Tuesday , December 16 2025

Masonry Layout

https://www.facebook.com/bingoplusph

QCinema Int’l Filmfest aarangkada na

QCinema International Filmfest 

MATABILni John Fontanilla MAS pinalaki, kapana-panabik, at mas pinaganda ang gaganaping 10th QCinema International Film Festival(In10City, A Decade of Intense Film Exprience). Mapapanood ang 58 films, six short films with 7 sections of full-length films, at 3 shorts programs simula sa Nov. 17-26, 2022 sa Gateway, Trinoma, Powerplant, Cinema 76, at SM North EDSA cinemas. Kasama rito ang 2 European films na tinatampukan …

Read More »

Concert King Martin Nievera solid Kapamilya pa rin

Martin Nievera

KAPAMILYA pa rin ang nag-iisang Concert King ng bansa na si Martin Nievera matapos pumirma ng panibagong kontrata sa ABS-CBN nitong Nobyembre 4 sa Amerika, bago ang live event ng ASAP Natin ‘Tosa Las Vegas. Para kay Martin, maituturing ang kanyang contract renewal bilang isa sa highlights ng kanyang 40th showbiz anniversary. Dahil dito, labis ang kanyang pasasalamat na manatiling Kapamilya para patuloy na makapagbigay …

Read More »

Jomari wagi sa Rally Sprint RS Open Category

Jomari Yllana Andre Yllana

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio SOBRANG proud ni Abby Viduya kay Jomari Yllana nangmaka-second runner-up sa Rally Sprint RS Open Category ng Paeng Nodalo Memorial Rally noong November 5 sa Subic Bay Freeport.  Matagal-tagal ding hindi nakapangarera si Jomari subalit hindi nakitaan ng paninibago ang aktor/politiko dahil masigla niyang natapos ang karera at nakakuha pa ng puwesto. Malaking bagay ang suportang ibinigay ni Abby kay Jomari …

Read More »

Boy, Ice sanib-puwersa sa 5th EDDYS Ng SPEEd

Ice Seguerra Boy Abunda EDDYS SPEEd

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TULOY na tuloy na ang ikalimang edisyon ng The EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) na magaganap sa November 27 sa Metropolitan Theater (MET). Ito ang pagbabalik ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa face-to-face event matapos ang virtual na pagdaraos ng 4th EDDYS nitong nagdaang 2021. Ang OPM icon at premyadong singer-songwriter na si Ice Seguerra ang magdidirehe ng ikalimang edisyon ng The EDDYS. …

Read More »

Veteran journalist, anti-Marcos activist, itinalagang PH ambassador to China

Jaime FlorCruz PH ambassador to China

ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ang isang beteranong mamamahayag at anti-Marcos activist bilang Philippine ambassador sa China. Nabatid sa record ng Commission on Appointments (CA), hinirang ni FM Jr., si dating CNN Beijing bureau chief at anti-Marcos activist Jaime A. FlorCruz, bilang bagong Philippine ambassador to China kapalit ng namayapang si Jose Santiago “Chito” Sta. Romana. Si FlorCruz, …

Read More »

Solons hinimok mag-ambag ng kontribusyong pinansiyal para sa mga naulila ni Percy

Kamara, Congress, money

HINIMOK ni Dasmariñas City Rep. Elpidio Barzaga, Jr., ang mga kasamahan sa Kamara na boluntaryong magbigay ng pinansiyal na tulong para sa mga naulila ng beteranong broadcast journalist na si Percival Mabasa, kilala bilang Percy lapid. Sa House Resolution No. 508, sinabi ni Barzaga, nararapat magbigay  ng tulong ang mga kongresista kasunod ng paglikom ng P5 milyong reward para sa …

Read More »

Hustisya sa iba pang biktima, ex-BuCor chiefs imbestigahan

media press killing

Sa panig ni House Deputy Minority leader at ACT Teachers Party-list Rep. France Castro kinakailangan matukoy ang tunay na mastermind sa pagpaslang kay Mabasa a.k.a. Percy Lapid maging sa ibang mamamahayag. “Let the judicial process run its course as murder raps were filed against suspended Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag and others in relation the killing of broadcaster …

Read More »

6-M bahay ititirik
LUPANG TIWANGWANG TARGET SA FM JR., PABAHAY

110822 Hataw Frontpage

NAKATAKDANG lagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ang isang executive order na magtatakda na ang mga lupang nakatiwangwang na pagmamamay-ari ng gobyerno ay ilaan para sa mga proyektong pabahay ng kanyang administrasyon. Makikipagpulong si FM Jr., sa mga banko at financial institutions upang tulungan ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na makamit ang target na pagtatayo …

Read More »

Kroma mag-a-adapt ng Korean series

Kroma

MATAGUMPAY ang isinagawang paglulunsad at paglalahad ng mga programa ng Kroma Entertainment, isang tradigital (traditional-digital) entertainment company kamakailan sa Kroma Overload event na isiangawa sa Circuit Makati. kasabay ang pagpapahayag ng kanilang mga plano sa taong 2023 kasama na ang pag-adopt ng Korean series at paglulunsad ng local version ng Complex, isang New York City based youth culture media brand. Nakikipag-ugnayan na …

Read More »

Unang nag-alok ng F2F classes
PRIVATE SCHOOL SA BULACAN NAGPALAWAK NG OPERASYON

Academia de Pulilan

PINALAWAK pa ang kanilang operasyon ng isang pribadong paaralan sa Bulacan na unang nag-alok ng limitadong face-to-face classes noong panahon ng pandemya. Ayon kay Rosalinda Guiao, school principal ng Academia de Pulilan, ang kanilang paaralan ay nagawang magpalawak ng operasyon sa taong ito sa kabila ng pandemic situations na naranasan ng bansa sa loob ng nakaraang dalawang taon. Nitong nakaraang …

Read More »

Gintong Kabataan Awards 2022, ginanap sa Bulacan

Bulacan Gintong Kabataan Awards 2022

“MULA noon hanggang ngayon, ang pagiging Gintong Kabataan ng Bulacan ay naging sagisag na ng dangal ng mga bagong henerasyon ng Bulakenyong itaguyod ang larangang kanilang kinabibilangan, habang patuloy na namumuhay bilang mapanagutang mamamayan ng ating bayan. Narito‘t kasama tayo ng mga marangal na kabataang gumagamit ng kanilang talento, katatagan, imahinasyon at may pagpapasya sa sarili upang umukit ng pangmatagalang …

Read More »

3 tiklo sa ilegal na pagawaan ng paputok

3 tiklo sa ilegal na pagawaan ng paputok

ARESTADO ang tatlo katao matapos maaktohang gumagawa ng paputok nang walang kaukulang permiso sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad sa Tandang Sora St., Green Breeze 1 Subd., Brgy. Pulong Buhangin, sa bayan ng Sta.Maria, lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado ng hapon, 5 Nobyembre. Sa ulat na ipinadala ni P/Lt. Col. Christian Alucod, hepe ng Sta. Maria MPS, kay P/Col. Relly …

Read More »

Business clearance para sa gumagawa’t nagtitinda ng paputok itinigil

paputok firecrackers

PANSAMANTALANG inihinto ng Brgy. Pulong Buhangin, sa bayan ng Sta. Maria, lalawigan ng Bulacan, ang pagbibigay ng business clearance sa mga gumagawa at nagtitinda ng paputok, dalawang araw matapos ang pagsabog sa isang ilegal na pagawaan ng paputok sa Sitio Manggahan, sa nabanggit na barangay. Naglabas ng resolusyon ang Sangguniang Barangay nitong Biyernes, 4 Nobyembre, na nagtatakda ng joint inspection …

Read More »

 ‘Cholera outbreak’ ikinabahala ng mambabatas

cholera

NAGPAHAYAG ng pagkabahala si Senador Jinggoy Ejercito Estrada sa paglobo ng mga kaso ng sakit na cholera sa iba’t ibang rehiyon sa bansa na umabot sa 3,729 mula noong Enero o may katumbas na 282 porsiyentong pagtaas kompara sa parehong panahon noong nakaraang taon. Bunsod nito, hiniling ng senador ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa Senado.  “Hindi bababa sa 33 katao ang …

Read More »

Para sa mas matatag na ekonomiya
NEDA PALAKASIN 

neda infrastructure

NAGHAIN si Senador Win Gatchalian ng panukalang batas na naglalayong palakasin ang kapangyarihan at tungkulin ng National Economic and Development Authority (NEDA) at gawing “institutionalized” ang pagpaplanong pangkabuhayan at pagpapaunlad ng bansa. “Hindi sapat na mayroon tayong national development plan. Upang mas maging epektibo ang pagpapatupad nito, dapat maging independent ang NEDA para sa isang integrated at coordinated na pagpapatupad …

Read More »

Sa ika-117 annibersaryo
1,000 REKRUT PARA SA BILIBID 

nbp bilibid

ISANG LIBONG rekrut sa layuning baguhin ang Bureau of Corrections (BuCOR). Kasabay ng ika-117 anibersaryo ng Bureau of Corrections (BuCor) ngayong araw, Lunes, 7 Nobyembre, magsasagawa ng job fair para sa 1,000 bakanteng puwesto. Ayon kay BuCor, officer-in-charge Gregorio Catapang, Jr., may 1,000 bakanteng trabaho ang nakahanda sa bureau para sa ‘new blood’ sa organisasyon na magsisilbing ‘nucleus’ ng ahensiya. …

Read More »

Fertilizer discount voucher, ipamamahagi sa magsasaka

farmer

MAMAMAHAGI ng fertilizer discount voucher ang administrasyong Marcos Jr., sa mga magsasaka upang palakasin ang kanilang rice production. Inihayag ng Malacañang ang updated guidelines para sa implementasyon ng fertilizer discount voucher project sa ilalim ng National Rice Program ng Department of Agriculture (DA). Alinsunod sa Memorandum Order 65, saklaw ng proyekto ang mga rehiyon sa buong bansa na nagtatanin ng …

