Wednesday , December 7 2022
Jessa Macaraig

Jessa ng The Pretty You isinauli Mrs Universe Philippines crown

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI align sa prinsipyo ko ang sistema nila.” Ito ang ibinigay na katwiran sa amin ng kinoronahang Mrs Universe Philippines na si Jessa Macaraig kamakailan na nagbalik ng korona sa Mrs Universe Philippines Organization dahil katwiran niya ang dangal ng isang pagiging babae ay hindi nabebenta o nabibili.

Itinanghal na Mrs Universe Philippines si Jessa na makikipag-compete sana sa Mrs Universe Pacific sa Korea subalit kailangan niyang mag-produce ng P350K.

Sa registration pa lang nabigla na ako kasi malaki rin ‘yung P50K, sinabi nila na para sa foundation ‘yun mapupunta kaya naman umokey na rin ako roon. And then noong nanalo ako na ganoon pala kalaki ang kailangan kong i-produce (P350K) para makapunta at makipag-compete ako sa Korean,” esplika ni Jessa nang makahuntahan namin ito sa opening ng bagong branch ng The Pretty You na franchise ng magkaibigan at magkaklaseng sina Atty. Patricia Galang at Maya Doria sa  #4 2nd Avenue, Bagong Lipunan ng Crame, Quezon City.

Sinabi pa ni Jessa na bukod sa korona, wala na silang ibang natanggap na premyo. “I gain friends and experience. Pero ‘yung price parang wala. Dapat pala nakalagay ‘yun sa contract ano? Actually ang nakalagay sa contract bawal magsalita ng against sa organization. Wala kaming natanggap as in anything, or in cash or anuman bilang premyo.” 

Ang sinasabing P350K ay for registration lamang at wala pa roon ang ticket papuntang Korea. “As a business owner and alam ko ‘yung hard earned money and a mother hindi po ako gagastos ng pera para sa ganoon at marami pa tayong paglalaanan for that,” sambit pa ni Jessa na kamukha ni Angel Locsin at may K naman talagang maging beauty queen.

Kaya naman nasabi ni Jessa sa organizers na kung hindi siya matutulungan para makakuha ng sponsors para sa pag-compete niya international, “I might bring back the crown. And it’s official kasi I have a kapalit na. But wala silang passing the crown in formal and title.”

Idinagdag pa ni Jessa na hindi rin niya alam kung paano ang sistema ng pamunuan ng Mrs Universe dahil napag-alaman niya lamang sa mga kapwa candidate na tinawagan ang ilan sa mga ito para ipalit sa kanya pero hindi iyon tinanggap dahil bukod sa wala naman sila sa Top 12, kaibigan pa nila si Jessa. 

At after niya ibalik ang korona, hindi na rin nakipag-usap pa sa kanya ang organizer. 

Ako po ay may laban naman din akong iba at gusto ko rin lang ipakita sa lahat ng mga mother na hindi natin kailangang gumastos para ipakita ang talent natin, ‘yung effort natin, at para i-showcase ang talent na bigay ni Lord,” sambit pa ni Jessa.

Sinabi pa ni Jessa na kaya siya nag-voice out ay dahil, “kawawa naman ‘yung mga mom na may talent din. Sana pala ipina-bid na lang nila ‘yung crown ‘di ba? Sana hindi na kami nag-effort kasi kahit ano pala ang talino namin, kahit ano ang ganda namin, eh may nanalo na pala.”  

Nilinaw naman ni Jessa na, “Wala akong sinasabi against them, I don’t have anything against them lalo na sa mga nanalo. Hindi ko lang gusto hindi align ‘yung principles ko sa sistema.”

Bukas ang aming pahina sa organization ng Mrs Universe Philippines sakaling gusto nilang ipahayag ang kanilang saloobin ukol sa usaping ito.  

Samantala, sobra-sobra naman ang bilib ng magkaibigang PG at Maya kay Jessa na hindi pa nila nasusubukan ang services ng The Pretty You ay agad na silang napa-oo para mag-franchise.

Katwiran ng magkaibigan, pinasok nila ang negosyong pagpapaganda dahil matagal na rin nilang gustong magnegosyo bukod sa hilig din nila ang magpaganda. “After one meeting we were convinced kasi we can really see from Jessa and Marvin na sincere and they are really masipag. Napabilib ako sa mag-asawang iyon, ang bata-bata pa, mas bata pa sa amin ng ‘di hamak. In a span of few years, lumago agad ang negosyo nila at ikinuwento nila sa amin even during the pandemic the business like this is hard  but the support was there, so what’s more kung matapos na ang pandemic,” anang abogadong si PG.

“Ano lang talaga leap of faith plus bilib kami kasi in just a short span of time ang dami na niyang franchisee. Noong time na nag-aplay kami, 14 lang yata, ngayon 25 na,” sabi naman ni Maya na mahilig talagang magnegosyo.

Bilid din sila sa pagiging hands on nina Jessa at Marvin at hindi talaga sila pinababayaan hanggang hindi maayos ang lahat sa kanilang clinic.

Ang  isa sa ipinagmamalaking services ng The Pretty You ay ang celebrity facial na mura na gumanda ka pa.

Ani PG, “Kasi ang dami niya nang kasama, from cleansing, extraction, tapos may collagen mask,may  collagen cream, vaccum, tapos may kasama pa siyang PDT which is the photo dynamic theraphy. Not all facials have that, huh! And for the price, mura lang siya, P999.”

“After they (clients) try the celebrity facial, kukuha sila ng VIP package right away, kasi sulit. For 12 sessions, they can only pay P3,000 and for any other services, 10% off,” pagmamalaki naman ni Maya.

So sa mga mahilig magpaganda at para lalong mapanatili ang ganda, go na kayo sa The Pretty You dahil tiyak na worth ang inyong pagpunta. Hindi lang dahil mura kundi napakaganda pa ng kanilang serbisyo.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vhong Navarro

P1-M piyansa ni Vhong pinayagan ng korte

PINAHINTULUTANG makapaglagak ng piyansa ang aktor at TV host na si Vhong Navarro para sa …

Therese Malvar Jeric Gonzales

Lips ni Therese nadonselya ni Jeric

COOL JOE!ni Joe Barrameda KAKAUWI lang namin from the red carpet premiere ng Broken Blooms na puno …

Maricel Soriano Randy Santiago

Randy gustong makatrabaho muli si Maricel

MA at PAni Rommel Placente PANGARAP ni Randy Santiago na sa susunod na taon ay makapag-record siya …

Tuesday Vargas

Tuesday ‘nabastos’ ng dalawang baguhan

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST ang komedyanteng si Tuesday Vargas sa kanyang Instagram account tungkol sa naranasan niya …

Daniel Padilla Paolo Ortiz

Rey Paulo Ortiz Daniel Padilla in the making

MASAYANG-MASAYA si Rey Paolo Ortiz sa pagkakatanghal sa kanya bilang 2022 Prince Tourism Ambassador Universe kamakailan na isinagawa ang …