BURADO na sa listahan ng pinakamasama at pinakapangit na airport sa buong mundo ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Mismong sa post ng “The Guide To Sleeping In Airports” isang travel website, nitong 15 Oktubre 2017, ang NAIA ay hindi na kabilang sa listahan ng worst airport sa mundo at sa Asya. Magugunitang sa kaparehong survey na isinagawa sa nakaraang …
Read More »Masonry Layout
Suweldo ng sundalo’t pulis sa 2018 doblado
DOBLADO ng kanilang kasalukuyang sahod ang matatanggap ng lahat ng sundalo’t pulis at mga unipormadong puwersa ng pamahalaan simula sa Enero 2018. Ito ang sinabi kagabi ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa pagbisita sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City. Nauna rito, sa isang press conference kahapon ng umaga, kinompirma ni Budget …
Read More »1 patay, 7 sugatan sa jeep vs motorsiklo
PATAY ang isang motorcycle rider habang sugatan ang kanyang angkas gayondin ang anim pasahero ng isang jeep makaraan magbanggaan ang dalawang sasakyan sa lungsod ng San Juan, kamakalawa. Kinilala ang biktimang namatay na si Dominic Peñaflor, nasa hustong gulang, at nakatira sa Makati City. Siya ay na-sandwich ng pampasaherong jeepney at poste ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2). Samantala, …
Read More »3 grupong militante prente ng CPP — Duterte
‘NAGSASAGAWA’ ng rebelyon ang tatlong militanteng grupo laban sa gobyerno dahil “legal fronts” sila ng Communist Party of the Philippines (CPP). “It’s one big conspiracy. All of them are right now committing rebellion,” ani Duterte sa kanyang talumpati sa Pili, Camarines Sur kahapon. Tinukoy ng Pangulo ang Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON), human rights group na …
Read More »PISTON, LTFRB nag-agawan sa tagumpay
NAGKAROON ng tensiyon sa isinagawang tigil-pasada sa Cubao, Quezon City ng PISTON at iba pang militanteng grupo nang pumunta si LTFRB Board member Atty. Aileen Lizada para mag-monitor. (LOVELY ANGELES) PAREHONG nagdeklara ng tagumpay ang Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) at Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) kahapon sa isinagawang dalawang araw na tigil-pasada. Matatandaang nauna …
Read More »Mas mahabang tigil-pasada banta ng Piston
NAGPIKET ang ilang jeepney driver sa kahabaan ng Zapote Drive para sa ikalawang yugto ng tigil-pasada ng grupong PISTON at No To Jeepney Phase-out Coalition sa Las Piñas City. (ERIC JAYSON DREW) NAGBANTA ang transport group Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) ng mas mahabang tigil-pasada kapag tumanggi si Pangulong Rodrigo Duterte na sila ay harapin at ang …
Read More »Baron Geisler inaresto sa restobar
KULUNGAN ang kinabagsakan ng aktor na si Baron Geisler makaraang magwala, manggulo at magmura dahil sa kala-singan sa loob ng isang restobar sa Tomas Morato Avenue, Brgy. South Triangle, Quezon City, kamakalawa ng gabi. Ayon kay Supt. Christian dela Cruz, hepe ng Quezon City Police District (QCPD) Kamuning Police Station 10, dakong 9:00 pm nang pumasok sa TGIF restobar si …
Read More »P145-M inilarga ni VP Leni vs kahirapan (153 komunidad benepisyado)
MAHIGIT 83,000 pamilya, mula sa iba’t ibang panig ng bansa, ang natulungan ng tanggapan ni Vice President Leni Robredo sa unang taon ng programang inilunsad nila laban sa kahirapan. Ang programang Angat Buhay ay sinimulan ni VP Leni at ng kaniyang opisina noong Oktubre 2016, sa paglalayong maabot ang pinakamahihirap at pinakamalalayong komunidad sa bansa, sa pakikipagtulungan ng pribadong sektor …
Read More »100+ terorista nagkalat pa sa Mindanao
INAMIN ni AFP Spokesman Major Gen. Restituto Padilla, mahigit 100 pang terorista ang pinaghahanap ng mga awtoridad na kasama sa Arrest Order na inilabas ni Lorenzana makaraan i-deklara ang martial law. “At doon sa mga arrest order na nailabas, dalawa po ito sa mahigit 300, naaresto po natin ang mahigit 100 at na-filan (file) ng kaso at ngayon ongoing ang …
Read More »NCRPO handa sa posibleng spill-over sa Metro
HANDA ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa posibleng spill-over sa Metro Manila kaugnay sa bakbakan sa Marawi City na ikinamatay ng kilalang mga lider ng Maute at Abu Sayyaf Groups na sina Omar Maute at Isnilon Hapilon na tinaguriang Emir at pinuno ng ISIS sa Asya. Ayon kay NCRPO Regional Director Oscar Albayalde, kahit walang natatanggap na report …
Read More »‘Liberasyon’ ng Marawi idineklara ni Duterte
IDINEKLARA ni Pangulong Rodrigo Duterte, malaya na ang Marawi City sa impluwensiya ng mga terorista kaya’t uusad na ang rehabilitasyon. “Ladies and gentlemen, I hereby declare Marawi City liberated from the terrorist influence. That marks the beginning of rehabilitation,” anang Pangulo sa kanyang talumpati sa harap ng mga tropa ng pamahalaan sa Marawi City. Tiniyak niya, hindi maiiwan sa ere …
Read More »NCR paralisado sa tigil-pasada (1,140 commuters stranded sa Metro)
ANG mga miyembro ng Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) sa isinagawang tigil-pasada sa kahabaan ng España Boulevard sa Maynila bilang pagtutol sa phase-out ng mga lumang pampasaherong jeep. (BONG SON) INIHAYAG ng transport group na Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON), 90 porsiyento ng Metro Manila at lahat ng iba pang bahagi ng bansa ang …
Read More »Hapilon, Maute patay sa bakbakan (Digong nagalak)
LUBOS ang kagalakan ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa pagkamatay ng dalawang lider-terorista sa kamay ng militar sa Marawi City, kahapon ng madaling-araw. Ito ang sinabi ni AFP chief of staff Gen. Eduardo Año sa tagumpay ng pamahalaan sa pagpatay sa dalawang lider-terorista na sina Isnilon Hapilon at Omar Maute. Aniya, 17 hostage ng mga terorista ang nailigtas ng militar, …
Read More »7-anyos nene niluray ng water boy
SWAK sa kulungan ang isang water delivery boy makaraan ireklamo ng panghahalay sa 7-anyos batang babae sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon. Ayon sa biktimang si “Katrina” sa pulisya, hinawakan siya sa maselang bahagi ng kanyang katawan ng suspek na si Vincent Amor, 36, nang mag-deliver ng tubig sa kanilang bahay sa Barangay 12, kamakalawa ng hapon. Dala nang labis …
Read More »PDEA sattelite office sa Customs, Bilibid ilalagay
MAGLALAGAY ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng kanilang opisina sa loob ng Bureau of Customs at Bureau of Corrections, ngayong ipinasa na sa kanila ang buong tungkulin sa anti-drug operations ng gobyerno, ayon sa spokesperson ng ahensiya nitong Sabado. Sa panayam ng radio dzBB, sinabi ni PDEA Public Information Office Chief Derrick Carreon, nakipagpulong si Director General Aaron Aquino …
Read More »BBWP huwag guluhin — Gov. Alvarado
LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan – Mariing pinalalahanan ni Bulacan Gov. Wilhelmino M. Sy-Alvarado ang mga opisyal ng iba’t ibang water district sa lalawigan na huwag magsasagawa ng mga hakbang na makagugulo sa umuusad na Bulacan Bulk Water Project (BBWP) upang hindi makompromiso ang magandang biyayang hatid nito sa mga mamamayan ng Bulacan. Ang paalala ay binanggit ni Alvarado sa kanyang radio …
Read More »18 domestic flights sa NAIA kanselado (Sa Runway closure sa Iloilo)
UMABOT sa 18 domestic flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang nakansela matapos isara ang runway sa Iloilo International Airport nang sumadsad ang isang eroplano ng Cebu Pacific. Ipinahayag ng Cebu Pacific, 12 flights ang kanilang kinansela na apektado ang biyaheng Manila-Iloilo-Manila 5J447/448, Manila-Iloilo-Manila 5J449/450, Manila-Iloilo-Manila 5J451/452, Manila-Iloilo-Manila 5J453/454, Manila-Iloilo- Manila 5J457/458, at Manila-Iloilo-Manila 5J467/468. Gayonman binigyan nila ng pagpipilian …
