Thursday , January 20 2022

Maayos na kalusugan ipanalangin kay Duterte — Lim

IMBES maghangad na may masamang mang­yari sa ating Presidente, mas makabubuting ipa­na­la­ngin natin ang pa­tuloy na pagiging maayos ng kanyang kalusugan at tagumpay ng kanyang pamumuno sa bansa.

Ito ang inihayag ni dating Manila Mayor Alfredo Lim sa isang pa­nayam sa ‘PDP Cares’ anniversary, na sinabi niya na malamang mas mabaon pa ang bansa sa mas malalang problema ng illegal drugs at iba pang krimen kung hindi si Presidente Rodrigo Du­terte ang may hawak ng pamumuno sa Filipinas.

Batay sa kung gaano na kagrabe ang mga uri ng krimen at kriminal sa buong mundo kasama na ang bansa, mahalaga umano ang pagkakaroon ng isang lider na matigas ang paninindigan, may kamay na bakal at tunay na determinadong walisin lahat ng uri ng krimen kahit ano ang mangyari, gaya ng Pangulo.

Ani Lim, base na rin sa kanyang karanasan, ang pakikipaglaban sa masasamang-loob, sa loob at labas ng gobyerno ay napakahirap gawin.

BUONG-BUO ang ngiti ni dating mayor Alfredo S. Lim sa pagpapahayag ng kanyang pasasalamat nang tumayo si Presidente Rodrigo Duterte upang makipagkamay sa kanya sa anibersaryo ng “PDP Cares,” ang humanitarian arm ng Partido. Nasa larawan din si dating Senate President Aquilino Pimentel, Jr., na nakitang kumakanta sa pagdiriwang. (JSY)

Si Lim ay dating na­muno sa National Bureau of Investigation (NBI), sa Interior and Local Govern­ment Department (DILG) at sa noon ay Western Police District (WPD) , bukod sa pagiging dating mayor at Senador.)

”As it is, we have a President who can ‘walk the talk’ and shows no mercy for criminals and yet, there are still some who persist in taking the wrong path. What more if our country’s leader is not as tough as President Duterte? Can you imagine?” ani Lim.)

Idinagdag niyang ang pahayag ni Duterte na iniisip niyang magbitiw ay hindi dapat bigyan ng literal na interpretasyon dahil maliwanag na ito ay pagpapahayag lamang ng sobrang pagkades­ma­ya at pagod sa kahahabol sa mga gumagawa ng ile­gal.

Sa dami ng mga naa­resto, nakasuhan at na­tim­bog sa patuloy na mata­pang na kampanya laban sa illegal drugs at sa dami rin ng govern­ment officials na nasibak dahil sa korupsiyon, dapat umanong mauna­waan ng mga Filipino ang mga ‘hugot’ ng Pangulo.

“Instead of engaging in fault-finding or wishing the President ill, we all should support his goals toward a drug-free and corruption-free country and contribute to the government efforts to­ward this direction  in whatever way we can,” ani Lim.

Binigyang-diin ni Lim na iisa lamang ang ating bansa at Pangulo at ang magiging tagumpay nito sa pamumuno ay buong bansa at sambayanan ang nakatakdang makina­bang. (JSY)

About JSY

Check Also

NTC suportado sa pagtutol ng OSG sa “ABS-CBN Favoritism Bill” na isinusulong ni Sen. Leila De Lima

SINUPORTAHAN ng National Telecommunication Commission (NTC) ang pagtutol ng Office of the Solicitor General (OSG) …

Cha-cha ipaubaya sa sunod na kongreso — Rodriguez

HINIMOK ni House Deputy Speaker Rufus Rodriguez ang mga kasamahan niya sa Kongreso na ipaubaya …

Sa ‘viral video’ ng ambush sa Montalban HATAW RIZAL REPORTER TINAKOT, BINANTAAN NG CYBERLIBEL

Sa ‘viral video’ ng ambush sa Montalban
HATAW RIZAL REPORTER TINAKOT, BINANTAAN NG CYBERLIBEL

DUMARANAS ng banta sa kanyang seguridad ang isang news reporter ng HATAW D’yaryo ng Bayan …

012022 Hataw Frontpage

Hiling sa AMLC
‘MONEY LAUNDERING’ SA ‘PHARMALLY’ BUSISIIN

ni ROSE NOVENARIO BIGLANG YAMAN ang mga personalidad na sangkot sa Pharmally controversy na nabisto …

Imee Marcos

Tallano gold, Yamashita treasure itinanggi ni Imee

URBAN legend! Ganito tinawag ni Sen. Imee Marcos ang mga kuwento tungkol sa pagkakaroon ng …

Leave a Reply