Tuesday , March 18 2025
TVJ Phillip Salvador Helen Gamboa Sharon Cuneta Alma Moreno

Tito, Vic, & Joey, Phillip, Sharon, Alma, Helen pasok sa Icon Awards ng 5th EDDYS

SAMPUNG tinitingala at inirerespetong alagad ng sining ang bibigyang-pagkikilala sa gaganaping 5th The EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).

Tulad ng mga nagdaang taon, 10 mahuhusay at itinuturing na haligi ng industriya ng pelikulang Pilipino ang pararangalan ng SPEEd bilang mga Icon awardees ngayong 2022.

Ito’y para sa hindi matatawarang kontribusyon at pagmamahal nila sa movie industry sa loob ng mahabang panahon.

Ang 5th The EDDYS Icon honorees ay sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, Phillip Salvador, at Roi Vinzon. Kasama rin sa bibigyang-parangal ang mga de-kalibreng  aktres na sina Helen Gamboa, Divina Valencia, Elizabeth Oropesa, Sharon Cuneta, at Alma Moreno.

Para naman sa mga special awards ng ikalimang edisyon ng The Eddys ipagkakaloob ang Joe Quirino Award sa entertainment journalist at TV correspondent na si Mario Dumaual.

Ang scriptwriter at dati ring editor na si Eric Ramos ang tatanggap ng  Manny Pichel Award habang ang

Rising Producer Circle award ay ipagkakaloob sa Rein Entertainment.

Ang Viva Films naman ang napili ng SPEEd bilang Producer of the Year.

Para sa Isah Red Award, pararangalan naman sina Gretchen Barretto, Kris Aquino, Alfred Vargas; Kapuso Foundation, at Sagip Kapamilya.

Nauna nang inihayag ng SPEEd ang mga nominado para sa iba’t ibang kategorya ng 5th The EDDYS.

Maglalaban-laban para sa Best Film ang Arisaka (Ten17 Productions), Big Night, (IdeaFirst Company) Dito at Doon (TBA Studios); Kun Maupay Man It Panahon (Black Sheep, Globe Studios, Dreamscape Entertainment); at On The Job: The Missing 8 (Reality Entertainment).

Ang ikalimang edisyon ng The EDDYS ay ipiniprisinta ng Globe Telecom sa pakikipagtulungan ng Beautederm, NCCA, MET at sa suporta ng Tanduay, kasama rin sina Dr. Carl Balita of Dr. Carl Balita Foundation, JFV Rice Mill, at Bataan Rep. Geraldine B. Roman.

Katuwang din ng SPEEd sa pagdaraos ng The EDDYS ang Fire And Ice Media and Productions, Inc., ang kumpanyang itinatag nina Liza Diño at Ice Seguerra.

Magaganap ang ikalimang edisyon ng The EDDYS sa November 27 sa Metropolitan Theater (MET) na ididirehe ng OPM icon at award-winning singer-songwriter na si Ice Seguerra. Magsisilbi namang host ng event ang talent manager at premyadong TV personality na si Boy Abunda.

Ang pagbibigay ng award ng SPEEd ay isang paraan para hikayatin, lalong pataasin ang morale at patuloy na magbigay-inspirasyon sa Filipino filmma-kers, producers, writers, actors at iba pa na bumuo ng makabuluhan at de-kalidad na pelikula.

Ang SPEEd ay samahan ng mga entertainment editor ng major broadsheets at tabloids sa bansa, sa pangunguna niEugene Asis (ng People’s Journal) bilang presidente.

About hataw tabloid

Check Also

Ivana Alawi Fyang Smith Kathryn Bernardo Anne Curtis

Fyang Smith gustong makatrabaho sina Kathryn at Anne

MA at PAni Rommel Placente PURING-PURI ni Ivana Alawi ang ugali at personalidad ni Fyang Smith. Nag-enjoy si …

David Licauco Sanya Lopez

David at Sanya magsasama sa isang pelikula

RATED Rni Rommel Gonzales MUKHANG susubukin ang katatagan ni David Licauco bilang si Deacon Sam sa upcoming …

Alden Richards Kim Chiu Piolo Pascual

PMPC inihayag bahagyang listahan ng mga nanalo sa 38th Star Awards for Television

RATED Rni Rommel Gonzales MAGSASAMA-SAMA ang tatlong sikat at bigating Kapuso at Kapamilya artists na …

Janine Gutierrez Paulo Avelino Kim Chiu

Kim pinaratangan pinagseselosan sexy picture ni Janine

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MATAPOS ma-bash at maintriga nang husto si Kim Chiu dahil sa misinterpretation ng …

Vilma Santos Lito Zulueta Augusto Aguila Vilma Santos, ICON Essays on Cinema, Culture and Society

Libro ni Vilma na inilimbag ng UST Publishing box office ang bentahan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NASA Batangas kami last Saturday morning for a quick meeting sa …