Saturday , December 10 2022
Kim Chiu Lifestrong Hairfix

Kim Chiu bye bye hair days na 

POSIBLE na ang confidence at achieve ang laging healthy hair sa anumang oras at sa lahat ng araw kahit ano pa ang edad, kasarian, at income sa buhay.

Nagbahagi ng kanilang mga sikreto sina Kim ChiuMiss World PH 2021 Tracy Maureen PerezMiss Hispanoamericano PH 2022 Ingrid Santamaria, at ilang influencer para makuha ang perpektong kulot at tuwid na buhok sa naganap na intimate media  launch ng Lifestrong Hairfix.

Ani Kim, importante na pangalagaan ang crowning glory sa anumang okasyon, anumang oras at kahit saan man.

Pinatunayan din ito ng mga beauty influencer na sina Kris Lumagui at Lolly Isabel na dalawa sa namuno na magbahagi ng tips at kung paano nakatulong ang Hairfix sa pag-solve ng mga hair problem ng mga kababaihan.

Present din ang ibang influencers na sina Quel Palomo, Nikki Tiu, Patricia Parian ng Momshies Diary, gayundin sina, Tiktok Influencers Grace Uy, Aika Legaspi, Mica Abacan, Jaymie Cruz, at Jaymee Javier.

Isa  sa highlight ng paglulunsad ay ang personal na pagtanggap ng plaque ni  Kim kasama ang  Lifestrong executives na sina Ms Marge Lee at Mr Lance Lee, presidente ng European Hair Factory at Philippine General Hospital para sa kanilang hair donation drive para sa mga cancer patient.

“Gusto talaga ng Lifestrong and ni Ms. Marge na magkaroon ng magandang hair ang lahat. And of course, ang mga cancer patients hindi talaga maiiwasan na magkaroon sila ng hair loss at mawalan ng confidence sa sarili nila na ‘Wala na kaming hair kaya hindi na kami lalabas ng bahay,’” ayon kay Kim.

Dagdag niya, “I’m very happy kasi hindi lang siya nagpapaganda ng hair ko kasi nagbibigay din siya ng hope for the cancer patients.”

Hatid ng Lifestrong Hairfix ang kompletong Do-It-Yourself solution na tutugon  sa bawat pangangailangan ng buhok mula sa mga hair essentials, hair treatment, hair color, hairstyling, at general items na pwedeng gamitin sa bahay at hindi na kailangan pang gumastos ng mahal sa salon.

“In creating personal care products, we have always looked at creating items that empower Filipinos. But it doesn’t end there, we want our items to be accessible to many anytime anywhere. We know that times are hard and that the pandemic has changed the game for everyone including taking care of themselves. Such is the concept behind our DIY Hairfix products,” ani Margaret, Lifestrong’s Hairfix co-founder.

Samantala, ang Hairfix Multiplex Serum Range ang nagbibigay ng kailangang  bitamina at sustansya para iwas sa pagkasira ng buhok dulot ng styling at init ng panahon,  kemikal, at polusyon.

Ang  de-kalidad na pangangalaga at advancement, ang Multiplex Serum Line ay binubuo ng Shampoo, Conditioner, at Treatment na gawa sa Italy, na may dalawang varian ang HAIRFIX MULTIPLEX SERUM RANGE- ANG Hyaluronic Acid with Zinc, na nag-hydrate sa buhok to power repair dry and damaged hair, at Keratin na may Zinc, na nagtutuwid at nagpapataas ng power growth para sa rizzy and tangled na buhok.

Ang Hairfix Multiplex Serum Lines ay friendly sa scalp dahil wala silang malupit na kemikal tulad ng Paraben at Phthalate na matagal nang napatunayang nagdudulot ng iba’t ibang problema sa buhok at mga allergic reaction.

Hindi na rin kailangang gumastos ng malaki para ma-achieve ang hair goals dahil ang Hairfix Multiplex Serum Shampoo at Conditioner 250ml ay nagtitingi sa halagang P119, habang ang Hair Treatment 220ml ay nagtitingi sa P239, para sa Buy One Take OnE. Available ang lahat sa Watsons at SM Department stores nationwide ngayong Oktubre 2022.

About hataw tabloid

Check Also

vhong navarro tanya bautista

Tanya masayang-masaya sa pansamantalang paglaya ni Vhong

MA at PAni Rommel Placente MASAYA kami para kay Vhong Navarro para sa pansamantala nitong kalayaan. Nitong …

Bea Alonzo Magpakailanman MPK

Bea sa MPK — ‘di lang takutan, it’s very heartbreaking

RATED Rni Rommel Gonzales BIBIDA si Bea Alonzo sa isang special episode ng ika-20 anibersaryo ng Magpakailanman sa Sabado. …

Jeric Gonzales Broken Blooms Louie Ignacio

Jeric at pinagbibidahang pelikula humakot ng award 

BAGO pa man ipalabas dito sa Pilipinas ang Broken Blooms, humakot na ito ng awards mula …

Imee Marcos Atang Paris

Sen. Imee nagritwal ng Atang sa Paris!

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio DADALHIN ni Senadora Imee Marcos ang kanyang vlog followers sa …

Alfred Vargas

Alfred Vargas, passion ang showbiz at paglilingkod sa bayan

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKATATLONG termino bilang congressman ng District 5 ng Quezon City …