Tuesday , December 24 2024

Masonry Layout

Sa Pasig City: P27.2-M shabu nasamsam, 3 drug group member todas

TINATAYANG P27.2 milyong halaga ng droga ang nasamsam ng mga awtoridad sa napatay na tatlong hinihinalang miyembro ng Kenneth Maclan drug syndicate nang makipagbarilan sa mga awtoridad nitong Lunes ng madaling araw, 12 Hulyo, sa lungsod ng Pasig. Sa ulat na tinanggap ni NCRPO Regional Director P/Maj. Gen. Vicente Danao, kinilala ang mga napaslang na suspek na sina alyas Paulo, …

Read More »

Solon nagmungkahi: 12 Hulyo ideklarang WPS Victory Day

UPANG laging maalala ng mga Filipino na saklaw ng Filipinas ang West Philippine Sea (WPS) iminungkahi ni Deputy Speaker at Cagayan de Oro City representative Rufus Rodriguez na ideklara ang 12 Hulyo kada taon na National West Philippine Sea Victory Day. Sa House Resolution No. 1975 na isinumite noong 7 Hulyo 2021, hinimok ni Rodriguez ang Kongreso na gawing National …

Read More »

Fernando muling tatakbong gobernador sa eleksiyong 2022

DANIEL FERNANDO Bulacan

“HANGGA’T maaari ay ayoko muna talagang pag-usapan ang halalan o politika, makapaghihintay naman ‘yan, kaya lang, gusto ko lang linawin sa aking mga kalalawigan na hindi nagbabago ang aking posisyon, kung ano ‘yung posisyon ko noong una akong humarap sa inyo noong 2019, ay ganoon pa rin po ang aking posisyon ngayon hanggang 2022, tatakbo pa rin po ako bilang …

Read More »

2 drug traders, 9 pa nasakote sa Bulacan  

shabu

SUNOD-SUNOD na nadakip ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan ang dalawang drug trader, limang pugante, at apat na iba pa sa serye ng mga operasyon laban sa krimen nitong Linggo, 11 Hulyo. Batay sa ulat na ipinadala kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, naaresto ang dalawang drug suspects sa magkahiwalay na anti-illegal drug operations na ikinasa ng …

Read More »

Jeepney driver binoga sa ulo ng tandem todas

dead gun police

AGAD binawian ng buhay ang isang jeepney driver makaraang malapitang barilin sa ulo ng riding-in-tandem sa Barangay Gulod, Novaliches, Quezon City, nitong Linggo ng madaling araw. Ang biktima ay kinilalang si Jessie Medina Rivera, Jr., 40 anyos, may live-in partner, jeepney driver, at residente sa San Luis St., Barangay Gulod, Novaliches Quezon City. Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng …

Read More »

2 bodyguards ng negosyante todas sa duwelo (Nagkainitan, nagkabarilan)

dead gun

TUMIMBUWANG kapwa ang dalawang bodyguard ng isang negosyante nang magduwelo sa gitna ng isang ‘team building activity’ sa loob ng isang resort sa Brgy. 4, lungsod ng Sipalay, lalawigan ng Negros Occidental, nitong Sabado, 10 Hulyo. Kinilala ni P/Maj. James Latayon, hepe ng Sipalay City police, ang mga nagpatayan na sina Fernando Silanga, 46 anyos, ng lungsod ng Taguig; at …

Read More »

Rider sumalpok sa truck patay (Driver tumakas)

road traffic accident

PATAY ang isang rider nang sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa isang trailer truck kamakalawa ng madaling araw sa Caloocan City. Dead on arrival sa Caloocan City Medical Center (CCMC) ang biktimang si Amhangel Yaris, 33 anyos,  residente sa Sto. Domingo, Quezon City sanhi ng grabeng pinsala sa ulo at katawan. Sa ulat na isinumite ni P/Cpl. Dino Supolmo, may hawak ng kaso …

Read More »

Angat Bridge bukas na sa mga motorista (Arterial Plaridel By-pass Road pinalawak)

MAAARI nang daanan ng mga motorista ang pinalawak na 2.22-kilometer section ng Arterial Plaridel Bypass Road, kasama ang isa sa pinakamahabang tulay sa Angat River, sa bayan ng Bustos, lalawigan ng Bulacan. Sa pahayag ng Public Works and Highways (DPWH), mapagbubuti ng dalawang bagong lane ang transport capacity ng bypass road dahil sa pagdami ng bilang ng mga motoristang maaaring dumaan …

Read More »

20 pasaway sa Bulacan arestado

SUNOD-SUNOD na pinagdadakip ng mga awtoridad ang 20 tigasin at pasaway sa lalawigan ng Bulacan sa serye ng mga operasyon laban sa krimen mula Sabado, 10 Hulyo hanggang Linggo ng umaga, 11 Hulyo. Sa ulat mula kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, nasakote ang mga suspek na sina Ernesto Magsino, Jr., ng Abangan Norte, Marilao; Edson Manozca ng …

Read More »

Yorme Isko hinikayat tumakbong presidente

Isko Moreno

ISINUSULONG ng mga grupong Parents Enabling  Parents (PEP) at ng IM Pilipinas na tumakbo sa pagkapangulo sa 2022 elections si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso. Handa umano ang dalawang grupo na maghatid ng lubos na suporta mula sa kandi­datura hanggang sa pagbabantay ng mga boto ni Yorme sa halalan. Sa ginanap na weekly forum ng Southern Metro Manila Press …

Read More »

‘Child Friendly Safe Zones’ itinakda sa QC

QC quezon city

ITINAKDA ng Quezon City government ang ilang open-air locations sa lungsod bilang ‘Child Friendly Safe Zones.’ Ibig sabihin, papa­ya­gan magtungo at maka­pagsagawa ng outdoor activities, non-contact sports at exercisee, ang mga paslit na limang taong gulang pataas. Ito’y matapos pahin­tu­lutan na ng Inter-Agency Task Force on COVID-19 (IATF) ang mga batang limang taon pataas mula sa kanilang mga tahanan. Sa …

Read More »

OVP mas maraming nagawa — Robredo (Kung may dagdag 375 personnel gaya ng PCOO)

MAS marami sanang nagawa ang Office of the Vice President (OVP) kaugnay sa pagtugon sa CoVid-19 pandemic kung puwede rin silang kumuha ng dagdag na 375 personnel gaya ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) noong 2020. “Hindi ko ma-imagine ‘yung 375. Kapag iniisip ko may plus 375 kami ang laking bagay no’n to any office. Ang dami-daming puwedeng gawin,” sabi …

Read More »

Ashfall disaster ng Taal, aberya sa power plants 10 buwan bago 2022 polls

ni ROSE NOVENARIO NAGBABALA ang isang mamba­batas sa nagbabadyang malaking aberya sa power plants sa nakaambang “ashfall disaster” kapag may malakas na pagsabog ang Taal Volcano, sampung buwan bago idaos ang 2022 elections. Ayon kay Makati City Rep. Luis Campos, Jr., nasa panganib ang katatagan ng power supply ng Luzon sa napipintong malakas na pagsabog ng bulkang Taal lalo na’t …

Read More »

Nonoy Espina emergency fund for media workers itinatag ng NUJP (Abuloy, donasyon ipinagkaloob ng pamilya)

SA PAGLULUKSA ng mga mamamahayag sa buong bansa, dahil sa pagpanaw ni Jose Jaime “Nonoy” Espina, dating tagapangulo ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), inihayag ng kanyang pamilya kahapon, ang lahat ng abuloy at donasyon para sa kanya, ay kanilang ipagkakaloob bilang pondo para sa kalusugan at kagalingan ng mga mamamahayag at iba pang media workers.   …

Read More »

P420-M pondo ng PCOO para sa nat’l ID ‘binaril’ ng COA

ni ROSE NOVENARIO   KINUWESTIYON ng Commission on Audit (COA) kung saan napunta ang P419,563,200 pondo ng Philippine Identification System (PhilSys) o national ID system na ibinigay ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa Presidential Communications Operations Office (PCOO).   Nakasaad sa 2020 Annual Audit Report ng COA, kulang ang implementasyon ng mga aktibidad at paggamit ng pondo ng PhilSys ng …

Read More »

Top 2 MWP arestado nadakma ng QC police sa Antipolo City

arrest prison

NADAKMA ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang itinuturing na top 2 most wanted person (MWP) sa bisa ng warrant of arrest sa pinagtataguan nito sa Antipolo City.   Ayon kay P/Maj. Jun Fortunato, Deputy Station Commander ng Holy Spirit Police Station 14 ng Quezon City Police District (QCPD), ang suspek ay kinilalang si Paul John Lecetivo, …

Read More »

Fish kill sa Taal lake umabot sa 109 metric tons na

LALO pang nadagdagan ang bilang ng mga namamatay na isda sa lawa ng Taal mula nang itaas sa Alert Level 3 ang estado ng bulkan.   Sa report ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Region 4-A, nasa 108 metric tons ang naitalang dami ng namatay na bangus at tilapya mula noong nakaraang linggo. Katumbas nito ang halagang P 8,999,250. …

Read More »

Digong walang binatbat kina Grace, Isko, at Tito

ni ROSE NOVENARIO TINIYAK ni dating Sen. Antonio Trillanes IV kahit maging bise presidente ay hindi makaliligtas si Pangulong Duterte sa pananagutan sa kasong crimes against humanity na isinampa laban sa kanya sa International Criminal Court (ICC) kaugnay sa libo-libong nasawi bunsod ng drug war ng kanyang administrasyon.   “Hindi siya makaliligtas. Kapag nanalo ang oposisyon kahit manalo siya ng …

Read More »

Duterte takot ‘magaya’ kay Robredo (Kapag nanalong VP)

ni ROSE NOVENARIO   “DO unto others as you would have them do unto you.” Kabado si Pangulong Rodrigo Duterte sa Golden Rule na ito kapag pinalad na maging bise presidente sa 2022, kaya gusto niyang kakampi ang mananalong president.   Sa mahigit limang taon ng kanyang administrasyon, hindi niya binigyan ng papel si Vice President Leni Robredo dahil mula …

Read More »

Lola, 4 kasamang mananahi, kelot arestado sa tong-its

playing cards baraha

ISANG 60-anyos lola, kasama ang apat na babaeng kapwa mananahi, at isang lalaki ang inaresto ng mga awtoridad na natiyempohang ‘naglalaro’ ng tong-its at naglalatag ng taya sa isinagawang anti-illegal gambling operation ng pulisya sa Malabon City.   Kinilala ang mga nadakip na sina Elizabeth Hiraban-Frejoles, 60 anyos, Teresita Hiraban, 59 anyos, Dina Frejoles, 27 anyos, Joan Frejoles, 24 anyos, …

Read More »

2 lalaki huli sa drug buy bust sa Kankaloo

SWAK sa kulungan ang dalawang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga kabilang ang isang online seller sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.   Kinilala ni Caloocan City chief of police Col. Samuel Mina, Jr., ang naarestong mga suspek na sina Miguel Cantos, alyas Migs, 20 anyos, kilalang drug pusher, residente sa 1st …

Read More »

Lolo tinaniman ng 2 bala sa ulo sa QC

gun QC

TUMIMBUWANG ang 63-anyos lolo sa dalawang beses na pagbaril sa kanyang ulo ng hindi kilalang suspek sa Quezon City, nitong Martes ng madaling araw.   Ang biktima ay kinilalang si Norberto Marquez Onoya, 63, may asawa, walang trabaho at residente sa Blk. 6 Poinsettia St., Brgy. Commonwealth, Quezon City.   Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon …

Read More »