginagawang katawa-tawa ang Saligang Batas—at isang dahilan para isulong ang pagbabago ng sistema ng gobyerno sa pamamagitan ng pabalangkas ng bagong Konstitusyon. Sa isang forum on Constitutional reform sa University of the East kahapon, sinabi ni Puno …
Read More »14-anyos totoy nagbigti (Nakipag-away sa utol dahil sa bigas)
TUGUEGARAO CITY – Nagbigti ang isang 14-anyos binatilyo makaraan makipagtalo sa nakatatandang kapatid dahil sa bigas na kinuha ng biktima sa kanilang tiyuhin sa Sta. Ana, Cagayan kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Ian Jay Benavidez, residente ng Brgy. Centro sa naturang lugar, at trabahador sa farm ng kanilang tiyuhin. Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nagkaroon nang mainitang pagtatalo ang biktima …
Read More »Bad spirits sa pinutol na puno sumanib sa 11 teens
CAGAYAN DE ORO CITY – Naalarma ang Department of Education (DepEd) Schools Division ng Misamis Oriental hinggil sa ilang mag-aaral ng sekondarya na sinasabing sinanipian masamang espiritu. Ayon sa ulat, sinapian ang 11 mag-aaral na pawang babae, ng bad spirits makaraan putulin ang mag-aapat dekada nang malaking punongkahoy ng Talisay sa loob ng Baliwagan National High School ng Balingasag sa …
Read More »Ineng signal no. 2 sa Batanes at Cagayan
NAPANATILI ng Bagyong Ineng ang kanyang lakas habang papalapit sa pinakataas na bahagi ng Hilagang Luzon. Batay sa pinakahuling weather bulletin na inilabas ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) dakong11 a.m. nitong Miyerkoles, itinaas ang Signal No. 2 sa Batanes Group of Islands at Cagayan kasama ang Calayan at Babuyan Group of Islands. Habang nakataas ang Signal …
Read More »Ama tepok, 8-anyos anak sugatan (Pedicab sinalpok ng multicab)
PATAY ang isang ama at malubha ang 8-anyos niyang anak na batang babae makaraan salpukin ang sinasakyan nilang pedicab ng isang multicab kamakalawa ng gabi sa Pasay City. Kinilala ang biktimang si Piolito Aloccilja, 36, nakatira sa #2142-14 Adriatico St., Malate, Maynila, nalagutan ng hininga habang ginagamot sa Pasay City General Hospital (PCGH) dahil sa matinding pinsala sa katawan. Ang anak niyang …
Read More »Gun for hire group leader utas sa shootout (Parak sugatan)
PATAY ang sinasabing lider ng gun for hire group habang nasugatan ang isang pulis nang magsagawa ng operasyon ang mga awtoridad laban sa nasabing grupo sa Malabon City kahapon ng tanghali. Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa nakukuha ang pagkakakilanlan ng suspek na namatay makaraan makipagbarilan sa mga pulis. Habang ginagamot sa Chinese General Hospital si PO1 Nixon Ponchinian, miyembro …
Read More »Enrile babalik bilang Senate minority leader
KINOMPIRMA ni Senate President Franklin Dirlon na babalik bilang minority leader si Sen. Juan Ponce Enrile sa oras na bumalik sa kanyang trabaho sa Senado makaraan payagan ng Korte Suprema na makapagpiyansa sa kanyang kasong plunder sa Sandiganbayan. Ayon kay Drilon, naging acting minority leader lamang si Sen. Tito Sotto nang makulong si Enrile kaya’t babalik siya bilang minority leader. …
Read More »