KABILANG si Pope Francis sa nananawagang ipagpaliban muna ng Filipinas ang pagbabayad sa mga pagkakautang nito bunsod ng kinakaharap na malaking problema na nararanasan ng taongbayan dahil sa COVID-19. Ayon kay Marcos, hindi lamang ang Simbahang Katolika na pinamumunuan ni Pope Francis ang pabor sa debt moratorium kundi pati na rin ang mga mayayamang bansa at malalaking institusyon sa …
Read More »Masonry Layout
‘New normal’ susubukan — IATF-MEID (Kapag sumablay, ECQ agad)
ANOMANG oras ay ibabalik ang implementasyon ng enhanced community quarantine (ECQ) kapag nagpasya si Pangulong Rodrigo Duterte na tanggalin na ito sa Abril 30. Sinabi ni Cabinet Secretary at Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Disease (IATF-MEID) spokesperson Karlo Nograles, ibabase ng Pangulo ang desisyon sa kapalaran ng ECQ sa paglobo ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19) …
Read More »Duque resign panawagan ng 15 senador
PINAGBIBITIW ng 15 senador si Health Secretary Francisco Duque III. Opisyal ang panawagan ng 15 senador matapos tanggapin ng Senate Legislative Bills and Index Service ang resolusyon para tuluyang pagbitiwin si Secretary Duque ng Department of Health (DOH). Sa harap ito ng matinding krisis na kinakaharap ng bansa dahil sa COVID-19. Isinulong ang panukala ni Sen. Panfilo Lacson, habang nakalagda …
Read More »Martial law ‘di kailangan… ‘New normal’ scenario sisilipin ng IATF-EID
HINDI kailangan magdeklara ng batas militar si Pangulong Rodrigo Duterte para mahigpit na ipatupad ang Luzon-wide enhanced community quarantine dulot ng coronavirus disease (COVID-19). Ayon kay Cabinet Secretary at IATF Spokesperson Karlo Nograles, nakasaad sa Saligang Batas na maaari lamang ideklara ang martial law kapag may umiiral na rebelyon at pananakop kaya’t hindi ito pinag-uusapan sa mga pulong ng task …
Read More »Koryente mula sa electric coops libre sa Marso, Abril
SAPAT ang supply ng koryente, tubig at pagkain sa panahong umiiral ang Luzon-wide enhanced community quarantine (ECQ) dulot ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic. Tiniyak ito ni Cabinet Secretary at Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Disease spokesperson Karlo Nograles sa virtual press briefing kahapon. Aniya, batay sa ulat ng Department of Energy ay may 11,795 MW kapasidad …
Read More »Bakuna vs COVID-19 sagot para sa ‘new normal’
TATANGGALIN ang umiiral na Luzon-wide enhanced community quarantine kapag may mabibili nang gamot o bakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19), ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte. May dalawang pharmaceutical companies ang aniya’y gumagawa ng lunas sa COVID-19 at posibleng ipagbili na ito sa susunod na buwan. “I cannot mention the pharmaceutical giants. But one of them has developed an …
Read More »Mayor na ‘pasaway’ vs ECQ ipaaaresto
NAGBABALA si Pangulong Rodrigo Duterte na magkakaroon ng “second wave” ng mga kaso ng COVID-19 kapag hindi naipatutupad ang social distancing alinsunod sa ipinatutupad na enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon at ibang bahagi ng bansa. “Itong epidemic or pandemic, hindi ito natapos na sabihin mo ‘yung nasa ospital, ‘yung ginagamot ngayon, ‘yun ‘yung first wave. May second wave …
Read More »PH lalahok sa pag-aaral at pagsubok vs COVID-19
LALAHOK ang Filipinas sa mga pag-aaral at pagsubok sa mga potensiyal na lunas sa coronavirus (COVID-19) disease. Tiniyak ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa ASEAN Plus Three Virtual Summit on COVID-19 kahapon. Iginiit ng Pangulo ang pangangailangan sa scientific cooperation upang makatuklas ng bakuna laban sa COVID-19. “We are confident our scientists and experts …
Read More »75 referral hospitals bukas na (Para sa COVID-19 patients)
TINIYAK ng Department of Health (DOH) na bukas na ang 75 designated referral hospitals para sa mga pasyenteng tinamaan ng sakit na COVID-19. Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang mga ospital ay may kakayahang tumanggap ng 3,194 pasyente sa kabuuan. Mayroon na umanong temporary treatment and monitoring facilities na may 4,413 bed capacity. “Kasabay ng …
Read More »Para sa clinical trial… Bakuna vs COVID-19 aprobado sa China
APROBADO na sa China ang pagsasagawa ng clinical trial sa dalawang bakuna laban sa COVID-19. Ang bakuna ay nilikha ng China National Pharmaceutical Group at ng Beijing-based na Sinovac Research and Development Company. Sa datos ng World Health Organization (WHO) sa iba’t ibang mga bansa ay 70 bakunang nililikha bilang panlaban sa virus. Tatlo rito ang naisailalim na sa human …
Read More »Para sa PLGUs… Hiling ni Sen. Bong Go tinugunan ng Palasyo
TUMUGON ang ehekutibo ang rekomendasyon ni Senator Christopher “Bong” Go na pagkalooban ng one-time “Bayanihan” financial assistance ang provincial local government units (PLGUs), katumbas ng kalahati ng kanilang one-month Internal Revenue Allotment (IRA). Ang pormal na anunsiyo at detalye sa naturang ayuda ay ilalabas sa mga susunod na araw. “Tama lang na tulungan natin ang mga probinsiya kahit …
Read More »Ayuda sa middle class ikinatuwa ng senado
IKINATUWA ng senado ang anunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagbibigay ng ayuda sa middle class earners at lalo sa small wage earners. Ayon kina Senate President Vicente “Tito” Sotto III at Senador Joel Villanueva magandang balita at hakbangin ito para sa pamahalaan. Iginiit nina Sotto at Villanueva, patunay lamang ito na mas mahalaga sa Pangulo ang buhay …
Read More »Medical grads pinayagan tumulong sa frontliners (Kahit wala pang lisensiya)
PINURI ni Senador Francis “Tol” Tolentino ang desisyon ng Inter Agency Task Force ( IATF) nang payagang lumahok ang mga nagtapos na doktor at nurse at iba pang nasa allied medical courses kahit wala pa silang mga lisensiya. Ayon kay Tolentino, malaking tulong ito sa sitwasyon ngayon na tumataas ang bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19. Magugunitang naunang naghain ng …
Read More »24-oras total lockdown sa Parola iniutos ni Mayor Isko
GALIT na inutos ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang pagpapatupad ng 24-oras total lockdown sa Parola Compound, Barangay 20, Zone 2 District 1, Tondo, Maynila matapos ang ulat na paglabag ng mga residente sa enhanced community quarantine. (ECQ) Ipinatupad ang total lockdown sa Parola Compound simula kahapon 8:00 pm, hanggang ngayong Miyerkoles, 15 Abril, alinsunod sa nilagdaang Executive Order …
Read More »No. 1 na sa Southeast Asia… PH COVID-19 case sumampa sa 5,223
NANGUNGUNA na ang Filipinas sa pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa Southeast Asia, higit pa sa Malaysia, para sa isang puwestong hindi nanaisin ng mga bansa sa rehiyon. Nitong Lunes, 13 Abril 2020, inihayag ng Department of Health (DOH) nadagdagan ng 284 bagong kaso ng COVID-19, na umabot sa 4,932, kapos para sa 5,000 marka. Kahapon, Martes, 14 Abril, nadagdagan pa …
Read More »PH at China magkasangga, US problema — Duterte (Sa panahon ng COVID-19 pandemic)
NANINIWALA si Pangulong Rodrigo Duterte na ang China ang tunay na kasangga ng Filipinas sa panahon ng coronavirus (COVID-19) pandemic sa buong mundo habang ang Amerika ay bahagi ng problema ng bansa. Sa kanyang briefing kamakalawa ng gabi, ipinagmalaki ng Pangulo na tiniyak sa kanya ni China President Xi Jinping ang buong suporta sa Filipinas kontra COVID-19 bilang pagtanaw ng …
Read More »Apela ni Binay: Cremation sagutin ng govt
UMAPELA si Senator Nancy Binay na akuin ng gobyerno ang gastusin sa pagpapa-cremate ng mga labi ng mga biktima ng COVID-19. Ayon kay Binay, isa sa mga dahilan kung bakit marami ang mga labing hindi nailalabas sa mga ospital ay dahil walang pantubos o pambayad ang pamilya sa punerarya para sa cremation. “Sa tingin ko, kayang sagutin ng gobyerno ang …
Read More »2017 Outstanding Cop, nagpaanak ng buntis
NAIRAOS nang maayos ang panganganak ng isang 23-anyos ginang sa pagtulong ng isang outstanding cop ng Valenzuela City Police, na kasalukuyang duty frontliner sa Barangay 764 Zone 83, San Andres, Maynila kamakalawa. Sa ulat ng Manila Police District – Sta. Ana Station (MPD-Ps6), nakapanganak nang maayos si Shiela Mae Villegas, sa kanilang bahay sa tulong ni P/Lt. Jhonn Florence Alacon, …
Read More »Misis sinapak, binantaang papatayin, Mister deretso sa hoyo
SA KULUNGAN bumagsak ng isang 37-anyos driver matapos sapakin at pagbantaan na papatayin ang kanyang asawa makaraan ang kanilang mainitang pagtatalo sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Valenzuela Police chief P/Col. Fernando Ortega ang suspek na si Randy Dechaca, residente sa Anneth 1, Brgy. Marulas na nahaharap sa kasong physical injury at grave threat in relation to RA 9262 …
Read More »5 bagets arestado sa Valenzuela
ARESTADO ang limang bagets dahil sa paglabag sa curfew hour sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi. Nahuli ang mga bagets sa kahabaan ng Tamaraw Hills Extension, Brgy. Marulas sa nasabing lungsod. Agad dinala ang mga kabataang gala at maging ang kanilang mga magulang sa police station sa Marulas 3S Center para ibigay ng …
Read More »Bebot na tulak, timbog sa buy bust
KAHIT may lockdown dahil sa coronavirus (COVID-19), isang 25-anyos na babae ang walang takot na nagbebenta ng ilegal na droga na naaktohan ng pulisya sa buy bust operation sa Malabon City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Malabon Police chief P/Col. Jessie Tamayao ang naarestong suspek na si Lourdes Caguia, alyas Enang ng Phase 1A, Hapaap St., Brgy. North Bay Boulevard …
Read More »Navotas, may kaso ng COVID-19 positive
NAITALA ang kauna-unahang kaso ng COVID-19 positive sa Navotas City, kahapon. Sa post ni Mayor Toby Tiangco sa kanyang Facebook account, ang PUI na namatay ay nagpositibo sa COVID-19 at inaasahan na mas darami pa ang bilang dahil ang namatay ay galing sa mataong lugar. Ang nasabing lugar naman ay laging nahuhulihan ng mga lumalabag sa enhanced community quarantine (ECQ). …
Read More »62-anyos stall owner positibo sa COVID-19; Trabajo market lockdown
TOTAL lockdown ang Trabajo Market nang matuklasang nagpositibo sa coronavirus ang isang negosyante ng karne sa nasabing palengke. Isa ang kompirmadong kaso ng COVID-19 sa palengke habang isa ang person under investigation (PUI) at isa ang person under monitoring (PUM). Isang negosyante ng karne ang kompirmadong naospital sa Philippine General Hospital (PGH) at nitong Sabado ng gabi lumabas ang resulta …
Read More »Citywide liquor ban, ipatutupad sa Maynila
IPINAG-UTOS at agarang ipinatupad ang citywide liquor ban ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa buong Maynila. Nakapaloob ang nasabing kautusan sa Ordinance No. 5555 na kinabibilalangan ng pagbebenta at paggamit o pag-inom ng nakalalasing na inumin sa lahat ng kalye sa lungsod. Ang hakbang ni Mayor Isko ay kaugnay ng reklamo laban sa mga residenteng matitigas ang ulo na …
Read More »San Juan Mayor sumailalim sa 14-day self quarantine
AGAD sumalang sa 14-araw self quarantine si San Juan Mayor Francis Zamora makaraang isa sa staff niya ang nagpositibo sa novel coronavirus o COVID-19. Ayon sa alkalde, nasa perfect physical kondisyon siya at walang sintomas ngunit sumailalim siya sa 14-day self quarantine para sa kaligtasan ng mamamayan ng lungsod ng San Juan Nangako rin siya sa mga kababayan na kahit …
Read More »