Thursday , May 23 2024
WALANG makitang pagsisisi sa mukha ng Chinese national na si Pablo Chu, nang masakote ng traffic enforcer ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) at mga operatiba ng Manila Police District (MPD) sa kanto ng Jose Abad Santos Ave., at Tayuman St., sa Tondo, Maynila kahit siya’y may paglabag sa batas trapiko, nahulihan ng droga at sa huli’y sinumpit ng dura ang isang pulis. (BRIAN BILASANO)

Chinese na nanagasa, nandura, ‘ipinatatapon ni Manila Mayor Isko

NAIS ni Mayor Francisco “Isko” Domagoso na ideklarang undesirable alien o ipatapon sa labas ng bansa ang Chinese national na nanagasa at nandura sa pulis nang sitahin dahil sa paglabag sa number coding.

Sa kanyang capital report, inatasan ng alkalde ang MPD Special Mayors Reaction Team (SMaRT) na makipag-ugnayan sa Bureau of Immigration (BI) para sa tamang proseso patawan ng parusa ang dayuhan na si Zhou Zhi Yi, 50 anyos.

Bukod sa pagiging undesirable alien, nais din ng alkalde na malagay sa “blacklist” o sa Interpol ang suspek upang sa gayon, hindi na makagawa pa ng anumang ilegal dito sa bansa.

Giit ni Isko, ang ganitong klase ng dayuhan, hindi dapat nanatili sa Maynila o sa bansa dahil panganib sa mamamayan.

Lalou aniya’t maaring makapagpiyansa dahil bailable ang kanyang kinakaharap na kaso kaya mabuting pabalikin na lamang sa China.

Matatandaan na sinita si Zhou Zhi Yi ng mga tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) sa Binondo dahil sa number coding nang biglang paharu­rutin ang kanyang SUV at nakipag­habulan pa han­ggang sa kanto ng Tayuman St., at Abad Santos Avenue.

Ilang sasakyan din ang kanyang binangga at nang  masukol, nandura ng pulis at may nakuha rin shabu sa loob ng kanyang sasakyan.

About hataw tabloid

Check Also

CAAP RP-C6923 Cessna plane

CAAP nakatutuok, sa sumadsad na Cessna plane

PATULOY ang isinasagawang imbestigasyon ng Aircraft Accident and Inquiry Investigation Board (AAIIB) sa nangyaring pagsadsad …

arrest prison

Ex-convict nangholdap, nanakit ng estudyante

BALIK-HOYO ang isang lalaking ex-convict na sinabing notoryus na holdaper matapos biktimahin at saktan ang …

cal 38 revolver gun

2 kelot hoyo sa boga nang masita sa yosi

KAPWA bagsak sa kulungan ang dalawang lalaki matapos mabisto ang dalang baril makaraang masita ng …

Inasunto ng SSS
4 EMPLOYERS BUKING SA P15-M UNPAID WORKERS’ CONTRIBUTIONS

BUNGA ng patuloy na pagpapatupad ng Social Security System (SSS) sa kampanyang Run After Contribution …

shabu drug arrest

Bebot, 1 pa arestado sa P340k shabu sa QC

SA PATULOY na pagpapatupad ng Quezon City Police District (QCPD) sa programa ng Department of …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *