Tuesday , November 29 2022
The Beer Factory

The Beer Factory patok ang launching, pasado bilang bagong gimikan sa QC

MATAGUMPAY ang ginanap na launching ng The Beer Factory located sa Eton Centris in Quezon City (EDSA corner Quezon Ave.) last Saturday, October 15.

Hindi mahulugang karayom ang dami ng mga tao rito. Hosts ng naturang event sina Valeen Montenegro at Dianne Medina. Ang performers ay pinangunahan ng singer-actor na si Kean Cipriano, with Mayonaise, DJ Alondra Cleofa, Nobita, Loki, JROA, at Flow G.

Swak sa beer lovers ang The Beer Factory at tiyak na magiging paboritong tambayan din ito ng mga magbabarkada at mga bagets. Pasadong-pasado ito bilang bagong gimikan sa QC area.

Base sa FB post ni Katotong Jobert Sucaldito sa owner nito, “He’s still very young, heard he’s just in his late twenties pero super-successful na sa kanyang trading business. Galing sa hirap ang batang ito pero sa pagpursiging maabot ang kanyang mga pangarap – look where he is now! A very inspiring life story indeed!”

Congratulations sa owner na si CJ Quinzon, na napakabata pa pero isang matagumpay na businessman na. Ang sarap ng food nila, Malaysian cuisine ang ino-offer nila rito.

Nalaman din namin na dahil sa napakamatagumpay na opening ng kanilang The Beer Company sa Eton Cetris Branch, mag-o-open naman ang kanilang Makati Branch this coming December.

About Nonie Nicasio

Check Also

Charo Santos Christian Bables OTJ On The Job The Missing 8

OTJ: The Missing 8 Big Winner sa 5th The EDDYS; Charo at Christian Best Actress, Best Actor

WAGING Best Actress ang veteran movie icon na si Charo Santos habang Best Actor naman si Christian Bables sa …

Daniel Padilla Paolo Ortiz

Winner ng Prince Tourism Ambassador Universe 2022 na si Paolo gustong makatrabaho si Daniel

MA at PAni Rommel Placente GWAPO, mahusay rumampa, outstanding ang talent portion, at nasagot with …

Bianca Gonzalez

Bianca minsang naabuso sa isang relasyon 

MA at PAni Rommel Placente SA kanyang social media post ay ibinahagi ni Bianca Gonzales na noong …

Sean de Guzman Jake Cuenca Len Carillo Joel Lamangan Dimples Romana Tiffany Grey

Jake Cuenca napaiyak nang sabihing pang Best Actor ang acting sa My Father, Myself

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MARAMI ang pumupuri sa husay ni Jake Cuenca sa pelikulang …

Rhian Ramos Sampaloc

Rhian namigay ng pangkabuhayan sa mga mami sa Sampaloc

I-FLEXni Jun Nardo PANGKABUHAYAN ang handog na training ni Rhian Ramos sa single mothers sa Sampaloc, Manilang …