BINAWIAN ng buhay ang dalawang bata habang ginagamot ang apat pang miyembro ng kanilang pamilya sa bayan ng Daram, sa lalawigan ng Samar, matapos mabiktima ng paralytic shellfish poisoning (PSP) dahil sa kinaing mga tahong. Ayon sa mga awtoridad, ulam ng pamilya ang tahong noong Martes, 15 Setyembre, na nakuha sa Barangay Bagacay, sa naturang bayan. Pagsapit ng 11:00 pm …
Read More »Masonry Layout
Mag-tatay na kidnap suspects patay sa shooutout
PATAY ang mag-amang pinaniniwalaang sangkot sa mga insidente ng homicide at kidnapping, sa isang enkuwentro laban sa mga pulis sa bayan ng Teresa, lalawigan ng Rizal, noong Miyerkoles ng gabi, 16 Setyembre. Kinilala ni PNP Anti-Kidnapping Group chief P/BGen. Jonnel Estomo ang mga napaslang na suspek na sina Rodel Cabungcal Basi at kaniyang anak na si Romar Basi. …
Read More »7 tumangging magpa-swab test ipinaaresto sa Negros Occidental
IPINAG-UTOS ng pamahalaan ng Negros Occidental ang pagdakip sa pito kataong tumangging sumailalim sa swab test para sa CoVid-19 pagpasok sa lalawigan. Ayon kay Provincial Administrator Rayfrando Diaz, lumapag ang pitong nagpakilalang mga Authorized Persons Outside Residence (APORs) sa Bacolod-Silay Airport noong Martes, 15 Setyembre, na may dalang sulat mula sa isang konsehal ng Bacolod. Aniya, tutukuyin nila …
Read More »28 law violators, 5 kabataan tiklo sa Bulacan
ARESTADO sa magkakahiwalay na police operations ang 33 katao kabilang ang limang kabataan na sumalungat sa batas, hanggang kahapon ng umaga, 17 Setyembre. Ayon kay P/Col. Lawrence Cajipe, direktor ng Bulacan Police Provincial Office (BPPO), unang nasakote ang 12 drug suspects sa serye ng mga buy bust operation na ikinasa ng Station Drug Enforcement Units (SDEU) ng Bocaue, Marilao, …
Read More »8 Pinoy seafarers na stranded sa karagatan ng China nakauwi na
NAKAUWI na sa bansa ang Pinoy Seaferers na stranded sa karagatan ng Ningde City, Fujian Province. Matapos ang mahabang negosasyon ay napauwi na rin sa Filipinas sa pagpupursigi ng Philippine Consulate General sa Xiamen ang walong Pinoy seafarers mula Fujian Province sa China. Ang naturang Pinoy seafarers ay noong Mayo pa stranded sa karagatan ng Ningde City, Fujian …
Read More »2 tulak sa Vale, huli sa buy bust
DALAWANG tulak ng shabu ang arestado matapos bentahan ng droga ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa isinagawang buy bust operation sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega ang naarestong mga suspek na sina Edmundo Acuña, 43 anyos, residente sa 6111 Lower Tibagan, Barangay Gen. T. De Leon, at Glennmore …
Read More »Fish porter pinagbabaril
KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang fish porter matapos harangin at pagbabarilin ng isa sa tatlong suspek habang nagtatapon ng basura sa Malabon City, kahapon ng madaling araw. Patuloy na ginagamot sa Tondo Medical Center (TMC) ang biktimang kinilalang si Gerald Enrique, 30 anyos, residente sa 1st Street, Block 28, Lot 7, Barangay Tañong ay isinugod ng kanyang …
Read More »Umbangerong mister, ipinakulong ni misis
KULONG ang 32-anyos mister nang ireklamo ng kanyang misis ng pambubugbog sa Malate, Maynila. Kinilala ang suspek na si Jubel Sandana, residente sa 584 – 105 San Andres St., Malate, at ang nagreklamong misis na si Shirley, 30. Sa ulat, naganap ang insidente 11:45 pm, sa loob ng bahay ng mag-asawa. Ayon kay Shirley, katatapos nilang mag-inuman …
Read More »Dagdag na allowances, supplies ng teachers isinusulong ni Gatchalian
IMINUNGKAHI ni Senate committee on basic education Chair Sherwin Gatchalian na ibuhos sa digital e-learning para sa mga guro ang pondo na nakalaan para sa kanila sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2). Mas kailangan aniya ng mga guro na bumili ng kanilang gadgets, load, at data plan para maturuan ang kanilang mga estudyante. Sa ilalim …
Read More »Bawas-distansiya bawi muna — DOTr
BINAWI pansamantala ng Department of Transportation (DOTr) ang implementasyon ng bawas-distansiya sa mga pampublikong sasakyan na sinimulang ipatupad noong Lunes. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, na inianunsyo ni Transportation Secretary Arthur Tugade na suspendido ang naturang bagong patakaran dahil hindi pa nakapagsusumite ng rekomendasyon ang Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases kay Pangulong Rodrigo …
Read More »80-M Pinoy atat nang gumala (Sa tagal ng lockdown)
KAHIT kumakalat pa ang sakit na CoVid-19, mahigit 80 milyong Filipino ang gusto nang gumala sa mga tourist spots sa iba’t ibang dako ng bansa. Sa pagharap sa pagdinig ng P3.5-bilyong budget ng Department of Tourism (DOT) sinabi ni Secretary Berna Romulo-Puyat sa House committee on appropriations, 77 porsiyento ng mga Filipino ay ‘atat’ nang gumala. “Based on our survey, …
Read More »‘Korupsiyon’ sa Philhealth bahala si Gierran (Hanggang katapusan ng 2020 linisin)
BINIGYAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ng taning si bagong PhilHealth president Dante Gierran ng hanggang 31 Disyembre 2020 para linisin ang ahensiya laban sa katiwalian. “The deadline given to Attorney Gierran is a deadline to clean up the organization. File all the cases that need to be filed, suspend, terminate, whatever you need to do in order to cleanse the …
Read More »Consumers wagi sa SC ruling — More Power
TAGUMPAY ng buong Iloilo City ang naging desisyon ng Korte Suprema sa 2-taon legal battle sa pagitan ng dalawang power firm sa Iloilo City na More Electric and Power Corp (More Power) at Panay Eectric Company (PECO) kaya makaaasa na umano ang may 65,000 power consumer ng ligtas, de-kalidad at maayos na serbisyo sa supply ng kanilang koryente. Ayon kay …
Read More »Pagkalinga ng DOE sa ‘coal’ kahina-hinala! — CEED
ANG anim na sentimong karagdagang national average power rate noong Disyembre ng nakaraang taon na iniulat ng Department of Energy (DOE), ay isa na namang malaking katanungan, kung bakit nais pa rin panatilihin at mas paigtingin ng ahensiya ang pagkalinga o dependensiya sa napakamahal at mapanganib sa kalusugan, maging sa kalikasan ng maruming enerhiya mula sa ‘coal’ o karbon. Ito …
Read More »‘Scammer’ timbog sa Bulacan kalaboso (Multi-bilyong investment)
MATAGUMPAY na nadakip ng pulisya ang itinuturing na ‘multi-million scammer’ sa lalawigan ng Bulacan nang salakayin ng mga awtoridad sa kanyang pinaglulunggaan sa Baragay Pagala, sa bayan ng Baliuag, nitong Lunes, 14 Setyembre. Sa ulat mula kay P/Col. Lawrence Cajipe, direktor ng Bulacan Police Provincial Office (BPPO), inaresto ng mga operatiba ng Bulacan Provincial Intelligence Unit (PIU) ang suspek na …
Read More »7 BPO workers sa Ilocos Norte nagpositibo sa CoVid-19 kompanya ‘nag-lock-in’
INIREKOMENDA ng pamahalaang panlalawigan ng Ilocos Norte ang pagsasailalim ng isang business processing and outsourcing (BPO) company sa “lock-in” work setup matapos magpositibo sa coronavirus disease (CoVid-19) ang pito nilang customer service representatives. Layon ng rekomendasyon sa pakikipagtulungan ng pamahalaang lokal ng San Nicolas, kung saan matatagpuan ang kompanya, na mapigilang kumalat ang virus habang patuloy pa rin ang operasyon …
Read More »Brosas ng Gabriela, ika-75 biktima ng CoVid sa Kamara
PATULOY ang pagrami ng kaso ng CoVid-19 sa Kamara na ang pinakabagong biktima ay si Rep. Arlene Brosas ng Gabriela party-list. Pang-10 kongresista si Brosas na nagka-CoVid sa Kamara, 75 ang naitalang biktima ng malalang sakit. Hinihinalang nakuha ni Brosas ang sakit sa Kamara. Ani Brosas, dumalo sa pagdinig ng budget ng Department of Social Welfare and …
Read More »Libreng face mask, utos ni Duterte
INUTUSAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan na kunin ang serbisyo ng maliliit na negosyo para sa paggawa ng face mask na ipamamahagi nang libre sa publiko. Ang direktiba ay nakasaad sa memorandum na inilabas ng Pangulo kahapon na nag-aatas sa Department of Trade and Industry (DTI) na organisahin ang mga micro, small, and medium enterprises …
Read More »Libel ni Cam vs HATAW columnist & publisher ibinasura ng piskalya
WALANG malisya at maituturing na “qualified privileged” ang kolum na isinulat ni HATAW columnist/ publisher Jerry Yap sa pagkakasangkot ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Director Sandra Cam sa pagpaslang kay Batuan, Masbate vice mayor Charlie Yuson III. Ito ang naging basehan ni Manila Senior Assistant City Prosecutor Teresa Belinda Sollano sa inilabas niyang resolusyon na nagbasura sa kasong Libel …
Read More »Bawas distansiya sa PUVs tuloy (Hanggang ‘di ipatigil ni Duterte)
WALANG pipigil sa pagpapatupad ng bawas-distansiya sa mga pampublikong sasakyan hanggang hindi ito ipinatitigil ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, anomang oras ay magpapasya si Pangulong Duterte kung ipahihinto ang implementasyon ng bawas-distansya sa public transport. “So until the President revokes it, I think it will be implemented,” ani Roque sa panayam sa CNN kahapon. Ibig …
Read More »Honasan umamin kakayahan ng DICT vs ‘cyber spying’ kapos
INAMIN ni Department of Information and Communications Technology (DICT) chief Gregorio Honasan na kulang ang kakayahan ng ahensiya laban sa ‘cyber spying.’ Ginawa ni Honasan ang pahayag sa budget hearing ng ahensiya sa Kamara na sinabi niyang masusing pinag-aralan ng kanyang grupo ang panukalang pagtatayo ng mga tower sa military camps ng Dito Telecommunity, ang third telco sa bansa. Layon …
Read More »Robbery suspect patay paglabas sa Mandaue City Jail (Binaril matapos magpiyansa)
PATAY ang isang robbery suspect matapos barilin, ilang sandali matapos lumabas sa Mandaue City Jail, sa lalawigan ng Cebu noong Lunes ng gabi, 14 Setyembre. Kinilala ang napaslang na suspek na si Julivyn Lumingkit Terante, 43 anyos, residente sa lungsod ng Tagum, na katatapos lamang maglagak ng piyansa nang barilin 100 metro ang layo mula sa pasilidad. Ayon sa ulat …
Read More »2 tulak, 2 pa timbog sa police ops sa Bulacan
NASAKOTE sa magkakahiwalay na police operations sa lalawigan ng Bulacan ang dalawang notoryus na tulak ng ilegal na droga at dalawang may kasong kriminal, hanggang kahapon, 15 Setyembre . Batay sa ulat na isinumite kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, nadakip ang dalawang tulak sa anti-illegal drug operations na ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement …
Read More »24.4-M estudyante naka-enrol sa public schools (Sa taon ng pandemya)
UMABOT sa 24.4 milyong estudyante ang naka-enrol sa pampublikong paaralan sa darating na school year 2020 – 2021. Ito ang ulat ni Secretary Leonor Briones ng Department of Education (DepEd) kahapon sa pagdinig ng House Committee on Appropriations sa budget ng ahensiya na naitala sa P754.4 bilyon. “As of this morning we already have 24.4 million learners who are enrolled …
Read More »‘Isang bansa’ vs pandemya kailangan — Go
“KAILANGAN ng whole-of-nation-approach.” Ito ang panawagan ni Senate committee on health chairman, Senator Christopher “Bong” Go sa gitna ng CoVid-19 pandemic na nararanasan ng bansa at ng malaking bahagi ng mundo. Sinabi ni Go, ginulantang ng coronavirus ang mundo kaya aminado siyang learning process araw-araw ang nararanasan ng bansa simula noong kumalat ang pandemya. Kaugnay nito, inihayag ni Go, sinisikap …
Read More »