MALAKI ang posibilidad na manghimasok ang China sa 2022 presidential election upang mapanatili nito ang impluwensiya sa Filipinas at hindi sila habulin sa kanilang ilegal na pag-okupa sa West Philippine Sea (WPS), ayon sa mga progresibong mambabatas sa Kamara. Sinabi nina ACT Partylist Rep. France Castro at Bayan Muna Partylist Rep. Carlos Zarate, maraming senyales na makikialam ang China sa …
Read More »Masonry Layout
12 ruta ng provincial buses, tinukoy ng LTFRB
TINUKOY na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang 12 modified provincial public utility bus (PUB) routes, mula Metro Manila patungong lalawigan ng Central Luzon, Calabarzon (vice versa). Base sa Memorandum Circular (MC) 2020-051, ng LTFRB, maaari nang bumiyahe ang PUBs na may valid at existing Certificate of Public Convenience (CPC) o Application for Extension of Validity, …
Read More »Egyptian national nagwala sa Maynila
ARESTADO ang isang Egyptian national nang magwala at magbasag ng salamin sa tinutuluyang unit sa isang condominium sa Malate, Maynila. Kinilala ang suspek na si Mouatssem Bellah Hassan Mohamed, 38, nanunuluyan sa Unit 15D-2 , 15 floor Legaspi Tower na matatagpuan sa kahabaan ng P. Ocampo St., Malate, Maynila. Sa ulat, inireklamo ang suspek ng kinatawan ng Legaspi Tower dahil …
Read More »Addendum ng DPWH ‘nanganganib’ sa Senado
TATANGGALIN umano ng Senado ang mga addendum ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sakaling hindi tugma sa lump sum projects sa ilalim ng 2021 budget. Sinabi ni Senator Panfilo Lacson, mayroon na siyang hawak na lump sum items ng DPWH. “Preventive maintenance, tertiary roads, secondary roads. Kung ano-ano ‘yan. Pinapatingnan ko na ngayon ang addendum, may listahan na …
Read More »Anti-China speech ni Duterte sa UN Gen Assembly palabas lang
HUNGKAG ang talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa United Nations General Assembly na bahagi ng international law kaya’t hindi puwedeng balewalain ang tagumpay ng Filipinas laban sa China sa agawan sa teritoryo sa South China Sea. Ito’y kapag walang ginawang kongkretong aksiyon ang Pangulo upang isulong ang soberanya ng Filipinas , ayon sa Communist Party of the Philippines (CPP). Sinabi …
Read More »Preso nakatakas, pulis palit hoyo
KALABOSO ang isang pulis nang makatakas ang isang ‘inmate’ ng Manila Police District-Station 11 dahil kailangang dalhin sa Camp Bagong Diwa, Taguig City. Isinailalim sa inquest proceedings sa Manila Prosecutor’s Office ang miyembro ng MPD-Station 11 na si P/SSgt. Warren Castillo, 44, sa paglabag sa Article 223 ng Revised Penal Code (Conniving with or Consenting to Evasion) sa reklamong inihain …
Read More »No-el 2022 pakana ni Duterte — KMU
ni ROSE NOVENARIO KOMBINSIDO ang Kilusang Mayo Uno (KMU) na si Pangulong Rodrigo Duterte ang nasa likod ng no election (no-el) scenario na ipinanukala ni Pampanga Rep. Mikey Arroyo. “Kumpas ni Duterte ‘yang pagpapanukala ng ‘no-el’ nang ‘mabigyang-matwid’ ang kahibangan at kauhawan niya sa estado poder. Mula sa nakubra niyang mga proyekto sa Tsina noong umpisa pa lang, ngayon ay …
Read More »Duterte panatag kay Cayetano
KONTENTO si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagganap ni Speaker Alan Peter Cayetano sa kanyang mga tungkulin bilang pinuno ng Mababang Kapulungan, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque. Dagdag niya, tila hindi napapanahon ang pagpapalit ng liderato sa Kongreso lalo kung mapupunta lamang ito sa mga baguhan at walang sapat na karanasan at track record. “Ang katotohanan po, and I speak …
Read More »School nurse sa Bukidnon positibo sa CoVid-19
ISANG 64-anyos babaeng nurse ng Department of Education (DepEd) sa lungsod ng Malaybalay, lalawigan ng Bukidnon, ang nagpositibo sa novel coronavirus disease (CoVid-19). Sa kaniyang pahayag noong Biyernes, 25 Setyembre, sinabi ni Malaybalay Vice Mayor Dr. Policarpo Murillo, tumatayong incident commander ng Emergency Operations and Command Center (EOCC) ng lungsod ng Valencia, ang DepEd nurse ay residente sa Barangay Sumpong, …
Read More »Buntis, PUJ driver kapwa PDEA HVT tiklo sa P.68-M shabu
ARESTADO ng mga operatiba ng Malolos City Police Station (CPS) ang dalawang hinihinalang mga tulak ng ilegal na droga sa lungsod ng Malolos, sa lalawigan ng Bulacan, noong Lunes, 21 Setyembre . Sa ulat na isinumite kay P/Col. Lawrence Cajipe, Bulacan provincial director, ni P/Lt. Col. Jacquilene Puapo, hepe ng Malolos CPS, ang isinagawang anti-illegal drug operation ay kabilang …
Read More »43 araw clinical studies ng Sputnik V — DOH
INAASAHANG 43-araw ang itatakbo ng pag-aaral ng local experts sa mga dokumento ng Russia kaugnay ng bakuna laban sa CoVid-9 na Sputnik V, ayon sa Department of Health (DOH). Ibig sabihin, mas mabilis ang magiging daloy ng proseso nito kompara sa 55 araw na naunang napag-usapan ng sub-technical working group on vaccines na pinamumunuan ng Department of Science and …
Read More »Term-sharing deal, OK lang ‘di matupad
KAHIT may term-sharing deal sina Speaker Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Load Alan Velasco ay numbers game pa rin ang mananaig sa pagpili ng pinuno ng Mababang Kapulungan ng Kongreso. Paniniwala ito ni Pangulong Rodrigo Duterte kahit naging testigo pa siya sa gentleman’s agreement na term-sharing nina Cayetano at Velasco noong nakalipas na tao. Sinabi ni Presidential …
Read More »SUCs Iskolar ng Bayan para lang sa Pinoy
IPINATITIGIL ni Senadora Imee Marcos ang komersiyalisasyon sa state colleges and universities (SUCs) na pinapayagan ang foreign students na tamasahin ang parehong benepisyong nakalaan dapat para sa mga Pinoy na ‘iskolar ng bayan.’ Ayon kay Marcos, bunsod ng enrollment quota ay napupunta lang sa mga dayuhang mag-aaral ang dapat sana ay libreng edukasyon sa kolehiyo ng mga pamantasan na …
Read More »LTO region 7 director isinabit sa korupsiyon
Bilang patunay na bistado ng Palasyo ang mga katiwalian sa LTO, isiniwalat ni Roque na si LTO Central Visayas regional director Victor Caindec ay iniimbestigahan sa isyu ng korupsiyon at gusto niyang masampahan ng mga kaso ang opisyal. “Yes, I was referring to Caindec. I have affidavits to prove na kinikikilan niya ‘yung motorcycle distributors. This is a matter …
Read More »Utak at ‘di tapang kailangan ng presidente – Ex-speaker
SA GITNA ng mga batikos kay Pangulong Duterte sa pagtugon nito sa pandemyang dulot ng CoVid-19, nagpasaring si dating House Speaker Pantaleon Alvarez na kinakailang magkaroon ang bansa ng presidente na may utak at hindi lamang puro tapang. Ito, umano, ang sinabi ng dating speaker sa kanyang radio program sa Davao del Norte. “Una, kining kinahanglan mupili ta …
Read More »Ex-UP Maroon, 4 pa timbog sa kush at droga
DINAKIP ng mga ahente ng Philppine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dating manlalaro ng UP Fighting Maroons at apat na iba pa sa isinagawang anti-drug operation sa Parañaque City. Kinilala ang mga nadakip na sina Kevin Rae Astorga, dating player ng UP Fighting Maroons; Agustin Deulexandre Montejo, Jericho Tumagan, Miguel Carlos Mojares, at Karen Vidanes Salvahan. Sa ulat, …
Read More »Robredo presidente ora mismo (Kapag nakahanap ng solusyon vs CoVid-19)
ORA mismong magiging pangulo ng bansa si Vice President Leni Robredo sakaling makahanap siya ng lunas sa CoVid-19 habang wala pang natutuklasan na gamot at bakuna para wakasan ito. Pangungutya ito ni Presidential Spokesman Harry Roque kay Robredo matapos punahin ng Bise-Presidente ang kakulangan ng plano ng administrasyong Duterte laban sa CoVid-19 at iniasa na lamang ang solusyon sa bakuna …
Read More »PACC bilang observer sa bidding, hirit sa LTO
NAIS ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na umupo bilang observer sa pre-bidding conference at bidding sa mga multi-bilyong proyekto sa Land Transportation Office (LTO) bunsod ng mga ulat na may naganap umanong iregularidad sa naturang proseso lalo sa plaka ng motorsiklo at RFID stickers. Ayon sa source, hindi pa tumutugon ang LTO sa kahilingan ng PACC at maaaring ikinagulat ito …
Read More »Isyu ng pag-eespiya vs third telco uminit sa lawyers online forum
WALANG cybersecurity measure na 100 percent fool-proof, ayon sa lawyers’ advocacy group na Tagapagtanggol ng Watawat. Sa isang webinar na ini-host ng Philippine Bar Association (PBA) kamakailan, hinikayat ng lawyers’ group ang mga kasamahan para “gawin ang lahat ng pag-iingat laban sa panghihimasok sa ating internet connectivity sa pamamagitan ng pagbusisi sa safeguards na iniulat na inilagay sa sinelyohang kasunduan …
Read More »VP Leni kakausapin ng NDFP sa post-Duterte scenario
NAGPAHAYAG ng intensiyon ang National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na makipag-usap kay Vice President Leni Robredo kaugnay sa mga isyu hinggil sa negosasyong pangkapayapaan sa pamahalaan. Sinabi ni Julie de Lima, NDFP negotiating panel interim chairperson sa panayam ng Ang Bayan, opisyal na pahayagan ng Communist Party of the Philippines (CPP), ang NDFP ay dapat makipag-dialogo sa mga …
Read More »Physical, social distancing ‘no more’ sa Manila Bay (Palasyo, IATF tameme, MPD-PS5 chief sinibak)
TIKOM ang bibig ng mga opisyal ng Palasyo at ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging infectious Diseases sa lantarang paglabag sa physical/social distancing ng daan-daan taong dumagsa sa Manila Bay ‘white sand beach’ sa Roxas Boulevard nitong Sabado at kahapon, Linggo. Binatikos ng netizens ang isinagawang public viewing sa naturang proyekto para ipakita ang dinurog na dolomite rocks na …
Read More »Mag-aalahas, 2 pa sugatan sa ‘5 unipormadong’ holdaper (Bodyguard na antigong pulis-Maynila itinumba)
WALANG balak lumaban at nakaluhod na pero binaril pa rin ng isang holdaper na naka-camuflajeng pansundalo ang isang pulis-Maynila na sinabing bodyguard ng isang negosyanteng mag-aalahas sa Sta. Cruz, Maynila kamakalawa ng hapon. Patay agad ang biktimang pulis na si P/EMSgt. Roel Candido, 53 anyos, nakatalaga sa Manila Police District – Meisec Station (MPD-PS 11), residente sa Benita St., Gagalangin, …
Read More »Kudeta Vs Cayetano kinompirma ni Pulong
ni GERRY BALDO NAKAAMBA ang posibleng kudeta laban kay House Speaker Alan Peter Cayetano sa pagbubukas ng sesyon ngayong araw, 21 Setyembre, kung hindi gagawin ang patas na pamamahagi ng pondo para sa mga distrito ng kongresista. Kinompirma ni Deputy Speaker at Davao Rep. Paolo Duterte ang nasabing kudeta kahapon matapos kumalat ang text message niya sa isang kongresista na …
Read More »23-anyos kalaboso sa sextortion
NADAKIP ng pinagsanib na operasyon ng Manila Police District, PRO-Calabarzon at RACU4A ang isang 23-anyos lalaki na inireklamo ng kasintahan dahil sa sextortion sa isinagawang entrapment operation kamakalawa ng hapon sa Quiapo, Maynila. Sa ulat ni MPD Station 3 commander P/Lt. Col. John Guiagui, nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9995, Article 268 (Anti-Photo and Video Voyeurism and Grave Coercion) …
Read More »Talamak na korupsiyon sa LTO sanhi ng delay sa plaka at RFID sticker
ni ROSE NOVENARIO MULING pinatunayan ng Land Transportation Office (LTO) ang bansag sa kanila ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2019 State of the Nation Address (SONA) bilang isa sa pinaka-corrupt na ahensiya ng pamahalaan. Batay sa mga dokumentong nakalap ng HATAW mula sa isang reliable source, kuwestiyonable ang pagbibigay ng LTO sa mahigit P1-bilyong kontrata ng plaka at RFID stickers na …
Read More »