MISTULANG ‘supot’ na kuwitis ang inaasahang pasabog ni self-confessed Davao Death Squad (DDS) hitman retired SPO3 Arturo Lascañas, nang humarap sa pagdinig ng Senado, nang sumablay ang kanyang mga pahayag sa realidad. Parang pelikula na nag-first and last day showing ang pagharap ni Lascañas nang hindi na nagtakda ng kasunod na Senate Committee on Public Order hearing si Sen. Panfilo …
Read More »Masonry Layout
65-anyos patay, 50+ sugatan sa Surigao aftershock
NAG-IWAN ng isang patay ang magnitude 5.9 lindol sa Lungsod ng Surigao nitong Linggo ng umaga. Kinilala ang biktimang si Socoro Cenes, 65, residente ng Narciso Street kanto ng Lopez Jaena Street sa Surigao City. Binawian ng buhay si Cenes makaraan atakehin sa puso, nang yanigin nang malakas na aftershock ang kanilang lugar. Mahigit 50 residente ang sugatan, at kasalukuyang …
Read More »Bangkay ng German na pinugutan natagpuan na
NATAGPUAN na ang katawan ng German national, na pinugutan ng ulo ng mga bandidong Abu Sayyaf Group. Ayon kay Joint Task Group Sulu (JTF-Sulu) commander, Col. Cirilito Sobejana, natagpuan ang bangkay ng biktimang si Juergen Gustav Kantner dakong 5:45 pm kamakalawa sa Sitio Talibang, Brgy. Buanza, Indanan, Sulu. Nagsasagawa ang JTF-Sulu ng combat, search ang retrieval operations, nang matagpuan ang …
Read More »P47-M budget ng KWF kapos
KAPOS ang budget ng Komisyon sa Wikang Fi-lipino (KWF) na P47 mil-yon kada taon para paunlarin at linangin ang 133 wika sa Filipinas. Ito ang nabatid sa inilunsad na Kapihang Wika ng KWF kamakai-lan sa Gusaling Watson, Malacañang Complex, Maynila. Sinabi n Lourdes Zorilla-Hinampas, ang P47-milyong budget ng KWF ay nagmumula sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA), …
Read More »Goitia bagong PRRC director (Itinalaga ni Duterte)
ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si PDP-Laban San Juan City President Jose Antonio Goitia bilang bagong Executive Director ng Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC), isang ahensiyang nasa ilalim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR). Nagtapos ng Master of Public Administration sa University of the Philippines, si Goitia ang vice chairman for membership and international Overseas Filipino Workers (OFWs) …
Read More »P3.8-M shabu nasabat sa Dumaguete
NASABAT ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang P3.8 milyon halaga ng shabu, mula sa isang hinihinalang drug courier sa Dumaguete, Negros Oriental, nitong Sabado. Kinilala ni Novemar Pinanonang, hepe ng PDEA-Negros Oriental team na nagsagawa ng operasyon, ang suspek na si Genaro Amorin Jr. Si Amorin ay naaresto sa Colon extension street sa Brgy. Taclobo, makaraan …
Read More »Kampanya vs droga sa Caloocan tuloy-tuloy — Malapitan
BINIGYANG-DIIN ni Mayor Oscar Malapitan ang tuloy-tuloy na paglaban sa ilegal na droga sa Caloocan City, sa kanyang pakikipagpulong sa 188 punong barangay sa Buena Park, kamakailan. Ang mga kapitan ang mga pinuno ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC), kaya’t nakaatang sa kanilang balikat ang paglilinis sa ilegal na droga sa kanilang komunidad, sa pamamagitan ng ‘su-yod’ system. Ito ang …
Read More »Bagong PNP anti-drug unit ilulunsad
KINOMPIRMA ni PNP chief PDGen. Ronald Dela Rosa, bi-nuo nila ang bagong anti-drug unit ng pambansang pulisya, pinangalangang PNP-Drug Enforcement Group (P-DEG). Ang P-DEG ang papalit sa PNP Anti-Illegal Drugs Group (AIDG), nbinuwag kasunod nang kontrobersiya lalo na sa naging partisipasyon ng ilang mga tauhan nito sa pagpatay sa Koreanong negosyanteng si Jee Ick Joo. Ayon kay PNP Chief PDGen. …
Read More »Killer ni Ozu timbog
Killer ni Ozu timbog ARESTADO ng mga pulis sa Quezon City, ang suspek sa pagpatay kay Marcelo “Ozu” Ong, miyembro ng Masculados, kahapon. Batay sa sa report ng Quezon City Police District (QCPD), nakatanggap sila ng impormasyon kaugnay sa presensiya ng suspek na si Kristopher Ernie, sa kanyang bahay sa North Fairview Subdivision. Dahil armado at mapanganib ang suspek kaya’t …
Read More »Lascañas journal peke — Palasyo (Isinulat ng FLAG lawyer?)
