IBABABA ang distribusyon ng tubig sa Metro Manila simula 1 Oktubre dahil sa patuloy na pagsadsad ng water level sa Angat Dam, ayon sa National Water Resources Board (NWRB). Itinuturing ang Angat Dam sa bayan ng Norzagaray, sa lalawigan ng Bulacan, na pangunahing pinagkukuhaan ng water supply sa Metro Manila ng mga water concessionaire sa lugar. Ayon kay NWRB Executive …
Read More »Masonry Layout
Dalaga timbog sa buy bust sa Laguna
ARESTADO ang isang 23-anyos dalaga nang pumasok sa bitag ng mga awtoridad sa ikinasang buy bust operation sa bayan ng Sta. Cruz, sa lalawigan ng Laguna, nitong Lunes ng gabi, 28 Setyembre. Sa ulat ng pulisya, naganap ang transaksiyon sa pagitan ng police poseur buyer at ng suspek dakong 11:00 pm sa Caballero St., Monserat Subd., Barangay Sto. Angel …
Read More »Umuwing LSI positibo sa Covid-19 (Unang kaso sa Batanes naitala)
MATAPOS ang higit anim-buwan CoVid-free ang lalawigan, naitala ng isla ng Batanes ang kauna-unahang kaso ng coronavirus disease (CoVid-19) noong Lunes, 28 Setyembre. Noong Martes, 29 Setyembre, Sinabi ni Dr. Rio Magpantay, Department of Health regional director, na ang pasyente ay isang locally stranded individual (LSI) na umuwi sa Batanes noong 22 Setyembre sakay ng chopper ng Philippine Air Force. …
Read More »Takdang-aralin magiging basura, paano na? — Marcos
NAGBABALA si Senadora Imee Marcos sa Department of Education (DepEd), Local Government Units (LGUs) at maging sa mga paaralan sa posibilidad ng problemang pangkalikasan, dahil magtatambakan ang mga printed self-learning module kapag nagbalik-klase na sa susunod na linggo. “Isipin mo ‘yung multiplier effect ng dami ng modules sa kada subject, bukod pa ‘yung dami ng subject sa kada mag-aaral, bilang …
Read More »Facebook, ipinaasunto sa pro-gov’t groups (Palasyo ‘bitter’)
‘BITTER’ ang Palasyo sa Facebook kaya hinimok ang pro-government groups na sampahan ng kaso ang social media platform sa pagtanggal sa kanila. Naniniwala ang Malacañang na censorship ang naging epekto ng pag-alis ng Facebook sa accounts ng administration supporters at taliwas ito sa freedom of speech. “Because we believe in freedom of speech. They may use as justification inauthentic behavior …
Read More »Duterte sa telcos: Serbisyo ayusin
NANAWAGAN muli si Pangulong Rodrigo Duterte sa telecommunication companies sa bansa na ayusin ang serbisyo lalo’t dadagsa ang gagamit ng internet sa pagsisimula ng mga klase sa susunod na linggo. Sinabi ng Pangulo sa kanyang public address kamakalawa ng gabi na tila habambuhay na ang reklamo ng mga mamamayan laban sa telcos — ang napakapangit na serbisyo. “I don’t know …
Read More »Korupsiyon sa Philhealth, ‘alibi’ ni Duterte (Sa pagbebenta ng PH properties sa Japan)
NAIS ni Pangulong Rodrigo Duterte na buwagin ng Kongreso ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) dahil wala na umanong pondo ang state-run insurer. Sinabi ng Pangulo sa kanyang public address kamakalawa ng gabi, wala nang pondo ang PhilHealth, mahirap nang isapribado kaya’t walang kapitalista na magkakainteres na bilhin ito. “Itong PhilHealth, I am going to propose to Congress to abolish …
Read More »‘Boksing’ sa kamara tapos na — PDP Laban (Sa 15-21 term-sharing)
“BOXING’S over!” Ito ang makahulugang pahayag ni Ron Munsayac, executive director ng PDP-Laban, kaugnay ng kontrobersiyal na ‘term-sharing’ sa Kamara sa pagitan nina Taguig Rep. Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco. Ani Munsayac, “Walang tensiyon sa panig ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco nang pangunahan niya ang maliit na bilang ng 20 mambabatas para humarap kay President Rodrigo …
Read More »500 manggagawa ng Dole PH sinibak (Dahil sa pandemya)
HALOS 500 manggagawa ng Dole Philippines Inc., isang fruit processing firm sa bayan ng Polomolok, sa lalawigan ng South Cotabato, ang nawalan ng trabaho, matapos nitong ipatupad ang retrenchment program sa gitna ng krisis pang-ekonomiya sanhi ng pandemyang coronavirus disease (CoVid-19). Ayon sa kompanya, sinimulan nila ang retrenchment program noong 18 Setyembre para mapanatili ang operasyon kaysa magsara ang …
Read More »2 pulis patay sa operasyon kontra ‘hot logs’ (Sa Nothern Samar)
PATAY ang dalawang pulis na nagresponde sa ulat kaugnay sa pagbibiyahe ng mga kahoy na ilegal na pinutol noong Sabado ng gabi, 26 Setyembre, sa bayan ng San Isidro, lalawigan ng Northern Samar. Sa mga naunang report, nagresponde ang mga elemento ng Second Maneuver Platoon (2nd MP), 803rd Maneuver Company (803rd MC) ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB), sa pakikipagtulangan …
Read More »3 gun-for-hire members patay sa enkuwentro 2 nakatakas tinutugis
NAPATAY ang tatlong lalaking pawang miyembro ng isang sindikato matapos manlaban sa mga awtoridad sa bayan ng San Miguel, lalawigan ng Bulacan, noong Linggo ng hapon, 27 Setyembre. Sa ulat na ipinadala ni P/Lt. Col. Rizalino Andaya, hepe ng 2nd Bulacan Police Mobile Force Company (BPMFC), kay P/Col. Lawrence Cajipe, Bulacan police director, naghain sila ng arrest warrant laban …
Read More »Tulak timbog sa P170-K shabu (2 menor de edad nasagip)
ARESTADO ang isang tulak ng ilegal na droga habang dalawang menor de edad ang nasagip sa buy bust operation ng pulisya sa Navotas, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Navotas police chief Col. Rolando Balasabas ang naarestong suspek na si Rowel Magbanua alyas Toto, 38 anyos, ng V. Cruz St., Barangay Tangos. Ayon kay Col. Balasabas, dakong 1:55 …
Read More »Lider ng sindikato na pumatay sa retiradong pulis at kagawad nadakip
NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang lider ng Serabia Criminal Gang na responsable sa pagpatay sa isang retiradong pulis at isang kagawad ng lungsod, sa pinagtataguan nito sa loob ng pitong taon sa lalawigan ng Agusan Del Sur. Kinilala ni QCPD Director P/BGen. Ronnie Montejo ang nadakip na si Marlon Serabia, 44 anyos, residente …
Read More »‘Pulis-pulisan’ nasakote sa tinangay na SUV
NASAKOTE ng mga tauhan ng Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang isang ‘bogus na pulis’ na tumangay ng isang Mitsubishi Mirage sa Makati City. Kinilala ng pulisya ang suspek na isang James Fuentes, 29 anyos, naninirahan sa Purok Uno Napindan, Taguig City. Sa ulat, noong 25 Setyrembre 2020, dakong 11:55 am nasakote ang suspek sa …
Read More »Kawit DEU chief, 5 pulis sinibak
SINIBAK sa puwesto ni Police Regional Office 4A Regional Director P/BGen. Vicente Danao, Jr., ang hepe at limang miyembro ng Kawit Municipal Station – Drug Enforcement Unit matapos mag-viral sa video ang sinabing ilegal na paghuli sa isang babae noong nakaraang linggo sa Barangay Tabon 2, Kawit, Cavite. Base sa ulat na nakarating kay P/BGen. Danao, inaresto ng grupo ni …
Read More »No-el 2022 posible sa cha-cha
CHARTER change o amyenda sa Konstitusyon ang puwedeng maging daan para maganap ang no election (no-el) scenario sa 2022, ayon sa Palasyo. Gayonman, hindi umano interesado si Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin ang kanyang termino na nakatakdang magtapos sa 30 Hunyo 2022. Ilang araw nang inuulan ng batikos ang panukala ni Pampanga Rep. Mikey Arroyo na suspendihin ang …
Read More »No face shields no mask sa pabrika at opisina tablado sa Palasyo
IBINASURA ng Palasyo ang kahilingan ng mga negosyante na payagan ang mga manggagawa sa pabrika at opisina na huwag magsuot ng face mask at face shield habang nasa trabaho dahil makaaapekto ito sa kanilang “vision, physical safety and productivity.” Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque hindi “unreasonable” ang naturang patakaran at nakabatay sa siyensiya na ang pagsusuot ng face …
Read More »2 nursing graduates, estudyante pinatay sa ginagawang bahay
TADTAD ng saksak sa katawan ang dalawang nursing graduates at ang kasamang isa pang estudyante nang matagpuan sa ginagawang bahay ng kanilang kamag-anak sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ang mga biktima na sina Glydel Belonio, 23 anyos; ang kaibigang si Mona Ismael Habibolla, 22 anyos, kapwa nursing graduat; at Arjay Belencio, 22 anyos, estudyante, pinsan ng una, …
Read More »DDS pages na tinanggal, deadma sa socmed giant
MAGHAHANAP ng ibang platform ang mga tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos tanggalin ng Facebook ang pages na konektado sa kanila, maging sa military at pulis, bunsod ng “coordinated inauthentic behavior.” Para kay Presidential Spokesman Harry Roque, inaasahan na ang naging hakbang ng Facebook dahil ang inupahang fact-checkers nito ay Rappler at VERA Files na kilalang kritikal sa administrasyon. “Bakit …
Read More »Giit ni Velasco 15-21 term-sharing dapat tuparin
MATAPOS maglabas ng manifesto of support ang mayorya ng Mababang Kapulungan noong Lunes, naglabas ng pahayag si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na dapat tuparin ang kasunduan sa pagitan nila ni House Speaker Alan Peter Cayetano. Anang susunod na speaker, tiwala at dangal ay karakter ng isang lider. “Trust and honor are values that are important, especially in these trying …
Read More »Hepe, 5 pa sinibak ni Gen. Danao (Sa viral video sa Cavite)
TINANGGAL sa puwesto ni PNP-PRO4A Regional Director P/BGen. Vicente Danao Jr., ang hepe at limang miyembro ng Kawit Municipal Station-Drug Enforcement Unit matapos mag viral sa video ang ilegal na paghuli sa isang babae noong nakaraang linggo sa Bgy. Tabon 2, sa bayan ng Kawit, lalawigan ng Cavite. Base sa ulat na nakarating kay P/BGen. Danao, inaresto ng grupo ni …
Read More »Pakikialam ng China sa 2022 elections pinangangambahan
MALAKI ang posibilidad na manghimasok ang China sa 2022 presidential election upang mapanatili nito ang impluwensiya sa Filipinas at hindi sila habulin sa kanilang ilegal na pag-okupa sa West Philippine Sea (WPS), ayon sa mga progresibong mambabatas sa Kamara. Sinabi nina ACT Partylist Rep. France Castro at Bayan Muna Partylist Rep. Carlos Zarate, maraming senyales na makikialam ang China sa …
Read More »12 ruta ng provincial buses, tinukoy ng LTFRB
TINUKOY na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang 12 modified provincial public utility bus (PUB) routes, mula Metro Manila patungong lalawigan ng Central Luzon, Calabarzon (vice versa). Base sa Memorandum Circular (MC) 2020-051, ng LTFRB, maaari nang bumiyahe ang PUBs na may valid at existing Certificate of Public Convenience (CPC) o Application for Extension of Validity, …
Read More »Egyptian national nagwala sa Maynila
ARESTADO ang isang Egyptian national nang magwala at magbasag ng salamin sa tinutuluyang unit sa isang condominium sa Malate, Maynila. Kinilala ang suspek na si Mouatssem Bellah Hassan Mohamed, 38, nanunuluyan sa Unit 15D-2 , 15 floor Legaspi Tower na matatagpuan sa kahabaan ng P. Ocampo St., Malate, Maynila. Sa ulat, inireklamo ang suspek ng kinatawan ng Legaspi Tower dahil …
Read More »Addendum ng DPWH ‘nanganganib’ sa Senado
TATANGGALIN umano ng Senado ang mga addendum ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sakaling hindi tugma sa lump sum projects sa ilalim ng 2021 budget. Sinabi ni Senator Panfilo Lacson, mayroon na siyang hawak na lump sum items ng DPWH. “Preventive maintenance, tertiary roads, secondary roads. Kung ano-ano ‘yan. Pinapatingnan ko na ngayon ang addendum, may listahan na …
Read More »