Saturday , November 16 2024

Masonry Layout

42-anyos rider todas sa Isuzu wing van

PATAY ang 42-anyos motorcycle rider na inararo ng isang delivery truck habang naka-red signal ang traffic light sa Makati City kahapon ng madaling araw. Dinala sa pagamutan ng mga tauhan ng Makati Rescue Team ang biktimang si Benedict Jose Gonzales Sungalon, residente sa nabanggit na lungsod ngunit binawian ng buhay. Pinaghahanap ang driver at pahinante ng Isuzu Wing van, may …

Read More »

1st dose ng bakuna tigil 2nd dose ng bakuna larga (Sa Parañaque City)

ITINIGIL pansamantala ng Parañaque local government unit (LGU) ang pagbibigay ng 1st dose ng bakuna kontra CoVid-19 kahapon, 29 Hunyo. Ipinaliwanag ng Public Information Office (PIO), nakatuon sila sa pagbibigay ng 2nd dose ngayong buwan ng Hunyo dahil sa pagtaas ng demand ng mga magpapabakuna, kaya naghihintay pa sila ng karagdagang alokasyon ng CoVid-19 vaccine mula sa national government. Mula …

Read More »

Bakunahan sa Taguig City nakabinbin  

HINDI muna itinuloy ng Taguig local government unit (LGU) ang pagbabakuna para sa 1st dose at 2nd dose ng Sinovac Vaccines. Sa abiso ng Taguig Public information Office (PIO) kamakalawa,  28 Hunyo 2021, simula ng tanghali itinigil ang pagtuturok sa mga naka-iskedyul gamit ang naturang bakuna dahil wala pang pahintulot ang Department of Health (DOH). Kaugnay nito, hindi nakapag-rollout ang …

Read More »

3 tulak timbog sa Kankaloo (P.2-M shabu kompiskado)

BUMAGSAK sa kulungan ang tatlong hinihinalang sangkot sa ilegal na droga nang makuhaan ng mahigit sa P.2 milyong halaga ng shabu sa magkakahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City. Ayon kay Caloocan city chief of police, Col. Samuel Mina, Jr., dakong 1:00 am nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni …

Read More »

No. 2 most wanted sa Malabon, naaresto ng NPD sa Rizal

NAGWAKAS ang pagtatago ng tinaguriang no. 2 most wanted person sa Malabon nang masakote ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) sa kanyang pinagtataguan sa Baras, Rizal. Kinilala ni NPD District Special Operation Unit (DSOU) head P/Lt. Col. Jay Dimaandal ang naarestong suspek na si Gian Carlo Padua, 31 anyos, residente sa Pineapple Road, Brgy. Potrero, Malabon City. Sa …

Read More »

Sa Navotas: Disimpektasyon tuwing Lunes sa palengke, grocery, talipapa

NILAGDAAN ni Navotas City Mayor Toby Tiangco ang Executive Order 139 Series of 2021 na pumapayag sa mga palengke, grocery stores, at talipapa  na mag-operate araw-araw maliban tuwing 1:00 – 3:00 pm tuwing Lunes para sa disimpektasyon. “Our COVID cases are decreasing that’s why we are easing some restrictions. However, we need to continue to be careful especially now that …

Read More »

Babaeng guro sa Quezon itinumba

BINAWIAN ng buhay ang isang babaeng public school teacher nang pagbabarilin ng hindi kilalang suspek nitong Lunes ng hapon, 28 Hunyo, sa bayan ng Sariaya, lalawigan ng Quezon. Sa ulat ng Sariaya police, nakaangkas ang biktimang kinilalang si Marilou Lagaya, 48 anyos, sa motorsiklong minamaneho ng kanyang pinsang si Maricel Surquia, nang pagbabarilin ng suspek na armado ng kalibre .45 …

Read More »

P50-M bagong gusali ng City College of Angeles pinondohan ng PAGCOR

NAKATAKDANG umpisahan ang kosntruksiyon ng bagong gusali ng City College of Angeles (CCA), may apat na palapag at 20 silid-aralan bilang donasyon ng Philppine Amusement Gaming Corporation (PAGCOR) sa pamahalaang lungsod ng Angeles, sa lalawigan ng Pampanga. Pinangunahan ni Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin, Jr., at PAGCOR Chairperson & CEO Andrea Domingo, kasama sina 3rd District Congressman Carmelo “Jon” Lazatin ll, …

Read More »

