LANTAD sa coronavirus o CoVid-19 ang ilang leaders ng Kamara sa pangunguna nina House Speaker Lord Allan Velasco, Deputy Speaker Mikee Romero, DIWA Partylist Rep. Mike Aglipay, at House Secretary- General Dong Mendoza ngunit hindi sinusunod ang mandatory health protocol. Ayon sa report, may exposure sina Velasco, Romero, Aglipay, at Mendoza kay TESDA Director Isidro Lapeña nang makasama nila sa …
Read More »Masonry Layout
12 incumbent solons na may kickback sa DPWH projects tukuyin – Infrawatch
HINAMON ng think-tank group na Infrawatch PH, si Presidential Anti Crime Commission (PACC) Commissioner Greco Belgica na huwag magkubli at matapang na pangalanan ang 12 kongresistang corrupt na may porsiyento o kickbacks sa DPWH projects. Ayon kay Infrawatch PH Convenor Terry Ridon, hindi dapat magtago si Belgica sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala siyang hurisdiksyon kaya hindi …
Read More »Dagdag-bawas sa 2021 budget pabor sa alyados — Sen Lacson (Speaker Velasco itinuro)
TINAWAG ni Sen Panfilo Lacson na ‘improper’ o hindi aksiyon ng isang lider ang ginawang dagdag-bawas ni House Speaker Lord Allan Velasco sa pondo ng mga kaalyado at kritikong kongresista na kitang-kita sa ipinasa ng Kamara na 2021 national budget. Ayon kay Lacson halata ang pagpabor ni Velasco sa kanyang mga supporters samantalang kitang-kita rin ang paglabag nito sa mga …
Read More »Kim, may pa-food trip mula sa kanyang hometown sa Batangas
LITERAL na ‘fresh’ ang fresh episode ng Mars Pa More ngayong Huwebes (Nobyembre 26) dahil makikisaya ang Kapuso teen stars na sina Will Ashley at Kim de Leon. Dadalhin ni StarStruck Ultimate Survivor Kim de Leon ang viewers sa isang enjoy na biking tour at nakabubusog na food trip sa kanyang hometown sa Balayan, Batangas. Samantala, ibibida naman ng Prima Donnas star na si Will ang kanyang astig dance moves na natutuhan …
Read More »RFID installation tuloy lumampas man sa 1 Disyembre
HINDI dapat mabahala ang mga motorista kung puno na ang slots ng online appointment systems para sa RFID installation. Paglilinaw ni Mhanny Agusto, corporate communications specialists ng Metro Pacific Tollway Corporation (MPTC), walang katotohanan ang napabalita sa social media na hanggang 1 Disyembre na lamang ang deadline sa pagkakabit ng RFID sticker. Ibig sabihin, kung ikaw ay isang motorista na …
Read More »Kelot arestado matapos sumibat sa checkpoint (Pulis inagawan ng baril at pinagmumura)
ARESTADO ang isang mister na nang-agaw ng baril ng isang pulis at tinangkang paputukin nang tatlong beses pero nabigo nang masakote matapos sumibat sa checkpoint sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi. Pinalad ang suspek na walang suot na helmet na kinilalang si Bright Crisostomo, 20 anyos, residente sa Mabalacat St., 6th Avenue, Barangay 111, dahil hindi siya pintukan ng kabaro …
Read More »Biyudong may boga, kulong sa P170K shabu
BAGSAK sa kulungan ang isang 51-anyos biyudo matapos makuhaan ng halos P.2 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina, Jr., ang naarestong suspek na si Marcelo Amor, residente sa Abby Road 2, Barangay 73, nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drug …
Read More »Pulis na pasaway sinermonan, binalaan ng CL Top Cop
NAKATANGGAP ng sermon at babala mula kay PRO3 Director P/BGen. Valeriano “Val” De Leon ang mga pasaway na miyembro ng pulisya sa Central Luzon na maituturing na ‘anay’ sa kanilang hanay at tiniyak na may kalalagyan sa patuloy na pagpapatupad ng PNP Internal Cleansing sa rehiyon. Aabot sa 3,356 kasong administratibo ang naisampa laban sa 5,118 pulis sa rehiyon, na …
Read More »34 katao arestado ng bulacan PNP (1 araw na anti-crime campaign)
NADAKIP ng mga awtoridad ang may kabuuang 34 katao sa loob lamang ng isang araw na walang humpay na paglaban sa kriminalidad ng pulisya ng Bulacan nitong Martes, 24 Nobyembre. Sa ulat mula kay P/Col. Lawrence Cajipe, direktor ng Bulacan Police Provincial Office, 23 sa mga naaresto ay pawang drug suspects na ang 15 ay naaktohang nagbebenta ng ilegal na …
Read More »Angat Dam, Ipo Dam sukat ng tubig bumaba
NABAWASAN ang antas ng tubig sa Angat Dam at Ipo Dam, parehong matatagpuan sa bayan ng Norzagaray, lalawigan ng Bulacan sa nakalipas na dalawang araw. Ayon sa PAGASA Hydrometeorology Division, naitala dakong 6:00 am nitong Miyerkoles, 25 Nobyembre, ang water level ng Angat Dam sa 210.76 meters, mas mababa ito kaysa 211.17 meters na naitala kamakalawa. Nabawasan din ang tubig …
Read More »Navotas detainees sumailalim sa X-ray at CoVid swab test
NASA 200 detainees sa Navotas ang sumailalim sa X-ray at swab test para sa coronavirus disease 2019 (CoVid-19). Ayon kay Mayor Toby Tiangco, humingi ng tulong sa pamahalaang lungsod ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) – Navotas para sumailalim sa chest X-ray bago ang kanilang paglipat sa BJMP quarantine facility sa Bicutan, Taguig. Ang mga detainee ay kasalukuyang …
Read More »P1.2-M patong sa ulo ng suspek (Para sa mastermind na pulis at mga kasama)
MAGBIBIGAY ng P1.2 milyon ang lungsod ng Valenzuela para sa makapagbigay ng impormasyon kung nasaan ang mga suspek sa pagpatay sa isang rider noong Oktubre. May apat pang suspek ang pinaghahanap ngayon, kabilang ang isang dating pulis na si Patrolman Anthony Cubos, lider umano ng isang criminal gang na tinawag na “Cubos Gang.” Wanted din sina Rico Reyes, Narciso Santiago, …
Read More »Teaching hubs inilunsad sa TCU
INILUNSAD kahapon ng Taguig City University, ang Teaching Hubs na naglalayong masiguro ang kalidad ng Tertiary Education sa ilalim ng Sharpened Online Learning Program ng unibersidad. Dumalo ang mag-asawang kinatawan ng lungsod na sina Rep. Peter Allan Cayetano at Rep. Lani Cayetano at iba pang opisyal ng Taguig City University. Ayon kay Taguig City Mayor Lino Cayetano, ang bawat teaching …
Read More »Mukhang bebot na bading ipinain sa holdap buking (Kagawad kasabwat)
NATIMBOG ng mga awtoridad ang isang barangay kagawad, kapatid nito, at dalawang sinasabing bading nang mabuko sa panghoholdap sa isang Chinese national sa loob ng hotel, sa Pasay City kàmakalawa. Kinilala ni P/Maj. Wilfredo Sangel, hepe ng Station Investigation Division (SID) ang mga suspek na sina Allan Romero, kagawad ng Barangay 34, sa Pasay; John Michael Romero, 23, ng Leveriza …
Read More »Sanggol sa loob ng bag natagpuan sa tapat ng bahay sa Imus, Cavite
HINIHINALANG inabandona ang isang bagong silang na sanggol na natagpuang nasa loob ng isang bag sa tapat ng isang bahay sa bayan ng Imus, sa lalawigan ng Cavite, nitong Martes ng umaga, 24 Nobyembre. Ayon sa netizen na si Winnie Lyn De Leon, narinig nila ng kaniyang kapitbahay ang pag-iyak ng sanggol na iniwan sa tapat ng isang bahay sa …
Read More »Solons na sabit sa korupsiyon walang isang dosena – Palasyo
WALA pang isang dosena ang mga kongresista na sangkot sa katiwalian, sabi ng Palasyo. Gaya ng kanyang among si Pangulong Rodrigo Duterte, ayaw rin pangalanan ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) commissioner Greco Belgica ang ‘less than 12’ na kongresista. “‘Yung exact number is less than 12 ang alam ko na na-submit sa Pangulo na nakita namin after validation. Kailangan maimbestigahan …
Read More »Bakuna kontra CoViD-19, ‘bitin’ sa Duterte admin (Para sa 60-M Pinoy)
HINDI kayang tapusin ng administrasyong Duterte hanggang magwakas ang termino sa 30 Hunyo 2022 ang target na pagbabakuna sa 60 milyong Filipino kontra CoVid-19. Inamin ni National Task Force against CoVid-19 chief implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez, Jr., aabutin ng tatlo hanggang limang taon bago matapos ng pamahalaan ang pagbabakuna sa target na 60 milyong Filipino. Ayon kay …
Read More »House probe malamya, duwag — KMP (Sa sanhi ng malawakang pagbaha)
MALAMYA, walang tapang, at tiyak na walang mapananagot kung pagbabasehan ang takbo ng ginagawang imbestigasyon ng House of Representatives kaugnay sa naging pinsala ng bagyong Ulysses sa Cagayan at Isabela dahil nakatuon lamang sa ginawang pagpapakawala ng tubig ng mga dam at walang imbestigasyon sa ilegal na pagmimina at ilegal na pagtotroso, ayon sa Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP). Ang …
Read More »Bilyones na infra funds ng DPWH lagot sa PACC
NAGBANTA ang Presidential Anti Crime Commission (PACC) na magpapatuloy ang imbestigasyon sa maanomalyang transaksiyon sa paggamit ng pondo, kasama na rito ang pakikipagsabwatan sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ng mga kongresista na kukuha ng kickbacks sa infrastructure projects. Ang resulta ng imbestigasyon ay kanilang isusumite kay Pangulong Rodrigo Duterte. Kasunod ito ng expose’ ni Senator Panfilo “Ping” …
Read More »Rep.Romero: Eddie Garcia Bill, dapat maipasa agad sa Senado
HINIMOK ni House Deputy Speaker at 1Pacman Party-list Rep. Mikee Romero ang mga kasamahang mambabatas sa Senado na maipasa agad ang Eddie Garcia Bill o House Bill No. 7762 na naglalayon mabigyan ng proteksiyon ang mga manggagawa sa telebisyon, radyo at pinikalakang tabing kahapon. “Kailangan po natin bigyan ng seguridad ang mga manggagawa sa showbiz maging ang mga nasa likod …
Read More »Digong buntot ‘nabahag’ vs solons na corrupt
KUNG gaano kabagsik sa pagbabanta at binabasa pa ang pangalan ng mga pangkaraniwang empleyado na umano’y sangkot sa korupsiyon, tila nabahag ang buntot ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kongresista na idinadawit sa katiwalian sa mga proyekto sa kanilang distrito. Sinabi ng Pangulo sa kanyang pre-recorded public address kamakalawa ng gabi, isinumite sa kanya ni Presidential Anti Crime Commission (PACC) …
Read More »4-taon drug war ni Duterte may 1k kaso kada araw
MISTULANG bumalik sa 2016 o noong kauupo pa lang sa Palasyo ni Pangulong Rodrigo Duterte at naging ‘retorika’ ang isinusulong niyang drug war. Kamakalawa ng gabi, tulad ng inaasahan tumirada ng kanyang ‘retorika’ at muling binatikos ni Duterte ang human rights advocates na kritiko ng extrajudicial killings resulta ng kanyang drug war. Hinimok ng Pangulo ang human rights advocates na …
Read More »Loyalty check ikinairita ni Pulong (Mas piniling magbitiw)
HINDI maliit na bagay para kay Davao Rep at Presidential Son Paolo “Pulong” Duterte ang ginawang isyung loyalty check sa kanya ng ilang mga kaalyado sa House Majority kaya naman imbes manatili sa puwesto ay nagdesisyon siyang magbitiw bilang Chairman ng House Committee on Accounts, ang puwestong ibinigay sa kanya ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco nang maupo bilang House …
Read More »Senado pinakikilos vs naglalakihang infra funds ng kamara (2.3-M estudyanteng apektado gawing prayoridad)
HALOS 2.4 milyong estudyante ang hidni nakalalahok sa distance learning dahil wala pa rin koryente sa maraming lugar sa bansa. Inihayag ito ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto matapos ang expose’ ni Senator Panfilo “Ping” Lacson na may bilyon-bilyong infrastructure budget insertions ang mga kongresista para sa kanilang mga distrito na ipinaloob sa 2021 national budget. Sa paghimay ng …
Read More »$25 kada Pinoy para sa CoViD-19 vaccine — Palasyo (Sa target na herd immunity)
MAGLALAAN ang administrasyong Duterte ng 25 dolyar o mahigit P1,000 kada Pinoy para mabakunahan kontra CoVid-19. Inihayag ito ni Finance Secretary Carlos Dominguez sa recorded televised Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases meeting kagabi kasama si Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Dominguez, target ng gobyernong mabakunahan ang 60 milyon sa mahigit 110 milyong populasyon ng Filipinas at tinatayang …
Read More »