PEKE ang journal ni retired PO3 Arturo Lascañas, nagdetalye ng umano’y mga krimeng ginawa ng kinabibilangan niyang Davao Death Squad (DDS), sa pagmamando raw ni noo’y Davao City Mayor at ngayo’y Pangulong Rodrigo Duterte. Sa isang text message sa Palace reporters, sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, ang hindi pagpresenta nang sinasabing journal ni Lascañas nang una siyang …
Read More »‘Patayan’ sa drug war tuloy (HRW panis kay Duterte)
DETERMINADO si Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpatuloy ang isinusulong na drug war ng kanyang administrasyon, sa kabila nang matinding pagbatikos ng Simba-hang Katolika at human rights advocates. Sa inagurasyon ng Cebu-Cordova Link Expressway groundbreaking ceremony sa Cebu kahapon, tahasang sinabi ni Pangulong Duterte, ang pagpatay sa mga kriminal ay hindi krimen sa sangkatauhan, taliwas sa 124-pahinang ulat ng New York-based …
Read More »Demolition job vs Mighty Corp pinalagan
NAKAHANDA ang Mighty Corporation na buksan ang lahat ng kanilang warehouse at makiisa sa isasagawang imbestigasyon ng Bureau of Customs upang patunayang hindi sila sangkot sa pagbebenta ng pekeng sigarilyo. Ayon kay Oscar Barrientos, executive vice president at tagapagsa-lita ng kompanya, hindi nila kailangan magsagawa ng mga bagay na ikasisira nila sapagkat maraming tapat na consumer nila ang patuloy na …
Read More »Kudeta vs Digong negatibo — Padilla
TINIYAK ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na walang banta o pagtatangka para pabagsakin o patalsikin si Pa-ngulong Rodrigo Duterte. Nananatili pa rin ang posibilidad na maaaring magsagawa ng coup d’état laban sa pangulo bunsod ng kampanya kontra korupsiyon at droga na ipinapatupad sa buong ng da-ting alkalde ng Davao City. Ito ang napagalaman ng Hataw sa mga nakalap …
Read More »Droga sa banta ng Maute group vs Gen. Bato (Balik war on drugs ng PNP mas madugo)
KOMBINSIDO si Philippine National Police Director General Ronald dela Rosa, may kinalaman sa droga ang panibagong banta ng Maute group sa kanyang buhay. Naniniwala si Dela Rosa, droga at posibleng drug money ang nag-ud-yok sa Maute group, na pagtangkaan ang kanyang buhay habang nasa Mindanao State University noong Enero. “Bakit? Ano ang personal na galit nila sa akin, except for …
Read More »Jeepney drivers haharapin ni Digong
HAHARAPIN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga tsuper at operator ng mga pampasaherong jeep, na naglunsad ng tigil-pasada nitong Lunes, bilang pagkondena sa planong modernisasyon sa mga pampublikong sasakyan. Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, nais mapakinggan ng Pangulo ang pagtutol ng mga jeepney driver sa panukalang modernisasyon sa mga pampublikong sasakyan o phaseout ng mga lumang modelo. Sinabi ni …
Read More »Koalisyon ng NDFP at Duterte admin epektibo
WALANG kagyat na pangangailangan para ipagpatuloy ang usapang pangkapayapaan dahil maayos naman ang takbo ng gobyernong Duterte sa tulong ng tatlong miyembro ng gabinete na inirekomenda ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP). Sa press conference sa Malacañang kahapon, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na isang libong beses niyang pag-iisipan kung babalik sa hapag ng negosasyon ang gobyerno sa …
Read More »Laviña sinibak ni Digong
SINIBAK ni Pangulong Rodrigo Duterte si National Irrigation Admi-nistration (NIA) admi-nistrator Peter Laviña noong nakaraang linggo . “When I said there will be no corruption, there will be no corruption. As a matter of fact, I fired last night one taga-Davao na… for simply making a remark about — sabi ko he’s out and I told him even a whiff …
Read More »Protesta ni Lim sa Comelec ‘di idinismis (Press release ng city hall sinungaling)
HINDI totoong dinismis ng Comelec ang protesta ni dating Manila Mayor Alfredo Lim. Ito ang paglilinaw kahapon ng abogado ni Lim na si Atty. Renato dela Cruz, abogado ni Lim, na nagsabing ‘inaccurate’ o hindi makatotohanan ang press release ng Manila City Hall ukol sa isyu at layuning linlangin o iligaw ang publiko. Aniya, ang niresolba ng Comelec, base sa …
Read More »Lolo’t lola 3 apo patay sa sunog (Sa Taguig)
PATAY ang dalawang senior citizen at tatlong batang apo sa sunog sa isang residential area sa Brgy. Pinagsama, Taguig City, kamakalawa ng gabi. Ayon kay Taguig Fire Marshall Ian Guerrero, ang mga biktima ay kinilalang ang mag-asawang sina Ramon, 78, at Virginia Benjamin, 68, at kanilang mga apo na sina Francine, 12, Franklin, 8, at France John Loza-no, 6, magkakapatid. …
Read More »3-anyos paslit nabagsakan ng hollow blocks patay
PATAY ang isang 3-anyos lalaking paslit, makaraan mabagsakan nang nakasalansan na hollow blocks sa isang inire-renovate na bahay habang naglalaro sa Old Sta. Mesa, Maynila, kamaka-lawa ng hapon. Binawian ng buhay habang isinusugod sa San Juan Medical Center Hospital, ang biktimang si John Brandon Garcia, ng 4886 Int. 22, San Roque St., Old Sta. Mesa, Maynila, bunsod nang pagkabasag ng …
Read More »4-anyos sinilaban ng ama (Matapos sabuyan ng gasolina)
KALIBO, Aklan – Pinaniniwalaang dahil sa kalasingan kaya nagawa ng isang ama na saboyan ng gasolina, at silaban ang 4-anyos anak sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Bulabud, Malinao, Aklan, kamakalawa. Inoobserbahan sa Intensive Care Unit (ICU) ng Aklan Provincial Hospital, ang biktimang si Kent Luis Zausa, residente ng naturang lugar, nagkaroon ng mga paso sa braso, paa, at …
Read More »8-anyos ‘pare’ ni Digong pinalaya ng ASG
LIGTAS na nakabalik sa kanyang pamilya kahapon, ang 8-anyos batang lalaking binihag ng teroristang Abu Sayyaf Group (ASG), sa nakalipas na pitong buwan. Iniharap ni Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza kay Pangulong Rodrigo Duterte, ang biktimang si Rexon Romoc, at ang kanyang mga magulang na sina Nora at Elmer. Nabatid kay Dureza, tatlong linggo ang nakalipas bago …
Read More »Ninja cops isa-isang itutumba (Kung hindi magrereporma) — Duterte
NAGBABALA si Pa-ngulong Rodrigo Duterte sa police scalawags, lalo na sa “ninja cops” o mga pulis na nagbebenta ng mga nakompiskang shabu, itutumba sila kapag itinuloy ang paggawa ng krimen ngayong wala na sila sa serbisyo. Sa panayam kahapon sa Palasyo, sinabi ng Palasyo, maagang mabibiyuda ang asawa ng mga dating pulis na nasibak dahil sa paggawa ng krimen, dahil …
Read More »Korean Air flight nag-emergency landing sa NAIA
NAPILITANG mag-divert sa Manila at mag-emergency landing sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang Korean Air flight patungong Incheon mula Singapore, bunsod ng technical problem, kahapon ng umaga. Ayon sa ulat mula sa Manila International Airport Authority (MIAA), ang flight KE644, may lulang 290 pasahero at 42 crew, ay ligtas na lumapag dakong 2:05 am. Ayon sa MIAA, iniulat ng …
Read More »P.5-M shabu kompiskado sa kanang kamay ng drug lord
ILOILO CITY – Muling sinalakay ng mga kasapi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang bahay ng itinuturing na right hand ng sinasabing Western Visayas drug lord, na si Melvin Odicta. Umaabot sa mahigit P.5 milyon halaga ng shabu ang nakompiska sa bahay ni Rolando Torpio, sa South San Jose, Molo, sa Lungsod ng Iloilo, P10,000 halaga ng cash, at …
Read More »