Saturday , June 25 2022
dogs

Mga asong ibibiyahe sa katayan nasagip 3 tirador nasukol

ARESTADO ang tatlong lalaki matapos mahuli sa aktong nagtatago ng mga buhay na aso upang katayin at ibenta sa isinagawang rescue operation sa lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado, 21 Mayo.

Sa ulat mula kay P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PPO, nagkasa ng rescue operation ang mga tauhan ng Bustos MPS at Pandi MPS katuwang ang Animal Kingdom Foundation Inc. (AKFI) sa mga barangay ng Liciada sa Bustos, at Bagbaguin sa Pandi kaugnay sa impormasyong may nagbebenta ng mga karne ng aso sa lugar.

Nagresulta ang operasyon sa pagkakadakip sa mga suspek na kinilalang sina Jessie dela Cruz, 38 anyos, caretaker, mula sa Brgy. Liciada, Bustos; Felipe Borja, 62 anyos, caretaker; at Lando Soriano, 58, caretaker, kapwa mula sa Brgy. Bagbaguin, Pandi.

Nahuli ang tatlong suspek na nagtatago ng mga buhay na asong nakasilid sa sako samantala ang iba ay nasa makipot na kulungan at nakahanda nang katayin para ibenta ang mga karne nito.

Nag-ugat ang rescue operation batay sa impormasyong sangkot sa pagkatay at pagbebenta ng mga karne ng aso ang mga suspek na ngayon ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 6 ng RA 8485 o Animal Welfare Act of 1998. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

062322 Hataw Frontpage

Dismissal binaliktad ng korte
ARESTO VS DOC NATY MULING INIUTOS 

IPINAG-UTOS ng Regional Trial Court ng Bayugan, Agusan del Sur Regional Trial Court ang pagdakip …

SM Southmall Southtopia UFC

UFC GYM NASA SM SOUTHMALL NA
Plus, take a trip down good ol’ days of fun games and retro activities at #Southtopia post workout

SA PANAHON ngayon, mahalagang magkaroon ng mas aktibong lifestyle upang mapataas ang immunity ng isang …

gun shot

Sa Jaen, Nueva Ecija
BRGY. KAGAWAD LIGTAS SA AMBUSH

NAKALIGTAS ang isang kagawad ng barangay matapos tambangan sa Brgy. Malabon Kaingin, sa bayan ng …

Rizal Police PNP

Sa 7-araw SACLEO sa Rizal
P2.4-M DROGA KOMPISKADO, 180 KATAO TIMBOG

NASAMSAM ang P24-milyong halaga ng ilegal na droga habang arestado ang 180 katao sa ikinasang …

Car Wash

Silid sinalakay ng kaalitang katrabaho
CARWASH BOY PATAY, KASAMA SUGATAN

HINDI nakaligtas ang isang trabahador sa isang carwash shop habang sugatan ang isa pa nang …