ISINUSULONG ni Malabon City congresswoman Jaye Lacson-Noel ang isang panukalang batas na magbibigay daan para sa karagdagang pension ng mga nakatatandang mamamayan ng bansa. Tiwala si Congw. Lacson, susuportahan ng kanyang mga kasamahan sa House of Representatives ang kanyang panukalang batas para sa senior citizens. Aniya, kung maipasang batas ang kanyang House Bill No. 4057, nangangahulugan ito ng …
Read More »Masonry Layout
Pedicab driver itinumba ng 2 pasahero sa sementeryo
PATAY ang isang pedicab driver matapos barilin ng dalawang hindi kilalang suspek na kanyang naging pasahero sa loob ng isang sementeryo sa Malabon city, kamakalawa ng hapon. Agad binawian ng buhay ang biktimang kinilalang si Jesus Dela Cruz, 27 anyos, residente sa Brgy. Santolan ng nasabing lungsod sanhi ng ng bala sa ulo. Nagsagawa ng follow-up investigation ang …
Read More »50 bahay naabo sa sunog sa Munti (Residente tumalon sa ilog)
MAHIGIT 50 bahay ang natupok habang P1.3 milyong halaga ng aria-arian ang napinsala sa sunog na naganap sa residential areas sa Brgy. Cupang, Muntinlupa City. Ayon sa Muntinlupa Bureau of Fire Protection pasado 1:00 a.m. kahapon nang magsimula ang sunog sa isang bahay sa Purok 2, Aquino Compound PNR site, Brgy. Cupang. Mabilis na kumalat ang apoy sa …
Read More »PH economic complexity tinalakay ni Angara (Sa Stanford University)
SA ISANG hindi pangkaraniwang pagkakataon, nagtalumpati sa harap ng mga mag-aaral ng Stanford University si Senador Sonny Angara at ibinahagi ang mga kritikal na usapin sa ekonomiya ng Filipinas. Ang talumpati na ginanap via Zoom ay sumentro sa kung paanong nagagawang progresibo ng isang bansa ang takbo ng kanyang ekonomiya at kung paano ito nagiging benepisyal sa publiko, partikular …
Read More »Villanueva sa DA: Tulong sa lokal na magbababoy dapat mauna bago pork imports
“HINDI po ba sapat na patunay ‘yung namatayan ka para mabigyan ng ayuda? Kung ihahambing ito sa insurance ng tao, mayroon pong death certificate, ngunit inoobliga pang i-register ang birth, at ikuha ng death certificate ang patay.” Ito ang malungkot na pahayag ni Sen. Joel Villanueva sa estado ng lokal na industriya ng magbababoy sa bansa, habang mariin niyang …
Read More »MECQ sa NCR Plus pinalawig (Hanggang 14 Mayo)
INAPROBAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng mga eksperto at ng Department of Health (DOH) na palawigin hanggang 14 Mayo ang umiiral na modified enhanced community quarantine (MECQ) sa NCR Plus. Inianunsiyo ito ng Pangulo kagabi sa kanyang Talk to the People. Humingi ng paumanhin si Pangulong Duterte sa publiko sa desisyon niyang palawigin ang MECQ sa …
Read More »Serye Exclusive: Pera ng investors, gagamiting campign kitty sa 2022 polls
ni Rose Novenario HINDI maiwasang isipin ng Pa-Iwi investors at sub-farms operators ng DV Boer Farm Inc., na ang multi-bilyong pisong inilagak nilang puhunan sa agribusiness ni Soliman Villamin, Jr., a.k.a Dexter Villamin ay gagamitin sa “pag-hijack” niya sa Magsasaka partylist para sa 2022 elections. Pinatalsik si Villamin sa Magsasaka partylist sa ginanap na general assembly noong Disyembre …
Read More »Community pantries posible sa terorismo (Promotor, donors, ididiin)
ni ROSE NOVENARIO MAY posibilidad na maidiin sa paglabag sa Anti Terrorism Act (ATA) ang mga promotor at donors ng community pantry at iba pang charity works maging ang mga isinusulong ng Simbahan. Inihayag ito sa ikalimang oral arguments sa Supreme Court nitong Martes, 27 Abril, kaugnay sa constitutionality ng ATA ni Assistant Solicitor General Raymund Rigodon nang …
Read More »6 kelot arestado sa labanang gagamboy
