PUMALO na sa 1,167 ang napapatay na drug suspects sa ilalim ng project “Double Barrel” ng PNP mula sa 1,152 kamakalawa. Sa pinakahuling datos na inilabas ng PNP, mula Hulyo 1 hanggang 6:00 am kahapon, Setyembre 20, umabot na sa 18,064 ang naarestong drug suspects. Habang Umabot sa 18,814 anti-illegal drugs operation ang naisagawa ng pulisya. Samantala, nasa 1,077,582 ang …
Read More »Masonry Layout
MASUSING iniinspeksiyon ng Bureau of Immigration…
MASUSING iniinspeksiyon ng Bureau of Immigration sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang mga pasaherong Hajji mula Saudi Arabia upang matiyak na walang Indonesian na gumagamit ng Philippine passport. Kuha ito sa isang terminal sa NAIA sa kasagsagan ng pagbabalik ng mga pilgrim mula sa Mecca kahapon. (JSY)
Read More »Laguna Well Field
Pormal na binuksan ng Laguna Water noong Agusto 19 ang Laguna Well Field, na isa sa pinakamalaking water facilities sa Pilipinas. Pinangunahan ito ng Manila Water executives na pinamumunuan ni Manila Water Chairman Fernando Zobel de Ayala (seated 5th from Left) at representatives mula sa Provincial Government of Laguna na pinamumunuan ni Governor Ramil L. Hernandez (seated 6th from Left) …
Read More »Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa ISO 9001:2008 Quality Management System
SA pangalawang taon, ginawaran muli ng ISO 9001:2008 sa Quality Management System ang Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa noong Setyembre 19. Kasamang ginawaran ng re-certification mula sa BRS Rim of the World Operations ang Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa, at Ospital ng Muntinlupa matapos pumasa sa isinagawang surveillance audit sa mga tanggapan ng gobyerno. Makikita sa larawan si Mayor Jaime Fresnedi …
Read More »Stop contractualization — PALEA, Partido Manggagawa
NAGSAGAWA ng kilos-protesta sa harap ng gate ng Senado sa Pasay City ang grupong PALEA at Partido Manggagawa upang hilingin na ipagbawal ang pagpapatupad ng contractualization o ENDO sa mga manggagawa na malalaking negosyante ang nakikinabang. (JERRY SABINO)
Read More »Ibasura awtomatikong pagbabayad sa utang! (Audit all public debts now!)
NAGKILOS-PROTESTA ang grupong Freedom from Debt Coalition bitbit ang larawan ng mga ibon bilang simbolo ng kapayapaan sa paanan ng Mendiola kasabay ng panawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte na ibasura ang awtomatikong pagbabayad sa utang na panlabas ng bansa, at magpatupad ng audit upang mabatid kung saan napunta ang P19.2 bilyong El Niño fund. ( BONG SON )
Read More »De Lima knockout kay PacMan (16 kapwa senador pumabor)
TALSIK na bilang chairman ng Senate committee on justice and human rights si Sen. Leila de Lima. Nasa 16 senador ang bumoto para mapatalsik si De Lima, apat ang komontra at dalawa ang nag-abstain. Ito ay kasunod ng mosyon ni Sen. Manny Pacquiao na ideklarang bakante ang chairmanship ng komite ni De Lima, kasunod ng privilege speech ni Sen. Alan …
Read More »Trillanes nag-sorry kay Cayetano
NAGPADALA na ng kanyang liham si Sen. Antonio Trillanes III sa tanggapan nina Senate President Koko Pimentel at Sen. Leila de Lima kaugnay nang nangyaring banggaan nila ni Sen. Alan Peter Cayetano sa Senado nitong nakalipas na Huwebes. Laman ng naturang liham ang paghingi nang paumanhin ni Trillanes dahil sa naging pagkilos niya sa gitna nang pagdinig sa isyu ng …
Read More »Oust Duterte lutong-kano — Palasyo
KINOMPIRMA ng Palasyo na sa US iniluluto ang destabilisasyon para patalsikin si Pangulong Rodrigo Duterte sa poder sa Enero 17 at pinangungunahan ito ng ilang Filipino-American. Sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar kahapon, ang impormasyon sa gumugulong na Oust Duterte Movement sa US ay ipinaabot sa kanya ng isang miyembro ng gabinete na nasa New York ngunit hindi niya tinukoy. …
