VATICAN CITY, ROME — Sa kahilingan sa pandaigdigang komunidad na gawing ‘available’ ang bakuna kontra CoVid-19 para sa lahat, nanawagan ang Caritas Internationalis sa mga lider sa buong mundo na isantabi ang kanilang national at political agenda na makinabang sa kanilang pagpuhunan sa pag-develop ng mga bakuna at sa halip ay pagtuunan ang pantay na distribusyon nito, partikular mahihirap na …
Read More »Masonry Layout
PNP, LGU pinulong ng IATF vs CoVid-19 (Safety protocols pinaigting)
DUMALO sa pagpupulong na pinangungunahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga kawani ng Arayat Municipal Police Station sa pamumuno ng kanilang hepeng si P/Lt. Col. Eduardo Guevarra, lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Emmanuel Alejandrino, DILG, Engineering Department, MDRRMO, Municipal Health Officers, at mga kapitan ng barangay, nitong Lunes, 22 Pebrero, sa Municipal Function Hall, Plazang Luma, sa …
Read More »Chinese national sinagip sa illegal detention (Sa Biñan, Laguna)
INILIGTAS ng pulisya ang isang Chinese national mula sa kapwa Chinese dahil sa ilegal na pagkulong sa kanya sa lungsod ng Biñan, lalawigan ng Laguna, gabi ng Lunes, 22Pebrero. Ayon kay P/Col. Serafin Fortuno Petetalio II, hepe ng Laguna PPO, sinagip ng lokal na Special Weapons and Tactics (SWAT) ang hindi pinangalanang biktima mula sa Las Villas de Manila Subdivision …
Read More »Nawawalang DSWD employee natagpuang patay sa Bulacan
WALA nang buhay nang matagpuan ang katawan ng 30-anyos empleyado ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), na nakasilid sa isang sakong inabandona sa isang talahiban sa lungsod ng San Jose del Monte, lalawigan ng Bulacan, noong Linggo, 21 Pebrero. Kinilala n P/Col. Julius Alvaro, hepe ng SJDM city police, ang labi ng biktimang si Justine Charles Accad III, …
Read More »Tattoo artist timbog sa drug bust sa Benguet State U
NADAKIP ang isang tattoo artist sa ikinasang buy bust operation ng mga awtoridad sa loob ng Benguet State University (BSU) campus sa bayan ng La Trinidad, lalawigan ng Benguet, nitong Lunes, 22 Pebrero. Kinilala ang suspek na si Christian Gray Cuña, alyas Ischan,tubong lungsod ng Calamba, sa lalawigan ng Laguna. Nakuha ng pulisya mula sa suspek ang isang sachet na …
Read More »Tanod sa Quezon timbog sa ‘hot gun’
ARESTADO ang isang barangay tanod sa bayan ng Sariaya, lalawigan ng Quezon dahil sa ilegal na pag-iingat ng baril, nitong Lunes ng gabi, 22 Pebrero. Nasukol ng pulisya ang suspek na kinilalang si Alexander Cabula, 49 anyos, tanod ng Brgy. Bignay I, sa naturang bayan, dahil sa pagdadala ng hindi dokumentadong kalibre .45 pistol dakong 8:30 pm kamakalawa. Nabatid na …
Read More »Ilegal na ‘Run, Sara, Run’ tarpaulin sa Cebu ipinatatanggal
IPINAG-UTOS ng isang opisyal ng lungsod ng Cebu ang pagtatanggal ng mga tarpaulin na ikinabit sa ilang mga kalye at kalsada sa siyudad na nag-uudyok kay Davao City Mayor Sara Duterte na tumakbo bilang pangulo. Ayon kay Florante Catalan, hepe ng Cebu City Office of the Building, walang natanggap ang kanilang opisina na anomang aplikasyong nagpapaalam na magkabit ng streamer …
Read More »6 kriminal patay, 255 arestado sa week-long SACLEO (Ikinasa sa Bulacan)
NAGRESULTA sa pagkamatay ng anim na suspek at pagkakadakip ng 255 indibidwal ang isang linggong Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) ng Bulacan PNP mula 15-21 Pebrero sa lalawigan. Sa pahayag ni Bulacan police director P/Col. Lawrence Cajipe, ang 166 pinagsamang operasyon ng 21 municipal at tatlong city police stations kabilang ang Bulacan 1st at 2nd Provincial Mobile Force Company …
Read More »3 pulis, arestado (Killer ng Koreano)
NADAKIP ang tatlo sa walong pulis na sangkot sa kasong pagpatay sa isang Korean national noong 15 Pebrero 2021 sa Valenzuela City. Kinilala ang mga suspek na sina P/Cpl. Darwin Castillo, na naaresto sa Quarantine Control Point (QCP) sa Baywalk, Roxas Blvd., dakong 2:00 pm, habang si P/SSgt. Carl Legaspi ay sa Mendiola San Miguel, Maynila bilang security team member, …
Read More »Trike driver huli sa P120K omads (Checkpoint tinangkang takasan)
ARESTADO ang isang tricycle driver makaraang makuhaan ng P120,000 halaga ng damo o marijuana matapos tangkaing takasan ang mga pulis na nagsasagawa ng checkpoint sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Caloocan City Police chief Col. Samuel Mina, Jr., ang naarestong suspek na si Roberto Roque, Jr., 27 anyos, residente sa Masaya St., RP Gulod, Novaliches Quezon City, habang …
Read More »Hilera ng motorsiklo sa Recto inararo ng jeepney 8 sugatan
SUGATAN ang walo katao nang ararohin ng pampasaherong jeepney ang mga nakahintong motorsiklo sa Recto Avenue corner Masangkay St., sa Binondo, Maynila nitong Lunes. Kabilang sa sugatan ang rider na si Jabilar Candidato, 25 anyos; Brian Figueroa, 42; at kanyang backride na si Jeremy Ablao, 21. Sa kuha ng CCTV, kita ang pagsalpok ng jeepney, ay plakang PXY 513, minamaneho …
Read More »CoVid-19 test para sa pagbiyahe, nais alisin ng DILG
PINAG-AARALAN ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang panukalang alisin ang mandatory CoVid-19 testing bilang requirement sa pagbiyahe ng mga lokal na turista. Ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing, kabilang sa pinag-uusapan at pinag-aaralan ang pag-aalis ng CoVid-19 testing, pag-iisyu ng travel authority, at city health certificate. Aniya, imbes i-require ang mga biyahero na sumailalim sa “clinical …
Read More »Pagdating ng CoVid-19 vaccine no power interruption — Isko
NAKATAKDANG makipag-ugnayan sina Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa Manila Electric Company (Meralco) upang masiguro na walang magaganap na power interruption sa storage facility na paglalagakan ng CoVid-19 vaccine. Iatasan ni Moreno si City Engineer Armand Andres para siguruhin sa Meralco ang maayos na supply ng koryente para mapanatili ang temperatura ng storage at ang bisa ng vaccines. Tiniyak …
Read More »Illegal wage hike ng management, di pa isinasauli sa kaban ng bayan
Laging ikinakatuwiran ng management na kapos sa budget ang IBC-13 ngunit sa inilabas na 2019 Annual Audit Report ng Commission on Audit (COA) ay ibinuko na umabot sa P1.817 milyon ang nakamal na dagdag sahod ng mga opisyal ng IBC-13 noong 2019 kahit walang board resolution at go signal ni Pangulong Rodrigo Duterte. Isiniwalat ng COA, ipinasok ng mga opisyal …
Read More »Rapist huli sa Malabon
“SA TOTOO po niyan, talaga pong nagmamahalan kami at wala pong nangyaring rape.” Ito ang sinabi ng ika-9 sa ten most wanted person (TMWP) makaraang maaresto kamakalawa ng umaga sa Malabon City dahil sa kinakaharap na kaso sa kanilang probinsiya. Kinilalang si Geraldo Magbanwa, Jr., 21 anyos, factory worker, at residente sa Block 13 Lot 6 Paros St., ng nasabing …
Read More »IBC-13 retirees naiwan sa ere (Andanar pinakikilos ng Palasyo)
ni ROSE NOVENARIO PINAKIKILOS ng Palasyo si Communications Secretary Martin Andanar para tugunan ang hinaing ng mga retiradong empleyado ng state-run Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC-13) na hindi pa natatanggap ang kanilang retirement/separation pay. Sa liham ni Presidential Management Staff (PMS) Undersecretary for Presidential Support Atty. Anderson Lo kay Andanar, may petsang 16 Pebrero 2021, hiniling na gumawa siya ng karampatang …
Read More »PDEA agent niratrat sa Bulacan (Sangkot sa P11-B puslit na droga sa BoC)
ISANG dating pulis, may ranggong senior police officer 4 (SPO4) ang niratrat sa mukha ng limang suspek, habang kumakain sa isang kilalang restaurant na malapit sa city hall sa San Jose del Monte City, Bulacan, kahapon, Martes ng umaga, 23 Pebrero. Kinilala ang biktimang si Alejandro Liwanag, alyas Gerry, kilalang ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), sinabing naninirahan sa …
