Saturday , July 27 2024
Bread and Pastry Training NC II

Bread and Pastry Training NC II sa Sta. Maria

NAGLABAS ng paanyaya si Mayor Cindy Carolino ng Sta. Maria, Laguna sa pagpapatuloy Bread and Pastry Training NCII, may nakalaang 25 slots para sa mga gustong madagdag ng kasanayan at magdagdag ng kaalaman para makapagbibigay ng mas maraming oportunidad upang bumuti ang antas ng kanilang pamumuhay.

Hangad ni Mayor Carolino, sa pamamagitan ng pagsasanay na ito ay magbukas ang maraming oportunidad para sa kanyang mga kababayan upang makapagtrabaho at magkaroon ng magandang buhay.

Bahagi ito ng kanyang commitment at hangaring maitaas ang antas ng pamumuhay ng mga kababayan.

Patuloy na naglalaan ng pondo ang pamahalaang bayan ng Sta. Maria upang mas marami pang kurso at pagsasanay ang maipagkaloob para sa skills development and training na magagamit naman ng mga mamamayan sa paghahanapbuhay. (BOY PALATINO)

About Boy Palatino

Check Also

Dulot ng bagyong Carina
PAMPANGA, BULACAN, IBA PANG LUGAR SA CENTRAL LUZON LUMUBOG SA BAHA  
2 iniulat na nasawi

PATULOY na nagsasagawa ng disaster response operations ang mga pulis sa Central Luzon habang nananatili …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted person sa Bicol Region naaresto sa Zambales

ISANG personalidad na nakatala bilang isa sa Most Wanted Persons sa Bicol region ang naaresto …

Bulacan Police PNP

Sampung wanted na kriminal sa Bulacan nasakote

HINDI alintana ng kapulisan sa Bulacan ang malakas na ulan at baha dulot ng bagyong …

Honey Lacuna Manila Baha Ulan Bagyo Carina

Bilang tugon sa problemang dala ni ‘Carina’:
SERYE NG DIREKTIBA IPINALABAS NI MAYOR HONEY

NAGPALABAS ng serye ng direktiba si Manila Mayor Honey Lacuna bilang tugon sa mga problemang …

Honey Lacuna Pangan Manila baha ulan carina

Pag-kalinga ni Action Lady, Mayor Lacuna kahit bagyo naramdaman ng mga Manileño!

BALEWALA kay Manila Mayor Honey Lacuna Pangan ang mataas na tubig baha na kanyang nilusong …