PATAY ang isang construction worker habang nalapnos ang mga kamay at paa ng isa pang biktima makaraan makor-yente sa ikalimang palapag nang itinatayong gusali sa Pacheco St., Tondo, Maynila, kamakalawa ng umaga. Isinugod sa Mary Johnston Hospital ang biktimang si Gilbert Dizon y Tan, 31, residente sa Sto. Niño St., Tondo ngunit hindi na umabot nang buhay. Habang nakaratay sa …
Read More »Masonry Layout
Online shabu bagong marketing strategy ng Chinese drug ring
ONLINE na ang bentahan ng shabu at nadagdag na ito sa call center industry sa Filipinas. Ito ang nabatid makaraan masabat nang pinagsanib na puwersa ng National Bureau of Investigation (NBI), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Bureau of Immigration (BI) ang da-lawang kilong hinhinalang shabu sa isang condominium unit sa Parañaque kahapon. Ayon kay Derrick Carreon, spokesman ng PDEA, …
Read More »6 pugante, jail guard patay 158 preso nakapuga (Cotabato jail inatake ng MILF)
KAGAGAWAN ng Moro Islamic Liberation Front ang nangyaring pag-atake sa Cotabato District Jail na ikinamatay ng isang jail guard at dahilan para makatakas ang 158 bilanggo. Ayon kay Cotabato Jailwarden Supt. Peter John Bonggat, ang MILF ang siyang may pakana nang pang-aatake dakong 1:15 am kahapon. Umabot aniya sa da-lawang oras ang kanilang palitan ng mga putok sa aniya’y mahigigit …
Read More »Palasyo nanawagan publiko maging payapa at kalmado
NANAWAGAN ang Palasyo sa publiko na manatiling kalmado at huwag magpasulsol sa mga maling balita hinggil sa pagtakas ng 158 bilanggo sa North Cotabato District Jail (NCDJ) kahapon. Tiniyak ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, hindi nilulubayan ng mga awtoridad ang im-bestigasyon at operasyon para maibalik sa kulu-ngan ang mga puganteng preso. Nasa heightened alert aniya ang Bureau of Jail Management …
Read More »No drones, cellphone signals sa prusisyon ng Poong Nazareno
ANG cellphone signals ay idya-jam at ang drones ay ipagbabawal sa gaganaping traslacion o prusisyon ng Black Nazarene sa Maynila sa 9 ng Enero, araw ng Lunes, ayon sa Armed Forces of the Philippines. Ang hakbang na ito ng AFP ay bunsod nang pangambang pag-atake ng mga terorista sa gaganaping prusisyon, inaasahang daragsain ng mil-yon-milyong Filipino Catholics, kasunod ng serye …
Read More »Kapabayaan sa Bicol tinatakpan ni Leni — Palasyo (Sinalanta ng bagyong Nina)
GINAGAMIT ni Vice President Leni Robredo na ‘kumot’ ang pagbatikos sa administrasyong Duterte sa relief operations sa mga sinalanta ng bagyong Nina upang pagtakpan ang pagpapabaya niya sa mga kababayan sa Bicol na biktima ng kalamidad habang siya’y nagbabakasyon sa Amerika. Ito ang sinabi ng political observer makaraan pintasan ni Robredo ang relief operations ng gobyerno na mabagal. Aniya, abala …
Read More »Sanggol inilaglag, 26-anyos ina kinasuhan ng aborsiyon
NAHAHARAP sa kaso ang isang 26-anyos babae nang namatay ang isinilang niyang sanggol dahil sa paggamit ng Cytotec sa Pandacan, Maynila. Si Marivic Mapesa, may live-in partner, ng 2062 Lozada St., Pandacan, Maynila ay sasampahan ng kasong abortion. Ayon sa imbestigas-yon ni SPO2 Jonathan Bautista ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, dakong 1:20 am nang ideklarang patay ang isinilang na …
Read More »Stray bullet victims nasa 17 na — PNP
KASABAY nang pagdami ng mga biktima ng paputok, nadaragdagan din ang mga biktima ng stray bullet. Ayon sa latest report ng PNP, umakyat sa 17 ang biktima ng ligaw na bala sa buong kapuluan. Pinakamarami ay nagmula sa Metro Manila na may bilang na anim. Patuloy ring sinisiyasat ang 26 ilegal na paggamit ng baril sa panahon nang pagsalubong sa …
Read More »4 drug pusher arestado sa Valenzuela