Read More »Isko handa nang magpabakuna ng Sinovac
HANDA nang magpaturok si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ng bakunang Sinovac, ng Beijing-based biopharmaceutical company. Kasunod ito nang pag-aproba ng Food and Drug Administration (FDA) sa Emergency Use Authorization o EUA ng naturang bakuna. Agad nagpatawag ng pagpupulong ang alkalde kasama ang buong Manila City Council (MCC) sa pangunguna ni Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan upang ihayag …
Read More »‘Red tide’ kumulay sa dagat ng Ozamiz
NANGAMBA ang mga residenteng naninirahan sa baybayin ng mga barangay ng Triunfo at San Roque, sa lungsod ng Ozamiz, lalawigan ng Misamis Occidental, nang makita nilang nagkulay pula ang dagat sa kanilang lugar nitong Linggo ng hapon, 21 Pebrero. Nagmistulang kulay dugo ang bahagi ng dagat, at ang kulay ay hindi pa rin nawawala hanggang araw ng Lunes, 22 Pebrero. …
Read More »Miyembro ng ‘criminal gun-for-hire gang’ todas sa enkuwentro
NAPASLANG ang isang hinihinalang miyembro ng isang talamak na criminal gun-for-hire gang nang kumasa at makipagbarilan sa mga awtoridad na magsisilbi ng search warrant sa bayan ng San Ildefonso, lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo ng umaga, 21 Pebrero. Sa ulat mula kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan Police Provincial Office, kinilala ang napatay na suspek na si Gilbert …
Read More »7 timbog sa boga at pot session sa Pasig City
ARESTADO ang pito kataong huli sa aktong abala sa pot session matapos inguso ng kanilang kasamahan na hinabol ng mga awtoridad dahil sa baril na nakasukbit sa baywang at tumakbo papasok ng bahay, nitong Linggo ng madaling araw, 21 Pebrero, sa lungsod Pasig. Kinilala ang mga nadakip na sina Ronel Collo, alyas Kalbo, 23 anyos; Arnel Octa, 24 anyos; Orlie …
Read More »‘Aleng Pulis’ nawawala sa Cagayan
PINAGHAHANAP ng kaniyang mga kabaro ang isang babaeng pulis na nakatalaga sa bayan ng Lasam, lalawigan ng Cagayan, na naiulat na nawawala simula noong Huwebes, 18 Pebrero. Kinilala ang nawawalang kagawad ng pulisya na si P/MSgt. Jovelyn Camangeg, 40 anyos, residente sa Centro 2, ng naturang bayan. Ayon kay P/Lt. Col. Amdree Abella, tagapagsalita ng Police Regional Office 2, iniulat …
Read More »Pakinggan eksperto sa agham at medisina ‘di politiko — Romulo (Sa pagbabalik ng face to face classes)
HINDI politiko kung hindi mga eksperto sa agham at medisina ang dapat pakinggan sa pagbabalik ng “face to face classes” ayon kay Pasig City Congressman Roman Romulo. Kasabay nito ang pagpapabuo ng kongresista na Chairman ng House Committee on Basic Education and Culture (HCBEC) sa Department of Education (DepEd) ng grupo ng mga dalubhasa na siyang mag-aaral at magpapasya sa …
Read More »1,000 manok ninakaw sa poultry farm sa Pangasinan
HINDI bababa sa 1,000 manok na tinatayang nagkakahalaga ng P500,000 ang ninakaw mula sa poultry farm sa Brgy. La Paz, sa bayan ng Villasis, lalawigan ng Pangasinan, nitong Linggo, 21 Pebrero. Itinuturing na ‘persons of interest’ ang limang dating empleyado ng manukan sa kaso ng pagnanakaw. Ayon kay Pangasinan Police Provincial Office information officer P/Maj. Arturo Melchor II, ipinaalam ng …
Read More »PRO3 infra projects ipinangako ni Villar
MATAAS ang moral ng mga kagawad ng PRO3-PNP sa pamumuno ni P/BGen. Valeriano de Leon sa ipinapaabot ni Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar sa pamamagitan ng kanyang kinatawang si Senior Undersecretary For Regional Operations in Luzon, Rafael Yabut sa kanyang pagbisita bilang panauhing pandangal at tagapagsalita sa Monday flag raising ceremony nitong Lunes, 22 Pebrero, sa Camp …
Read More »