Read More »6 buwan pa hiling ni Duterte (Drug war: gov’t vs gov’t)
GOBYERNO kontra sa gobyerno ang labanan sa ilegal na droga kaya kailangang palawigin pa ng anim na buwan ang drug war ng administrasyong Duterte. Sa kanyang talumpati kamakalawa ng gabi sa Davao City, inihayag ng Pangulo na masyadong malala ang drug problem sa bansa kanya hindi kayang supilin ito sa unang anim buwan niya sa Palasyo gaya ng kanyang naipangako. …
Read More »12 pulis patay sa kampanya vs droga
UMAKYAT na sa 12 ang napatay habang 16 ang nasugatan sa hanay ng pulisya sa gitna ng kampanya kontra sa ilegal na droga mula Hulyo 1. Sa naturang mga insidente, nanlaban ang mga drug suspect kaya nalagay sa alanganin ang buhay ng mga pulis, ayon kay Philippine National Police (PNP) spokesperson, Superintendent Dionard Carlos. Sa tala ng PNP Directorate for …
Read More »Humalay sa 6-anyos sa Pampanga nadakma
CAMP OLIVAS, Pampanga – Arestado sa Brgy. San Nicolas, Tarlac City ang isang lalaking No. 7 most wanted person bunsod nang panggagaha sa isang 6-anyos batang babae noong 2015 sa San Simon, Pampanga. Kinilala ng mga awtoridad ang suspek na si Edmart Gutierrez y Cabilin alyas Mac-Mac, 19, construction worker, suspek sa panghahalay sa kanyang kapitbahay. Ayon kay PO2 Mary …
Read More »Balikbayan box no physical inspection
AALISIN na ng Bureau of Customs ang isinasagawa nilang physical inspection sa Balikbayan boxes. Ito ay para maiwasan ang ano mang pagkawala sa mga padala ng overseas Filipino workers. Ngunit inilinaw ng ahensiya patuloy pa rin ang pagpapadaan ng Balikbayan boxes sa kanilang scanner.
Read More »30 testigo isasalang sa DoJ (Sa drug probe sa Kamara)
AABOT sa 30 testigo at resource person ang ipiprisenta ng Department of Justice (DoJ) ngayong araw sa isasagawang imbestigasyon ng Kamara kaugnay nang sinasabing illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NBP). Ayon kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre, ang mga witness ang magdidiin kay Sen. Leila de Lima na aniya’y nakinabang sa drug money mula NBP. Sa unang araw ng …
Read More »2 tiklo sa tangkang pagpuslit ng bala sa kulungan
AGAD nagsagawa nang sorpresang inspeksiyon ang mga tauhan ng Special Reaction Unit (SRU) at Intelligence Unit sa loob ng detention cell sa Navotas City makaraan mabuking ang tangkang pagpupuslit ng isang babae at lalaki ng magazine na kargado ng bala sa loob ng nasabing piitan. Kinilala ni Navotas Police chief, Senior Supt. Dante Novicio ang mga suspek na sina Jeraldine …
Read More »Cameraman huli sa shabu
NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang dating assistant cameraman ng isang television network makaraan makompiskahan ng shabu na nagkakahalaga ng P70,000 sa checkpoint habang ipinatutupad ang Oplan Sita sa Proj. 6, ng nasabing lungsod. Sa ulat kay QCPD District Director, Sr. Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar, kinasuhan ng paglabag sa Section 5 ng RA 9165 (Transporting …
Read More »Nakaumang ang Martial Law —Satur Ocampo (Sa isyu ng state of lawless violence)
HINDI kailangang magdeklara si Pangulong Ridrigo Duterte ng state of lawlessness sa gitna ng pagpapatuloy ng ‘giyera’ laban sa ilegal na droga, ayon kay dating Bayan Muna party-list representative Satur Ocampo. Sa Tapatan sa Aristocrat media forum sa Malate, Maynila, nagbabala si Ocampo na may posibi-lidad na magbigay-daan ang deklarasyon ng lawless violence sa pagdedeklara ng martial law at suspensiyon …
Read More »2 hi-value target sa droga tiklo sa Taguig – QCPD
