ISANG mataas na opisyal ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA), National Democratic Front (NDF), ang dinakip ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Special Operations Unit (QCPD-DSOU) sa Cubao, Quezon City. Sa ulat ni QCPD Director, P/BGen. Joselito Esquivel kay National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director, P/MGen. Guillermo Lorenzo Eleazar, ang …
Read More »Masonry Layout
Helper patay sa pamamaril
PATAY ang isang 59-anyos bakery helper matapos pagbabarilin ng hindi kilalang gunman sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Dead on arrival sa Caloocan City Medical Center (CCMC) ang biktimang kinilalang si Eddie Gonzales, residente sa Phase 1 Gozon Compound, Brgy. Tonsuya sanhi ng mga tama ng bala sa katawan. Batay sa ulat nina police homicide investigator P/SSgt. Julius Mabasa at …
Read More »NBP records official itinumba sa parking
PINAGBABARIL hanggang mapatay ang isang opisyal ng New Bilibid Prison (NBP) sa pananambang ng hindi kilalang suspek lulan ng motorsiko habang binubuksan ang gate ng parking area kahapon ng hapon sa Muntinlupa City. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Ruferto Traya, 53, assistant chief ng NBP Documents Section at nakatira sa Type B, NBP reservation Compound, Brgy. Poblacion, Muntinlupa. …
Read More »‘Mandurukot’ sa bus timbog sa sigaw ng ninakawang flight attendant
TIMBOG ang isang tricycle driver nang dukutin sa bag ang mamahaling cellphone ng isang US citizen sa loob ng pampasaherong bus sa Makati City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni P/Col. Rogelio Simon, hepe ng Makati City Police, ang naarestong suspek na si Mark Pangilinan, 27, binata, tricycle driver, ng Matimyas Street, Sampaloc, Maynila. Samantala ang biktima ay kinilalang si Laila …
Read More »Inspektor ng Taguig Assesor’s Office arestado sa entrapment
PINURI ni Taguig Mayor Lino Cayetano ang pulisya sa pagsagawa ng entrapment operation na nagresulta sa pagkahuli sa tiwaling inspektor ng City Assessor’s Office. Inihayag ito ng alkalde matapos madampot ang suspek na si John Paul Mabilin, 32, huli sa aktong tumatanggap ng lagay sa isang entrapment operation sa isang fast food restaurant sa Barangay Ususan. Ayon sa alkalde, hindi …
Read More »Lalaki nahuling nagnanakaw… Jesuit volunteer na titser patay sa saksak, abogada sugatan
PATAY ang isang babaeng gurong Jesuit volunteer habang malubhang nasugutan ang kasamang abogado nang paulit-ulit silang saksakin ng lalaking nahuli nilang nagnanakaw sa loob ng kanilang tinitirahang kubo sa bayan ng Pangantucan, lalawigan ng Bukidnon nitong Biyernes ng gabi, 23 Agosto. Kinilala ni P/SSgt. Michael Villasan ng Pangantucan police ang biktimang si Genifer Buckly, 24 anyos, mula sa bayan ng …
Read More »P19.5-M pinsala ni Ineng naitala sa Ilocos Norte
UMABOT sa P19.5 milyon ang naitalang pinsala sa agrikultura sa lalawigan ng Ilocos Norte matapos ang pananalasa ng bagyong Ineng. Isinialalim nitong Sabado, 24 Agosto, ang lalawigan sa ‘state of calamity’ matapos mag-iwan ang malakas na ulan ng dalawang patay, lubog na sakahan at taniman, at mga bakang nagkalunod sa baha. Ayon kay Marcell Tabije, pinuno ng Ilocos Norte Provincial …
Read More »P108.8-B sa 4Ps ikinakasa sa nat’l budget
MAKIKINABANG nang malaki ang pamilyang Filipino sa pagtaas ng pondo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa darating na taon sa panukalang budget na pinag-uusapan sa Kamara ngayon. Ayon kay House Majority Leader Martin Romualdez, imbes P500 ang makukua ng bawat mag-aaral sa pamilyang nagbebenepisyo rito, ang ibibigay ng gobyerno ngayon ay P300 bawat bata na naka-enrol sa day care …
Read More »Ramon Tulfo ini-libel rin ng ex-justice secretary (Kasong libelo tambak na)
NAGSAMPA na rin ng kasong libelo ang dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre laban sa kolumnistang si Ramon Tulfo dahil sa aniya’y malisyoso at nakasisirang kolum na inilabas niya sa The Manila Times at Facebook posts noong Abril. Bukod kay Tulfo, na kinasuhan ng four counts ng libel at nine counts ng cyberlibel, kinasuhan din ng four counts ng libel at …
Read More »Apela sa Ombudsman: Final verdict vs Gov. Umali ipinalalabas
NANAWAGAN sa Office of the Ombudsman ang pangunahing nagreklamo para mahatulan ng habambuhay na diskalipikasyon si Nueva Ecija Governor Aurelio Umali na maglabas ng certificate of finality sa naging desisyon ng anti-graft body noong 14 Nobyembre 2016. Sa kanyang dalawang-pahinang sulat sa Ombudsman, sinabi ni Edward Thomas F. Joson na batay sa resulta ng imbestigasyon ng Ombudsman, napatunayang guilty si …
Read More »Anti-subversion law bubuhayin kontra kilusang komunista (Padron sa Malaysia)
PABOR ang Palasyo na gayahin ang “Malaysian experience” para supilin ang kilusang komunista sa Filipinas. Sa press briefing sa Palasyo kamakailan, sinabi ni Presidential Adviser on the Peace Process Carlito Galvez Jr., na kinakatigan niya ang panukalang buhayin ang Republic Act 1700 o ang Anti-Subversion Law upang maging ang mga kilalang prente ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) ay …
Read More »20% real property tax reduction nilagdaan ni Isko
PIRMADO na ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang Ordinance No. 8567 na gumagarantiya ng 20 porsiyentong kabawasan sa real property tax ng mga taga-Maynila mapa-pribado man o commercial na lupa. “There is a need to adopt a more progressive and equitable revenue system to help our taxpayers from the detrimental effects of economic downturn, “This may be achieved through …
Read More »Sanchez sablay sa ‘good conduct’
INIHAYAG ni Senadora Riza Hontivero, sang-ayon siya sa retroactive application ng Republic Act 10592 ukol sa pagtataas ng good conduct time allowance (GCTA) na ibabawas sa jail term ng isang preso. Ayon kay Hontiveros, ang mga nagkasala na sinserong nagsisisi at nakitaan ng tunay na pagbabago ay dapat bigyan ng pagkakataong makapagbagong buhay at muling maibalik sa lipunan. Pero binigyang-diin …
Read More »Yasay ‘idinamay’ sa asunto ng Banco Filipino officials
INARESTO si dating Foreign Affairs secretary at dating Securities and Exchange Commission chairman, Perfecto Yasay Jr., ng mga pulis-Maynila alinsunod sa warrant of arrest na inilabas ng Manila Regional Trial Court (MRTRC). Sa ulat ng MPD-PIO, 3:00 pm kahapon nang dakpin si Yasay sa kanyang bahay sa Milano Residences, Century City Road, Barangay Poblacion, Makati City. Kasalukuyang nakakulong si Yasay …
Read More »Kaysa mabokya sa WPS… 60-40 sa mineral at yamang dagat pabor sa RP — Digong
ANG pagbabahagi sa China ng mga mineral at yamang dagat sa exclusive economic zone ng Filipinas sa West Philippine Sea (WPS) ang nakikitang mapayapang paraan sa isyung teritoryal ng dalawang bansa. Sa kanyang talumpati sa Romblon kagabi, sinabi ng Pangulo, ang panukalang hatian na 60-40 pabor sa Filipinas ay isang “good start” para sa paggigiit ng arbitral ruling sa China. …
Read More »Beer garden sa Lawton ipinasara ni Isko
ISINARA sa night out goers ang beer garden na matatagpuan sa bahagi ng Lawton sa Maynila. Alinsunod ito sa kautusan ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na ipagbawal ang pagbebenta at pagbili ng alak sa 200 radius mula sa mga paaralan sa lungsod. Ipinasara umano ang mga nasabing tindahan ng alak dahil sa reklamo ng Intramuros Administration na umano’y …
Read More »SAF official na napatay ng tauhan ipinabusisi
MASUSING sinisiyasat ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang pagkamatay ng isang opisyal ng Philippine National Police- Special Action Force (PNP-SAF) ng kanyang tauhan sa loob ng opisina ng SAF sa Camp Bagong Diwa, Bicutan sa lungsod ng Taguig kamakalawa. Iniutos ni NCRPO director, P/MGen. Guillermo Eleazar na imbestigahan ang naganap na pagpatay kay P/Maj. Emerson Palomares,30 …
Read More »LGBT commission ‘niluluto’ ni Duterte
SINABI ni Senador Christopher “Bong” Go na posibleng maglabas ng executive order ang Pangulong Rodrigo Duterte na naglalayon na magtatag ng LGBT Commission habang hindi pa naipapasa ang panukalang Sogie bill o anti-discrimination bill. Sinabi ni Go, nagpahayag ng suporta ang pangulo sa naturang panukalang batas na inaasahang maisasabatas bago matapos ang kanyang termino. Inamin ni Go na nagtungo nitong …
Read More »Duterte nagbabala sa pasaway na foreign vessels
NAGBABALA si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi magugustuhan ang magiging trato ng gobyerno ng Filipinas kapag hindi kumuha ng permiso ang foreign vessels kung maglalayag sa Philippine waters. “To avoid misunderstanding in the future, the President is putting on notice that beginning today, all foreign vessels passing our territorial waters must notify and get clearance from the proper government authority …
Read More »DPWH naglaan ng P400-500-M kada distrito
SA LAKI ng inilaan ng kongreso sa bawat distrito ng mga kongresista, mukhang mawawala na ang mga lubak sa kalsada ng San Jose del Monte City at sa iba pang bayan sa bansa. Ayon kay Cayetano, isinumite na ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar ang tig-P400 – P500 milyong halaga ng proyekto sa bawat distrito …
Read More »49 Navotas inmates nagtapos sa ALS
UMABOT sa 49 inmates sa Navotas City Jail ang mapalad na nakakuha ng diploma sa pamamagitan ng Alternative Learning System (ALS) na ang 15 sa kanila ay nagtapos sa elementarya at 34 ang nagtapos sa high school. Sa talumpati ni Mayor Toby Tiangco sa harap ng inmates, kanyang hinikayat ang mga nagsipagtapos na ipagpatuloy ang magandang gawain at magsikap na …
Read More »Number coding scheme suspendido
SUSPENDIDO ngayong araw, Miyerkoles, ang pagpapatupad ng Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o Number Coding Scheme sa mga pangunahing lansangan sa Kalakhang Maynila. Inihayag ito ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kahapon. Sa Traffic Advisory ng MMDA at bilang paggunita sa ika-36 kamatayan ni dating Senador Benigno Aquino Sr. suspendido ang pagpapatupad ng number coding ngayon araw . Sa …
Read More »Campus ‘militarization’ mahigpit na kinondena sa UP system-wide protest
MULA sa University of the Philippines (UP) Diliman Campus na simbolikong isinara ng mga estudyanteng nagpoprotesta ang makasaysayang Palma Hall upang ipaabot sa pamahalaan na tutol sila sa mungkahing magtalaga ng mga pulis at sundalo sa loob ng UP campuses, sumabay ang iba pang mag-aaral sa UP Visayas. Hindi bababa sa 100 mag-aaral mula sa UP Visayas ang lumahok sa …
Read More »Nueva Ecija governor sinibak ng Ombudsman
INATASAN ng Office of the Ombudsman ang Department of Interior and Local Government (DILG) na ipatupad ang kanilang desisyon na nagtatanggal sa puwesto kay Nueva Ecija Governor Aurelio Umali, matapos mapatunayang guilty sa ilegal na paggamit ng kanyang pork barrel noong siya congressman pa. Bukod sa pagpapatanggal bilang gobernador, kasama rin sa November 14, 2016 decision na pirmado ni Graft …
Read More »120 Chinese workers na-Dengue sa Bataan
HINDI bababa sa 120 empleyadong Chinese nationals ng isang coal-fired power plant ang tinamaan ng dengue virus sa bayan ng Mariveles, sa lalawigan ng Bataan. Ayon kay Godofredo Galicia, Jr., chairman ng committee on health ng Bataan provincial board, dinala sa pagamutan ang mga apektadong Tsino upang malapatan ng lunas. Nabatid na nagtatrabaho ang mga nasabing dayuhan sa GN Power …
Read More »