Monday , December 23 2024

Masonry Layout

Reward vs suspects itinaas sa P.3-M (Sa rape-slay ng bank teller)

mabel cama

ITINAAS sa P300,000 mula sa P100,000 ni Pasig Mayor Bobby Eusebio ang pabuya sa makapagtuturo sa natitira pang suspek sa panggagahasa at pagpatay sa isang 22-anyos bank teller sa sa Pasig City. Magugunitang sinabi ng pulisya, isang saksi ang huling nakakitang buhay sa biktimang si Mabel Cama habang kumakatok sa gate ng kanyang residential compound sa Ortigas Avenue Extension nitong …

Read More »

Class suspensions itinanggi ng DepEd (Nagbabala vs fake news)

NANAWAGAN ang Department of Education (DepEd) kahapon sa publiko na maging mapagbantay laban sa fake news, kasabay nang pagtanggi sa sinasabing iniulat na suspensiyon ng klase sa linggong ito. “The Department of Education (DepEd) has not made any announcement regarding the suspension of classes on November 23, 24, and 27 being circulated by Facebook page ‘Walang Pasok Advisory’ nor is …

Read More »

Suspek sa bank teller na ginahasa’t pinatay, arestado

mabel cama

ARESTADO ng pulisya nitong Linggo, ang pangunahing suspek sa panggagahasa at pagpatay sa isang 22-anyos bank teller sa Pasig City. Kinilala ni Pasig police chief, Senior Supt. Orlando Yebra ang suspek na si Randy Oavenada, empleyado at residente sa isang abandonadong office building. Tumugma aniya ang mga fingerprint ni Oave­nada sa mga sample sa cellphone na narekober malapit sa bangkay …

Read More »

Kano, 1 pa patay sa van vs bus sa Sorsogon

road traffic accident

PATAY ang isang Amerikano at isa pang lalaki makaraan bumangga ang isang Toyota Innova sa isang Elavil bus sa Brgy. Pinagbuhatan sa Sorsogon City, nitong Biyernes ng hapon. Kinilala ang mga biktimang sina Terry Lee Woodliff, 60, at Rolando Belardo, 47-anyos Binawian ng buhay ang mga biktima makaraan bumangga ang kanilang sasakyan sa isang bus sa nabanggit na barangay pasado …

Read More »

P11-M smuggled rice nasabat sa Davao Norte

NAKOMPISKA ng Philippine Navy ang 5,000 sako ng hinihinalang smuggled na bigas sa Davao Del Norte, nitong Sabado ng gabi. Nitong Miyerkoles, nakatanggap ng ulat ang mga awtoridad na ibibiyahe ang bigas mula Zamboanga City patungo sa isang pribadong pantalan sa Maco, Compostella Valley, ayon kay Capt. Jose Ma. Ambrosio Espeleta, deputy commander ng Naval Forces-Eastern Mindanao. Aniya, nasabat ng …

Read More »

P125-K shabu kompiskado sa bebot

shabu drug arrest

UMABOT sa P125,000 halaga ng shabu ang nakompiska sa dalawang babae sa Maynila, nitong Sabado. Ang mga suspek na sina Raizah Benito, 24, at Aira Topaan, 20, ay nahulihan ng 25 gramo ng hi-nihinalang shabu. Ayon kay Ismael Fajardo, Jr., regional director ng Philippine Drug Enforcement Agency, da-lawang linggo nilang isinailalim sa surveillance ang mga kilos ni Benito bago ikinasa …

Read More »

CPP-NPA terrorist group — Duterte (Crackdown vs leftist group)

IDEDEKLARA ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) bilang isang terrorist organization at kasong paglabag sa Anti-Terror Law o Human Security Act at mga kasong kriminal ang isasampa laban sa mga pinuno at kasapi nito. “I’ll be issuing a proclamation. I’ll remove them from the category of a legal entity or at …

Read More »

Pagkalas ng bagon bubusisiin

HINILING ng Department of Transportation (DOTr) sa National Bureau of Investigation (NBI) ang imbestigasyon sa naganap na pagkalas ng isang bagon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) nitong nakaraang linggo. Sa text message sa mga reporter, sinabi ni DOTr Undersecretary Cesar Chavez, dalawang oras siyang nakipagpulong kay NBI Special Action Unit head Joel Tovera nitong Linggo. “Atty. Tovera will …

Read More »

Operasyon ng MRT tuloy — DOTr (Sa kabila ng safety concerns)

MRT

INIHAYAG ng Department of Transportation (DOTr) nitong Linggo, ipagpapatuloy ang operasyon ng MRT-3 sa kabila ng pagdududa kung ligtas pang sakyan ang nasabing train system. Sinabi ni Transportation Assistant Sec. Elvira Medina, pinag-aaralan pa nila ang mga problema ng MRT at magsusumite ng rekomendasyon kay DOTr Undersecretary Cesar Chavez sa loob ng isa hanggang dalawang linggo. Gayonman, tiniyak ni Medina …

Read More »

Digong nag-sorry sa MRT commuters

HUMINGI ng paumnahin si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pasahero dahil sa prehuwisyong pagsakay sa MRT-3. May indikasyon aniya nang sabotahe kaya kumalas ang isang bagon mula sa karugtong na bagon kaya’t iniimbestigahan ang insidente. “It would indicate sabotage or something did it intentionally. So maybe the connecting mechanisms there or equipment seems to be — they could not locate …

Read More »

Food security kaysa popularity (Kung pipili ng senatorial bets) — Duterte

DUMISTANSYA si Pangulong Rodrigo Duterte sa isyu nang pag-endoso kay Communications Assistant Secretary for Social Media Mocha Uson sa 2019 senatorial race ngunit tahasang tinukoy sina Agriculture Secretary Manny Piñol at Undersecretary Berna Romulo Puyat bilang mga kursunada niyang maupo sa Senado. Sa press conference sa Davao City, inihayag ng Pangulo ang nais niyang maluklok sa Senado na kaalyado ay …

Read More »

Bonus ng 191,480 PNP personnel nasa ATM na

MAAARI nang simulan ng police personnel sa bansa ang kanilang Christmas shopping. Ito ay makaraan ipalabas na ng Philippine National Police ang P4.4 billion year-end bonus para sa kanilang personnel. Sinabi ni PNP spokesperson, Chief Supt. Dionardo Carlos, may kabuuang 191,480 active duty uniformed and non-uniformed personnel ang nakatakdang makinabang sa P4,429,302,582 fund. Ayon kay Carlos, inilagay na ng PNP …

Read More »

Roque purdoy ‘di ubra sa 2019 senatorial race

BUTAS ang bulsa ni Presidential Spokesman Harry Roque kaya hindi ubrang tumakbo sa senatorial race sa 2019 midterm elections. “Don’t have P500-M needed to run,” text message ni Roque hinggil sa pahayag ni PDP-Laban secretary-general Pantaleon Alvarez, na kasama siya sa senatorial line-up ng partido sa 2019 polls. Sinabi ni Alvarez, bukod kay Roque, isa rin si Communications Assistant Secretary …

Read More »

GDP ng Filipinas lumago ng 6.9%

LUMAGO ang Gross Domestic Product (GDP) ng Filipinas ng 6.9 porsiyento sa ikatlong yugto ng kasalukuyang taon, na sumasalamin sa isinusulong na economic expansion na target ng administrasyong Duterte , ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA). Sa demand side, nagpatuloy ang paggasta ng gobyerno bilang tagasulong ng paglago sa kontribusyon nitong 0.9 percentage points sa ekonomiya. Sa kabilang dako, nagtala …

Read More »

Koko pinuri ang nagsitanggap ng Seal of Good Local Governance

BINATI ni Senate President Aqui­lino “Koko” Pimentel III nitong Martes ang lahat ng pamahalaang lokal na tumanggap ng Seal of Good Local Governance para sa taong 2017 mula sa Department of the Interior and Local Government’s (DILG). May 448 local government units o LGUs ang tumanggap ng nasabing award, malaking pag-angat mula sa 306 pinarangalan noong nakaraang taon. “Ang pag-angat …

Read More »

Bagon ng MRT kumalas (Pasahero naglakad sa riles)

KAHAPON, parang eksena sa pelikula ang insidente nang kumalas ang isang bagon mula sa naunang bahagi ng tren habang patungo sa estasyon kung saan nahulog at naputol ang kamay ng isang pasahero nitong Martes ng hapon. Base sa salaysay ni Ivan Caballero Villegas, naiwan sa gitna ng riles sa pagitan ng Ayala at Buendia station ang sinasakyan nilang bagon habang …

Read More »