Read More »

Sa IRR ng SIM registration
KONSULTASYON SA SUBSCRIBERS TIYAKIN – POE 

Sim Cards

DAPAT tiyakin ang malawakang konsultasyon sa mga stakeholder sa pagbuo ng implementing rules and regulations (IRR) ng Republic Act 11934 o Subscriber Identity Module (SIM) Registration Act, ayon kay Sen. Grace Poe.               “Hihintayin natin ang isang IRR na kakatawan sa diwa ng batas para mabigyan ang mamamayan ng depensa sa paglaban sa text scam at misinformation,” ani Poe, sponsor ng …

Read More »

Sa Sultan Kudarat
GURONG CARTOONIST PATAY SA TAMBANG 

110622 Hataw Frontpage

HINDI NAKALIGTAS sa kamatayanang isang guro matapos pagbabarilin ng hindi kilalang suspek sa Brgy. Pasandalan, bayan ng Lebak, lalawigan ng Sultan Kudarat, nitong Sabado ng gabi, 5 Nobyembre.                Kinilala ng pulisya ang biktimang si Benharl Kahil, 34 anyos, award-winning cartoonist, guro,  at coordinator ng special program in the arts ng Lebak Legislated National High School. Kilala si Kahil sa …

Read More »

OWWA, Arnel Ignacio, SWARM, OFWA

OWWA Arnel Ignacio SWARM OFWA

DUMALO si Overseas Workers Welfares (OWWA) Administrator Arnel Ignacio sa pakikipag-usap sa mga opisyal at miyembro ng Special Alliance of Welfare Officers, Advocates, Recruiters and Migrant Workers Inc. (SWARM) kasama ang iba’t ibang lider ng Overseas Filipino Workers Advocates (OFWA) sa isinagawang SWARM 3rd convention. Layunin nitong mapakinggan ang OFW advocates ukol sa kanilang mga problema at hinaing. Nananawagan si …

Read More »

Imee Marcos nakipag-bonding sa kids para sa buwan ng mga kabataan

Imee Marcos with Kids

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG birthday month ni Senator Imee Marcos ay sisimulan niya sa isang espesyal na vlog entry na ipinagdiriwang ang National Children’s Month this November. Ipalalabas ito sa kanyang official YouTube channel ngayong 5 Nobyembre (Sabado) at dito, makakasama ni Sen. Imee ang isang grupo ng mga kabataan sa isang intimate at masayang bonding session na …

Read More »

Jomari sasabak sa Paeng Nodalo Memorial Rally, aarangkadang muli sa acting

Jomari Yllana Paeng Nodalo Memorial Rally

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MULING aarangkada ang veteran actor na si Jomari Yllana sa racing circuit. Si Jom ang nasa likod ng gaganaping Paeng Nodalo Memorial Rally sa November 5-6 sa Subic Bay Freeport. Magsisilbi itong tribute kay Paeng Nodalo, isa sa mga haligi ng motorsports sa bansa, na nasa likod ng sikat na Mabuhay Rally. Si Jom na …

Read More »

Marianne Bermundo sa Dubai nag-birthday

Marianne Beatriz Bermundo

MATABILni John Fontanilla SADubai nagdiwang ng 15th Birthday ang 2021 Little Miss Universe na si Marianne Beatriz Bermundo  kasabay ng pagho-host ng 2022 Little Miss Universe at nagpasa ng korona sa Little Miss  Universe Canada na nagwagi ngayong taon. Ilan sa wish ni Marianne sa kanyang kaarawan ay ang magkaroon siya at ang kanyang pamilya ng malusog na pangangatawan at maraming proyekto na makakasama niya ang idolong si Catriona …

Read More »

DOST-SETUP beneficiaries visited

DOST-SETUP beneficiaries visited Feat

THE beneficiaries of the Dept. of Science and Technology-Small Enterprise Technology Upgrading Program (DOST-SETUP) were recently visited by DOST Region 10 official and the Publishers Association of the Philippines Inc. (PAPI). Led by Virgilio Fuertes of DOST X in cooperation with PAPI headed by president Nelson Santos, the duo visited the small and medium enterprises (SMEs) operators, the backbone of …

Read More »

Undas 2022 sa CALABARZON ‘generally peaceful’

cemetery

NAPANSIN ng PRO4-A (CALABARZON) ang pangkalahatang mapayapang paggunita ng Undas 2022 sa lahat ng lugar sa rehiyon, ayon sa mga ulat mula sa limang Police Provincial Offices. Batay sa monitoring na ginawa ng kanilang tanggapan, may kabuuang 326,923 pumunta sa 584 sementeryo at 44 columbarium sa rehiyon. Kapansin-pansing na walang naitalang marahas na insidente kaugnay ng Undas. Gayonman, nakompiska ng …

Read More »
Krystall Herbal Products and FGO Branches