Wednesday , June 24 2026
Sarah Javier

Ihip ng Hangin ni Sarah Javier wagi rin sa Star Awards for Music 

MATABIL
ni John Fontanilla

SOBRA-SOBRA ang kasiyahan ni Sarah Javier dahil  first time niyang nanalo sa Star Awards for Music para sa kategoryang Best Inspirational Song sa kanyang awiting Ihip ng hangin na siya mismo ang sumulat.

At sa kanyang thank you speech ay hindi naiwasang maluha lalo’t ito ang kauna-unahang pagwawagi niya sa Star Awards for Music. 

Naging laman ng kanyang speech ang naging inspirasyon niya kung bakit  niya naisulat ang Ihip ng Hangin, at ito ay dahil sa nandemiyang ating kinakaharap na sa isang ihip ng hangin ay unti-unti rin nating  malalagpasan.

Nagpasalamat din ito sa kanyang very supportive mom na si Tita Lilly Camet at sa kanyang asawang si Jay at anak na si Jacob at sa kanyang mga tagahanga na nakasuporta sa mga proyektong ginagawa.

Thankful din ito sa pamunuan at miyembro ng Philippine Movie Press Club sa karangalang ibinigay sa kanya.  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Bayani Agbayani John Lloyd Cruz Ellen Adarna Rufa Mae Quinto

John Lloyd at Ellen bibida sa isang sitcom sa GMA

MA at PAni Rommel Placente IBINALITA ni Bayani Agbayani sa isang interview, na may gagawin siyang sitcom …

Isha Ponti

Isha Ponti walang itulak kabigin sa mga kanta sa Likas

HARD TALKni Pilar Mateo AUSPICIOUS day. A Palindrome 620206. At ika -20 taon ng kanyang …

Mister and Miss Lipa 2026

Pambato ng Brgy Sampaguita at Tambo wagi sa Mister & Miss Lipa Tourism 2026

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KLIMA. Mayamang pamana. Mamamayan ng Lipa. Biyaya. Pagtitiwala. Layunin. Ilan ito …

Rufina Villena Gelston

Rufina Villena Gelston, sasabak sa tatlong movies sa Inding-Indie Film

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio INILUNGSAD ng Inding Indie Film ang isa sa kanilang bagong proyekto …

Ruben Maria Soriquez

Ruben Soriquez waging Best Actor, “Sin Preguntas Sin Mas” titulo ng kanyang new album

MARAMING blessings ngayon ang Filipino-Italian actor/director/singer na si Ruben Maria Soriquez. Bukod sa pagganap sa mahalagang papel sa …