KUMAWALA na kahapon sa House Justice Committee ang panukalang ibalik ang parusang kamatayan sa bansa. Umabot sa 12 boto ang pumabor, anim ang tumutol at isa ang nag-abstain dahilan para lumusot sa nasabing komite ang death penalty para sa heinous crimes o karumal-dumal na krimen. Kabilang sa mga kongresistang tumutol ay sina Reps. Lawrence Fortun (Agusan del Norte), Ramon Rocamora …
Read More »Masonry Layout
Gov. Cua pumalag (Protektor ng shabu lab?)
MARIING itinanggi ni Catanduanes Governor Joseph Cua ang pagdawit sa kaniya sa ilegal na droga kaugnay sa pagkakadiskubre ng isang “mega” shabu laboratory sa bayan ng Virac nitong 26 Nobyembre. Sa isang pulong balitaan na ginanap sa Quezon City kahapon, pinaliwanag ni Cua na walang katotohanan ang mga paratang ‘pagkat bahid-politika lamang. “Dito na ako nagdesisyon na kailangan marinig ang …
Read More »LP protektor ng illegal drugs trade
SINISI ni Pangulong Rodrigo Duterte ang administrasyong Aquino kaya lumala ang problema sa ilegal na droga sa bansa at utak sa pagpapabagsak sa kanyang gobyerno. Sa kanyang talumpati sa United Nations Convention Against Corruption kagabi sa Palasyo, sinabi ni Pangulong Duterte, ang yellow group o Liberal Party ang nasa likod ng mga panawagan at hakbang para guluhin ang kanyang pamunuan …
Read More »3 narco-judges inabsuwelto ng Supreme Court (Idinawit ni Duterte sa drugs)
INABSUWELTO sa isinagawang fact finding investigation ng Korte Suprema ang tatlo sa mga hukom na pinangalanan ni Pangulong Duterte bilang sangkot sa ilegal na droga, sa kanyang talumpati noong 7 Agosto 2016 sa Lungsod ng Davao. Sakop ng resolusyon ng Korte Suprema sina Judge Exequil Dagala ng Dapa-Socorro Surigao MTC; Judge Adriano Savillo ng Iloilo City RTC Branch 30; at …
Read More »Tatlong sangay nagbabanggaan sa anti-drug war
HINDI na mapipigilan ang pag-iral ng constitutional crisis dahil sa pagbabanggan ng tatlong sangay ng pamahalaan bunsod ng drug war na isinusulong ng administrasyong Duterte. Ayon sa isang political observer, lalong luminaw ang constutional crisis nang iabsuwelto kahapon ng Korte Suprema ang tatlong hukom sa pagkakasangkot sa illegal drugs na naunang tinukoy ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang narco-judges. Inihayag kahapon …
Read More »PNoy, ex-president na bukod-tanging absent (Sa AFP turn-over ceremony)
NO-SHOW si dating Pangulong Benigno Aquino III sa turn-over ceremony ng Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff samantala lahat nang naging commander-in-chief ay dumalo sa okasyon sa Camp Aguinaldo kahapon. Nabatid kay AFP Spokesman Restituto Padilla, lahat ng nabubuhay na pangulo ng bansa ay pinadalhan ng imbitasyon para sa nasabing seremonya gaya nina Aquino, Fidel Ramos, Joseph …
Read More »Ex-ISAFP head new chief of staff
ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si Lt. Gen. Eduardo Año bilang bagong Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Ito ang kinompirma ng isang source mula sa Palasyo na may alam tungkol sa appointment ni Año. Si Lt. Gen. Año ay kasalukuyang commanding general ng Philippine Army. Dati siyang nagsilbi bilang pinuno ng Intelligence Service of the …
Read More »General amnesty sa political prisoners hiling sa Kamara
HINILING ng Makabayan bloc sa Kamara na bigyan ng general amnesty ang political prisoners sa bansa. Umapela ng suporta sa mga kapwa mambabatas sina Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate para makalaya agad ang mahigit 400 political prisoners. Binigyan-diin ni Brosas, hindi dapat ginagamit bilang bargaining chip ang political prisoners para sa mga negosasyong …
Read More »No parking sa Metro Manila (Silver bullet ni Sotto sa trapiko)
