Friday , July 26 2024

National ID system delikado (IT expert nangamba sa palyadong kompanya)

DESMAYADO at nanga­ngamba ang isang infor­mation technology (IT) expert sa pagnanais ng tinawag niyang palya­dong IT company na makopo ang supplies ng kagamitan para sa plano ng gobyernong national ID system.

Ayon kay IT expert Rafael R. Gutierrez, representante sa bansa ng isang US web security at cloud-based solutions na kompanya, malaki ang mawawala at masasa­yang na pera ng bayan kapag napili ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang Gemalto Philippines.

Ang Gemalto ay nasa ilalim ng subsidiya ng Gemalto NV, at nagba­balak na maging primary supplier para sa national ID system sa bansa.

“Awarding Gemalto the national ID contract will just be repeating the technical failures wrought upon the Comelec last May,” wika ni Gutierrez.

Aniya, ang Gemalto ang may hawak ng ID system ng voting ma­chines at ng mga botante sa nagdaang elek­siyon.

Sinabi ni Gutierrez, nakakuha siya ng kopya ng IT performance report ng Commission on Elections (Comelec) na ibinigay sa kanya ng isang kaibigan mula sa IT department ng Comelec.

Ang ulat na ito ay may pamagat na “Data on the Utilization of Voters Registration Verification Machines (VRVMs) relative to May 2019 National and Local Elections.”

Nabigla umano si Gutierrez sa nakita niyang ulat dahil naka­saad ang mataas na salto o high failure rates ng smartcard o password sa pag-log in ng mga voting machines.

“Users were not able to login using their smartcard or password. This points to the poor quality of the supplier’s smartcards and smart­card readers,” saad ng IT expert.

Ibinulgar din ng IT executive ang “distres­singly failed” perfor­mance ng Gemalto sa kanilang teknolohiya ng identification at veri­fication ng mga botante noong nadgaang botohan at maaari itong mangyari sa susunod na magiging biktimang proyekto nito na sa pagkakataong ito ay PSA para sa National ID system.

“Last May, in Calo­ocan City, 607 out of 841 VRVMs, or 72.18 percent, were not utilized or did not function. In Quezon City, 940 out of 1,487 or 63.21 percent of VRVMS were not utilized or did not function. Region VI was particularly bad. In Iloilo, 2,215 of 2,572 VRVMs or 86.12 percent were not utilized, while in Negros Occidental, 1,944 out of 2,353 or 82.62 percent were not utilized. Nationwide, the per­centage of VRVMs that were not utilized or did not function was 68.14 percent, because out of a total of 27,747 VRVMs, 18,906 were not utilized or did not function,” paliwanag ni Gutierrez.

“In Cotabato the utilization rate was even zero percent. Of the machines working, most complaints were raised because of ‘no con­tingency,” dagdag ng IT expert.

Ang kadalasang problema na nagaganap ay “user cannot be found” error, automatic shut­down, smartcard not functioning, tap card not working, “user cannot log in” error, o defective fingerprint scanner, saad ng Comelec sa kanilang ulat.

Matatandaan, ang PSA ay naging katuwang ng Comelec sa pagsagawa ng Random Manual Audit (RAM), upang madetermina kung ang automated count ng Vote Counting Machines (VCMs) ay tama o ac­curate, base sa manual verification count.

Ang corporate con­sortium ng Nextix at Gemalto ang lumabas na lowest bidders para sa national ID system sa halagang P1,188,888,000 noong May 29, 2019.

Ang bidding sa nga­yon ay nasa post quali­fication stage na ang ahe­nsiya na nag-e-evaluate ng mga bid ay nag-e-examine ng financial at technical capabilities ng qualified bidders.

Ang second lowest bidder ay joint venture ng Dermalog at Micro­ge­nesis sa halagang P1,277,­942,614.16, samantala ang highest bidder ay grupo ng Iwave, IRIS Corporation at Global Myoho Renge Copy Inc., na nag-bid ng P1,368,000,888.

Ang isa pang kom­panya, Filmetrics, ay idineklarang hindi eligible.

Sinabi ni PSA head Lisa Grace Bersales, sisi­mulan na ang pag-enrol sa system ng mga citizen na bago pa lamang mag­kakaroon ng govern­ment-issued ID, kasama rito ang mahihirap na be­nepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Pro­gram (4Ps), indigenous people, persons with disabilities, at senior citizens.

Magugunitang pinir­mahan na ni President Rodrigo Duterte ang Republic Act 11055 na mag-e-establish ng Philip­pine Identification System (PhilSys) noong 5 Agosto 2018.

Sa ilalim ng batas, ang Filipino citizens at foreign residents ng Fili­pinas ay required na magrehistro ng demo­graphic at biometric in­formation nila sa bagong ID system.

Sinabi ni Gutierrez, sa kabila ng kapalpakan sa VRVMs noong mid-term elections, na ini-award ng Comelec sa Gemalto ang P987,146,922 project, ang nasayang na public funds sa nagdaang 2007 elec­tions sa ilalim ni Comelec Chairman Benjamin Abalos ay sariwa pa rin sa isipan ng publiko.

Ipinawalang bisa ng Supreme Court ang purchase contract para sa P1.3-bilyong halaga ng vote-counting machines na iginawad ni Abalos sa MegaPacific Consortium dahil sa violation ng bidding rules and pro­cedures.

“The taxpayers have been fooled once,” diin ni Gutierrez. “Let’s not be fooled once more!”

About hataw tabloid

Check Also

Dulot ng bagyong Carina
PAMPANGA, BULACAN, IBA PANG LUGAR SA CENTRAL LUZON LUMUBOG SA BAHA  
2 iniulat na nasawi

PATULOY na nagsasagawa ng disaster response operations ang mga pulis sa Central Luzon habang nananatili …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted person sa Bicol Region naaresto sa Zambales

ISANG personalidad na nakatala bilang isa sa Most Wanted Persons sa Bicol region ang naaresto …

Bulacan Police PNP

Sampung wanted na kriminal sa Bulacan nasakote

HINDI alintana ng kapulisan sa Bulacan ang malakas na ulan at baha dulot ng bagyong …

Honey Lacuna Manila Baha Ulan Bagyo Carina

Bilang tugon sa problemang dala ni ‘Carina’:
SERYE NG DIREKTIBA IPINALABAS NI MAYOR HONEY

NAGPALABAS ng serye ng direktiba si Manila Mayor Honey Lacuna bilang tugon sa mga problemang …

Honey Lacuna Pangan Manila baha ulan carina

Pag-kalinga ni Action Lady, Mayor Lacuna kahit bagyo naramdaman ng mga Manileño!

BALEWALA kay Manila Mayor Honey Lacuna Pangan ang mataas na tubig baha na kanyang nilusong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *