NAIS IPAGBAWAL ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa Maynila ang pagsusuot ng face shield sa gitna ng pandemyang dulot ng CoVid-19. Ayon kay Mayor Isko, gagawin lamang niya ito kapag nabakunahan na ang mayorya ng mga Filipino at naabot na ang herd immunity. Sa ngayon, wala pa naman aniyang pangangailangan para ipagbawal ang pagsusuot ng face …
Read More »Masonry Layout
Mas mataas na pensiyon para sa senior citizens aprobado sa Kamara
INAPROBAHAN ng Kamara sa pangalawang pagdinig ang panukalang batas na itaas ang buwanang pensiyon ng senior citizens. Mula sa kasalukuyang P500 gagawing P1000 ang pensiyon ng seniors. Layunin ng House Bill 9459 na amyendahan ang Republic Act 7432, na nagbibigay benepisyo sa senior citizens. Bukod sa pagtaas ng pensiyon, layunin din ng panukala na bigyan ng mandato …
Read More »MECQ hazard pay sa gov’t workers aprub kay Duterte
INAPROBAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibigay ng hazard pay sa lahat ng government workers na physically ay nagrereport sa kanilang mga trabaho sa panahon ng modified enhanced community quarantine (MECQ) period mula 12 Abril hanggang 14 Mayo o 31 May. Sa pamamagitan ng Administrative Order 43, inamyendahan ni Duterte ang AO 26 na nagbibigay ng hazard pay sa …
Read More »DOE ‘mananagot’ sa brownouts sa 2022 elections (Power suppliers kapag hindi kinastigo)
ni ROSE NOVENARIO INAMIN ng Department of Energy (DOE) na puwedeng maranasan muli sa bansa ang rotational brownout sa araw ng halalan sa susunod na taon, 9 Mayo 2022, kapag hindi kinastigo ng pamahalaan ang power suppliers na lumalabag sa patakaran ng kagawaran. “Tinitingnan din natin from the Department of Justice kung ano ang nangyayari na puwede …
Read More »Ginang binaril sa leeg ng kapitbahay na pulis-kyusi
KAHINDIK-HINDIK ang kamatayan ng isang ginang na binaril sa leeg nang malapitang ng isang pulis na dati umanong nakasuntukan ng kanyang anak sa Brgy. Greater Fairview, Quezon City, kamakalawa ng gabi. Sa ulat kay Quezon City Police District (QCPD) Director, P/Brig. Gen. Antonio Yarra, ang napatay ay kinilalang si Lilibeth Valdez, 52 anyos, residente sa Sitio Ruby, Brgy. Greater …
Read More »Tiyuhin nagparaos sa dalagitang pamangkin, kalaboso
ARESTADO ang isang lalaki matapos ireklamo ng panggagahasa sa kanyang dalagitang pamangkin sa bayan ng Obando, lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes, 31 Mayo. Sa ulat mula sa Obando Municipal Police Station (MPS), kinilala ang suspek na si Ricky Mendoza, 44 anyos, residente sa Brgy. Panghulo, sa nabanggit na bayan. Nabatid na dinakip ng mga awtoridad ang suspek matapos …
Read More »4 Timbog sa P1.39-M shabu, 4 law violators arestado
KOMPISKADO ang tinatayang P1,394,000 halaga ng hinihinalang shabu na may timbang na 205 gramo habang arestado ang walong suspek na pawang may paglabag sa batas sa sunod-sunod na operasyon na isinagawa ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes, 31 Mayo. Ayon kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, nasasamsam ang 14 piraso ng selyadong plastic sachets …
Read More »Barangay officials ‘di puwedeng lumahok sa partisan politics (Kaugnay sa kumalat na sulat sa Bulacan)
PINAALAHANAN ni Senate Minority Leader Frank Drilon ang mga opisyal ng mga barangay na hindi sila maaaring pumasok sa partisan politics. Ginawa ito ni Drilon nang kumalat sa social media ang sinasabing sulat ng isang barangay chairman sa mga residente ng Brgy. Pagala, sa bayan ng Baliuag, lalawigan ng Bulacan na nagtatanong kung susuportahan nila ang kandidatura ni Davao …
Read More »Nominasyon kay Duterte ng PDP-Laban sa 2022, ‘di puwede balewalain (Bilang VP bet)
HINDI binabalewala at pinag-iisipan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang resolusyon ng ruling PDP-Laban na hinikayat siyang kumandidato bilang bise-presidente at binigyan ng kalayaang pumili ng kanyang running mate sa 2022 elections. Inamin ito ni Presidential Spokesman Harry Roque kahapon pero itinanggi ang akusasyon ni Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) secretary-general Renato Reyes, Jr., na may game plan si Pangulong Duterte …
Read More »Konstitusyon ‘tsinutsubibo’ ng kampo ni Duterte (Poder hindi bibitiwan)
ni ROSE NOVENARIO PARA sa political analyst na si Atty. Tony La Viña, walang malalabag na probisyon sa Saligang Batas sakaling kumandidatong bise presidente si Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022. Aniya, ginawa ito ng dalawang dating Pangulo ng bansa. Unang nangyari ito, nang kumandidatong kongresista si Gloria Macapagal-Arroyo para sa May 2010 elections bilang papaalis na Punong …
Read More »VFA extension wish ni Biden
UMAASA si US President Joe Biden na makahaharap nang personal si Pangulong Rodrigo Duterte sa Nobyembre sa idaraos na ASEAN-US meeting sa Brunei. Sa pagdiriwang ng ika-75 anibersaryo ng diplomatikong relasyon ng Filipinas at Amerika, sinabi ni Philippine Ambassador to US Jose Manuel “Babe” Romualdez, umaasa ang Amerika na mapalalawig ang Visiting Forces Agreement (VFA). “Sumulat na nga …
Read More »Canadian national hindi pinasakay sa Korean Airlines (RT-PCT swab test result expired)
SA LABIS na desperasyon, isang dayuhang Canadian national ang nagwala sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) departure area ng NAIA Terminal 1, iniulat kahapon. Nagalit umano ang dayuhan na kinilalang si Jim Robert, Canadian national nang hindi siya payagan sa check-in counter ng Korean Airlines para sa kanyang connecting flight patungong Korea at Canada. Pinagmumura umano ni Robert …
Read More »GCQ sa NCR Plus pinalawig (Hanggang 15 Hunyo)
INAPROBAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na palawigin ang general community quarantine (GCQ) sa National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal, o NCR Plus, simula ngayon hanggang 15 Hunyo 2021. Mananatili ang ilang restriksiyon sa NCR Plus na naglilimita sa kapasidad ng ilang industriya, batay sa kalatas ni Presidential Spokesman Harry …
Read More »“Duterte don’t” sa tweet ng ‘Diyos’ (Sa planong ekstensiyon ng ambisyong politikal)
ni ROSE NOVENARIO KUNG ang ruling PDP-Laban ay nagkumahog para magdaos ng council meeting para itulak si Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022 vice presidential bid, isang tweet lang ni ‘God’ ang naging tugon sa hirit na ‘divine intervention’ ng Punong Ehekutibo. Nagpasa ng resolusyon ang PDP-Laban kahapon para kombinsihin ang party chairman na si Pangulong Duterte na tumakbong …
Read More »Babaeng ROF natagpuang patay sa hotel (Habang nasa quarantine sa Cebu)
NATAGPUANG wala nang buhay ang isang babaeng returning overseas Filipino (ROF) na tubong Nueva Ecija habang naka-quarantine sa isang hotel sa lungsod ng Lapu-Lapu, lalawigan ng Cebu, nitong Linggo, 30 Mayo. Kinilala ni P/Col. Arnel Banson, hepe ng Lapu-Lapu City Police Office, ang namatay na si Geraldine Dasalya, 41 anyos. Nabatid na dumating sa bansa si Dasalya mula …
Read More »50k plus PNP, BFP ikinalat sa national vaccine rollout
MAHIGIT 50,000 tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Bureau of Fire Protection (BFP) ang itinalaga ng pamahalaan para matiyak ang maayos na daloy ng national CoVid-19 vaccine rollout sa bansa. Kasunod ito ng inaasahang pagbabakuna ng pamahalaan ngayong Hunyo sa 35.5 milyong manggagawa na nasa ilalim ng A4 category. Ayon kay Department of the Interior and Local …
Read More »Sugo ng kapayapaan inuubos
LALONG naging imposibleng buhayin ang peace talks sa panahon ng administrasyong Duterte dahil unti-unting ‘inuubos’ ang mga sugo ng kapayapaan o peace consultants mula sa komunistang grupo. Pinagbabaril sa mukha at katawan hanggang mapatay kamakalawa habang nagpapahinga sa duyan ang 80-anyos na si Rustico Tan, dating pari at dating peace consultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) …
Read More »21-anyos Rider nagulungan ng trak todas
HINDI nakaligtas ang isang 21-anyos na rider nang magulungan ng isang truck na nawalan ng kontrol sa minamanehong motorsiklo sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi. Patay agad ang biktimang kinilalang si Joseph Hilario, residente sa 1269 Bambang St., Tondo sanhi ng pinsala sa ulo at katawan. Habang ang driver ng Hino Truck, may plakang NAW-4677, kinilalang si Jumar Mariñas, 45 …
Read More »Kapitbahay ‘trip’ patayin, kelot tiklo 2 pang law breaker timbog
ARESTADO ang isang lalaking itinurong pumatay sa kanyang kapitbahay, pati ang dalawa pang suspek na may paglabag sa batas sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan hanggang Linggo ng umaga, 30 Mayo. Batay sa ulat na ipinadala kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, kinilala ang suspek sa pamamaslang ng kanyang kapitbahay na si Manuel …
Read More »Modern jeepneys tigil pasada sa Montalban
MONTALBAN, Rizal – Walang ‘dating’ sa Rodriguez local government ang abiso ng Land Transportation and Franchise Regulatory Board (LTFRB) na nagpahintulot sa mga operator ng modern jeepney sa nasabing lokalidad para sila ay pumasada. Ngunit inisyuhan ng tiket at ipana-impound ng Montalban Traffic Management Development Office (MTMDO) ang hindi bababa sa 20 pampasaherong unit ng mga modernong jeppney na kasapi …
Read More »Pulis patay sa baril ng kabaro (Naglaro sa inuman)
PATAY ang isang bagitong pulis makaraang pumutok ang pinaglalaruang baril ng kapwa pulis na kanyang kainuman sa Barangay Commonwealth sa Quezon City nitong linggo ng madaling araw. Sa ulat kay Quezon City Police District (QCPD) director BGen. Antonio Yarra, kinilala ang biktima na si P/Cpl. Higinio Wayan, 31 anyos, nakatalaga sa Kamuning Police Station 10. Sa imbestigasyon, nangyari ang insidente …
Read More »Scalawag na parak hulihin (Hamon kay PNP chief. Gen. Guillermo Eleazar)
SA MAIGTING na kampanyang ‘internal cleansing’ sa hanay ng pulisya, hinamon ng ilang sektor si Philippine National Police (PNP) chief Gen. Guillermo ‘Guillor’ Eleazar na hulihin, asuntohin, tanggalin sa serbisyo at ihoyo ang isang pulis na kilala sa tawag na ‘Bebet.’ Naniniwala ang grupo ng public sector crusaders sa hanay ng pulisya, kung magagawa ito sa nabanggit na scalawag, ang …
Read More »Duterte kinampihan si Cusi vs Pacquiao
ni ROSE NOVENARIO KINAMPIHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang itinakdang executive council meeting ng ruling political party PDP-Laban sa kabila ng pagkontra ni acting president Senator Manny Pacquiao. Inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque na inatasan ni Pangulong Duterte, bilang chairman ng PDP – Laban, si Energy Secretary Alfonso Cusi, vice chairman ng partido, na iorganisa at pangunahan ang pagdaraos …
Read More »Bilib ni duterte kay JPE, wa epek sa plunder case
TULAK ng bibig, kabig ng dibdib. Itinanggi ng Palasyo na magkakaroon ng epekto ang bilib ni Pangulong Rodrigo Duterte sa opinyon ni dating Senator Juan Ponce-Enrile sa isyu ng West Philippine Sea (WPS) sa hirit ng dating senador sa Sandiganbayan na ibasura ang kaso niyang plunder. Pero tila nagpahiwatig si Presidential Spokesman Harry Roque na dahil pansamantalang nakalalaya …
Read More »P35 oral vaccine vs Covid-19 kailangan ng pondo (Imbensiyon ng Pinoy priest)
KAKAILANGANIN ang pondo sa pagsusulong ng pag-aaral para sa naimbentong oral CoVid-19 vaccine ng isang klerikong Filipino na nakabase sa Amerika. Inihayag ni Department of Health Undersecretary Myrna Cabotaje, ang Chairperson ng National Vaccination Operation Center, suportado ng Department of Health (DOH) ang isang abot-kayang halagang yeast-based oral CoVid-19 vaccine na natuklasan ni Father Nicanor Austriaco ngunit kailangang ito’y …
Read More »