Saturday , November 16 2024

Masonry Layout

P250-M shabu kompiskado sa Taiwanese

UMABOT sa 50 kilo ng hinihinalang shabu, P250 milyon ang halaga, ang nakompiska sa isang Taiwanese national makaraan arestohin sa isang hotel sa Brgy. Baclaran, Parañaque City nitong Sabado. Ayon sa ulat, ang shabu ay natagpuang nasa tatlong styrofoam boxes at napapatungan ng mga tuyong isda. Ang suspek na inaresto sa Red Planet Hotel Aseana ay kinilalang si Chen Teho …

Read More »

Civilian death toll sa Marawi umakyat sa 30

MARAMI pang sibilyan ang naiulat na namatay sa patuloy na bakbakan ng militar at Maute local terror group sa Marawi City, ayon sa ulat ng Malacañang, kahapon. Sinabi ni Presidential spokesman Ernesto Abella, ang bilang ng napatay na sibilyan ay umabot na sa 30 dakong 11:00 pm nitong Sabado. Samantala, 1,271 si-bilyan ang kabuuang nasagip mula sa lungsod. Sinabi ni …

Read More »

Army nagdeklara ng ‘humanitarian’ ceasefire sa Marawi (134 sibilyan sinagip)

NAGDEKLARA ang militar ng 4-hour “humanitarian ceasefire” sa lungsod ng Marawi kahapon. “Inaprobahan po ng ating chief of staff, si General Eduardo Año, ang pagkakaroon ng tinatawag na humanitarian pause para magbigay-daan sa pagbibigay ng tulong at pag-recover sa sino mang nasugatan at ano mang labing andiyan, at doon sa mga taong nagtatawag ng tulong,” ayon kay Armed Forces of …

Read More »

1,200 ISIS members nasa PH – Indonesia

MAYROONG 1,200 Islamic State (IS) group operatives sa Filipinas, kabilang ang mga dayuhan, at 40 sa kanila ay mula sa Indonesia, pahayag ng Indonesian defense minister sa international security forum nitong Linggo. Sa kanyang pagsasalita sa Singapore, habang patuloy ang sagupaan ng Philippine troops at mga teroristang alyado ng ISIS sa Marawi City, tinawag ni  Defense Minister Ryamizard Ryacudu ang …

Read More »

Ex-PBA cager Paul Alvarez, 2 pa tiklo sa pot session

ARESTADO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – Special Operation Unit (QCPD-DSOU) ang dating Philippine Basketball Association (PBA) player na si Paul “Bong” Alvarez at dalawang kasama nang maaktohan habang bumabatak ng shabu sa isang barber shop sa Quezon City, kamakalawa ng gabi. Sa ulat kay QCPD director, C/Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, bukod sa arestadong si Alvarez, …

Read More »

Caravan ng Piston tatapatan ng LTFRB

jeepney

NAKAHANDA ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa nakatakdang malawakang protesta na ikinasa ng grupong PISTON kasabay ng pagbubukas ng klase ngayong araw. Ayon kay LTFRB board member at spokesperson Atty. Aileen Lizada, inatasan na ang mga regional director ng ahensiya para makipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan. Nakipag-ugnayan na rin aniya ang LTFRB sa Metro Manila Development …

Read More »

26-M estudyante papasok ngayon (Sa K-12 education system) — DepEd

MAHIGIT 26 milyong estudyante mula kindergarten hanggang grade 12 ang inaasa-hang papasok ngayong school year sa K-12 e-ducation system, ayon sa Department of Education (DepEd) kahapon. “Projected kinder to grade 12, more or less 26,969,816 (students), public and private school,” pahayag ni Education Assistant Secretary Tonisito Umali. Sinabi ni Umali, mayroong 8.2-porsiyentong pagtaas sa enrollees nga-yong school year bunsod ng …

Read More »

Gunman sa casino ex-finance employee na lulong sa sugal

TUKOY na ang pagkakakilanlan ng lalaking umatake sa Resorts World Manila (RWM) nitong Bi-yernes. Kinilala ang suspek na si Jessie Javier Carlos, 42 anyos, residente ng Sta. Cruz, Maynila. Positibo siyang kinilala ng kanyang mismong pamilya. Dating kawani ng gobyerno si Carlos na nakadestino sa One Stop Shop ng Department of Finance (DoF). Sinibak siya sa puwesto dahil sa sinasa-bing …

Read More »

‘Bikini open’ sinalakay (10 bebot nasagip, 11 arestado)

SINALAKAY ng mga operatiba ng NBI Anti-Human Trafficking Division, Muntinlupa City Police, at City Social Welfare ang “Bikini Open” na ginanap sa Angelis Resort sa Brgy. Poblacion, Muntinlupa City, kamakalawa ng gabi. Mahigit 100, karamihan ay mga lalaki, ang dinampot at dinala sa police station para humarap sa interogasyon nang abutan silang nag-iinoman at nanonood ng tinaguriang ‘Bikini Open.’ Pinakawalan …

Read More »

Sumbungerong lolo kritikal sa saksak

knife saksak

KRITIKAL ang kalagyan sa pagamutan ng isang 69-anyos lolo nang saksakin ng isang sidecar boy na kanyang inginuso sa kanilang barangay bunsod nang panggugulo sa Malate, Maynila, kahapon ng madaling-araw. Ginagamot sa Philippine General Hospital ang biktimang si Ramon dela Pasion, residente sa F. Muñoz St., Singalong. Nahaharap sa kasong frustrated murder ang arestadong suspek na si Dexter Hayag, 25, …

Read More »

5 tiklo sa buy-bust

shabu drug arrest

LIMA katao, kabilang ang isang menor-de-edad, ang arestado sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) sa Caloocan City, kahapon ng tanghali. Kinilala ni NPD director, Chief Supt. Roberto Fajardo ang mga suspek na sina Allan Varga, 35, maintainer ng drug den; Leonardo Villegas, 33; Criselda Clarino, 34; Alfredo Santiago, 42, at isang 16-anyos out-of-school youth …

Read More »

Bodega ng BoC natupok

SUMIKLAB ang malaking sunog na pinaniniwalaang nagmula sa faulty electrical wiring sa isang bodega ng Bureau of Customs (BoC) sa Port Area, Maynila, kamakalawa ng gabi. Base sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), walang naitalang nasugatan sa pagsiklab ng sunog dakong 9:06 pm sa Warehouse 159, na imbakan ng ilang mga lumang papeles at kagamitan. Napag-alaman mula sa …

Read More »

Puganteng Korean-American arestado ng NBI

KAUGNAY sa anti-illegal drug campaign ng pamahalaan, inihayag ng National Bureau of Investigation (NBI) kahapon, naaresto ng NBI-Task Force Against Illegal Drugs (TFAID), sa pakikipagtulungan ng NBI-Western Mindanao Regional Office (NBI-WEMRO), Philippine National Police (PNP), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at Armed Forces of the Philippines (AFP), ang isa sa most wanted fugitives sa bansa, kamakalawa sa Zamboanga City. Kinilala …

Read More »

No terror threat sa Metro Manila

BINIGYANG-DIIN ni NCRPO director, Oscar Albayalde, walang banta ng terorismo sa Metro Manila, at tiniyak na mahigpit ang pagmamatiyag ng mga awtoridad. Nauna rito, inilinaw ng Malacañang, ang insidente sa Resorts World Manila ay hindi terorismo at walang kaugnayan sa krisis sa Marawi. “Maganda ang prevailing peace and order dito sa Metro Manila. We have not monitored any threat [of] …

Read More »

Seguridad sa NAIA, mas hinigpitan pa

MAS pinahigpit pa ang seguridad sa buong compound ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kasunod nang pag-atake sa kalapit na Resorts World Manila at dahil sa nagpapatuloy na bakbakan sa Marawi. Bago magtanghali kahapon, ipinatupad ang security level 3 sa buong paliparan. Ibig sabihin, lalo pang hinigpitan ang pagpasok sa NAIA. Pinaigting ang inspeksiyon sa mga pumapasok na sasakyan. Masinsin …

Read More »

Rebooking, refund alok ng Cebu Pacific Air

NAGPAHAYAG ng kalungkutan ang Cebu Pacific Air sa trahedyang naganap sa Resorts World Manila kahapon, Bunsod ng insidente, nag-abiso sila sa mga pasahero patungo at mula sa Manila ngayon, na may mga opsiyon na available para sa kanila: mag-rebook nang libre sa loob ng 30 araw; kunin ang full refund; ilagay ang full cost ng ticket sa travel fund para …

Read More »

Kapatid ng misis ng solon hinahanap pa

KUNG nakita na ang bangkay ng kabiyak ni Pampanga Rep. Aurelio Gonzales Jr., na si Elizabeth Panlilio Gonzales, hindi pa nakokompirma kung ano ang nangyari sa kanyang kapatid na si Consolacion P. Mijares, sa naganap na trahedya sa Resorts Worls Casino nitong Biyernes baho maghating-gabi. Ayon kay House Majority Leader Rodolfo Fari vbgfñas, kinompirma ni Philippine National Police (PNP) chief, …

Read More »

Trump sinopla ng Palasyo (Umepal sa Casino tragedy)

SINUPALPAL ng Palasyo si United States (US) President Donald Trump sa mabilis na pagdedeklara na pag-atake ng terorista ang naganap sa Resorts World Hotel and Casino sa Pasay City. Sa kanyang post sa Twitter, sinabi ni Trump ang pakikiramay sa mga Filipino sa pag-atake ng terorista sa Resorts World, kahit wala pang lumalabas na inisyal na resulta ng imbestigasyon mula …

Read More »

Misis ng solon 3 dayuhan, 34 pa patay sa casino tragedy (78 sugatan)

PATAY ang misis ng isang mambabatas, tatlong dayuhan, 11 empleyado at 23 iba pa, sa amok ng isang talunang casino player sa Resorts World Manila sa Pasay City nitong Biyernes bago maghating-gabi. Kinilala ang mga biktimang namatay na si Elizabeth Panlilio Gonzales, asawa ni Pampanga representative Aurelio Gonzales Jr., ang tatlong dayuhan na sina P Ling Hung Lee, Lai Wei …

Read More »

2 sa 1,200 presong biktima ng food poisoning patay na (Sa Bilibid)

dead prison

BINAWIAN ng buhay ang dalawa sa mahigit 1,200 preso na nabiktima ng food poisoning sa New Bilibid Prison (NBP) nitong nakaraang linggo, ayon sa ulat ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, nitong Huwebes. Binanggit ang ulat mula kay Department of Health (DoH) Secretary Paulyn Jean Ubial, sinabi ni Aguirre, ang dalawang biktimang kapwa senior citizen ay nalagutan ng hininga bunsod …

Read More »

CQB kasado vs Maute/ISIS

NAKAKASA na ang puwersa ng militar para sa “close quarter battle” na tatapos sa pagkubkob ng mga terorista sa Marawi City hanggang sa Linggo. Sa press briefing kahapon sa Palasyo, sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenza, dumating na sa Marawi City ang 21 armored vehicles ng Armed Forces of the Philippines (AFP), na gagamitin laban sa Maute/Islamic State of Iraq …

Read More »

AFP nabulag sa pagpaslang ng Maute sa intel officer

AMINADO si Lorenzana na ‘nabulag’ ang AFP sa galaw ng Maute sa Marawi nang paslangin ng mga terorista si Major Jerico Mangalus, ang intelligence officer na may malalim na kontak sa teroristang grupo. Inilaglag aniya ng mismong asset si Mangalus kaya tinambangan ng Maute members noong nakaraang Pebrero. Mula noon aniya ay nahirapan na ang militar na makakuha muli ng …

Read More »

11 sundalo patay, 7 sugatan sa “friendly fire” (Air strikes lilimitahan)

MAAARING limitahan muna ng militar ang isinasagawang air strikes sa Marawi City nang mamatay ang 11 sundalo at pito ang sugatan makaraan ang “friendly fire” ayon sa ulat ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, kahapon. Nangyari ang insidente nang magkamali ang fighter plane sa pagbagsak ng bomba sa kinaroroonan ng mga sundalo mula sa 4th at 15th Infantry Battalions Sinabi ni …

Read More »

8 dayuhang Jihadists patay sa military (ISIS umatake sa Marawi)

KINOMPIRMA ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) ang nasa likod nang pag-atake sa Marawi City. “Alam mo iyong rebellion ngayon sa Minda-nao, it’s not Maute, it’s purely ISIS with different brands kasi sila ang nag-umpisa. Actually, iyang Maute brothers went to Libya and another one,” aniya sa talumpati sa mass oath taking sa Palasyo …

Read More »