MAY solusyon si Senador Vicente Sotto III sa problema ng trapiko — at hindi ito pagbibigay ng emergency powers kay Pangulong Rodrigo Duterte. Sa Kapihan sa Manila Bay media forum sa Café Adriatico sa Malate, Maynila, ipinaliwanag ni Sotto na mahalagang mapagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang pag-alis ng lahat ng obstruksiyon o balakid sa mga kalsada bilang bahagi ng …
Read More »7 utas sa QC drug bust
PITONG hinihinalang drug personalities ang napatay nang lumaban sa buy-bust operation ng Quezon City Police District (QCPD) sa magkahiwalay na lugar sa nasabing lungsod. Sa ulat ni QCPD Director, Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, unang napatay sina Constantino de Juan, 37, ng Brgy. Payatas B, Quezon City, at ang kanyang dalawang kasama na sina alyas Buhay at alyas Teteng …
Read More »2 sangkot sa droga todas sa pulis
PATAY ang dalawang lalaking kabilang sa drug watchlist ng pulisya, makaraan makipagbarilan sa mga awtoridad sa anti-criminality operation habang natagpuan ang bangkay ng hindi nakilalang lalaking hinihinalang biktima ng summary execution sa Navotas City. Ayon kay Senior Supt. Dante Novicio, hepe ng Navotas Police, dakong 2:00 am nang magsagawa ng anti-criminality operation ang pinagsanib na puwersa ng NPD-DPSB, PCP-3, SIB …
Read More »Drug suspect itinumba ng tandem
BINAWIAN ng buhay ang isang 26-anyos lalaking hinihinalang sangkot sa droga makaraan pagbabarilin ng dalawang hindi nakilalang mga suspek na lulan ng motorsiklo kahapon ng madaling-araw sa Pasay City. Kinilala ng pulisya ang biktimang si Jenlet Buenaventura, ng 2903 C. Cruz St., Brgy. 147, ng nasabing lungsod. Base sa ulat ng Pasay City Police, dakong 1:20 am habang nakatayo ang …
Read More »Bebot patay sa hit and run sa Naga City
NAGA CITY – Nagkalasog-lasog ang katawan ng isang hindi nakilalang babae makaraan mabiktima ng hit and run sa Brgy. Mabolo sa lungsod ng Naga. Ayon sa ulat, nangyari ang insidente dakong 2:00 am kahapon sa Maharlika highway sa nasabing lugar. Hindi pa mabatid ang klase ng sasakyan na nakasagasa sa biktima. PinaniniwalaangBebot patay sa hit and run sa Naga Cityv …
Read More »Criminology student tiklo sa drug raid
GENERAL SANTOS CITY – Arestado ang isang 2nd year criminology student sa buy-bust operation ng Regional Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group (RAIDSOTG) sa lungsod. Kinilala ni Supt. Maximo Sebastian Jr. ng RAIDSOTG, ang suspek na si Asrap Belon Usman, 22, residente ng Brgy. Sinawal nitong lungsod, at nag-aaral sa isang pribadong kolehiyo. Positibong nabilhan nang nagpakilalang posuer buyer na …
Read More »PNoy, alipores sasampolan ng Duterte admin (Sa kampanya kontra katiwalian)
SASAMPOLAN ng administrasyong Duterte si dating Pangulong Benigno Aquino III at kanyang mga alipores sa kampanya kontrakatiwalian. Ito ang tugon ng Palasyo sa panawagan ng makakaliwang grupong Anakbayan na ipursige ng administrasyong Duterte ang pagsasampa ng kaso laban sa mga opisyal ng gobyernong Aquino kaugnay sa mga isyu na may kinalaman sa korupsiyon gaya ng Disbursement Acceleration Program (DAP), calamity …
Read More »Hamon ni Duterte sa kritiko: Rally kayo isang taon kahit Linggo
HINDI nababahala si Pangulong Rodrigo Duterte sa aniya’y sinasabing papatayin o tatanggalin siya sa puwesto dahil sa alegasyong extra-judicial killings sa bansa. Sinabi ni Pangulong Duterte, naniniwala siya sa ‘destiny’ at kung sadyang anim buwan o isang taon lang siya magiging pangulo ng bansa, kanya itong tatanggapin. Ayon kay Pangulong Duterte, kaya hindi niya pipigilan ang mga gustong magkilos-protesta laban …
Read More »Duterte makapagtatrabaho nang komportable (Kahit wala nasi Leni) — Abella
KOMPORTABLE nang makapagtatrabaho si Pangulong Rodrigo Duterte ngayong wala na sa Gabinete si Vice President Leni Robredo. Ito ang sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella kahapon makaraan mawala sa gabinete si Robredo. “From his (Duterte) perspective, of course, he’s able to work more comfortably,” tugon ni Abella hinggil sa epekto ng resignation ni Robredo sa gabinete. Hindi aniya komportable ang …
Read More »Sabi ni Trillanes: Pahayag nina Dayan at Espinosa kontrolado
TAHASANG sinabi ni Sen. Antonio Trillanes IV, parehong hindi credible o kapani-paniwalang mga testigo ang itinuturing na drug lord na si Kerwin Espinosa at ang dating driver/lover ni Sen. Leila de Lima na si Ronnie Dayan. Aniya, hindi kapani-paniwala ang mga pahayag ng dalawa dahil “under duress” o pinipuwersa silang ihayag ang mga iniuutos sa kanilang sabihin kahit kasinungalingan na …
Read More »Dayan may bagong ikakanta (Makaraan ma-contempt)
NAGING positibo pa rin ang resulta nang pagharap ni Ronnie Dayan kaya pinauwi na siya makaraan ma-cite ng contempt. Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, kamakalawa ng gabi ay bumiyahe si Dayan, kasama ang mga bantay patungo sa Pangasinan. “Kaya binibigyan natin ng pagkakataon para mahimasmasan,” wika ni Lacson. May mga bago rin daw silang natuklasan sa testimonya ng dating driver …
Read More »De Lima kulong sa 2017 — Alvarez
INIHAYAG ni House Speaker Pantaleon Alvarez, kailangan nilang maging mas maingat sa posibilidad na ipaaresto si Sen. Leila de Lima. Bukod sa iniiwasan nilang humantong ang sitwasyon sa banggaan ng Senado at Kamara, nangangamba si Alvarez na baka magamit lamang ni De Lima ang pagpapaaresto sa kanya upang makahatak ng simpatya sa publiko. Gayonman, umaasa pa rin siya na sa …
Read More »Pinay DH sa HK 16 taon kulong sa drug case
HINATULAN ng 16 taon at anim buwan pagkakabilanggo ang isang dating domestic helper (DH) na naaresto sa Hong Kong airport nitong Pebrero dahil sa pagdadala ng halos apat na kilong cocaine, makaraan mag-plead guilty nitong Nobyembre 30. Ayon sa Sun Hong Kong, si Judge Esther Toh ay nagbigay ng one-third discount sa guilty plea ni Rizza Mae Argamoso. Habang inihayag …
Read More »10 nasaktan sa pumalyang escalator ng MRT 3
SAMPUNG pasahero ng Metro Rail Transit (MRT) 3 ang nasaktan dahil sa pagkasira ng escalator sa Taft Avenue Station sa Pasay City kahapon ng umaga. Ayon kay MRT-3 General Manager Deo Manalo, dakong 9:45 am nang biglang huminto ang andar ng isang escalator sa na-sabing estasyon. Sinabi ni Manalo, pawang minor injuries lang ang naranasan ng mga biktimang hindi na …
Read More »Sweet 16 na-gang rape ng 4 totoy
CAUAYAN CITY, Isabela – Sinampahan ng kasong rape ang apat kalalakihan na inakusahang halinhinang gumahasa sa isang dalagita sa Santiago City. Nakakulong na ang mga suspek na kinabibilangan ng isang 18-anyos binatilyo at tatlong menor de edad na 13 hanggang 17-anyos. Ang biktimang si alyas Alet, 16-anyos, ay nasa pangangalaga na ng “Bahay Namnama” sa Balintocatoc, Santiago City. Nagsumbong sa …
Read More »Bebot minartilyo ng adik, mag-ina sinaksak
KRITIKAL ang kalaga-yan ng isang 4th year college student makaraan martilyohin ng isang lalaking lango sa droga habang sugatan ang isang janitress at kanyang 4-anyos anak na sinaksak ng suspek sa Navotas City kahapon ng madaling araw. Nilalapatan ng lunas sa Tondo Medical Center ang estudyanteng si Kim Xialen Villaseñor, 20, residente ng 314-B S. Roldan St., at ang mag-inang …
Read More »2 binatilyo itinumba sa Makati
KAPWA namatay ang dalawang binatilyong dati nang sumuko sa “Oplan Tokhang,” makaraan pagbabarilin ng riding-in-tandem kahapon ng madaling-araw sa Makati City. Patay na nang idating sa San Juan de Dios Hospital ang mga biktimang sina Ace Bacoro, 18, at Randy Goroyon,18, ng Rockefeller St., Brgy. San Isidro ng lungsod. Ayon sa ulat ng pulisya, dakong 1:00 am habang nakatambay ang …
Read More »