Singil ng koryente sa Pampanga tumaas Kapitolyo mag-iimbestiga  

VIRAL sa social media ang mga hinaing ng mga nag-aalborotong konsumer dahil sa biglaang paglobo, hindi ng mga kaso ng CoVid-19 kundi sa bill ng kanilang koryente. Umabot ito sa kaalaman ng Kapitolyo, sanhi para paimbestigahan ang nasabing isyu ng pamahalaang panlalawigan sa pamumuno ni Governor Dennis “Delta” Pineda. Nakatakdang magsagawa ng inquiry ang Sangguniang Panlalawigan sa pangunguna nina Board …

Read More »

Duterte kinasahan ni Pacquiao (Sa hamong corrupt ibisto)

ni ROSE NOVENARIO PINATUNAYAN ni Sen. Manny Pacquiao ang pagiging eight-division boxing champion nang hindi inurungan ang hamon sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte na isiwalat ang mga impormasyon hinggil sa korupsiyon sa ilalim ng kanyang administrasyon. Sinabi ni Pacquiao, nais niyang simulan ang pagbubulgar ng mga katiwalian sa administrasyong Duterte sa Department of Health (DOH) sa ilalim ni Health …

Read More »

Vaxx express ni VP Leni sa VisMin largado na (Davao City isasama kung hindi popolitikahin)

HATAW News Team KINOMPIRMA ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez na pinaplantsa na ang paghahatid sa kanilang lalawigan ng CoVid-19 Vaccine Express na programa ni Vice President Leni Robredo, inaasahang nasa 20,000 drivers ng trisikad, habal-habal, motorcycle, jeepney, taxi, at maging market vendor ang mabibigyan ng bakuna. Ayon kay Rodriguez, apat na lugar sa CDO ang inisyal na …

Read More »

2 tulak todas sa serye ng anti- narcotics ops (Sa Nueva Ecija)

HALOS magkasabay na binawian ng buhay ang dalawang pinaniniwalaang talamak na tulak ng ilegal na droga sa magkahiwalay na anti-narcotics operation na ikinasa ng mga awtoridad nitong Biyernes, 25 Hunyo, sa bayan ng Talavera, lalawigan ng Nueva Ecija. Ayon sa ulat ni P/Col. Jaime Santos, provincial director ng Nueva Ecija PPO, kay PRO3 Director P/BGen. Valeriano De Leon, nagsagawa ng entrapment …

Read More »

1 HVT, 3 kasabwat nakorner sa ops (Sa Angeles City, Pampanga)

SWAK sa kulungan ang kinahinatnan ng isang hinihinalang tulak na kabilang sa listahan ng high value individuals (HVIs) at ng kanyang tatlong kasabwat makaraang makuhaan ng halos P374,000 halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang anti-narcotics operation ng mga operatiba ng Angeles City DEU at PS4 nitong Biyernes, 25 Hunyo, sa Brgy. Malabanias, lungsod ng Angeles City, lalawigan ng Pampanga. Kinilala ni …

Read More »

Chinese meds kontra CoVid-19 ilegal na ibinebenta lalaki tiklo sa Cebu

arrest posas

NASAKOTE ang isang 25-anyos lalaking hinihinalang hindi awtorisadong mag­ben­ta ng mga gamot mula sa China na pinanini­walaang gamot sa CoVis-19 sa lungsod ng Cebu, nitong Biyernes, 25 Hunyo. Kinilala ang suspek na si Matthew Louis Christopher Ngo Po, sa isang buy bust operation na ikinasa ng mga operatiba ng Regional Special Operations Group (RSOG) nitong Biyernes ng hapon, sa Brgy. Apas, …

Read More »

14 violators arestado (Sa 24-oras police ops sa Bulacan)

NADAKIP ang 14 suspek na may paglabag sa batas sa serye ng police operations na ikinasa sa lalawigan ng Bulacan, mula Sabado hanggang Linggo ng umaga, 27 Hunyo. Gayondin, inaresto ang anim na drug peddlers sa isinagawang buy bust operations ng mga Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng mga pulisya ng Obando, San Miguel, at Malolos katuwang ang mga elemento ng …

Read More »

Pagtatanim ng kawayan isinusulong (Sa rehabilitasyon ng Manila Bay)

UPANG mapalakas ang rehabilitasyon ng Manila Bay, isinusulong ng Kaga­waran ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng Hermosa, sa lalawigan ng Bataan, ang pagtatanim ng mga punla ng kawa­yan sa kanilang nasasa­kupan. Layunin na magtatag ng 1.7 ektarya para sa babusetum at bamboo nursery upang ang mga uri ng kawayan na magpapatatag sa …

Read More »

