Thursday , October 3 2024
arrest posas

Pekeng enforcer kalaboso sa Pasay

INIREKLAMO ng pangongotong ang 57-anyos lalaki na nagpanggap na traffic enforcer ng isang rider na hinihingan ng lagay kapalit ng hindi umano pag-iisyu ng tiket sa ginawang vilotation ng biktima sa Pasay City kahapon ng umaga.

Sa report na natanggap ni Pasay City Police chief, S/Supt. Noel Flores, ang hinuling suspek ay kinilalang si Marcelo Frias, taga-Pilapil St., Bangkusay, Tondo Maynila.

Sinabi ni Flores, hinuli si Frias nina Pasay City Traffic Enforcers T/E Marcelo Magboo at T/E Gerardo Amita sa kahabaan ng Roxas Blvd., malapit sa Buendia flyover dakong 10:15 ng umaga.

Sa pahayag ng biktimang si Fredie Matalang, 35 anyos, binabaybay niya ang kahabaan ng Roxas Blvd., sakay ng kanyang motorsiklong Suzuki, may plakang NCI 3851 nang parahin siya at sitahin ng nagpakilalang traffic enforcer.

Paglapit sa kanya ng suspek, sinabing may traffic violation siyang nagawa at para hindi na matiketan magbigay na lamang ng halagang P200.

Tiyempong nasa lugar ang dalawang lehitimong traffic enforcers na sina Magboo at Amita kaya nabuko ang modus ng suspek dahil hindi siya kilala ng mga tunay at nakata­lagang enforcers.

Agad dinala sa tanggapan ng Station and Inves­tigation and Detec­tive Management Branch (SIDMB) ng Pasay City Police ang suspek na nakatkdang sampahan ng kasong usurpation of authority at extortion. (JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

DOST capacitates 39 DA-SAAD farmers with food safety, good manufacturing practices

DOST capacitates 39 DA-SAAD farmers with food safety, good manufacturing practices

TANGCAL, LANAO DEL NORTE—To provide modern technical guidance and assist farmers in value-adding production, the …

Converge Brgy S2S-Cebu, Matagumpay Mga Cebuano Nagalak sa Pinabilis Na Prepaid Fiber Internet

Brgy S2S – Cebu, Matagumpay: Mga Cebuano Nagalak sa Pinabilis na Prepaid Fiber Internet

Talisay City, Cebu – Nagtipon-tipon ang mga pamilyang Cebuano sa Talisay City Plaza noong Setyembre …

Mindanao gears up for disaster challenges with DOST’s ‘Handa Pilipinas’

Mindanao gears up for disaster challenges with DOST’s ‘Handa Pilipinas’

THE Department of Science and Technology (DOST), through its office in Region XII, has launched …

QCPD Belmonte

Kaligtasan ng QCitizens tiyakin tagubilin ni Mayor Joy sa bagong QCPD

SA PAGPAPALIT ng liderato ng Quezon City Police District (QCPD) kahapon, mahigpit na tagubilin ni  …

RSTIW In CaLaBaRzon

2024 Regional Science, Technology, and Innovation Week (RSTIW) in CALABARZON

Siyensya, Teknolohiya at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa at Panatag na Kinabukasan. Providing Solutions and …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *