ISINUGOD sa Sta. Cruz Hospital ang limang pasahero ng kotseng bumangga sa isang poste sa National Highway, Barangay Lewin, sa bayan ng Lumban, lalawigan ng Laguna nitong nakaraang linggo. Sa ulat ng pulisya, kinilala ang mga sakay ng kotseng Honda Civic na alabaster silver, may plakang ZLT394, na sina Reymond Baldemora alyas Boss Jandy, 36 anyos, driver, residente sa Barangay …
Read More »Masonry Layout
Passenger vessel, tumaob sa Davao City… Kapitan, 45 turista, 4 pa iniligtas ng Coast Guard
NAILIGTAS ng Philippine Coast Guard ang 50 pasaherong sakay ng isang chartered vessel na namatayan ng makina at tumaob ilang sandali matapos maglayag mula sa Sta. Ana wharf sa lungsod ng Davao bandang 7:55 am, kahapon Linggo, 18 May0. Ayon kay P/SSgt. Sevner Neri, imbestigador ng Sta. Ana police station, sakay ng tumaob na bangka ang 45 turista, 4 miyembro …
Read More »Duterte wala sa ospital — Panelo
“I DARE tell you guys to check all the rooms in cardinal.” Ito ang text message ni Honeylet Avanceña, long time partner ni Pangulong Rodrigo Duterte, sa mga mamamahayag kahapon bilang tugon sa ulat na isinugod sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City kamakalawa. Ngunit ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, nakausap niya ang Pangulo at hindi kinompirma …
Read More »Isang kandidatong Speaker sa admin sapat na — Lagman
NAGBABALA si Albay Rep. Edcel Lagman sa mga papasok na miyembro ng 18th Congress na magkaroon ng isang kandidato ang administrayon para speaker para maiwasan ang pagkakaroon ng “minority leader” na mayorya kagaya ng sa kasalukuyang Kongreso. Ani Lagman, ‘yung mga nagbabalak na tumakbo bilang speaker, lahat ay kasapi sa supermajority ng administrasyong Duterte. Ang karamihan sa kanila ay gusto …
Read More »Youth Commission ipinababakante kay Cardema
INUTUSAN ng Palasyo si National Youth Commission Chairman Ronald Cardema na bakantehin ang puwesto at isumite ang lahat ng hawak niyang dokumento sa Office of the President. Ang direktiba, ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ay kasunod nang pag-abandona ni Cardema sa kanyang posisyon nang maghain ng petition for substitution bilang first nominee ng Duterte Youth party-list sa Comelec. “The …
Read More »DOH official natagpuang patay sa CR ng NAIA
ISANG opisyal ng Department of Health (DOH) sa Catanduanes ang natagpuang patay sa comfort room ng Ninoy Aquino International Airport Authroity (NAIA) Terminal 3 sa Pasay City, kahapon ng umaga. Kinilala ang biktima na si Richard Alexander de Leon Parenas, 58, medical doctor, may-asawa at pasahero ng Cebu Pacific 5J-875 patungong Davao. Si Parenas ay kinilalang Medical Officer III sa …
Read More »OFWs na lumahok sa mid-term elections pinasalamat ng DFA
MASAYANG pinasalamatan ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretaty Teodoro “Teddy” Locsin Jr., ang lahat ng mga tauhan ng mga Embahadang nakabase sa buong mundo partikular ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na nakibahagi sa midterm elections 2019. Nagpugay ang Kalihim sa mga naging abala sa katatapos na Overseas Voting o pagboto ng mga Pinoy workers sa iba’t ibang bansa. …
Read More »Grace Poe, nagpasalamat sa malaking panalo
NANGUNGUNA sa lahat ng survey si Senadora Grace Poe kaya maraming nagulat at nagtaka kung paano siya nalagpasan ni Senadora Cythia Villar sa hindi opisyal na bilang ng mga balota. Gayonman, nagpasalamat pa rin si Poe sa pagpuwestong No. 2 dahil bilang independiyenteng kandidato wala siyang sinandalang partido o grupo at lalong hindi siya inendoso ni Pangulong Rodrigo Duterte na …
Read More »Dahil sa korupsiyon… Puno sinibak sa FDA ni Duterte
SINIBAK ni Pangulong Rodrigo Duterte si Food and Drug Administration (FDA) director general Nela Charade Puno dahil sa isyu ng korupsiyon. Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa panayam kahapon. “Effective immediately,” ang pagsibak kay Puno, ayon kay Panelo. Walang dagdag na detalyeng inihayag si Panelo sa isyu. Matatandaan, bago ang halalan noong 13 Mayo, sinabi ni Duterte …
Read More »Pagdakip kay Okada tuloy na tuloy — korte
WALANG makapipigil sa pagdakip kay Japanese gaming tycoon na si Kazuo Okada at kanyang associate na si Takahiro Usui matapos pagtibayin ng Parañaque trial court ang warrant of arrest laban sa dalawa. Sa order na may petsang 6 May0, ibinasura ni Judge Rolando G. How ng Parañaque Regional Trial Court (RTC) Branch 257 ang motion to quash na isinumite nina Okada at …
Read More »Bitay sa 18th Congress puwedeng lumusot — Sotto
NANINIWALA si Senate President Vicente Tito Sotto III na posibleng makalusot sa 18th congress ang pagbuhay sa parusang bitay. Nakikinita ito ni Sotto sa pagdomina ng mga kandidato ng administrasyon at pangunguna sa partial and unofficial tally ng ng Commission on Elections (Comelec). Ayon kay Sotto, karamihan sa mga nasa top 12 tulad ni dating Philippine National Police (PNP) chief …
Read More »Progresibong party-list idinisenyong malaglag sa ‘madayang halalan’
SINISI ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) si Pangulong Rodrigo Duterte sa sinabi nilang dayaan sa eleksiyon na idinesenyo para masibak ang mga progresibong grupo ng mga party-list. Ayon sa KMP, ang eleksiyon noong 13 Mayo ang pinakamasama sa kasaysayan ng bansa. Kinuwestiyon ng KMP ang mahigit sa pitong oras na pagkaantala ng transmisyon ng election returns at 0.39 porsiyento …
Read More »Political dynasty ibinasura ng botante — Panelo
HINUSGAHAN ng mga botante ang mga natalong kandidato mula sa mga sikat na political dynasty batay sa klase ng kanilang pamamahala, ayon sa Palasyo. Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, simple lang ang sukatan ng mga botante lalo na kung ang pag-uusapan ay nasa lokal na antas. Kung sa tingin nila ay naging maayos ang pamumuno ng kanilang lider, tiyak …
Read More »‘Wag matakot mangarap — Go
HINIMOK ni dating Special Assistant to the President at senator-elect Christopher “ Bong” Go ang mga kabataan na huwag matakot mangarap at pahalagahan ang simpleng pagtulong sa kapwa. Ang mensahe ni Go ay kasabay ng taos pusong pasasalamat sa lahat ng tumulong sa kanya at higit sa lahat sa mga Filipino na nagtiwala sa isang ordinaryong probinsiyanong tulad niya na …
Read More »Comelec binatikos ng netizens sa pagtameme sa sirang VCMs
BINATIKOS ng netizens ang Commission on Elections (Comelec) sa katahimikan sa isyu ng pagkasira ng mga server at vote counting machines (VCMs). Ayon kay Jinky Jorgio ng Otso Diretso, alas onse na ng gabi, wala pa rin nagpapaliwanag sa Comelec kung ano ‘yung ‘glitch’ na nangyayari at bakit may delay sa transmission ng mga resulta mula sa mga probinsiya patungo …
Read More »Eleksiyon payapa — SPD
NAGING mapayapa at walang naitalang marahas na insidente sa katimugang Metro Manila sa loob ng 12-oras na 2019 midterm elections. Ayon kay Southern Police District (SPD) Director, B/Gen. Eliseo Cruz, generally peaceful o tahimik sa pangkalahatan ang mga lungsod ng Makati, Pasay, Parañaque, Las Piñas, Muntinlupa, Taguig at bayan ng Pateros. Aniya, wala rin umanong namonitor o naitalang vote buying …
Read More »Eleksiyon pumalya
FAILURE of election. Ito ang sigaw ng Katipunan ng Demokratikong Pilipino (KDP), Philippine Computer Society Emeritus Toti Casiño dahil sa kaliwa’t kanang iniulat na kapalpakan ng ilang vote counting machines (VCMs) at paglabag sa proseso ng eleksiyon ayon sa Section 5 & 6 ng Omnibus Election Code at Republic Act 9369. Sa ginanap na media forum sa Manila Hotel, nagsama-sama …
Read More »Isko, Honey proklamado sa Maynila (Bilang bagong mayor at vice mayor)
OPISYAL nang idineklara ng board of canvassers si Isko Moreno bilang susunod na mayor ng Maynila pagkatapos ng 2019 local (midterm) elections. Si Moreno, dating vice mayor at tumakbong senador noong 2016 elections pero nabigo, ay nakatanggap ngayon ng 357,925 boto para talunin si incumbent Mayor Joseph Estrada na nakakuha ng 210,605. Pumangatlo si dating mayor Alfredo Lim sa botong …
Read More »Duterte magic epektibo pa rin
NANINIWALA ang Palasyo na epektibo ang “Duterte magic” kaya mayorya sa administration bets ang nangunguna sa senatorial election. Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, kahit unofficial pa rin ang resulta ng halalan ay kitang-kita na ang “trend” tungo sa tagumpay ng mga manok ng ruling party. Patunay aniya ito na tumugon ang mga botante sa panawagn ni Pangulong Rodrigo Duterte …
Read More »Duterte ‘pag talo sa endoso ayaw na ng tao (Unang boto bilang presidente)
SA kauna-unahang pagkakataon ay bomoto kahapon si Pangulong Rodrigo Duterte bilang Punong Ehekutibo ng bansa sa midterm elections na sinasabing magsisilbing referendum para sa kanyang administrasyon. Dakong 4:30 pm, dumating ang Pangulo kasama ang longtime partner na si Honeylet Avanceña sa Precinct 1245A Cluster 361 sa Daniel R. Aguinaldo National High School sa 1 Aplaya Road, Matina Crossing, Davao City. …
Read More »Lalaking nagpasabog sa Lanao del Sur, sugatan sa sariling bomba
SUGATAN ang lalaking naghagis ng bomba sa harap ng Bacung Elementary School sa bayan ng Marantau, lalawigan ng Lanao del Sur bago matapos ang halalan kahapon, 13 Mayo, na sinabing target ang mga sundalong nagbabantay sa voting center. Ayon kay Col. Jake Jumawan, commander ng Philippine Army 82nd Infantry Battalion na nagbabantay sa lugar, sakay ng isang puting van ang …
Read More »Presinto sa Bohol naubusan ng balota
HAPON na nang magpatuloy ang botohan para sa 2019 midterm elections sa isang presinto sa Toril Elementary School sa bayan ng Albequerque, lalawigan ng Bohol. Naghintay ang mga apektadong botante nang halos tatlong oras sa mga balotang ipadadala sa bayan ng Alburquerque na dumating dakong 3:00 pm o tatlong oras bago ang nakatakdang pagtatapos ng halalan kahapon, 13 Mayo. Pinili …
Read More »Crisologo, anak, 44 supporters, pinalaya ng piskalya (Pinigil sa pulisya)
PINAWALAN ng Quezon City Police District (QCPD) si Quezon City Mayoralty candidate 1st District congressman Vincent “Bingbong” Crisologo, anak niyang abogado, at 44 supporters makaraang ipag-utos ng Quezon City Prosecutors’ Office dahil sa kakulangan ng ebidensiya para sa kasong vote buying. Ayon kay Assistant City Prosecutor Felomina Apostol Lopez, nakita niyang walang sapat na ebidensiya ang pulisya sa pagsasampa ng kasong …
Read More »Resulta ng botohan apektado sa nasirang VCMs
MAKAAPEKTO ang pagkasira ng vote counting machines (VCM) sa resulta ng halalan, ayon kay Akbayan Rep. Tom Villarin. “Definitely it will affect election results in areas where it malfunctioned and taken as a whole, it can affect voters turnout and consequently some places can have a failure of election,” ayon kay Villarin. Sa kabila nito, sinabi ni Villarin na luma …
Read More »Ex-VP Jojo Binay nairita sa nagka-aberyang VCM
NAIRITA si dating Vice President Jejomar Binay kaugnay sa naranasan dahil nagkaaberya ang Vote Counting Machine (VCM) dahil ni-reject ang kanyang balota. Bandang 7:30 am, bomoto ang matandang Binay sa Cluster 162, San Antonio High School, Bgy. San Antonio Village, ngunit pagdating sa kanya ay dalawang beses nagkaaberya ang VCM dahil ini-reject ang kanyang balota. Nagpasyang magreklamo sa Commission on Elections (Comelec) si …
Read More »