Read More »Grupong destab terror org — Sara Duterte
WALANG ipinagkaiba ang banta ng destabilisasyon sa terorismo. Ito ang tinuran ni presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte bilang tugon sa mga grupo at mga personalidad na bumabatikos sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na magtatayo ng revolutionary government sa harap ng mga banta ng destabilisasyon laban sa kanyang administrasyon. “The threat of destabilization is as real as …
Read More »MMDA magbibigay ng libreng sakay
MAGKAKALOOB ng libreng sakay ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga pasaherong maaapektohan ng tigil-pasada ngayong araw. Ayon kay Celine Pia-lago, tagapagsalita ng MMDA, magtatalaga sila ng 10 buses, trucks at ambulansiya sa mga lugar na apektado ng isasagawang trasport strike ng grupong Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON). Dagdag ni Pialago, bukod sa libreng …
Read More »Walang pasok tugon ng Palasyo sa tigil-pasada
SUSPENSIYON ng mga klase sa lahat ng paaralan at walang trabaho sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan sa buong bansa, ang tugon ng Palasyo sa malawakang transport strike ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON) ngayon, bilang pagtutol sa jeepney phaseout program. Batay sa Memorandum Circular 28 na inilabas ng tanggapan ni Executive Secretary Salvador Medialdea, …
Read More »Yosi bawal na sa Munti
PARA sa kaalaman ng mga bibisita sa Muntinlupa at sa mga residente ng lungsod, nagsimula na ang implementasyon ng smoking ban. Ipinatutupad na ng Muntinlupa City ang Ordinance 17-072, nagbabawal sa paninigarilyo ng tobacco products at electronic nicotine delivery system katulad ng e-cigarette (vapes) o e-shi-sha, sa pampublikong mga lugar. Arestado ang 16 katao sa Alabang area sa ipinatupad na …
Read More »STL lumikha ng 10,000 trabaho sa Mindanao
MAHIGIT 10,000 bagong trabaho ang nilikha sa Mindanao sa unang tatlong quarters ng 2017 sa kabila nang patuloy na karahasan na nagresulta sa deklarasyon ng martial law, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Ofice (PCSO) nitong Biyernes. Ipinakikita lamang nito, ayon kay PCSO Mindanao operations head Gloria Ybañez, na dahil sa operasyon ng expanded Small Town Lottery (STL), hindi lamang ito …
Read More »Duterte hands-off sa drug war
HANDS-OFF na si Pangulong Rodrigo Duterte sa anti-illegal drugs campaign. Ito ay makaraan iutos ng pangulo na tanging ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na lamang ang maaaring magsagawa ng operasyon kontra sa ilegal na droga. Ayon sa pangulo, hindi lang ang Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), National Bureau of Investigation (NBI) at iba pa …
Read More »Revo gov’t tugon ni Digong sa destab (Mass arrest vs detractors)
NAGBABALA si Pangulong Rodrigo Duterte na isasadlak sa kulungan ang lahat ng kalaban ng pamahalaan kapag nagpasya siyang magdeklara ng revolutionary government. Sa panayam kay Duterte sa PTV4 kagabi, sinabi ng Pangulo na kapag umigting ang mga hakbang ng destabilisasyon laban sa kanyang administrasyon, hindi siya magdadalawang-isip na magtayo ng revolutionary government. Uunahin ng Pangulo na hakutin sa bilangguan ang …
Read More »Oplan Tokhang itinigil ng PNP (Riding-in-tandem reresbakan — Bato)
IPINATIGIL na ni Philippine National Police (PNP) chief, Director General Ronald “Bato” Dela Rosa ang Oplan Tokhang. Iniutos ni Dela Rosa ang paghinto nito sa buong bansa kasunod ng atas ni Pangulong Duterte na nagtatalaga sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na maging tanging ahensiyang ma-ngunguna sa kampanya kontra droga. Ayon kay Dela Rosa, tututok muna sila sa mga kampanya …
Read More »