Saturday , July 27 2024
prison rape

Pamangking nene minolestiya Karpintero arestado

SWAK sa kulungan ang isang karpintero na inireklamo ng pangmomolestiya sa kanyang 11-anyos pamangking babae sa Valenzuela city, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Dianito Acar, 56 anyos, residente sa Hipon Alley, Brgy. 14, Caloocan City, na nahaharap sa kasong Acts of Lasciviousness in Relation to RA 7610.

Sa imbestigasyon ng Valenzuela Police Women’s and Children Protection Desk (WCPD) dakong 8:30 pm naganap ang nagawang pangmomolestiya ng suspek sa kanyang pamangkin.

Nakahiga  umano sa kanilang  sopa sa loob ng bahay sa Brgy. Karuhatan ang biktimang itinago sa pangalang Marimar, Grade 7 student, nang dumating ang suspek at bigla na lamang dinakma ang dibdib at maselang parte bahagi ng katawan ng nene.

Matapos ito, nagsumbong ang biktima sa kanyang ama at kapatid na lalaki na humingi naman ng tulong sa Valenzuela Police Community Precinct (PCP) 9 na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Dulot ng bagyong Carina
PAMPANGA, BULACAN, IBA PANG LUGAR SA CENTRAL LUZON LUMUBOG SA BAHA  
2 iniulat na nasawi

PATULOY na nagsasagawa ng disaster response operations ang mga pulis sa Central Luzon habang nananatili …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted person sa Bicol Region naaresto sa Zambales

ISANG personalidad na nakatala bilang isa sa Most Wanted Persons sa Bicol region ang naaresto …

Bulacan Police PNP

Sampung wanted na kriminal sa Bulacan nasakote

HINDI alintana ng kapulisan sa Bulacan ang malakas na ulan at baha dulot ng bagyong …

Honey Lacuna Manila Baha Ulan Bagyo Carina

Bilang tugon sa problemang dala ni ‘Carina’:
SERYE NG DIREKTIBA IPINALABAS NI MAYOR HONEY

NAGPALABAS ng serye ng direktiba si Manila Mayor Honey Lacuna bilang tugon sa mga problemang …

Honey Lacuna Pangan Manila baha ulan carina

Pag-kalinga ni Action Lady, Mayor Lacuna kahit bagyo naramdaman ng mga Manileño!

BALEWALA kay Manila Mayor Honey Lacuna Pangan ang mataas na tubig baha na kanyang nilusong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *