Sunday , November 17 2024

Masonry Layout

Zubiri nanawagan agarang modernisasyon ng AFP at PCG (sa insidente ng Ayungin Shoal)

Migz Zubiri Gibo Teodoro Ayungin Shoal WPS

BINIGYAN-DIIN ng dating Pangulo ng Senado na si Juan Miguel Zubiri ang kritikal na pangangailangan na imodernisa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Coast Guard (PCG) dahil sa marahas na sagupaan noong Hunyo 17 ng Chinese Coast Guard at mga tropa ng Philippine Navy malapit sa Ayungin Shoal. “Hindi na sapat ang pag-condemn sa China,” ani Zubiri noong Biyernes, Hunyo …

Read More »

Jed okey makipag-collab kay Stell, showdown no-no

Jed Madela Stell Ajero

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio COLLABORATION at hindi showdown. Ito ang tinuran ni Jed Madela nang matanong kahapon sa mediacon ng kanyang 47th birthday concert na Welcome to My World na ginanap sa Tipsy Pig, QC ukol sa kung okey sa kanyang makipagtapatan kay SB19 Stell. Ani Jed, mas ok sa kanya kung makikipag-collab na lang siya kay Stell. At okey naman sa kanya at …

Read More »

BSP, DILG inilunsad ang Paleng-QR Ph Program sa bayan ng  Pulilan

BSP DILG Paleng-QR Pulilan

UPANG matiyak ang mabilis, ligtas, at tumpak na transaksyon, pinangunahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at Department of the Interior and Local Government (DILG) ang paglulunsad ng Paleng-QR Ph Plus at Market Modernization sa munisipyo ng Pulilan kahapon na naglalayong magpatupad ng cashless transactions sa pagitan ng mga merchant at consumers na gaganapin sa harap ng Pulilan Public Market …

Read More »

Mag-asawa tinarget ng tatlong kawatan

San Miguel Bulacan

ISANG mag-asawang kararating lang sa kanilang bahay ang pinagnakawan ng tatlong hindi pa nakikilalang kawatan sa San Miguel, Bulacan kamakalawa ng gabi. Sa ulat na ipinadala kay Police Colonel Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, kinilala ang mga biktima na sina Marciano Cruz Jr. at Myla Cruz, kapuwa 53 taong gulang at residente ng Barangay Salangan sa nasabing bayan. …

Read More »

7 tulak, wanted na estapador natiklo

arrest, posas, fingerprints

NAGSAGAWA ng serye ng operasyon ang pulisya sa Bulacan na nagresulta sa pagkakakumpiska ng iligal na droga at pagkakaaresto sa pitong personalidad sa droga at isang wanted na tao sa lalawigan hanggang kahapon ng umaga. Sa ulat na ipinadala kay PColonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, sa anti-illegal drug operations na ikinasa ng Station Drug Enforcement Unit …

Read More »

Regional police director sa Central Luzon iimbestigahan sa ilegal na POGO

PNP PRO3

ANG REGIONAL police director ng Central Luzon ay nasa ilalim ng imbestigasyon kasunod ng pagkakadiskubre sa ilegal na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hubs sa Bamban, Tarlac at Porac, Pampanga,  Ayon kay Philippine National Police chief Police General Rommel Francisco Marbil, iimbestigahan nila ang regional director hinggil sa mga ulat na hindi nito naaaksiyunan ng maayos ang mga nadiskubreng POGO …

Read More »

2nd Gawad Dangal ng Filipino Awards 2024 dinagsa  

Gawad Dangal ng Filipino Awards

MATABILni John Fontanilla STAR studded ang ikalawang Gawad Dangal ng Filipino Awards 2024 na ginanap sa Sequioa Hotel, Manila Bay sa pangunguna ng founder nitong si Direk Romm Burlat, hosted by Carlo Lorenzo. Dumalo at personal na tinanggap ang kanilang mga award sina veretan actress  Eva Darren, Carmi Martin, Roderick Paulate, Sheryl Cruz, LA Santos, D Grind Dancers, Denise Laurel, Ynez Veneracion, Beverly Salviejo, PAO Chief Atty. …

Read More »

Charice Pempengco tuluyan nang binura ni Stell

Stell Ajero Charice Pempengco David Foster

HATAWANni Ed de Leon “MAG-CHARICE Pempengco ka ulit gulatin mo ang mga tao,” ang reaksiyon ni Racquel Pempengco nang biglang naging viral at talk of the town si Stell Ajero ng SB 19 nang kantahin niyon ang All by Myself ni Celine Dion sa concert ni David Foster sa Araneta Coliseum noong nakaraang linggo.  Ang galing naman kasi ng pagkakakanta ni Stell kaya sinundan iyon ng isang malakas na palakpakan at hiyawan …

Read More »

KDLex marami pang proyektong kaabang-abang

KDLex KD Estrada Alexa Ilacad

HOTTEST Musical Pair ang taguri ngayon kina KD Estrada at Alexa Ilacad o mas kilala sa kanilang tambalang KDLex. Mula kasi sa pagpasok sa bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother hanggang sa kanilang kauna-unahang face-to-face sold out concert sa Music Museum, pinatunayan ng KDLex, ang kanilang kakayahan sa stage gamit ang kanilang talent.  Hindi maitatanggi ang kanilang nakakikilig na pagtatanghal na nagpasaya sa kanilang fans,  sweethearts. …

Read More »

Barbie sa pagkokompara kay Kathryn—big honor for me, sana makatrabaho ko siya

Kathryn Bernardo Barbie Forteza David Licauco

GRABE pala ang paghanga ni David Licauco kay Kathryn Bernardo. Maging si Barbie Forteza ay wish nitong makatrabaho ang Box-Office Queen na si Kathryn. Sa media conference ng pinakabagong pelikulang pinagsamahan nina David at Barbie, ang That Kind of Love na mapapanood sa July 10 handog ng Pocket Media Productions and distributed by Regal Entertainment, sinabi ng dalawa ang sobra-sobrang paghanga sa Kapamilya actress.  Ani David matagal na niyang mina-manifest na makasama sa …

Read More »

Janine, Gabbi, Jake host ng 7th EDDYS  

Janine Gutierrez Jake Ejercito Gabbi Garcia Eric Quizon

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAS magniningning pa ang Gabi ng Parangal para sa gaganaping 7th The EDDYS o Entertainment Editors’ Choice ngayong 2024. Kung bakit? Ito’y dahil tatlong celebrities ang magsisilbing host ng ika-7 edisyon ng The EDDYS ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd). Una na riyan ang itinanghal na Best Actress sa 6th EDDYS na si Janine Gutierrez (para sa pelikulang Bakit Di Mo Sabihin?) kasama ang Kapuso Millennial …

Read More »

No. 3 MWP ng Leyte  
NAARESTO SA CALOOCAN

arrest, posas, fingerprints

ARESTADO ang isang lola na nakatala bilang No. 3 most wanted person (MWP) sa Leyte sa isinagawang manhunt operation ng pulisya sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Batay sa ulat ni Caloocan City police chief P/Col. Paul Jady Doles, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Sangandaan Police Sub-Station (SS4) hinggil sa kinaroroonan ng 69-anyos lolang itinago sa pangalang Nanay …

Read More »

P.2M shabu kompiskado  
BEBOT, ISA PA, TIKLO SA VALE AT KANKALOO

shabu drug arrest

DALAWANG pinaghihinalaang tulak ng ilegal na droga, kabilang ang isang bebot ang inaresto matapos makuhaan ng mahigit P.2 milyong halaga ng shabu sa magkahiwalay na buybust operation sa mga lungsod ng Caloocan at Valenzuela. Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Paul Jady Doles, dakong 12:08 pm nang maaresto ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni …

Read More »

SAF hinikayat ni Cayetano para sa ‘transformative’ role sa bansa

PARA kay Senator Alan Peter Cayetano, maaaring makakuha ng inspirasyon ang ating mga kababayan mula sa Biblia kung paano makakamit ang tunay na pagbabago. Ito ang mensahe ni Cayetano nang magsalita siya sa closing ceremony ng PNP-Special Action Force (SAF) Command Course Class 123-2023 kung saan inihawig niya ang salaysay sa Biblia tungkol sa pag-akay ni Moises sa mga Israelita …

Read More »

Creative & critical thinking ng Pinoy students inaasahang patatalasin ng MATATAG curriculum

MATATAG curriculum

KOMPIYANSA si Senador Win Gatchalian na tataas ang antas ng creative at critical thinking skills ng mga mag-aaral sa pagpapatupad ng MATATAG curriculum simula sa susunod na school year. Ipinahayag ito ni Gatchalian kasunod ng naging resulta ng 2022 Programme for International Student Assessment (PISA) sa Creative Thinking, na kasama ang Filipinas sa apat na may pinakamababang marka sa 64 …

Read More »

Most wanted sa statutory rape
68-ANYOS LOLO TIMBOG SA VALE

prison rape

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang lolo na wanted sa tatlong bilang ng kasong statutory rape matapos matunton ng pulisya sa kanyang tinitirahan sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon. Ayon kay Valenzuela City police chief P/Col. Nixon Cayaban, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) hinggil sa kinaroroonan ng akusadong si alyas Lolo Ley, …

Read More »

Muntik mabiktima ng human trafficking 15 katao nasagip ng Navy sa Tawi-Tawi

human traffic arrest

TULUYANG nailigtas ng Philippine Navy sa pakikipagtulungan ng iba pang ahensiya ang 15 kataong muntik nang mabiktima ng human trafficking sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad sa bayan ng Bongao, lalawigan ng Tawi-Tawi mula 20-21 Hunyo 2024. Nasagip ang mga biktima matapos dumating sa pier ng Bongao, Tawi-Tawi sakay ng tatlong sasakyang pandagat – MV Trisha Kerstine II, MV Everqueen …

Read More »

Jeep bumaligtad sa Kalinga tsuper, 16 pasahero sugatan

jeepney

SUGATAN ang 17 katao matapos tumaob ang isang pampasaherong jeep habang binabagtas ang pababang bahagi ng kalsada sa Sitio Balangabang, Brgy. Dangoy, bayan ng Lubuangan, lalawigan ng Kalinga nitong Sabado ng umaga, 22 Hunyo. Ayon kay P/Capt. Ruff Manganip, tagapagsalita ng Kalinga PPO, naganap ang insidente dakong 5:20 am kamakalawa. Aniya, patungong lungsod ng Tabuk ang jeep mula sa Brgy. …

Read More »

Magulang tiwalang anak nasa kapitbahay  
1-ANYOS PASLIT NA LALAKI NAHULOG SA BALON PATAY

Balon

PATAY ang isang taong gulang na paslit na lalaki matapos mahulog sa isang balon sa Brgy. Cabadiangan, sa lungsod ng Himamaylan, lalawigan ng Negros Occidental, nitong Biyernes ng umaga, 21 Hunyo. Ayon kay P/Lt. Col. Anthony Grande, hepe ng Himamaylan CPS, natagpuang walang malay ang biktima sa loob ng isang balon may isang oras matapos magsimulang hanapin siya ng kanyang …

Read More »

Drug den sa Mabalacat city binuwag ng PDEA

Philippine Drug Enforcement Agency PDEA

BINUWAG ng mga ahente ng Pampanga Provincial Office ang isang makeshift drug den at naaresto ang tatlong notoryus na tulak sa Barangay Dau, Mabalacat City, Pampanga kamakalawa ng gabi. Kinilala ng PDEA team leader ang mga nahuling suspek na sina Edwin De Otoy, alyas Kabog, 55 anyos, residente sa Brgy. Dau, Mabalacat City, Pampanga; Renan Hernan, alyas Bagsik, 43, residente …

Read More »

Dinukot, binugbog, ninakawan  
71-ANYOS SENIOR CITIZEN TODAS SA ‘TRIP LANG’NG 5 BEBOT AT 3 KELOT
Higit P.3-M cash, alahas kinulimbat

062424 Hataw Frontpage

ni MICKA BAUTISTA HINDI nakaligtas sa kamatayan ang isang senior citizen na napagkatuwaang dukutin, bugbugin, at pagnakawan ng limang babae at tatlong lalaking sinabing mga kawatan sa City of San Jose del Monte (CSJDM), Bulacan kamakalawa ng hapon. Sa ulat na ipinadala kay Police Colonel Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, kinilala ang biktima na si Herminigildo Estonilo, 71-anyos, …

Read More »

Miss Sta Cruz, waging Ms. Manila ‘24

Aliya Rohilla Ms Manila

HIGIT na nanaig ang ganda, talino, at halagahang may pagkilala sa kakayahang magbahagi ng lakas at pamumuno nang itanghal na Miss Manila 2024 si Aliya Rohilla ng distrito ng Sta. Cruz.  Nangibabaw si Rohilla sa 100 kababaihan sa Maynila na naunang nag-apply para sa prestihiyosong titulo. Personal na iginawad ni Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan kay Rohilla ang korona, titulo,  …

Read More »

Toll collection sa Cavitex suspendido nang 30 araw

IPINAHAYAG ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang magandang balitang natanggap niya mula sa Philippine Reclamation Authority (PRA) — iminungkahi ng ahensiya na suspendehin ang pangongolekta ng toll fee para sa lahat ng uri ng sasakyang daraan sa Manila-Cavite Toll Expressway, na sumasaklaw sa mga lugar ng Taguig, Parañaque, Las Piñas, Bacoor, at Kawit, sa loob ng 30 araw. Bahagi ang …

Read More »

Bamban mayor, 13 pa inasunto sa ilegal na POGO

NAHAHARAP sa isang asuntong kriminal  si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo kasama ang 13 iba pa, sa sinasabing koneksiyon nila sa ilegal na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) Zun Yuan Technology Incorporated. Sa pangunguna ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), naghain ang awtoridad ng kasong Qualified trafficking laban kay Guo at 13 indibiduwal sa Department of Justice (DOJ) kahapon, 21 …

Read More »

Sa asuntong human trafficking  
MAYOR ALICE GUO KOMPIYANSA VS PARATANG  
Walang ebidensiya para tawaging kasabwat

HATAW News Team NANINDIGAN si Bamban Tarlac Mayor Alice Guo na wala siyang koneksiyon sa kahit anong Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa bansa kaya maling tawagin na siya ay ‘conspirator’ nang walang matibay na ebidensiya. Ang pahayag ay ginawa ni Mayor Guo bilang reaksiyon sa kasong Anti-Trafficking in Persons na isinampa laban sa kanya sa Department of Justice (DOJ) …

Read More »