ARESTADO ang dalawang ikinokonsiderang high value target sa pagtutulak ng droga sa buy-bust operation ng mga operatiba ng Quezon City Police District at Taguig City Police Station sa parking lot ng Sunshine Mall sa FTI, Taguig City kamakalawa. Sa ulat kay QCPD Director, Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, kinilala ang mga nadakip na sina Suraida Guiomla alyas Aslia, 38, …
Read More »Libel vs Hataw ibinasura ng piskalya
ABSUWELTO ang kolumnista at iba pang opisyal ng pahayagang Hataw D’yaryo ng Bayan sa kasong libel na isinampa ng isang barangay chairman sa Maynila. Sa inilabas na review resolution ni Assistant City Prosecutor Winnie Edad nitong Agosto 30, 2016, ibinasura niya ang kasong libel na inihain ni Ligaya Santos laban sa mga respondent na sina Percy Lapid, kolumnista; Jerry Yap, …
Read More »P30-M ransom sa Norwegian hostage ‘di alam ng Palasyo
DUMISTANSYA ang Palasyo sa ulat na pinalaya ng teroristang Abu Sayyaf Group ang Norwegian hostage kamakalawa makaraan magbayad ng P30-M ransom. Ayon kay Communications Secretary Martin Andanar, pinanininndigan ng administrasyong Duterte ang no ransom policy ng gobyerno ngunit sakaling nagbigay ng ransom money sa ASG ang pamilya ng Norwegian hostage na si Kjartan Sekkingstad para siya’y palayain, hindi ito alam …
Read More »Witness na NBP inmates walang kapalit – DoJ (Kontra kay De Lima)
ITINANGGI ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na may ipinangakong kapalit ang Duterte administration sa high-profile inmates ng New Bilibid Prisons (NBP) sa pagtestigo nila laban kay Sen. Leila de Lima. Ayon kay Aguirre, walang inialok na parole sa nasabing mga inmate kapalit nang pagsasalita nila laban kay De Lima. Haharap ang Bilibid inmates sa pagdinig ng Kamara sa Martes kaugnay …
Read More »Teddy ‘Boy’ Locsin ambassador to UN (Pantapat sa batikos)
ISANG hard-hitting media personality ang itatapat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pagbatikos ng United Nations (UN) sa isinusulong na drug war ng kanyang administrasyon. Itinalaga ni Pangulong Duterte ang abogado, dating press secretary, Makati City Rep., at media personality Teddy Boy Locsin Jr. bilang bagong Philippine ambassador to the United Nations. Sinabi kahapon ni Communications Secretary Martin Andanar, kinompirma …
Read More »In-city housing beneficiaries, iskolars dapat drug free – Tiangco
SINISIGURADO ni Navotas Mayor John Rey Tiangco na “drug-free” ang lahat ng in-city housing beneficiaries at lahat ng mga iskolar sa pamantasan ng siyudad. “Huwag kayong magdo-droga. Iyan ang pinakapanuntunang dapat sundin ng mga beneficiaries ng housing at ang mga iskolar para makapasok sa mga programa ng siyudad,” ani Tiangco sa Ingles. “Violation of this rule means losing the house …
Read More »Pinoys kalma pero magmatyag – Palasyo (Sa pagsabog sa Chelsea NY)
MAGING kalmado at mapagmatyag. Ito ang payo ng Palasyo sa mga Filipino na nakabase sa New York makaraan ang pagsabog Chelsea district na ikinasugat ng 29 katao. “We advise Filipinos living in the area to remain calm and vigilant as we wait for further developments,” sabi ni Communications Secretary Martin Andanar. Nakatutok aniya sa sitwasyon ang Philippine Consulate General sa …
Read More »Chinese national patay sa ambush
PATAY ang isang Chinese national makaraan tambangan dakong 11:00 pm kamakalawa sa Binondo district sa Maynila. Kinilala ang biktimang si Hua Tian Shi, 28, binaril ng hindi nakilalang mga suspek sa bahagi ng Mapua St., Brgy. 301, Binondo, Manila. Batay sa imbestigasyon ng pulisya, binaril ang biktimang Chinese nang close range sa loob ng kanyang sasakyan. Iniimbestigahan ng pulisya ang …
Read More »