Saturday , June 15 2024
Work From Home

Work from home sa ecozones, payagan na – Villanueva

ISINUSULONG ni Senador Joel Villanueva, payagan ang mga negosyo sa ecozones para magkaroon ng work-from-home (WFH) arrangement sa mga empleyado nito nang hindi nawawala o binabawi ang kanilang tax at fiscal incentives.

Hanggang 12 Setyembre 2022, papayagan ang mga negosyong kabilang sa Information Technology – Business Process Management (IT-BPM) sector na magkaroon ng WFH arrangement para sa 30 porsiyento ng kanilang mga empleyado

Inaamyendahan ng Senate Bill No. 135 ni Villanueva na “Work-from-Home in Ecozones Act” ang Republic Act No. 11534, kilala bilang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises Act (CREATE), upang mapanatili ang mga tax at fiscal incentives ng mga negosyong rehistrado sa mga ecozones at freeports kahit mayroon silang voluntary hybrid work arrangements sa kanilang mga empleyado.

“Marami sa ating mga kababayan na nakaranas ng work-from-home setup ang mas pipiliin pang mag-resign kaysa mapilitang magtrabaho on-site. Para sa kanila, mas sulit sa oras, gastos, at pagsisikap ang WFH,” ani Villanueva.

Ayon sa IT & Business Process Association of the Philippines, nakalikha ang WFH arrangement ng 23,000 bagong trabaho noong 2020 at 100,000 naman noong 2021. Tumaas din ang revenue ng sektor ng 12% noong 2021, na nagkakahalaga ng $28.8 bilyon o halos P1.505 trilyon.

“Malubhang trapik po ang isa sa mga primerong isyu na nais malutas ng Telecommuting Act noong ipasa natin ang batas na ito. Matapos ang tatlong taon, mas kilala na po itong Work From Home Law dahil nag-shift na po ang gawi ng pagtatrabaho dahil sa mga nationwide lockdown dulot ng pandemya,” sabi ng Senador.

Si Villanueva ang principal sponsor at author ng Republic Act No. 11165 o Telecommuting Act noong 17th  Congress, at naisabatas noong 2018.

“Kapag hindi pa rin tayo handa sa Fourth Industrial Revolution at nakatali ang ating mga insentibong pangnegosyo sa regulasyong hindi na angkop sa panahon, lalo pong mapag-iiwanan ang bansa at mahihirapan po tayo,” ani Villanueva.

Bukod sa Work From Home in Ecozones Bill, nag-file din ang senador ng Senate Bill No. 134 na Adoption of Alternative Work Arrangements Bill, at ang Senate Bill No. 136 na Freelancers Protection Bill ngayong ika-19 Kongreso. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

DOST 1 opens ‘smart and sustainable’ workshop in Laoag City

DOST 1 opens ‘smart and sustainable’ workshop in Laoag City

THE Participatory Planning and Road Map Development Workshop towards a Smart and Sustainable City of Laoag kicked off …

Las Piñas LGU may bagong environmental at health vehicles

Las Piñas LGU may bagong environmental at health vehicles

PINABASBASAN ng pamahalaang lungsod ng Las Piñas ang nakuhang mga bagong sasakyang pangkalikasan at pangkalusugan …

10,000 trabaho handog ng pasay LGU sa Kalayaan Job Fair

10,000 trabaho handog ng pasay LGU sa Kalayaan Job Fair

ISANG mega job fair ang inihandog ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Pasay kahapon …

Chavit Singson

Chavit Singson mamimigay ng P7-M sa kanyang kaarawan

MAMAMAHAGI si dating governor Luis “Chavit” Singson ng saya at kabutihang-loob sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan ngayong taon. …

Sam Verzosa Yul Servo

VM Yul at Rep Sam magsasalpukan sa pagka-Manila mayor 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAPARAMDAM na ang bofriend ni Rhian Ramos na si partylist representative Sam Versoza sa ilang barangay …