CAMP GEN FLORENDO, LA UNION — Libangan, ‘ika nga, ng mga kabataan ang pakikipaglaban ng gagamba dahil tulad ng mga kulisap na kung tawagin ay cricket at gayon din ang mga panabong na manok at mga isdang tinaguraing ‘fighting fish’ ang mga gagamba ay mababangis na mandirigma at hindi basta nagpapatalo sa kanilang kalaban. Kaya nga naging uso ito …
Read More »Ginang nilamon ng sawa sa isang maisan sa Sulawesi
Kinalap ni Tracy Cabrera SULAWESI, INDONESIA — Isang babae ang buung-buong nilamon ng malaking sawa habang nasa kanyang maisan sa Muna Island kalapit ng Sulawesi sa Indonesia nitong nakaraang linggo. Ayon sa ulat ng The Washington Post mula sa naunang report ng Jakarta Post, kinilala ang ginang na si Wa Tiba. Umalis ng kanyang bahay si Wa noong …
Read More »DoE tiniyak na walang power outages ngayong tag-init
MANILA — Sa kabila ng banta ng kakulangan sa supply ng enerhiya sa bansa, tiniyak sa publiko ng Department of Energy (DoE) na hindi magkakaroon ng mga power outage para sa sa mga electricity consumer sa Luzon grid habang nasa panahon ng tag-init ngayon taon. Gayon man, inihayag din ng Energy Power Industry Management Bureau (EPIMB) ng DoE, sa …
Read More »Tulak tigbak, kasama nakatakas (Nanlaban sa drug bust)
DEDBOL ang isang hinihinalang tulak habang nakatakas ang isa pa, nang manlaban sa isinagawang anti-narcotics operation ng Lupao Municipal Police Station SDEU sa pamumuno ni P/Capt. Ronan James Eblahan, nitong Lunes, 26 Abril, sa bayan ng Lupao, lalawigan ng Nueva Ecija. Kinilala ni PRO3 Director P/BGen. Valeriano De Leon ang napaslang na suspek, ayon sa ulat ni P/Col. Jaime …
Read More »Construction worker tiklo sa Kyusi (Wanted sa Pampanga)
NASORPRESA ang isang puganteng construction worker sa presensiya ng mga awtoridad at hindi akalaing matutunton ang kanyang hide-out sa loob ng mahigit isang dekada nang maaresto ng mga kagawad ng San Luis Municipal Police Station nitong Lunes, 26 Abril sa Mira Nila Homes, Pasong Tamo, sa lungsod ng Quezon. Kinilala ni PRO3 Director P/BGen. Valeriano de Leon ang suspek …
Read More »3-anyos nene minolestiya Hayok na ama, arestado
Hindi na nakapalag ang isang ama nang arestuhin ng mga awtoridad nitong Lunes, 26 Abril, matapos ireklamo ng panggagahasa sa paslit na anak sa bayan ng Guiguinto, lalawigan ng Bulacan. Sa ulat na ipinadala ng Guiguinto Municipal Police Station (MPS) kay Bulacan police director P/Col. Lawrence Cajipe, kinilala ang suspek na si Mark Delovino, 27 anyos. Nabatid na …
Read More »Kabilang sa listahan ng Bulacan Most Wanted bebot nalambat
MATAPOS ang mahabang panahong pagtatago sa batas, tuluyan nang naaresto ang isang babaeng kabilang sa listahan ng top most wanted person sa lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes, 26 Abril. Ayon sa ulat mula kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PPO, kinilala ang nadakip na suspek na Marilou Jimenez, 52 anyos, may asawa, at residente sa Brgy. Panghulo, …
Read More »Dr. Clemente Alcala, Jr., imbentor ng Kamstea, pumanaw
BINAWIAN ng buhay noong Biyernes, 23 Abril, si Dr. Clemente Alcala, Jr., isang medical frontliner at kasalukuyang Municipal Health Officer ng bayan ng Candelaria, lalawigan ng Quezon. Sa mahigit 30 taon, nakilala si Dr. Alcala sa kanyang “subida” o pagpunta sa mga bahay ng kanyang mga pasyente para sa regular na panggagamot, pagbisita, at pag-monitor sa kanila. Dahil sa …
Read More »Retiradong maestra patay sa sunog (Sa Isabela)
BINAWIAN ng buhay ang isang 67-anyos retiradong college professor nang tupukin ng apoy ang kaniyang tahanan sa lungsod ng Santiago, lalawigan ng Isabela, nitong Linggo, 25 Abril. Sa ulat na inilabas ng mga imbestigador nitong Martes, 27 Abril, nabatid, mag-isang nakatira ang biktimang kinilalang si Nelda Tubay, dating propesor sa La Salette University, sa kanilang ancestral house sa Brgy. …
Read More »PAF pilot patay, 3 pa sugatan (Air Force chopper bumagsak sa Bohol)
PATAY ang isang piloto ng Philippine Air Force (PAF) habang sugatan ang tatlong iba pa nang bumagsak ang kanilang sinasakyang helicopter nitong Martes ng umaga, sa tubigan ng Jandayan Island, bayan ng Getafe, lalawigan ng Bohol. Kinilala ang namatay na si Captain Aurelios Olano, piloto ng Philippine Air Force. Ayon kay Anthony Damalerio, provincial disaster risk reduction and …
Read More »11 akusado sa Dacera case inabsuwelto
IBINASURA ng Makati City Prosecutor’s Office ang inihaing reklamo ng Makati City Police Station laban sa 11 katao na isinangkot sa kaso ng namatay na flight attendant na si Christine Dacera. Nakasaad sa inilabas na 19-pahinang resolusyon ni Makati Assistant City Prosecutor Joan Bolina-Santillan, ang reklamo ay dismissed for lack of probable cause. Ayon kay Atty. Mike Santiago, …
Read More »Sen. De Lima nakalabas kahapon sa ospital (Mild stroke)
MALIBAN sa tila pagbaba ng timbang, walang naaninag na kakaibang pisikal na pinsala matapos mapabalitang nakaranas ng mild stroke si Senadora Leila De Lima. Kahapon, nakunan ng larawan ang senadora habang papabas sa Manila Doctors Hospital (MDH) sa Ermita, Maynila at nakatakdang ibalik sa Philippine National Police – Custodial Center, matapos ang matagumpay na pagsasailalim sa iba’t ibang uri …
Read More »PH nagpatupad ng travel ban sa bansang India
HINDI puwedeng pumasok ng Filipinas ang mga pasahero mula sa India bunsod ng paglobo ng kaso ng CoVid-19 sa nasabing bansa. Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, magsisimula ang travel ban 12:01 pm sa 29 Abril hanggang 14 Mayo 2021. “All travelers coming from India or those with travel history to India within the last fourteen (14) days …
Read More »Serye-Exclusive: Biktima ng DV Boer dudulog sa Comelec
ni Rose Novenario DUDULOG sa Commission on Elections (Comelec) ang mga naging biktima sa mala-Ponzi scheme ng DV Boer Farm Inc., upang harangin ang intensiyon ni Soliman Villamin, Jr. a.k.a. Dexter Villamin na lumahok bilang partylist nominee sa 2022 elections. Nauna rito’y napaulat na naghain ng “manifestation of intent to participate” si Villamin sa poll body kamakailan para …
Read More »Tanong ng mga taga-Quezon: Sputnik V vaccine nasaan?
KINUWESTIYON ng Quezon Rise movement, isang bagong tatag na koalisyon ng civil society, nagsusulong ng tunay na pagbabago sa lalawigan ng Quezon kung nasaan ang bakunang Sputnik V, matapos sabihin ni Quezon Governor Danilo “Danny” Suarez na nakakuha ng Sputnik Gamaleya ang kanyang lalawigan. “Hindi lang ang kapabayaan ni Governor Suarez dahil 2.9% lamang ang vaccination rate sa aming …
Read More »Bank official, mister kalaboso sa ‘nakaw’ na koryente
SWAK sa hoyo ang wanted na mag-asawang sina Nicasio Yuson, 43 anyos, at Ma. Carlota Yuson, 40, matapos maaresto sa Ignacio St., Brgy. Daang Hari, Navotas City, gabi nitong 26 Abril 2021, sa krimeng pagnanakaw ng koryente. Dala ang warrant of arrest, agad nadakip si Nicasio sa gate ng kanyang tirahan saka sumunod na naaresto ang asawang si Carlota. …
Read More »Pagsibak kay Parlade ipinasa sa NTF-ELCAC (Duterte iwas-pusoy)
ni Rose Novenario HINDI umubra ang pagiging commander-in-chief ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang military general na sentro ng kritisismo dahil sa ‘bisyong red-tagging.’ Ipinauubaya ni Pangulong Duterte sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang desisyon sa pagsibak kay Lt. Gen. Antonio Parlade bunsod ng red-tagging sa promotor ng community pantry at …
Read More »