Tuesday , December 24 2024

Masonry Layout

19 Pinay arestado sa Halloween party (Sa Riyadh, Saudi Arabia)

Halloween Riyadh Saudi Arabia

RIYADH, Saudi Arabia – Inaresto at ikinulong ang 19 Filipina sa Ri­yadh dahil sa kanilang pagdalo sa Halloween party. Ipinagbabawal sa Saudi Arabia ang mga pagtitipon sa publiko na may kaugnayan sa non-Islamic events at pagha­halo ng mga babae at lalaki. “So far, alam namin ay resulta po ito ng isang reklamo ng mga resi­dente sa Al Thumama na parang …

Read More »

Customs sa AFP pakitang tao? — Solon

Rodrigo Duterte AFP Bureau of Customs BoC

PAKITANG TAO la­mang ang pagsailalim ng Bureau of Customs sa Armed Forces of the Philippines para masabi na makapangyarihan ang presidente. Ayon kay Akbayan Rep. Tom Villarin, para nang isinailalim ang bansa sa martial law. Aniya, ginagawang dahilan ang problema sa droga sa pagamit ng mar­tial law at iniiwas sa tunay na isyu na hina­yaang makalabas ang mga itinalaga ng …

Read More »

AFP takeover sa Customs kaduda-duda — Pangilinan

AFP Bureau of Customs BOC

NANINIWALA si Sena­dor Kiko Pangilinan na kaduda-duda at nakali­ligalig ang pagsasailalim sa pamamahala ng Armed Forces of the Philippines sa ahensiyang revenue-generating. “Ano ang alam ng AFP sa pangongolekta ng buwis at tarifa? Lalo lang pinalalakas ang mili­tarisasyon sa burakrasya. Ano susunod? BIR? Immigration? Hindi lahat ng militar mahusay sa pagpapatakbo ng gob­yerno, tulad ng palpak na si Capt. Faeldon …

Read More »

AFP takeover sa Customs suportado ni Sotto

Tito Sotto Rodrigo Duterte Bureau of Customs BoC

SUPORTADO ni Senate President Tito Sotto ang pagtatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Armed Forces of the Philippines bilang pan­samantalang tagapa­ngasiwa sa operasyon ng Bureau of Customs bago ang pagpapalit ng lide­rato ng ahensiya. Ayon kay Sotto, naniniwala siya na mga ganitong uri ng “drastic measures” ang kinakai­langan upang tuluyang maputol ang mga ilegal na gawain sa BoC na matagal …

Read More »

Martial law sa Customs

PANSAMANTALA lang ang military takeover sa Bureau of Customs, ayon sa Palasyo. Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, bilang Punong Ehekutibo ng bansa, may kapangyarihan si Pangu­long Rodrigo Duterte na utusan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na ayudahan ang BoC. Bilang Punong Eheku­tibo ng bansa ay may kontrol aniya si Pangu­long Rodrigo Duterte sa lahat ng tanggapan sa …

Read More »

Ayon sa PAGASA: Bagyong Rosita katulad ng Ondoy

INAASAHANG bubu­hos nang maraming ulan ang Typhoon Rosita (international name: Yutu) sa Northern at Central Luzon katulad ng Bagyong Ondoy no­ong 2009, ayon kay Aldsar Aurelio, weather forecaster ng PAGASA, kahapon. “Ang torrential na pag-ulan ay katulad nang pagbagsak ni On­doy. Nakapalaki nitong bagyo at compact ang ulap,” pahayag ni Aure­lio bilang paglala­rawan sa posibleng dami ng ibubuhos na ulan …

Read More »

DICT kinalampag ng subscribers (Sa cell tower issue )

DICT Department of Information and Communications Technology

NANAWAGAN ang Consumer-Commuter Association of the Philip­pines sa pamahalaan na huwag bigyang daan ang pagpupumilit ni Presi­dential Adviser on eco­nomic affairs and infor­mation and technology communications  Ramon Jacinto sa  Department of Information and Com­munication Technology (DICT) na gawing dala­wang tower company lamang ang magtatayo ng libo-libong cell towers sa bansa. Ayon sa naturang grupo, mahihirapan ang pamahalaan na maayos ang …

Read More »

P1.12-B fraud nabuko (Areglohan sa NHA project tinutulan)

NABISTO ng state lawyers ang mali­naw na pagtatangka ng kontraktor ng Smokey Mountain project sa Tondo na gatasan ang gobyerno nang higit P1.12 bilyon mula sa kaban ng bayan. Ito ang lumu­tang matapos kumilos ang Office of the Government Corporate Counsel (OGCC) upang madis­karil ang areglohan sa pagitan ng National Housing Authority (NHA) at RII Builders sa kaso kaugnay ng rekla­masyon at …

Read More »

Super typhoon papasok sa PH sa Sabado

INIHAYAG ng state weather bureau na maa­aring itaas ang cyclone warning signal sa susunod na linggo dahil sa inaasahang pagpasok ng super typhoon Yutu sa Philippine area of responsibility bukas, Sabado. Sa tropical cyclone advisory na inisyu kaha­pon, sinabi ng PAGASA, ang bagyo ay tatawaging “Rosita” kapag naka­pasok sa PAR dakong umaga ng Sabado. “Tropical Cyclone Warning Signal may be …

Read More »

Anti-drug chief patay sa nalaglag na baril (Habang nagbibihis)

dead gun

PATAY ang isang hepe ng anti-illegal drugs  ng Quezon City Police District (QCPD) maka­raang pumutok ang kanyang baril at tamaan sa katawan sa Quezon City, kahapon ng uma­ga. Sa ulat kay Supt. Benjie Tremor, hepe ng QCPD Kamuning PS 10, kinilala ang biktimang si , hepe ng Kamuning PS 10 – Station Drug Enforcement Unit (DSEU). Siya ay namatay habang …

Read More »

Hepe ng Dangerous Drugs panel sumuporta kay Mangaoang

HABANG pilit na wina­wasak ng ibang kongre­sista ang testimonya ni Deputy Customs col­lector, Atty. Lourdes Mangaoang, sinupor­tahan siya ng hepe ng House Committee on Dangerous Drugs sa kanyang suhestiyon na buksan ang lahat na kahinahinalang karga­mento kahit dumaan ito sa x-ray. Ayon kay Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, tama na buksan at tingnang mabuti ang mga shipment kung …

Read More »

Lapeña umaming nalusutan ng P6.8-B shabu (Sa Technical examination ng DPWH sa 4 magnetic lifters)

KOMBINSIDO si Cus­toms Commissioner Isidro Lapeña na may lamang bilyon-bilyong halaga ng shabu ang apat na mag­netic lifters na nakalusot sa Aduana. Sinabi ni Lapeña sa press briefing sa Palasyo kahapon, batay sa resulta ng technical examination ng Bureau of Equipment ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa apat na magnetic lifters na natag­puan sa GMA, Cavite kamakailan, …

Read More »

Lider ng tobacco farmers binantaan (Ghost project ibinunyag)

IBINUNYAG ng lider ng mga magsasaka ng taba­ko na nanganganib ang kanyang buhay dahil sa death threats na nata­tang­gap niya mula nang ibunyag ang ‘ghost pro­ject’ sa kanyang lala­wigan. Ayon sa pinuno ng National Federation of Tobacco Farmers and Cooperatives (NAFTAC) na si Bernard Vicente, nakatanggap siya ng death threats sa tawag at text messages mula nang ibunyag niya ang …

Read More »

Lapeña sinibak ni Digong sa Customs (Inilipat sa TESDA)

Hataw Frontpage Lapeña sinibak ni Digong sa Customs (Inilipat sa TESDA)

SINIBAK ni Pangulong Rodrigo Duterte si Bureau of Customs (BoC) Commissioner Isidro Lapeña at iti­nalaga si Maritime Industry Autho­rity (MARINA) administrator Rey Leonardo Guerrero bilang bagong pinuno ng ahensiya. Pinatalsik sa Custons ngunit hinirang si Lapeña bilang bagong director general ng Technical Edu­cation and Skills Develop­ment  Authority (TESDA). Si TESDA chief Gui­ling Mamodiong ay nag­hain ng kandidatura sa pagka-gobernador ng …

Read More »

Ex-customs intel officer arestohin — Duterte (Sa P6.8-B shabu )

Hataw Frontpage Ex-customs intel officer arestohin — Duterte (Sa P6.8-B shabu )

INIUTOS ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Philippine National Police (PNP) chief, Director General Oscar Albayalde ang pag-aresto sa isang dating Customs intelligence officer na sabit sa pagpuslit ng illegal drugs sa bansa. Sa kanyang talumpati sa Palasyo kahapon, sinabi ng Pangulo, si Jim­my Guban, dating Cus­toms intelligence officer, ang namemeke ng ID para makapasok sa bansa ang illegal drugs. Sinabi …

Read More »

5 rice hoarders sa Iligan kinasuhan

ILIGAN CITY – Sinampahan ng kasong hoarding ang isang negosyanteng Filipino at apat Chinese nationals na nahuling nag-iimbak nang higit 20,000 sako ng bigas sa lungsod. Sinampahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang Filipino na si Sonia Payan at sina Lu Zi Yong, Yang Jianzhu, Johnny Tan, at Raul Chenfoo, pawang Chines nationals ng kasong paglabag sa Price Act. …

Read More »

Trike sinalpok ng SUV, pasyente tumilapon (4 sugatan)

road accident

ISANG lalaking inatake sa puso at isusugod sa ospital ang tumilapon sa kalsada makaraan mabangga ng isang SUV na minamaneho ng isang doktor ang sinasakyang service vehicle ng barangay sa Maynila, nitong Martes ng madaling-araw. Ayon sa ulat, kabilang din sa nasugatan sa insidente ang anak ng pasyente, driver ng service tricycle at dalawang iba pa. Nabatid sa imbestigasyon ng …

Read More »

30 pamilya nasunugan sa Maynila

fire sunog bombero

MAHIGIT 30 pamilya ang nawalan ng tirahan nang masunog ang kanilang bahay sa Delpan Street sa Binondo, nitong Martes ng umaga. Ayon sa Bureau of Fire Protection, pasado 10:00 am nang sumiklab ang sunog sa isang 3-palapag na residential structure sa Brgy. 272. Agad kumalat ang apoy sa 10 katabing bahay kaya itinaas ang sunog sa ikatlong alarma. Naapula ang …

Read More »

Narco mayors ‘di lulusot sa ‘high treason’

Hataw Frontpage Narco mayors ‘di lulusot sa ‘high treason’

  MAHAHARAP sa kasong “high treason” o pagtataksil sa bayan ang alkaldeng mapatutunayang sangkot sa illegal drugs. “It is high treason if you do that to your country. So, iwasan ninyo ‘yan. I’m not saying that it’s all about money, but you can have comfortable lives if you are a mayor. Just avoid drugs,” ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte sa …

Read More »

Voluntary drug testing hikayat ng PDEA, PNP sa candidates

Drug test

HINIKAYAT ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) nitong Martes, ang mga kandidato sa 2019 mid-term elections na boluntaryong sumailalim sa drug test. “Sabi ni PDEA Director General Aaron Aquino, well and good kung merong magkukusa. As we speak, seven minutes ago, one of the candidates who filed her certificate of candidacy is on her way …

Read More »

Abra gov supporters todas sa ambush

Hataw Frontpage Abra gov supporters todas sa ambush

BAGUIO CITY – Patay ang dalawang lalaking sinabing supporter ng isang politiko makaraang pagbabarilin sa Brgy. Kimmalaba sa bayan ng Dolo­res, Abra, nitong Lunes ng umaga. Kinilala ang mga biktimang sina Rodel Pilor at Roland Lasara. Ayon sa mga pulis, posibleng shotgun ang ginamit na baril sa pag­patay. Nakamotor ang dalawa nang mangyari ang insidente. Kinondena ni Abra Governor Jocelyn …

Read More »

9 sakada minasaker sa Negros

Hataw Frontpage 9 sakada minasaker sa Negros

SAGAY, Negros Occidental – Siyam miyembro ng left-leaning National Federation of Sugar Workers ang pinagbabaril ng armadong kalala­kihan nitong Sabado ng gabi. Ang mga biktima ay iniulat na inokupahan ang pribadong lupa sa Hacienda Nene sa Brgy. Bulanon. Napag-alaman, sila ay kumakain sa loob ng tents nang sila ay pagba­barilin ng lima hanggang anim na armadong kala­lakihan, ayon kay Sagay …

Read More »

Beautician, trike driver tiklo sa buy-bust

shabu drug arrest

HULI ang isang beautician at tricycle driver sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Ayon kay Caloocan Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) head, C/Insp. Rengie Deimos, dakong 10:30 pm nang isagawa nila ang buy-bust operation laban sa umano’y tulak ng droga na sina Vergel Manansala, 33, tricycle driver, at Manuelito …

Read More »

3 pulis patay, 3 sugatan sa ambush sa CamSur (Escort security ni FDA Director General Puno)

Hataw Frontpage 3 pulis patay, 3 sugatan sa ambush sa CamSur (Escort security ni FDA Director General Puno)

PATAY ang tatlong pulis habang tatlo ang sugatan makaraan tamba­ngan ang dalawang patrol vehicles ng pulisya na bahagi ng escort security ni Food and Drug Administration (FDA) Director General Nela Puno sa Lupi, Camarines Sur, nitong Huwe­bes. Sa pinangyarihan ng krimen ay makikitang basag ang mga salamin at sabog ang dalawang gulong ng patrol car ng Camarines Sur police. Kinilala …

Read More »