APAT hinihinalang drug pusher ang naaresto sa buy-bust operation kahapon ng madaling-araw sa Valenzuela City. Kinilala ang mga suspek na sina Ronald Pascua, 33; Charlie Manlapig, 41; Ronee Carillo, 32; at Marlon Manabat, 36, pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Article II ng R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002, sa Valenzuela City Prosecutors Office. Batay sa ulat …
Read More »2 akyat bahay, utas sa shootout
PATAY ang dalawang hindi pa nakikilalang lalaking hinihinalang mga akyat-bahay makaraan lumaban sa mga operatiba ng Quezon City Police District–District Special Operation Unity (QCPD-DSOU) kahapon ng ma-daling araw sa Brgy. North Fairview, Quezon City. Sa ulat kay C/Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, patuloy pa rin kinikilala ng DSOU na pinamumunuan ni Supt. Rogarth Campo, ang da-lawang suspek na kapwa inilarawan …
Read More »Mekaniko itinumba sa harap ni misis
PINAGBABARIL sa harap ng kanyang kinakasama ang isang mekaniko ng tatlong hindi nakilalang lalaki sa loob ng kanilang bahay sa Pasay City nitong Martes ng gabi. Patay agad ang biktimang si Antonio Perez, 33, ng Canoy St., Brgy. 132, Zone 13, ng lungsod. Sa pagsisiyasat ni SPO1 Giovanni Arcinue, dakong 10:30 pm nang mangyari ang insidente. Ayon sa pahayag ng …
Read More »3 tulak nadakma sa buy-bust
ARESTADO sa mga awtoridad ang tatlo katao na hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa buy-bust operation sa Brgy. Poblacion, Sta. Maria, Bulacan kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Supt. Raniel Valones, hepe ng Sta. Maria PNP, ang mga suspek na sina Victoriano Antonio, Mae Aleli Engreso at John Michael Lugto, pawang residente ng Brgy. Pobacion, sa naturang bayan. Ayon sa …
Read More »ULOL, Matsunaga Canada-US tour mula Mar-Apr 2017
MATUTUWA ang mga Pinoy abroad lalo sa Canada at Estados Unidos (ES) dahil dadayuhin sila ng ULOL at ni Daniel Matsunaga para ihandog ang isang hindi makalilimutang comedy show. Ultimate Laugh Out Loud ang ibig sabihin ng ULOL na kinatatampukan ng mga patok na comedy bar performers dito sa ating bansa. Matapos ang Europe Comedy Tour ng grupo nina Kim …
Read More »Duterte economic team kontra sa pension hike
NANINDIGAN ang economic managers ni Pangulong Rodrigo Duterte, delikadong itaas ang pensiyon ng mga miyembro ng Social Security System (SSS) kung walang kaakibat na pagtataas sa kontribusyon. Magugunitang bago maupo sa presidency, kabilang sa pangako ni Pangulong Duterte ang pagtataas sa pensiyon ng SSS members. Tinatayang nasa 2.2 milyon ang pensioners ng SSS. Sinabi nina Budget Secretary Benjamin Diokno, Socioeconomic …
Read More »Lola patay, 3 sugatan sa QC fire
PATAY ang isang lola habang tatlo ang sugatan kabilang ang isang bombero, sa sampung oras na sunog sa NIA Road, Brgy. Pinyahan, Quezon City. Sa ulat ni Sr. Supt. Manuel Manuel, QC fire marshal, kinilala ang namatay na si Corazon Teozon, 74, alyas Lola Goring, sa nabanggit na lugar. Halos hindi na makilala ang bangkay ni Lola Goring nang matagpuan …
Read More »Simbahan pera-pera lang — Digong
BINATIKOS ni Pangulong Rodrigo Duterte ang simbahang Katoliko na magaling sa pangongolekta ng pera ngunit walang ginagawa upang tumulong sa gobyerno na puksain ang P216-bilyon kada taon industriya ng illegal drugs sa bansa. Sa kanyang talumpati sa Christmas party ng barangay officials sa Davao City kamakalawa ng gabi, nagbabala ang Pangulo hinggil sa paniniwala sa relihiyon, na ang tinutukoy ay …
Read More »P50-M tulong sa Nina victims dodoblehin ni Digong
NAGA CITY – Handang doblehin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ipinangakong P50 milyon tulong para sa mga magsasakang apektado nang pananalasa ng bagyong Nina sa Bicol. Sa pagbisita ni Pangulong Duterte sa Camarines Sur, una niyang ipinangako ang P50 milyon mula sa Department of Agriculture (DA) bilang tulong sa muling pagbangon ng mga magsasakang nasalanta ng bagyo. Ngunit ayon sa …
Read More »2, 295 patay, 4,000 DUI 45,000 nahuli (6-buwan drug war)
IBINIDA ni PNP chief, Dir. Gen. Ronald Dela Rosa, nakamit nila ang 70 porsiyentong target sa pinalakas na kampanya kontra ilegal na droga. Iniulat ni Dela Rosa, mula 1 Hulyo hanggang 22 Disyembre 2016, umabot sa 1,326,472 ang naitala nilang drug personalities. Kasama sa bilang na ito ang 1,049,302 sumuko sa Oplan Tokhang, 45,041 ang arestado, at 2,295 ang napatay …
Read More »Frost naitala sa Benguet, 15.8°C sa Baguio
BAGUIO CITY – Naitala sa ilang bahagi ng Benguet ang kaso ng andap o frost, karaniwang nararanasan tuwing Disyembre. Ayon kay Agot Balanoy, general manager ng Benguet Farmer’s Marketing Cooperative, posibleng maranasan ng mga magsasaka ang frost hanggang Enero partikular sa Paoay, Atok, Benguet. Gayonman, sinabi niyang alam na ng mga magsasaka ang kanilang gagawin tuwing may andap tulad ng …
Read More »1 patay, 10 sugatan sa trike vs truck
PATAY ang isang 16-anyos binatilyo habang siyam ang sugatan nang magbanggaan ang isang tricycle na sinasakyan ng mga biktima at isang Isuzu tanker truck sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi. Agad binawian ng buhay sa insidente ang biktimang si Justine Vincent Del Rosario, ng 34 Filrizam St., Brgy.Canumay West ng lungsod, sanhi ng pinsala sa ulo at katawan. Habang ginagamot …
Read More »US Embassy ipatatawag sa Duterte ouster probe
BAGAMA’T matibay ang paniniwalang hindi magtatagumpay ang mga tangkang pagpapatalsik kay Pangulong Rodrigo Duterte, seryosong bibigyan ng pansin ng Kamara ang nasabing ouster plot. Ayon kay House Speaker Pantaleon “Bebot” Alvarez, mahalagang malaman kung totoo ang pakikialam ni dating US Ambassador Philip Goldberg sa soberanya ng Filipinas. Matatandaan, sa nalathalang impormasyon, sinasabing pina-plano ng dating US envoy ang pagpapahina sa …
Read More »Jaybee Sebastian inilipat sa NBI
KINOMPIRMA ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre III nitong Miyerkoles, inilipat na sa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI) ang high-profile inmate na si Jaybee Sebastian. Si Sebastian ay inilipat nitong Martes ng gabi mula sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa patungo sa hindi tinukoy na NBI office, pahayag ni Aguirre, ngunit tumangging magbigay ng iba pang detalye. Magugunitang …
Read More »Sariling sentido pinasabog ng sekyu
PATAY ang isang security guard makaraan magbaril sa kanyang sentido dahil sa problema sa pera sa Malabon City kamakalawa ng tanghali. Agad binawian ng buhay ang biktimang si Victor Calagno, 42, security guard ng A.G.C Security and Investigation Agency, at residente sa Riverside St., Brgy. Potrero. Ayon sa ulat nina PO3 Alexander Dela Cruz, PO2 Roldan Angeles at PO2 Rockymar …
Read More »Sindac itinalagang hepe ng ARMM-PNP
SA pagpasok ng bagong taon, may bagong hepe ang pulisya sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) makaraang italaga bilang regional director si Chief Superintendent Reuben Theodore Sindac. Sa pagkakatalaga ni Sindac bilang hepe ng pulisya sa rehiyon, nangako siyang itataguyod at susuportahan ang mga programang pangkayapaan na isinusulong ng pamahalaan sa pangunguna ni Pangulong Rodrigo Duterte. Pinalitan ng dating …
Read More »90 biktima ng paputok — DoH
PUMALO sa 90 ang bilang ng mga biktima ng paputok ilang araw bago salubungin ang Bagong Taon. Batay ito sa pinakahuling datos ng Department of Health (DoH) mula 21-28 Disyembre. Nanguna ang NCR sa mga lugar na may pinakamaraming bilang ng biktima ng paputok (45.50%), sinundan ng Region 6 (10.11%) at CALABARZON (9.10%). Inilabas ni Health Sec. Paulyn Jean Rosell-Ubial …
Read More »