Padrino ng drug queen & princess lagot kay Digong (Gov’t official ‘lumalakad’)

LAGOT kay Pangulong Rodrigo Duterte ang maimpluwensiyang opisyal ng gobyerno na nagtangkang umarbor sa mag-inang drug queen at princess na dinakip ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque sa press briefing sa Palasyo kahapon, paiimbestigahan ni Pangulong Duterte ang padrino nina Yu Yuk Lai at Diana Yu Uy, ang mag-inang drug queen at princess, para …

Read More »

ASEAN lane inalis na (Kalsadang isinara, bukas na)

BUKAS na sa mga motorista ang lahat ng bahagi ng EDSA makaraan tanggalin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang ASEAN lanes nitong Miyerkoles. Ayon kay MMDA spokesperson Celine Pialago, binuksan na rin nila ang mga kalsadang isinara sa Roxas Boulevard at iba pang lugar dahil sa pagdaraos ng katatapos na Association of Southeast Asian Nations Summit.  “Ang ASEAN lane …

Read More »

Malapitan umalalay sa pulisya (Caloocan police, business as usual)

caloocan police NPD

TULOY ang pagsisilbi at operasyon ng Caloocan City Police sa kabila nang pagkasunog ng main building ng headquarters nitong nakaraang Martes ng madaling-araw. Ayon kay Caloocan Police chief, Senior Supt. Jemar Modequillo, “Hindi naman pupuwedeng huminto ang PNP sa trabaho. Business as usual tayo.” Sa kabila nang malungkot na nangyari, sinabi niyang wala pang konklusiyon ang Bureau of Fire Protection …

Read More »

Duopoly ng Telcos sa PH giba kay Digong

BILANG na ang maliligayang araw ng “duopoly” ng Globe at Smart sa industriya ng telekomunikasyon sa Filipinas. Nilagdaan kahapon ng Department of Information and Communications Technology (DICT), Bases Conversion and Development Authority (BCDA), at Facebook ang Landing Party Agreement (LPA) na magtatayo ng “ultra high speed information highway” sa layuning magkaroon nang mabilis, abot-kaya at maasahang broadband internet sa buong …

Read More »

Medical intern sumagip sa buhay ng MRT passenger

Charleanne Jandic MRT

ANG medical intern na si Charleanne Jandic ay nasa Ayala station ng MRT nitong Martes ng hapon nang mahulog ang isang babae sa riles habang paalis ang tren mula sa nasabing estasyon. Ang bogie ng tren ay gumulong sa bahagi ng katawan ng biktimang si Angeline Fernando, nagresulta sa pagkaputol ng kanyang braso. Mabilis na kumilos si Jandic, na patungo …

Read More »

Naputol na braso ng MRT passenger naikabit muli

MRT

NAIKABIT ng mga manggagamot ng Makati Medical Center ang kanang braso na naputol mula sa pasaherong babae makaraan maaksidente sa Metro Rail Transit (MRT) 3 sa Ayala Avenue Station, Makati City, kamakalawa ng hapon. Kahapon, kinompirma ito ng Makati City Police sa pamamagitan ng ama ng biktima na si Jose Fernando. Ayon sa pulisya, nai-kabit ng mga doktor ng nabanggit na ospital ang …

Read More »

‘Karisma’ ni Trudeau supalpal kay Duterte (Sa pag-ungkat ng EJKs)

HINDI umubra kay Pangulong Rodrigo Duterte ang karisma ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau nang tangkaing talakayin ang isyu ng extrajudicial killings sa bansa bunsod ng drug war ng kanyang administrasyon. Deretsahang sinabi ni Pangulong Duterte kay Trudeau na hindi siya magpapaliwanag sa Canadian Prime Minister hinggil sa EJKs dahil wala siyang pakialam bilang isang dayuhan. Aminado ang Pangulo na …

Read More »

Lider ng rally kontra ASEAN kinasuhan

KINASUHAN ng Manila Police District (MPD) ang ilang demonstrador dahil sa kinahantungan ng protesta sa T.M. Kalaw Avenue sa Maynila nitong Linggo, 12 Nobyembre. Ayon kay MPD spokesperson, Supt. Erwin Margalejo, sinampahan nila ng kaso sa Manila Prosecutor’s Office sina Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) Secretary General Renato Reyes, dating Bayan Muna Rep. Teddy Casiño at ang isang demonstrador na si …

Read More »