Saturday , July 27 2024
Kate Hillary Marianne Biatriz Bermundo

Marianne at Hillary lilipad sa Dubai para sa Little Miss Universe 2022

MATABIL
ni John Fontanilla

MAGKASAMANG aalis papuntang Dubai sa October 24 sina 2021 Little Miss Universe2022 Asian Business Excellence Awards Most Outstanding Teen Model Marianne Biatriz Bermundo at 2022 Little Miss Universe- Philippines Kate Hillary Tamani para sa 2022 Little Miss Universe.

Ipapasa ni Marianne ang kanyang korona sa hihiranging 2022 Little Miss Universe, samantalang si Kate naman ang pambato ng Pilipinas.

Kasamang pupunta ng Dubai ang very supportive mom ni Marianne na si Virgie Batalla-Bermundo gayundin sina Ayen Castillo (trainor and CEO & President ng Aspire Magazine Philippines) at ang daddy ni Kate na si Dr Mio Tamani.

 Payo ni Marianne kay Kate, i-enjoy lang nito ang kanyang journey sa international pageant. “Make friends at ibigay mo ang iyong 100% para maiuwi ang Little Miss Universe crown,” ani Marianne.

Ipinangako naman ni Kate na ibibigay niya ang lahat ng makakaya para maiuwi ang naturang korona. Kaya naman naka-focus ito sa kanyang  training ng pasarela/modeling, question and answer at sa kanyang gagawing talent, ang pagsayaw.

Sina 2018 Miss Universe Catriona Gray at 2022 Miss Universe-Philippines Celesti Cortesi ang kapwa iniidolo nina Marianne at Hillary.

About John Fontanilla

Check Also

Ruru Madrid Coco Martin

Ruru gagayahin si Coco magdidirehe at magpo-produce

RATED Rni Rommel Gonzales NADISKUBRE namin na may ambisyon pala si Ruru Madrid na maging isang producer. …

Binibining Pilipinas PlayTime Binibini

PlayTime sanib-puwersa sa 60th Binibining Pilipinas 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALUGOD na inihayag ng PlayTime, ang mabilis na lumalagong 24/7 online …

Puregold Cinepanalo Film Festival 2025

2nd Puregold Cinepanalo mas pinalaki, mabibiyayaan ng grant dinagdagan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio  MAS pinalaki, mas pinalawak. Ito tila ang gustong tahakin ng …

Quinn Carillo Christine Bermas Itan Rosales Kaskasero

Christine Bermas at Itan Rosales, unang nagkatikiman sa pelikulang Kaskasero

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio UNANG nagkasama sa isang project sina Christine Bermas at Itan …

Mark Anthony Fernandez Mariane Saint Carby Salvador

Mark Anthony bokya kay Mariane

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HINDI issue kay Mark Anthony Fernandez kung nagpapakita siya ng skin sa …