Sunday , April 28 2024

Velasco ‘ghosting’ sa multi-bilyong utang sa PSALM

‘GHOSTING’ ang nakikitang estilo ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco dahil halos walang paramdam na interesado siyang makiisa sa House Committee on Public Accounts and Public Accountability at House Committee on Good Government sa ginagawang House Inquiry sa P95 bilyong utang ng power firms sa Power Sector Assets and Liabilities Management Corp (PSALM).

Ayon kay House Committee on Public Accounts and Accountability Chairman at Anakalusugan Rep. Mike Defensor  bukas ang kanilang komite ni Bula­can Rep. Jonathan Alvara­do  na House Committee on Good Government para sa komite ni Velasco kung nais nitong tumu­long sa imbestigasyon gayonpaman sa 10 Marso na nakaiskedyul ang ikatlong hearing ngunit walang pasabi ang kampo ni Velasco.

Ayon kay Defensor, wala rin masama kung tatlong komite ang mag-imbestiga, basta iisa ang aming layunin, at ito ay makasingil ang gobyerno sa bilyong utang ng power firms,” paliwanag ni Defensor.

Ipinagmalaki ni Defen­sor na bilang resulta ng dalawang beses na pagdinig na ginawa ng kanilang komite ni Alva­ra­do ay nangako ang power producers na magbabayad ng utang maliban sa South Premier Power Corporation (SPPC) na may P24 bil­yong utang.

Ang SPPC ay pag­mamay-ari ng San Miguel Corporation (SMC).  Ang SMC naman ay pagmamay-ari ni Ramon Ang na siyang ninong ni Velasco.

Mismong si House Speaker Alan Peter Caye­tano ay kinastigo rin si  Velasco sa kawalang aksiyon ng kanyang komite sa multi-bilyong utang ng mga power firms. Aniya, literal na inupuan ni Velasco ang isyu bilang pagtatakip sa SPPC.

Si Velasco ay malapit kay Ang na sinasabing financier nito sa pagtakbo bilang House Speaker.

Ani Cayetano hindi na siya nagtataka kung bakit nais ni Velasco na manatili bilang Chairman ng House Committee on Energy, ang puwesto na kanyang inokupahan mula taong 2016.

“I offered him the position of senior deputy speaker, I offered him na everyday kasama siya sa lahat, ayaw niya, gusto niya Energy chairman­ship. Tapos ngayon nag­rere­­klamo sila (Velasco camp), bakit ang Committee on Public Account at Committee on Good Government ang nag-iimbestiga ng daan-daang bilyong utang ng power producers sa PSALM. He’s the Energy chair and yet he doesn’t want to conduct hearings on debt owed to PSALM,” paliwanag ni Cayetano.

Si Velasco na kilalang malapit kay Ang ay kasama sa top 100 stockholders ng San Miguel at Petron na mga pagmamay- ari ni Ang.

Madalas din mami­gay ng San Miguel at Petron products si Velasco pag may okasyon tulad ng Pasko. Ang asawa ni  Velasco na si Wen ay personal assistant ni Ang at madalas nabi­biyayaan ng pondo mula San Miguel at Petron foundations para sa kanilang mga proyekto.

Ang ama ni Lord Allan na si dating Supreme  Court Justice Presbitero Velasco, na ngayon ay gobernador ng lalawigan ng Marin­duque, ang ponente sa desisyon ng Korte Suprema na mapasa­kamay ng San Miguel ang shares of stocks mula sa kontrobersiyal na coconut levy fund.

Kung ang iba uma­nong power firms ay nangakong magbabayad ng utang ay nakapag­tatakang hindi masunod ito ng SPPC.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

C5 Quirino flyover Villar

Sa Las Piñas  
C5 EXT. QUIRINO FLYOVER BINUKSAN SA MOTORISTA

BINUKSAN sa mga motorista ang C5 Quirino flyover, C5 extension sa lungsod ng Las Piñas. …

itak gulok taga dugo blood

2 anak pinagalitan,
BABAE PATAY SA TAGA NG AMA

PATAY ang isang 27-anyos babae matapos tagain ng kanyang ama dahil sa hindi pagkakaintindihan sa …

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *