Tuesday , December 24 2024

Masonry Layout

2 driver timbog sa pot session

marijuana

SA KULUNGAN ang bagsak ng dalawang driver matapos mahuli sa aktong humihithit ng marijuana sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Caloocan Police chief, S/Supt. Restituto Arcangel ang mga naarestong suspek na si Michael Pangilinan, 36 anyos, ng Gen. Malvar St., Brgy. 142; at Victorino Bonifacio, 47 anyos, ng 86 Interior Mariano Ponce St., Brgy. 132  ng nasabing lungsod. …

Read More »

2 kilong ‘damo’ nakompiska sa Kyusi

marijuana

DALAWANG kilong pinatuyong dahon ng marijuana ang nakom­piska ng mga operatiba ng Quezon City Police District – Fairview Police Station 5 sa buy bust operation sa Brgy. Greater Lagro, kamakalawa ng gabi. Sa operasyon, ayon kay Supt. Benjamin Ga­briel Jr., naunang nadakip sina Mario Castro, 19, Mark Stephen Gamuyao, 21, Orlando Purganan, 18, at isang 17-anyos lalaki. Sila ay dinakip da­kong …

Read More »

16-anyos pinilahan 3 bagets kalaboso

ARESTADO ang tatlong suspek sa panggagahasa sa isang 16-anyos dala­gita na kanilang kainu­man sa Tondo, Maynila kahapon. Kinilala ang mga sus­pek na sina  Angelito Gon­zales, 25,  at magka­patid na Prince, 20, at Paul  Diwa, 18,  pawang nakatira sa Melalcalde St., sa Tondo. Ayon sa ina ng bikti­ma na itinago sa panga­lang Ann, latang-lata nang umuwi sa kanilang bahay ang anak nang …

Read More »

10,000 traffic violators huli sa no contact apprehension

NAHULI ng Metro­politan Manila Develop­ment Authority (MMDA) ang mahigit 10,000 traffic violators na lumabag sa “yellow lane policy” sa pama­magitan ng no contact apprehension. Ayon kay MMDA traffic czar Bong Nebrija, may average na 2,000 traffic violators sa EDSA ang kanilang nahuhuli kada araw. Ang 70 porsiyento rito ay mga pribadong moto­rista na madalas na lumalabag sa “yellow lane policy.” …

Read More »

Ilan sa senators sagabal sa pag-apruba sa budget

ILAN lamang sa mga senador ang nakaaantala para maaprobahan ang panukalang budget para sa 2019. Ayon kay House minority leader Danilo Suarez  ng Quezon, gusto ng karamihan ng mga senador kasama si Senate committee on finance chairperson Loren Legarda na i-submit na kay Pangulong Duterte ang bagong National Expenditure Program ngunit ayaw ni Sotto. Sa panayam sa media kahapon, sinabi …

Read More »

Kahit nasa fault line… Kaliwa Dam tuloy na tuloy, Palasyo tameme

IWAS-PUSOY ang Palasyo sa isyu nang pagtatayo ng Kaliwa Dam sa mismong dala­wang fault line kaya tinututulan ng iba’t ibang grupo ang China-funded project. “So, siguro doon sa mga fault, I was informed that it’s not really…” paiwas na tugon ni MWSS Admi­nistrator Rey Velasco nang tanungin sa press briefing hinggil sa ale­gasyon ng mga kritiko na mapanganib ang Kaliwa …

Read More »

Sa pag-atake ni Duterte sa mga pari… Mag-ingat sa mga sinasabi — VP Leni

DAGUPAN, PANGASINAN — Muling pinaala­lahanan ni Vice President Leni Robredo si Pangulong Rodrigo Duterte na maging maingat sa binibitawang salita, sa gitna ng muling pag-atake sa mga pari at obispo. Mariin ang pagtutol ni Robredo sa paninira at pagbabanta na inaabot ng mga kleriko mula kay Duterte. Para sa Pangalawang Pangulo, dapat maging mabuting halimbawa ang Presidente sa taongbayan, at …

Read More »

P1.1-B shabu kompiskado sa buy bust sa Alabang (3 Tsinoy, lolo arestado)

TATLONG Chinese nationals kabilang ang isang 79-anyos lolo na hinihinalang sangkot sa operasyon ng Golden Triangle syndicate ang inaresto ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa magkasunod na buy bust operation at nakakompiska ng 168 kilo ng shabu na nagka­ka­halaga nang mahigit P1.1 bilyon sa Muntinlupa City kamakalawa. Sa unang operasyon ng mga tauhan ni Director General …

Read More »

2 PDEA agents 2 pa sugatan sa buy bust

Philippine Drug Enforcement Agency PDEA

SUGATAN ang apat katao kabilang ang dala­wang agents ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isina­ga­wang buy bust ope­ration sa Pasay City, kahapon ng umaga. Nasa San Juan de Dios Hospital ang mga biktima na si PDEA Agent 3 Charlemaine Tang, nasa hustong gulang at PDEA Agent 2 Richard Seure, 44, upang  lapatan ng lunas sanhi ng tama ng bala …

Read More »

GRP peace panel nilusaw ng Malacañang

NILUSAW na ng Malacañang ang Government of the Republic of the Philippines (GRP) negotiating peace panel. Sa harap ito ng realidad na wala namang nangyayaring nego­sa­syon sang gobyerno sa pagitan ng (Communist Party of the Philippines-News People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF). Sa liham na ipinadala ng Office of the President, may petsang 18 Marso 2019, at pirmado ni Executive Secretary …

Read More »

Budget Bill ‘di babawiin ng Kamara — GMA

HINDI babawiin ng Kamara ang panukalang budget mula sa Senado lalo na kung may mga lump sum na pondo na pinagbabawal ng Saligang Batas. Ayon kay House Speaker Gloria Maca­pagal-Arroyo, hindi nila binawi ang kanilang bersiyon ng panukalang budget taliwas sa paha­yag ng mga senador. “No, we have not withdrawn our version. We’re in discussions about what is the pro­posed …

Read More »

MWSS execs pinulong sa Palasyo

IPINATAWAG ni Pangu­long Rodrigo Duterte sa Malacañang ang mga opisyal ng Metropolitan Waterworks and Sewe­rage System (MWSS). Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na pasado 6:00 pm kahpon nakatakdang humarap kay Duterte ang mga opisyal ng MWSS para iulat ang sitwasyon ng tubig sa Metro Manila. Noong nakalipas na Biyernes ay nagbaba ng direktiba si Pangulong Duterte sa MWSS na …

Read More »

2019 budget baka maging unconstitutional (Hindi kami papayag — GMA)

SA KABILA ng kumalat na balita na ibabalik ng Senado ang panukalang batas sa Kamara dahil sa umano’y, ‘pagkalikot’ dito, sinabi ni House Speaker Gloria Maca­pagal Arroyo na inirati­pika na ito sangayon sa Saligang Batas. Ani Arroyo, wala itong lump sum funds na ipinagbawal ng Korte Soprema. “What we can say is that the process that we followed was cons­titu­tional. …

Read More »

Kalusugan ni Duterte nasa maayos na kondisyon

NASA mabuting kondi­syon ang kalusugan ni Pangulong Rodrigo Du­ter­te matapos ang mi­graine attack noong Biyernes. Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, tatlong oras na pahinga ang ginawa ng Pangulo matapos maka­ra­nas ng migraine at hindi nakadalo sa dalawang pagtitipon. Nanatili aniya sa kanyang bahay ang Pa­ngu­lo at doon na nagtra­baho. “He is okay. As I said, he concentrated on his …

Read More »

Nanggulpi ng ginang, Padyak drayber kulong

arrest posas

ARESTADO ang isang 27-anyos padyak dray­ber  makaraang mang­gulpi ng isang ginang sa Malabon City kahapon ng tanghali. Kritikal sa Tondo Medical Center (TMC) ang biktimang kinilalang si Mildred Arias, 43-anyos, residente sa P. Aquino St., Gozon Com­pound, Brgy. Tonsuya sanhi ng mga tama ng suntok sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Nahuli ang suspek na kinilalang si Dande Al­cantara, ng Block …

Read More »

Manila Water dapat magbigay ng rebate — Solon

PINAGBABAYAD ng rebate ni Mandaluyong City Rep. Quennie Gon­zales ang Manila Water­ sa pagkabigong magbi­gay ng tubig sa kanilang concessions areas. Ayon kay Gonzales nakaranas ng putol na serbisyo ng tubig ang ilan sa mga  lugar sa Mandaluyong mula noong 7 Marso 2019. “Mandaluyong City was made to endure the catastrophe and the disaster of this water crisis. It has …

Read More »

Kaliwa Dam, sa Japanese firm dapat ipagkatiwala

PINAG-AARALAN ng Palasyo ang pagbuhay sa panukala ng Japanese firm na itayo ang Kaliwa Dam . “Well, I think, every proposal should be considered. The objective should always be the welfare of the people. The most beneficial, the most advantageous to the government and to the people should be the primordial consideration in any contracts involving the government and other …

Read More »

Pinoys sa NZ pinag-iingat

PINAG-IINGAT ng pamunuan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang nasa 5,000 Filipino sa New Zealand matapos ang pag-atake at pamamaril ng isang lalaking suspek sa loob ng mosque na nagresulta sa pagkamatay nang halos 50 katao. Inatasan kahapon ni DFA Secretary Teodoro Locsin si Philippine Ambassador Jesus Gary Domingo na makipag-ugnayan sa Philippine Honorary Consulate sa Christchurch leaders at sa mga …

Read More »

2 La Salle students arestado sa P1.5-M party drugs

MATAPOS ang isinaga­wang operasyon ng mga operatiba ng Makati City Police nahuli ang dala­wang graduating student ng De La Salle University na nakuhaan ng P1.5 milyong iba’t ibang uri ng party drugs kahapon ng umaga. Kinilala ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, Director Guillermo Elea­zar ang dalawang inares­to na sina Adriel Ryoichi Temporosa Suzuki, 24, half Japanese ng …

Read More »

Graft, plunder vs Fresnedi inihain sa Ombudsman

INIREKLAMO ng isang grupo ng mga mamamayan sa Muntinlupa ang kanilang alkaldeng si Atty. Jaime Fresnedi sa Ombudsman dahil sa mga iregularidad na kinasasangkutan ng ilegal na kontrata at kickback na mahigit sa P65 milyones. Nitong 11 Marso 2019, naghain ng reklamo sa Ombudsman ang mga kilalang lehitimo at taal na mamamayan ng Mun­tinlupa dahil sa pagpa­pahintulot ni Fresnedi ng …

Read More »

Manila Water ipinatawag ng Kamara

congress kamara

IPINATAWAG ng Kamara ang mga opisyal ng Manila Water at iba pang may kinalaman sa pagkawala ng tubig sa ilang parte ng Metro Manila sa isang joint-hearing ng komite ng Metro Manila Develop­ment at ng Housing and Urban Development na pinamumunuan ni Negros Occidental Rep. Albee Benitez. Si Quezon City Rep. Winston “Winnie” Caste­lo, hepe ng komite ng Metro Manila …

Read More »

VP Leni nanawagan ng agarang solusyon sa krisis sa tubig

QUEZON PROVINCE – Nanawagan si Vice President Leni Robredo na matugunan sa lalong madaling panahon ang problema tungkol sa supply ng tubig sa Metro Manila, lalo sa gitna ng mga tanong tungkol sa pagpapatakbo at pagpa­patayo ng mga dam na pinagkukuhaan ng tubig. Sa kaniyang pagbisita sa bayan ng Infanta, na balak pagtayuan ng Kaliwa Dam, idiniin ni Robredo ang …

Read More »

Bingbong muling inilampaso ni Joy (Sa Quezon City)

QC quezon city

MULING nailampaso ni mayoralty bet QC Vice Mayor Joy Belmon­te ang mga magiging ka­tung­gali na sina QC First District Rep. Vincent Crisologo at Ismael “Chuck” Mathay Jr., sa pagka-mayor ng lungsod. Ito ay makaraang makakuha si Belmonte ng 75 percent votes na malaking lamang kay Crisologo na nakakuha lamang ng 24 percent votes habang si Mathay ay one  percent. Ang survey ay kuma­katawan …

Read More »

Senador Bam, top choice ng religious groups

SI Senador Bam Aqui­no ang pinakaunang kan­di­datong gustong ma­ka­balik sa senado ng People’s Choice Move­ment (PCM) ma­ta­pos busisiin ng iba’t ibang religious group ang karakter, kakaya­han at mga nagawa ng mga kumakandidato para sa nalalapit na eleksiyon. Ang PCM na kina­bibilangan ng mga religious group tulad ng Catholic, Evangelical at Protestant ay nagsa­gawa ng isang con­vention sa pangunguna ng mahi­git …

Read More »