Kubo ng ina sinunog ng mister ‘live’ sa social media (Misis hindi nagpadede sa anak)

fire sunog bombero

HABANG naka-‘live’ sa kanyang Facebook account, sinunog ng isang 18-anyos lalaking lango sa alak, ang bahay ng kanyang ina, matapos magalit sa kanyang kinakasama nang ayaw padedehin ang kanilang tatlong-buwang gulang na anak nitong Biyernes, 26 Hunyo, sa Brgy. Abognan, sa bayan ng Taytay, lalawigan ng Palawan. Ayon kay Fire Officer 3 Ericson Fernandez ng Taytay Municipal Fire Station, nakipagtalo ang …

Read More »

P1.3-M shabu nakompiska sa 2 drug pushers

shabu

MAHIGIT sa P1.3 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakompiska ng mga awtoridad ng Quezon City Police District (QCPD) mula sa dalawang drug pushers na naaresto  sa isang buy bust operation sa Brgy. Batasan, Quezon City kamakalawa. Sa ulat kay QCPD Director P/BGen. Antoinio Yarra mula  kay P/LtCol. Imelda Reyes, Station Commander ng Quezon City Police District (QCPD) Anonas Police Station 9 (PS-9), …

Read More »

Pekeng NBI arestado sa karnap at droga

arrest prison

KALABOSO ang isang negosyanteng nagpang­gap na National Bureau of Investigation (NBI) agent dahil sa kasong carnapping at pagda­dala ng hinihinalang ilegal na droga, at baril nitong Sabado ng gabi sa Pasay City. Kinilala ni Pasay city police chief, Col. Cesar Paday-os ang suspek na si Mark Rovel De Ocampo, 41 anyos, residente sa Meadowoods Executive Village, Bacoor, Cavite. Nahaharap sa kasong …

Read More »

Nanutok ng pellet gun sa traffic enforcer (Bus driver kulong)

gun shot

KALABOSO ang isang tsuper ng bus matapos tutukan ng dalang pellet gun ang isang traffic enforcer na sumita sa kanya dahil sa pagmamaneho ng tricycle na walang prankisa sa Malabon city, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni Malabon city police chief P/Col. Albert Barot ang suspek na si Roger Trabajales, ng Tolentino St., Tagaytay City, Cavite na nahaharap sa kasong Grave Threat …

Read More »

P1.3-B pekeng yosi, nasamsam 5 tauhan ng sindikato timbog sa sinalakay na factory

TINATAYANG nasa P1.3 bilyong halaga ng mga pekeng sigarilyo at mga materyales ang nakompiska, habang limang mga tauhan ng sindikato ang naaresto sa pagsalakay ng PRO3-PNP sa dalawang factory sa lungsod ng Mabalacat, lalawigan ng Pampanga, nitong nakaraang Huwebes, 24 Hunyo. Ayon kay PRO3 Director P/BGen. Vale­riano De Leon, dala ang mission order ay sinalakay ng mga kagawad ng Criminal and …

Read More »

Nationwide death squads pinalagan

ni ROSE NOVENARIO PUMALAG ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) sa panukala ni Pangulong Rodrigo Duterte na armasan ang civilian groups at anti-crime volunteers para tumulong sa mga awtori­dad na labanan ang krimi­nalidad dahil magrere­sulta ito sa walang habas na patayan. Sa kalatas ng KMP ay hinimok ang publiko na tutulan ang pakana ni Pangulong Duterte na gawing private army at …

Read More »

Saklolo ni VP Leni sa bakuna walang politika — Solon

HATAW News Team WALANG nakikitang masama si Cagayan de Oro (CDO) Rep. Rufus Rodriguez kung humingi man ng assistance ang local governmemt units (LGUs) sa Visayas at Mindanao kay Vice President Leni Robredo para mapalawig sa rehiyon ang kanyang programang CoVid-19 Vaccine Express. Sa panayam ng RMN network kay Rodriguez, ipinaliwanag niya na kapakanan ng mga residente ang prayoridad at hindi …

Read More »

‘Wattah Wattah’ festival tuloy sa San Juan (Basbasan hindi basaan)

INIANUNSIYO ni San Juan City Mayor Francis Zamora nitong Miyerkoles, 23 Hunyo, tuloy ang pag­diriwang ng lungsod ng taunang Wattah Wattah Festival ngayong araw, 24 Hunyo, sa gitna ng pandemyang CoVid-19 liban sa tradisyonal na basaan sa mga dumaraan at mga motorista. Nilagdaan ni Zamora ang Executive Order No.84 na nagbabawal sa tradisyonal na basaan sa pagdiriwang ng pista upang …

Read More »