Thursday , June 4 2026

Athletes, coaches dapat iprayoridad sa CoVid-19 vaccine — Sen. Bong Go

UMAPELA si Senate committee on sports chairman Senator Christopher “Bong” Go sa pamahalaan partikular kay vaccine czar Gen. Carlito Galvez, Jr., na isama sa mga prayoridad para sa bakuna laban sa CoVid-19 ang mga atleta, coaches at iba pang delegado ng bansa  na lalahok sa nalalapit na Tokyo Summer Olympics at Southeast Asian Games sa Hanoi ngayong taon.

Ayon kay Go, hindi lamang sarili ng mga atleta ang kanilang dala-dala kundi ang pangalan ng Filipinas kaya  dapat na protek­ta­han at pangalagaan ang kanilang kalusugan at kapakanan.

“Bandila ng Filipinas at dangal ng lahing Filipino ang itatanghal ng ating mga atleta sa mga nasabing palaro. Dapat bigyan sila ng sapat na proteksiyon,” ani Go.

Tinukoy ni Go, ang nakalipas na Southeast Asian Games na malaking karangalan ang dinala ng ating mga atleta at delegado sa pangalan ng bansa.

“Ngayon, kailangan nila ang tulong at proteksiyon laban sa sakit, ibigay muli natin ang suportang kaila­ngan nila hindi lamang sa oras ng kanilang kompetisyon, kundi maging sa kanilang preparasyon at pana­hon ng pangangai­langan,” dagdag ni Go.

Iginiit ng Senador, hindi ito kompetsiyon kundi maituturing na source of livelihood para sa mga atleta at iba pang kabilang sa kanilang sector.

“Marami po sa atleta natin ay nagsikap at nanggaling sa malalayong lugar. Sila po ang pag-asa ng kanilang pamilya upang makaahon sa hirap. Ang proteksiyon nila ay hindi lang para makipag-compete, kundi may maiuwing pagkain, kabuhayan, at kasiyahan sa kanilang mga komunidad na pinanggalingan,” paalala ni Go.

(NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …