IPINAAARESTO ang apat sa walong akusado sa Soliman A. Villamin case. Naglabas ng warrant of arrest ang Regional Trial Court, National Capital Judicial Region Branch 93 ng Quezon City laban sa mga akusadong sina Jorge Billamil, Ferdinand Medina, Joemel de Jesus, at Dennis Sta. Ana Go sa paglabag sa Republic Act 10175 o ang Philippine Cybercrime Prevention Act of 2012. Inilabas …
Read More »Masonry Layout
Pass-on charges ‘wag ipataw ng Akelco sa consumers (Sa Boracay closure)
HINIKAYAT ni Senador Sherwin Gatchalian ang Aklan Electric Cooperative Inc. (Akelco) nitong Lunes na i-invoke ang “force majeure” upang hindi maipasa ang extra power charges sa consumers sa loob ng six-month closure ng Boracay islands simula ngayong linggo. “Clearly, the complete closure of Boracay is an unforeseeable event completely beyond the control of AKELCO. This is definitely an instance when …
Read More »Life sa bebot na nambugaw sa 13-anyos, 3 iba pa (Sa Laguna)
HINATULAN ng Laguna judge ng habambuhay na pagkabilanggo ang isang babaeng napatunayan na sangkot sa human trafficking, na naaktohang ibinubugaw ang apat babae, kabilang ang isang dalagita, sa isang pulis na nagpanggap na kustomer noong 2016. Sa March 16 resolution, napatunayan ni San Pedro City Regional Trial Court Branch 31 Judge Sonia T. Yu-Casano na guilty ang akusadong si Lilibeth …
Read More »Mag-asawang senior citizens hinataw ng kawatan
TAYABAS, Quezon – Kapwa sugatan ang matandang mag-asawa mula sa hataw sa mukha ng hindi kilalang suspek na nanloob sa kanilang bahay sa bayang ito, nitong Sabado ng madaling-araw. Salaysay ng residenteng si Mark Labaro, nakita niyang duguan at palakad-lakad ang mga biktimang sina Tessa Pabino, 62, at Robert Albiña, 65, kaya dinala niya sa pagamutan. Ikinuwento aniya ng mag-asawa …
Read More »90% ng PNP force magbabantay sa barangay, SK elections
INIHAYAG ng Philippine National Police na 90 porsiyento ng kabuuang lakas ng 190,000-strong police force ang ide-deploy ng PNP para sa seguridad ng Barangay and Sangguniang Kabataan (BSK) elections sa 14 Mayo. “Basically all systems go na tayo riyan, bago naman ako nag-assume riyan I’m sure naka-ready na ‘yung ating mga [ka]pulis[an], ang basic diyan is 90 percent of the …
Read More »HOA auditor itinumba sa loob ng bahay
PINASOK sa bahay at pinagbabaril hanggang mapatay ang isang ginang na auditor ng isang homeowners association (HOA), ng hindi kilalang gunman sa Quezon City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Supt. Rodelio B. Marcelo, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District), ang biktimang si Maria Theresa Malaraya Paa, 57, residente sa Livelihood St., Area C, Talanay, Brgy. …
Read More »Jeep nabundol ng SUV, tumaob (8 sugatan)
BUMALIKTAD ang isang pampasaherong jeep makaraan itong tumbukin ng isang sports utility vehicle (SUV) sa Commonwealth Avenue, Quezon City, nitong Linggo ng hapon. Bukod sa jeep na may sakay na pitong pasahero, sinabing una nang nabangga ng SUV ang isang bisikleta sa parking lot ng Diliman Preparatory School, batay sa imbestigasyon ng pulisya. Agad isinugod sa East Avenue Hospital ang …
Read More »Nigerian inambus sa Las Piñas, patay
BINAWIAN ng buhay ang isang Nigerian national makaraan pagbabarilin ng hindi kilalang suspek sa Las Piñas City, nitong Lunes ng umaga. Kinilala ang biktimang si Didicus Ohaeri, taga-Bacoor, Cavite. Sa inisyal na imbestigasyon ng Las Piñas Police, binabagtas ni Ohaeri ang Alabang-Zapote Road sakay ng kanyang kotse nang pagbabarilin siya ng mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo dakong 11:30 ng …
Read More »Umuwi ka na sagot kita (Hikayat ni Digong kay Joma)
PINAUUWI ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dating propesor na si Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Ma. Sison upang lumahok sa peace talks. Sa kanyang talumpati sa 24th National Federation of Motorcycle Clubs of the Philippines Annual Convention sa Legazpi City kamakalawa, sinabi ng Pangulo, gusto niyang idaos sa Filipinas ang usapang pangkapayapaan at sagot niya ang lahat …
Read More »CH Ligaya Santos inasunto ng MMDA sa DILG (Sa illegal terminal sa Lawton)
SINAMPAHAN ng Metro Manila Development Authority (MMDA) nitong Biyernes ng kasong administratibo ang isang Manila barangay chairperson dahil sa talamak na road obstructions sa Ermita, Maynila. Kinilala ang barangay chairperson na si Ligaya Santos y Villaruel, 77-anyos, na sinabing notoryus sa pagmamantina ng illegal terminal at illegal vendors na malaking abala sa maluwag na pagdaloy ng trapiko sa nasabing lugar. …
Read More »P.7-M shabu kompiskado, 2 arestado (Sa Quezon City)
NAKOMPISKA ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) ang P762,000 halaga ng shabu sa dalawang hinihinalang drug pusher, kabilang 25-anyos babae, sa buy-bust operation sa Quezon City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni NDP director, C/Supt. Amado Clifton Empiso ang arestadong mga suspek na sina Saimah Solaiman, 25, residente sa Brgy. 649, Baseco Compound, Port Area, Maynila, at Jesmar Ahadin, …
Read More »Bebot inaresto sa P.2-M shabu (Sa Caloocan)
ARESTADO and isang babaing hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa isinagawang drug buy-bust operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) C/Insp. Arnold Alabastro, ang suspek na si Lyn Eskak, 27, residente sa Brilliant View, Phase 2, Brgy. 171, Bagumbong ng nabanggit na lungsod. Base sa imbestigasyon ni PO2 Jerome Pascual, dakong 6:30 …
Read More »40 mangingisda na napiit sa Indonesia aarborin kay Widodo
IDUDULOG ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaso ng 40 mangingisdang Filipino na nakapiit sa Indonesia, sa kanilang paghaharap ni President Joko Widodo sa 32nd ASEAN Leaders Summit sa Singapore ngayong linggo. Ito ang tiniyak ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go matapos salubungin ang 31 mamamalakayang Filipino mula sa Indonesia sa Camp Feranil Naval Station sa Panacan, Davao City …
Read More »Yelo bumuhos sa Benguet
UMULAN ng mga butil ng yelo sa Atok, Benguet nitong Sabado habang maalinsangan sa ibang bahagi ng bansa. Ayon sa mga residente, nasira ang mga pananim dahil sa hailstorm sa ilang farm at nagkalat ang mga butil ng yelo sa mga kalsada sa Sitio Sayangan, Brgy. Paoay. Nabatid mula sa weather bureau PAGASA, may nangyari nang pag-ulan ng yelo sa …
Read More »PNP kasado na sa 6-month Boracay closure
BORACAY – Nakahanda na ang mga pulis para sa 6-month closure ng isla na magsisimula ngayong Huwebes. Sinabi ni Supt. Cesar Binag, Western Visayas police chief, ang 630-member strong Joint Task Force Boracay ang inatasang magpatupad ng seguridad sa Boracay habang ang isla ay isinasailalim sa malawakang paglilinis at rehabilitasyon. Ayon kay Binag, ang mga miyembro ng task force mula …
Read More »College dean inaresto ng NBI sa ‘sextortion’ (Sa Surigao City)
INARESTO ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang college dean sa Surigao City dahil sa reklamong ‘sextortion’ ng isang estudyante nitong Biyernes ng gabi. Kinilala ang suspek na si Randy Retulla, inireklamo ng isang 21-anyos lalaking estudyante. Ayon sa reklamo ng estudyante, nagkasama sila ng college dean sa isang hotel noong Disyembre ng nakalipas na taon …
Read More »Buntis patay, 9 sugatan sa van na nahulog sa bangin (Sa Tagkawayan, Quezon)
BINAWIAN ng buhay ang isang buntis habang siyam iba pa ang sugatan makaraan mahulog ang van sa isang bangin sa gilid ng highway sa Tagkawayan, Quezon, nitong Linggo ng madaling-araw. Kinilala ng mga awtoridad ang buntis na si Sagira Haji Ebrehim. Ayon sa mga imbestigador, ang mga biktimang pawang mga residente sa Piagapo, Lanao del Sur, ay patungo sa Maynila …
Read More »2 lalaking umiihi arestado sa droga (Sa pampublikong lugar)
HINULI ang dalawang lalaki habang umiihi sa pampublikong lugar at nakompiskahan ng umano’y ilegal na droga sa Pasay City, kahapon ng madaling-araw. Nakakulong sa detention cell ng Pasay City Police ang mga suspek na sina Jomar Mamaril, 27, at Kevin Ogaya, 27, barker, kapwa residente sa E. Rodriguez St., Brgy. 4, Zone 2, sa nasabing lungsod. Base sa ulat ni …
Read More »Buntis, tiyahin sinaksak ng adik na pamangkin
KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang 53-anyos negosyante at kanyang anak na buntis makaraan pagsasaksakin ng hinihinalang drug addict na pamangkin sa loob ng kanilang bahay sa Caloocan City, kahapon ng madaling-araw. Nilalapatan ng lunas sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital ang mga biktimang si Melinda Bati, buy and sell agent, at kanyang buntis na anak na si …
Read More »EO vs Endo ‘di na pipirmahan ni Digong (Sesertipikahang priority bill) — DoLE
HINDI na pipirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang executive order (EO) hinggil sa kontraktuwalisasyon, anunsiyo ni Labor Secretary Silvestre Bello III, nitong Huwebes. Sinabi ni Bello sa pulong balitaan sa Department of Labor and Employment (DOLE), sesertipikahan na lamang ni Duterte bilang priority bill ang nakabinbing panukala sa Senado kaugnay sa “security of tenure.” Aniya, ang tatlong drafts ng EO …
Read More »AUV lumusot sa resto, 9 sugatan (Sa Festival mall)
NAGULANTANG ang mga kumakain nang salpukin sila ng isang umaatras na AUV na lumusot sa restaurant mula sa labas sa Festival Mall sa Muntinlupa City. Ayon sa ulat, siyam ang nasugatan sa naturang insidente na nangyari noong Linggo sa Gerry’s Grill restaurant. Sa kuha ng CCTV, makikita ang mga biktima habang magkakasamang nakaupo sa harap ng mesa nang biglang sumulpot …
Read More »3 kaanak ng Parojinogs timbog sa La Union
NADAKIP ang tiyahin ng napatay na si Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog, at dalawa pang kaanak sa isang checkpoint sa San Fernando, La Union, sa bisa ng arrest warrant nitong Lunes ng hapon. Arestado si Rizalina Francisco, kasama ang asawa niyang si Manuelito Francisco, at ang kanilang anak na si June Francisco. Ayon kay Supt. Jovie Espenido, hepe ng Ozamiz …
Read More »1 patay, 1 sugatan sa hit-and-run
BINAWIAN ng buhay ang isang angkas ng motorsiklo habang sugatan ang driver nito nang mabundol ng isang SUV sa Tomas Morato Avenue sa Quezon City, nitong Martes ng gabi. Kinilala ang biktimang namatay na si Jubert Abenes, 29-anyos, residente sa Marikina City. Salaysay ng mga saksi, nabangga sa likuran ang motorsiklo ng kasunod nitong SUV habang binabaybay ang Tomas Morato. …
Read More »Atleta niyakap sa banyo, guro kalaboso (Sa 2018 Palarong Pambansa)
INARESTO ang isang lalaking guro makaraan ireklamo ng pambabastos ng isang binatilyong atletang kalahok sa 2018 Palarong Pambansa sa Ilocos Sur, nitong Martes. Ayon sa ulat, nakapiit sa estasyon ng pulisya sa Caoayan, Ilocos Sur ang 28-anyos na si Rodymar Lelis, isang elementary school teacher mula sa Cebu City. Dinakip si Lelis sa venue ng dance sports competition ng Palaro …
Read More »Investment scam group leader tiklo sa Albay
NADAKIP ang isang lalaki na sinabing lider ng isang investment scam group sa Albay, nitong Martes ng hapon. Arestado sa bisa ng warrant of arrest si Joel Agnabo, 52, hinihinalang lider ng Agnabo investment scam sa Camarines Sur. Ayon sa report ng PNP Criminal Investigation and Detection Group, iniwan ni Agnabo ang kaniyang pamilya sa Naga City at nagpalipat-lipat ng …
Read More »