Monday , December 23 2024

Masonry Layout

Comelec patuloy sa paghikayat ng SK registrants

PATULOY pa rin ang paghikayat ng Commission on Election sa mga kabataan at bagong registrants para sa Sangguniang Kabataan at Barangay Election na huwag sayangin ang pagkakataon na magparehistro. Sinabi ni Comelec Chairman Andres Bautista, sa isang linggong pagsisimula ng registration ng SK at barangay election registration ay hindi pa naabot ang kanilang expectation. Sa ginawang pagbisita sa iba’t ibang …

Read More »

Bagong faction sa BIFF nabuo

KORONADAL CITY – May bagong paksiyon na galing sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang sinasabing nabuo makaraan tumalikod sa mga kasamahan. Napag-alaman, ang BIFF ay paksiyon din galing sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) na nabuo kasunod nang pagkamatay ng MILF founding chair na si Hashim Salamat. Ayon sa ulat, ang bagong spokesman ng grupo ay si Abu Amir, …

Read More »

Monitoring sa baybayin ng Samar pinag-ibayo (Kasunod ng 2 namatay sa red tide)

red tide

TACLOBAN CITY – Nakataas ngayon ang mahigpit na monitoring ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa baybayin ng probinsya ng Samar kasunod nang naitalang dalawang namatay dahil sa red tide sa nasabing lugar. Magugunitang iniulat ng BFAR-8, binawian ng buhay ang 5-anyos at 11-anyos bata makaraan kumain ng shellfish na kontaminado ng red tide toxins. Nanawagan ang BFAR …

Read More »

8 pasahero sugatan sa sumemplang na van sa Agusan

road traffic accident

BUTUAN CITY – Patuloy pang ginagamot sa ospital ang ilan sa walong pasaherong sakay ng isang UV Express van na sumemplang sa gilid ng national highway ng Brgy. Alubihid, Buenavista, Agusan del Norte dakong 3:00 am kahapon. Napag-alaman, mula sa Cagayan de Oro City ang van at patungo sa Surigao City ngunit hindi na umabot pa sa destinasyon dahil sa …

Read More »

Facebook hackers timbog sa Caloocan

arrest prison

ARESTADO ang isang Facebook hacker at dalawa niyang hinihinalang mga kasabwat sa isinagawang entrapment operation ng Anti Cybercrime Unit ng Philippine National Police nitong Biyernes sa Camarin, Caloocan City. Hulyo a-21 nang makatanggap si alyas “Princess” ng isang mensahe mula sa kanyang kaibigan sa Facebook chat. Tinatanong siya kung siya ba ang nasa video scandal na sinasabing napanood ng kaibigan. …

Read More »

2 pinasusuko sa droga pinatay

shabu drugs dead

GENERAL SANTOS CITY – Patay ang dalawang lalaki na una nang isinailalim sa Oplan Tokhang makaraan barilin nang nakamotorsiklong mga suspek sa magkaibang lugar sa lungsod ng Heneral Santos kamakalawa. Ang unang biktima ay kinilalang si Danilo Justana, 46, residente ng Prk. 7, New Santo Niño, Brgy. Apopong, GenSan, agad nalagutan ng hininga makaraan pagbabarilin ng dalawang hindi nakilalang mga …

Read More »

Dugo dadanak sa Bilibid

DADANAK ang dugo sa New Bilibid Prisons (NBP) dahil isang berdugo ang bagong pinuno ng Bureau of Correction (BuCor) na itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sa kanyang talumpati sa mga sundalo ng 6th Infantry Division sa Maguindanao kahapon, sinabi ni Duterte, kaya niya pinili si Marine Major Gen. Alexander Balutan bilang bagong BuCor chief ay dahil berdugo ito. “Naghanap ako …

Read More »

19 high profile inmates ililipat sa military facility

INIHAYAG ni incoming Bureau of Corrections (BuCor) Director Major Gen. Alexander Balutan ang planong paglilipat sa military facility sa 19 high profile inmates o tinaguriang “Bilibid 19” na nakapiit sa Building 14 ng maximum security compound sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City. Ang nabanggit na mga preso na kinabibilanga nina Herbert Colangco, Jayvee Sebastian at Peter Co ay …

Read More »

Koreano nagbigti sa NAIA

ISANG Koreano ang natagpuang nakabigti sa door hook ng cubicle no. 2 sa comfort room ng Exclusion Room ng NAIA Terminal 3 dakong 7:28 pm kamakalawa. Ayon sa ulat, natagpuan ng janitress on duty na si Michelle N. Ocampi ang bangkay ng biktimang si An San Kwan, 50, male Korean national, kabilang sa pasahero ng flight 5J 311 (Taipei-Manila). Bunsod …

Read More »

Paglahok sa ‘war vs drugs’ ng militar pinamamadali ni Duterte

PINAMAMADALI ni Pangulong Rodrigo Duterte sa militar ang pagpasok at pakikisali sa giyera laban sa ilegal na droga sa bansa. Sa command conference kamakalawa ng gabi sa Western Mindanao Command (WestminCom) sa Zamboanga City, sinabi ni Pangulong Duterte, kulang na kulang ang mga pulis na ikakalat laban sa namamayagpag na illegal drugs trade. Ayon kay Pangulong Duterte, hindi pa napapatay …

Read More »

Marami pang drug lords mapapatay — Gen. Bato

ronald bato dela rosa pnp

TINIYAK ni Philippine National Police chief Director General Ronald dela Rosa nitong Biyernes, marami pang high-value drug suspects ang mamamatay sa darating na mga araw. Sinabi ito ni Dela Rosa makaraan mapatay sa raid sa Valenzuela City umaga nitong Biyernes ang Chinese na si Mico Tan, itinuturing na isa sa top drug lords sa bansa. “…Palagi tayong kini-criticize na … …

Read More »

Chinese drug lord patay, 5 arestado sa shabu lab

PATAY ang isang Chinese national habang lima pa ang naaresto ng mga awtoridad sa pagsalakay sa isang shabu laboratory sa Valenzuela City kahapon ng madaling araw. Kinilala ang napatay na si Mico Tan, nasa hustong gulang, residente ng 21 Pinagbayanan St., Brgy. Lingunan ng nasabing lungsod. Habang arestado ang limang iba pang kinilalang sina Xiong Bo He alyas Jerry Ho, …

Read More »

Kontak nang natimbog na bebot sa Mactan Airport tukoy na

CEBU CITY – Hawak na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-7 ang pangalan ng ilang mga personalidad na naging kontak ng babaeng Chinese na nahuli sa Mactan Cebu International Airport na may dalang P6 milyong halaga ng shabu. Ayon kay PDEA-7 information officer Lea Alviar, may ilang Filipino at ilang Chinese sa Cebu ang babagsakan ng nasabing droga. Ngunit nakiusap …

Read More »

PDEA, NBI tataasan din ng sahod — Digong

ISASAMA na rin ng Duterte administration ang mga miyembro ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at National Bureau of Investigation (NBI) at iba pang law enforcement agencies sa mga tataasan ang sahod kasama ng mga pulis at sundalo. Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte, inaasahang matitikman ng law enforcers ang umento sa sahod ngayong taon. Ayon kay Duterte, umaapela siya sa …

Read More »

Non-performing COPs sisibakin

NANGANGANIB na masibak sa puwesto ang a non-performing chiefs of police sa buong bansa. Anim linggo lang ang ibinigay na palugit sa mga matataas na opisyal ng PNP upang mag-perform at magpakitang gilas sa kampanya laban sa illegal drugs at krimen. Ayon kay PNP-Directorate for Operations, Chief Supt. Camilo Pancratius Cascolan, sisibakin ang mga mahina ang performance sa ilalim ng …

Read More »

Pacman fight OK kung Senate break — Drilon

ITINUTURING na karapatan ni Filipino ring icon Manny Pacquiao na pagsabayin ang propesyon niya bilang boksingero at pagiging senador ng Filipinas. Ayon kay Senate President Franklin Drilon, kagaya niya, nagagawa niyang pagsabayin ang dalawang magkaibang propesyon bilang abogado gayondin ang pagiging mambabatas. Habang kinuwestiyon niya ang tila pagtutol nang karamihan tungkol sa posibleng pag-akyat muli ni Pacquiao sa itaas ng …

Read More »

9 QCPD cops ipatatapon sa Mindanao (Sabit sa illegal drug trade)

PNP QCPD

SIYAM miyembro ng Quezon City Police District ang nakatakdang ipatapon sa Mindanao dahil sa pagkakasangkot ng kanilang anti-illegal drug unit sa pagre-recycle ng kanilang nakokompiskang shabu. Ayon kay QCPD director, Sr. Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar, ang pagpapatapon sa siyam na pawang nakatalaga sa District Anti-Illegal Drugs Special Task Operations Group (DAID-STOG) at District Special Operation Unit (DSOU) ay base sa …

Read More »

1 patay, 7 sugatan sa nahulog na jeep sa bangin sa CamSur

road traffic accident

NAGA CITY – Patay ang isang lalaki habang sugatan ang pitong iba pa nang mahulog sa bangin ang kanilang sinasakyang jeep sa bayan ng Presentacion, Camarines Sur kamakalawa. Kinilala ang namatay na si Roberto Maco, 43; habang sugatan sina Ruby Sebuguero, 52; Vilma Villareno, 42; Ynez Villareno, 40; Milagros Pana, 39; Amy Sebuguero, 36; Domingo Roldan at Rufo Rosales. Habang …

Read More »

2 bata patay sa red tide sa Samar

red tide

TACLOBAN CITY- Nag-iwan ng dalawang batang patay ang red tide sa Samar. Kinilala ang mga namatay na sina Roselyn Rimala, 11-anyos, residente ng Brgy. Cagutsan Sierra Island; at Gerry Miranda, 5, residente ng Brgy. San Andres sa siyudad ng Calbayog. Ayon kay Regional Director Juan Albaladejo ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Regional Office-8, kumain ang mga biktima ng …

Read More »

Top 8 drug personality sa Calasiao todas sa 2 armado (High value target ikinanta)

shabu drugs dead

DAGUPAN CITY – Binaril at napatay ng riding in tandem suspects ang itinuturing na ikawalo sa top drug personality sa bayan ng Calasiao sa lalawigan ng Pangasinan. Pinagbabaril ng hindi nakilalang mga suspek ang biktimang si Richard Flores habang nakikipagkwentuhan sa ilang kakilala. Nabatid na isa si Flores sa mga sumuko at nakipagtulungan sa pulisya naging dahilan sa pagkahuli sa …

Read More »

Ex-parak tigok sa ambush sa Pasig

gun dead

PATAY ang dating pulis na una nang nahulihan ng 100 gramo ng shabu at nadismis, nang tambangan ng dalawang riding in tandem habang sakay ng motorsiklo sa harap ng simbahan kahapon ng umaga sa Pasig City. Kinilala ni Senior Supt. Romulo Sapitula, director ng Eastern Police District, ang biktimang si SPO1 Rolando Baltazar y Marcos, nasa hustong gulang, at nakatira …

Read More »

3 holdaper utas sa QC cops

dead gun police

PATAY ang tatlong hinihinalang holdaper nang makipagbarilan sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) makaraan holdapin isang ginang kahapon ng madaling araw sa nasabing lungsod. Sa ulat kay QCPD director, Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, patuloy pa ring kinikilala ang napatay na tatlong holdaper sa Maximo Viola St., malapit sa Sto. Domingo St., Brgy. Sto. Domingo, ng …

Read More »

“His excellency” ayaw ni Duterte

IPINAGBAWAL ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng ahensiya ng gobyerno na tawagin siyang “His Excellency.” “(T)he President shall be addressed in all official communications, events, or materials as PRESIDENT RODRIGO ROA DUTERTE only, and without the term ‘His Excellency,’” ayon sa inilabas na memorandum ni Executive Secretary Salvador Medialdea. Iniutos din ng Pangulong Duterte  na “Secretary” lang ang itawag …

Read More »

Digong suportado ng China sa war vs drugs

PHil pinas China

TINIYAK ng China sa pamamagitan ng kanilang embahada sa Maynila na hindi nila kinokonsinti ang mga kababayang sangkot sa ilegal na droga. Reaksiyon ito ng Chinese Embassy makaraan ihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na balak niyang iparating sa China ang kanyang sama ng loob kaugnay sa pangunguna ng Chinese nationals sa paggawa at bentahan ng ilegal na droga sa bansa. …

Read More »

Facial recognition camera ikinabit sa NAIA terminals

NAGKABIT ang Boarder Monitoring and Security Unit (BMSU) ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals ng A4 Tech webcam, facial re-cognition camera, sa lahat ng immigration counters sa arrival and departure area para sa mabilis na pagkilala sa mga pasahero. Sinabi ni Immigration supervisor Mylene Mauricio, 120 facial cameras ang ikinabit nitong nakaraang linggo sa …

Read More »