Thursday , December 8 2022
Sean de Guzman Christine Bermas Crisanto Aquino 2

Direk Crisanto Aquino, bilib sa husay nina Sean de Guzman at Christine Bermas sa Relyebo

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

IPINAHAYAG ng direktor at writer ng Relyebo na si  Direk Crisanto Aquino ang pagkabilib sa mga bida sa pelikulang ito na sina Sean de Guzman at Christine Bermas.

Sa advance screening ng pelikulang Relyebo, palabas na sa Oct. 14 sa Vivamax, nabanggit ni Direk Crisanto na first time siyang sumabak sa ganitong genre ng pelikula, na kargado hindi lang ng love scenes, kundi ng sex scenes mismo. 

Aniya, “Kinakabahan talaga ako, frst time kong gumawa ng may love scenes at sex scenes. So, look test pa lang ay nag-ask na ako sa tatlo (Sean, Christine, at Jela), na tulungan ako.

“For example, kapag sinabi ko bang kainin mo ‘yung ano niya, okay lang ba ‘yun? Didikit ba talaga iyan? So, may mga bagay akong hindi alam, pero nagulat ako nang ginagawa na namin, ganoon pala iyon?”

Pagpapatuloy ni Direk, “They gave they’re all talaga, e, na-shock ako and sabi ko, ‘Shit, ito ang gusto kong gawin! So, actors talaga ang tumulong sa akin para magawa namin nang maayos ang lahat ng love scenes. Sobrang credit sa kanila iyong part na iyon, love scenes…

“Nagulat ako roon, mabilis pala, akala ko ay mabagal,” natatawang bulalas pa niya.

Pahabol ni Direk Cristanto, “Tinanong ko pa nga si Sean, ‘Kapag kinain mo ba si Jela, ilalagay mo ang leg niya sa balikat mo?’ ‘Oo naman direk, ako na ang bahala roon,’” sagot daw sa kanya ni Sean.

Tampok din dito sina Jela Cuenca, Jeric Raval, Lara Morena, at iba pa, with cult director Roman Perez, Jr., as creative producer.

Nabanggit ni Sean, cool katrabaho ang kanilang direktor sa Relyebo.

Pahayag ni Sean, “Si Direk Cris, kapag nakatrabaho n’yo po siya, para kayong isang basketball team. So si direk is hands-on siya sa actors niya, importante ‘yun, sa mga bawat detalye ng nuances ng mga aktor. So, kailangang makita iyon and gina-guide kami talaga ni direk. Sobrang gaan lang ni direk makatrabaho, wala kaming naging problema.”

Nagpasalamat si Christine sa kanilang direktor.

“Sobrang hands-on talaga sa amin si direk sa set, specially sa mga drama scenes namin, nandoon talaga si Direk to guide us, ako at si Sean.

“Kasi ako nag-oopen ako kay direk, kasi parang hindi ko kayang sumigaw nang sobra and sabi niya na parang i-feel mo lang iyong karakter mo, like parang sabi niya, ‘Isipin mo na ito ang pinakagalit na moment mo,’ ganoon.

“So, ginawa ko siya at isang beses lang ang take namin… hindi niya kami pinabayaan, one hundred percent talaga na nandoon si direk for us,” sambit ng aktres.

Anyway, dahil kinikilala na si Sean hindi lang bilang mahusay na actor, kundi award winning pa sa dalawang international filmfest, posible bang sa future projects niya ay mag-lie low na siya sa sexy films?

Wika ni Sean, “Hindi naman siguro, gusto ko kasing ma-try lahat, e. As an actor, hindi lang tayo dapat nag-i-stick sa isang genre, so kailangan nating maging flexible, kailangan natin maging versatile, like papasukin muna natin ang drama.

“Pero hindi ko naman tatalikuran talaga na hindi na ako maghuhubad… Kung maganda talaga ang script at kailangang maghubad para mapaganda ang istorya, gagawin pa rin natin,” esplika ng guwapitong talent ni Ms. Len Carrillo.

Ang pelikulang Relyebo ay tungkol sa buhay mag-asawa na nagsisimula pa lang bumuo ng kanilang mga pangarap sa buhay, sa mga tuksong nagkalat sa paligid, ang kahulugan ng tunay na pagmamahal na hindi dapat inaabuso, pagtataksil, at pagpapatawad.

About Nonie Nicasio

Check Also

Vhong Navarro

P1-M piyansa ni Vhong pinayagan ng korte

PINAHINTULUTANG makapaglagak ng piyansa ang aktor at TV host na si Vhong Navarro para sa …

Therese Malvar Jeric Gonzales

Lips ni Therese nadonselya ni Jeric

COOL JOE!ni Joe Barrameda KAKAUWI lang namin from the red carpet premiere ng Broken Blooms na puno …

Maricel Soriano Randy Santiago

Randy gustong makatrabaho muli si Maricel

MA at PAni Rommel Placente PANGARAP ni Randy Santiago na sa susunod na taon ay makapag-record siya …

Tuesday Vargas

Tuesday ‘nabastos’ ng dalawang baguhan

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST ang komedyanteng si Tuesday Vargas sa kanyang Instagram account tungkol sa naranasan niya …

Daniel Padilla Paolo Ortiz

Rey Paulo Ortiz Daniel Padilla in the making

MASAYANG-MASAYA si Rey Paolo Ortiz sa pagkakatanghal sa kanya bilang 2022 Prince Tourism Ambassador Universe kamakailan na isinagawa ang …